Star-crossed

3432 Words
Oh sh*t! Sh*t!! "Ryan! Ryan! I'm so sorry! I have to wake you up! Dadating dito ngayon sa bahay si lola! Pasensya ka na pero you can't stay here tonight. Makaluma si lola kaya magagalit yun for sure pag naabutan ka nya dito sa bahay. Pasensya ka na talaga." Napabalikwas si Ryan at bumangon agad sa pag gising ko sa kanya. Nagmamadali naman akong magbihis habang nakatingin sa oras. 11:16 pm. Malapit na dumating si lola. "Hayaan na lang natin na mahuli nya tayo para ipakasal na tayo agad." Palokong sambit ni Ryan. "Tse! Ewan ko sayo! Don't say I didn't warn you. Mahigpit si lola. Baka mamaya imbis na kasal eh sa kulungan ka nya dalhin." Sabay bato ng kanyang underwear at pants. "I'm kidding, my angel. I understand. You don't have to explain." Hinalikan nya ako sa noo at nag umpisa nang magbihis. Maya maya ay sumilip ako sa labas. Buti naman at tahimik na at madilim. Wala na ding anino ng mga chismosa. Sinilip ko ang mga bahay na katabi namin. Mukang tulog na. Madilim at patay na ang mga ilaw. Inaya ko si Ryan at ihinatid sya hanggang sa labasan ng aming Village. Mabuti na lamang at mayroon pang mga taxi na dumadaan sa labas ng aming Village. Pumara kami at nakasakay agad si Ryan. Maya maya lamang ay may tumigil na taxi sa aking harapan. Anlakas ng kabog ng aking dibdib. Mission accomplished. "Apo! Bakit narito ka? Disoras na ng hatinggabi! Inantay mo pa siguro ako. Halika sumakay ka na sa loob para hindi mo na lakarin pabalik sa looban." Saktong sakto ng makaalis si Ryan ay sya namang dating ng aking lola. "Kasi lola madilim na at baka maligaw ka pa. Di ba last time, lumagpas ka at napunta sa kabilang street kaya inabangan na kita dito." Palusot ko sabay pasok sa loob ng taxi. Nice save, Maria. "Bakit bigla ata kayong napauwi lola? Sana ako na lang ang pinauwi mo sa probinsya kesa nagbiyahe ka pa ng malayo." "Naku, apo, alam kong busy ka sa pag aaral mo. Namiss lang kita kaya napadalaw ako. Hindi naman ako magtatagal. Tsaka naaalala mo pa ba si Belen? Yung nanay ni Inday, yung kababata ng mama mo, dito sa Maynila nagpapagamot kaya naisipan kong dalawin. Balita ko malapit lang sa lugar natin ang inuupahan nila." "Opo la, naalala ko pa si Aling Belen. Anu daw ang sakit nya? Hindi ko alam dito na din pala sila tumutuloy sa Maynila ni Tita Rachelle. Akala ko nasa probinsya pa din sila." "Stage 3 lung cancer daw. Ang nakakagulat pa eh sa tagal naming magkakilala, alam kong kahit isang beses ay hindi tumikim ng sigarilyo si Belen. Balita ko two months na syang nag ki-chemo at mas gumaganda na ang lagay." "Nakakalungkot naman." "Ganun talaga ang buhay, apo. Madalas hindi patas. Gugulatin ka na lang bigla bigla ng mga pangyayari, at kung hindi ka handa, matutumba ka. Kaya dapat laging nakahandang lumaban, para kahit anumang ibato sayo ng mundo ay kayang kaya mong ibato pabalik." Pinisil nya ang aking kamay. Nakarating kami sa bahay at tinulungan ko syang dalhin ang kanyang gamit sa loob ng bahay. Inalok ko sya ng makakain ngunit pagod na daw sya at antok sa byahe kaya naman inihanda ko na ang silid na tutulugan nya. Ihinanda ko naman ang aking uniporme at mga gamit para bukas. Chineck kong muli ang aking cellphone. Napakaraming unread messages mula kay Ryan, Tracy, Janus, Stefan at mga messages sa group chat ng buong klase. Binuksan ko ang messages ni Tracy. 'BEEESH!!!? ANU NANG KAGANAPAN? Bali balita dito ang pagpunta ng Prince Charming mo kanina! OMG! Di ko manlang na sight kasi hinatid namin kanina si Andie sa airport. Sayang!' 'Details bukas ha!' 'Nagulat din ako besh, slr, andito nga pala si lola. Kadarating dating lang ngayon.' 'Nytie besh. :x' reply ko sa chat ni Tracy. Sunod ko namang binuksan ang kay Ryan. 'Just got home. U asleep?' 'Sleep well tonight with ur lola.' 'Hope to meet her soon. :-*' 'Sweet dreams, Ryan.' Binasa ko din ang chat ni Janus. 'Teh pakopya ako ng assignment mo bukas sa Nihonggo ah. Arigatou gozaimasu!' 'NP Janice :-x' Pinakahuli ang mga unread messages ni Stefan nung mga nakaraang araw. 'Maria. Hanggang kelan tayo ganito?' 'San ako nagkamali?' 'Kausapin mo naman ako.' 'Aantayin ko pag handa ka na. Pero sana naman wag mo kong iwasan.' Tama sya. Wag nang palakihin at pakomplikahin pa. Maganda sigurong magkausap kami para maayos na ang lahat. Kinaumagahan ay nagising ako at naamoy ang paborito kong luto ni lola na adobong manok. Tamang tama naman na sa hapon pa ang aking klase sa araw na iyon. "La, ambango naman nyan nakakagutom agad!" "Malapit na kong matapos dito, apo. Kumain ka na agad at mag aasikaso lang ako ng isusuot at gagayak na din mamaya." "Ngayon na ba kayo dadalaw kay Aling Belen? Samahan na kaya kita, la? Mamaya pang hapon ang pasok ko." Pumayag naman si lola na samahan ko siya. Naghanda na din ako para sa aking klase mamaya. "Hi! Good morning! Papasok ka later?" Chat ko kay Ryan. Ping! "Good morning, my angel. Yup, pero baka late na. May konting aasikasuhin lang ako sa café." Ayan na naman tayo sa aasikasuhin. Speaking of, naayos na kaya ang problema nya at ni Diana? "Y? Any problems?" Tanong ko sa kanya. "Nope. Everything's fine. Bigla lang nagquit yung part-timer kaya naghahanap ako ng ipapalit. In the meantime, tinutulungan kong magmanage yung rest of the staff and assistant manager." "If you want, maybe, I can help?" Alok ko sa kanya. "It's fine, my angel. Thank you for volunteering, but I don't want to get in the way of your studies. Di ba sabi ni lola importante ang edukasyon." Paloko nya saking sinabi. Aba naalala nya pa ah. "Okay, understood. But message me if you need help, 'kay?" "Thank you so much :-* ur so sweet. IMY." "IMY too :-*." kinikilig kong reply sa kanya. "Btw, lola and I are gonna drop by the hospital later. Bibisita lang sya sa old friend nya." Sabi ko kay Ryan. "Want me to pick you up l8r?" "No. Thanks. I'm fine. See you at school! :x" "Aba mukang masaya ang apo ko ah." Loko sa akin ni lola. "Ay hindi naman, la. Naglolokohan lang kami ni Tracy." Palusot ko. Naluto na ang pagkain at tinulungan kong mag sandok at maghain ng pagkain sa mesa si lola. Nakaupo na kami at nag uumpisang kumain ng para bang may cue at biglang pasok si Tracy sa bahay. "Lola Karing! Kamusta na po kayo?! Namiss ko po kayo!" Sabi ni Tracy sabay mano sa aking lola. "God bless you, iha. Eto, awa ng dyos malakas pa naman. Ang laki laki mo na iha! At ang ganda ganda. Parang kelan lang. Nasan na ang mga magulang mo at kapatid mo? Si Stefan?" "Hello po lola, magandang umaga! Namiss ko din po kayo." Bati ni Stefan na nasa likod ni Tracy. "Kamusta na din, iho. Aba, napakagwapong bata. Bagay na bagay talaga kayo ng apo kong si Maria. May girlfriend ka na ba, iho? Kung wala, ligawan mo na ang apo ko. Binibigay ko na ang basbas ko." Sabay beso sa dalawa. Lola naman!! Daig ko pa binugaw eh. Halos mabilaukan ako sa sinabi ni lola. Si Stefan naman ay napatawa na lang at napatingin sa akin. Napaubo ako at dali daling uminom ng tubig. Namula sa hiya ang aking pisngi. Inabot nya ang isang Tupperware na may laman na peach cobbler pie na specialty ng mama nila ni Tracy kay lola. "Pinapaabot po ni mama at papa. Pasensya na daw po at di sila nakapagpaalam kasi maaga po ang pasok nila." Ani Stefan. "Ay nag abala pa kayo. Maraming salamat dito. Naalala pa nila na paborito ko ito. Tara dito na kayo mananghaliang dalawa. Sabayan nyo na kami." "Okay lang po kami Lola Karing." Sabi ng dalawa na nahihiya pang lumapit. "Ay, sus ginoo, wag na kayong mahiya. Tara na dito't umupo. Maria, ikuha mo sila ng plato." Tumayo ako at inaya si Tracy na umupo. Nagkatinginan lng kami ni Stefan na tinanguan ko lang. Dali dali naman silang umupo habang kumukuha ako ng plato sa kusina. Naalala kong dalawa lang ang nakatabi kong plato sa tauban at gamit gamit na namin ni lola iyon. Ang iba nga pala ay nakatabi sa taas na drawer sa kusina. "La, nakatabi nga pala yung mga plato natin sa lagayan. Antaas ng lagayan mo, la." Sabi ko habang inaabot ang mga platong nakatabi sa drawer na mataas. Bigla kong naramdaman ang init ng matigas na katawan sa aking likuran. Bumilis ang t***k ng aking puso. Humarap ako at bumangga ako sa matikas at matipunong katawan ni Stefan. Inabot ni Stefan ang mga plato at ibinigay sa akin. "S-salamat.." mahina kong sambit. Tumitig lang sya sa mga mata ko at wala syang naging imik. Naramdaman kong namula na naman ang aking mukha. Bumalik sya agad sa kinauupuan nya. Huminga ako ng malalim at hinugasan ko muli ang mga plato at pinunasan saka dinala sa hapag kainan. Get a grip, Maria! May Ryan ka na hoy! Maya maya lang ay natapos na kaming kumain. Nagpaalam na din ang dalawa. Sumenyas sakin si Tracy na magchachat sya sa akin at tumango naman ako. "Ang gwapo gwapo na ni Stefan, ano, apo?" "La naman! Pakiramdam ko binubugaw nyo na po ako eh. Anong gwapo dun eh isip bata un!" "Hay, naku apo, bata pa lang kayo, alam ko ng matagal na syang may gusto sayo. Halos nasubaybayan ko na ang paglaki nyo at alam kong mabait at matino syang lalaki, Maria." Naalala ko ang kabataan naming tatlo. Madalas kaming naglalaro noon nila Tracy ng mga larong pambata. Pag nakakaaway namin ang panganay na anak ni Aling Nenita, lagi kaming ipinagtatanggol ni Stefan. Parang kelan lang ay nagtatawanan pa kaming tatlo ng madapa sa may kanal ang kalaro naming si Joshua. Daig pa namin ang three musketeers dahil hindi kami mapaghiwalay at sa dami ng mga adventure at kalokohan na pinag gagagawa namin noon. Naalala ko din kung pano ako binuhat sa likod ni Stefan ng malaglag ako sa malaking puno ng mangga sa loob ng village habang nanghuhuli kami ng mga salagubang na plano naman naming ibenta ni Tracy sa iba naming mga kalaro. Naging parang kapatid ko na din sya at parang kuya. Pero ng kami ay mag high school, doon na nag umpisa magbago ang lahat. Hindi na sya masyadong sumasama sa lakad namin ni Tracy. Nagkaron na din sya ng sariling mga kaibigan. Unti unting nawala ang closeness na dati ay meron kami. Nagpapansinan pa din kami at nag aasaran pero para bang may linya na sa aming pagitan. Isang linya na tinawid namin kamakailan lang. Kung alam mo lang po, la. Siya po ang unang nagpatikim sakin ng ipinagbabawal na putahe ng panginoon. Ping! 'Besh! Di mo pa nasasabi kay lola mo na may jowa ka na?' 'Naku buti na lang di ako nadulas kanina XD' chat sa akin ni Tracy. 'Naku besh di pa eh, baka isipin ni lola wala lang sya, kumerengkeng na ko. Tska humaling na humaling sya sa idea na kami ang magkatuluyan ng kapatid mo.' 'Luh. Seryoso ba si lola!?! Eew bat naman kay kuya pa. Sabihin mo madami pang mas matinong lalaki jan sa paligid. Yung hindi kamo isip bata. Ha ha ha!' 'Onga besh. Alis muna kami ;) punta lang kami saglit sa hospital.' 'Oh, bakit? May sakit ba si lola?' 'Hindi. Yung kaibigan nya bibisitahin lang namin. Tapos papasok na din ako sa school. Ikaw, wala kayo pasok ni Mark?' 'Ay wala. Bukas pa schedule namin. May date kami mamaya. ;-p' 'Sana all nakakapag-date.' 'Bakit? Wala ba kayong ganap ni Prince Charming? Ipakilala mo na kasi ng ma legal na!' 'Naku busy sya sa café nya. Tska hirap dumiskarte andito pa si lola. Di ko pa napapakilala eh. Naku alam mo naman si lola mejo strikta yun lalo pag di nya pa kilala.' 'Ay oo nga pala. Basta sabihan mo lang ako pag need mo ng help, beshy ;-) love ya! :-x' Nakarating kami sa hospital at nagpaalam ako kay lola na mauuna na sa klase. Nagkamustahan kami saglit ni Tita Rachelle pero hindi ko na nakita si Aling Belen dahil nasa loob pa ng treatment room. Dumating ako sa aming State University at naglakad papasok ng entrance. Wala pa ang sasakyan ni Ryan sa parking. Wala pa sya. Baka busy pa din. "Teh! Pakopya ko ng notes mo tska assignment mo! Kaloka naputulan kami ng internet kahapon, di pala nakapagbayad si mudrakels kaya ayun di ako makapagsearch." Ani Janus. "Sure. No problem." Inabot ko naman sa kanya ang notes ko sa Nihonggo at nag umpisa na syang magsulat. Nakagawa kaya ng assignment si Ryan? Kumuha ako ng spare na filler at iginawa ko din sya ng notes at assignment in case wala syang nagawa ay may maipapasa sya. Teka, hindi ko pala sure kung may Nihonggo class din sya. Itatanong ko nga. "Hey, still busy? Just wanna ask if you're also taking Nihonggo classes? May assignment kasi tayo." Ping! Aba ambilis magreply. "I'm fluent in Nihonggo, Mandarin and Korean, my angel. I don't need to take those classes anymore. Remember my bestfriend, Aki? He's half-British, half-Japanese. He taught me how to speak Japanese. Wow. Ikaw na talaga, Ryan. "Thanks for looking out for me, though. I'm still stuck with today's shift dito sa café. "I'm sorry, Ria, I don't think I can make it to school today. I'll make it up to u l8r, 'kay?" Awww. How sad. Miss na miss na kita. "It's okay. Just let me know if you need help, 'kay?" reply ko sa kanya. Inaantay ko ang reply nya ngunit seen lang ito. Mukang busy na talaga sya. Itinago ko ang aking cellphone sa aking bag at maya maya lang ay dumating na ang aming Prof at nagsimula na ang klase. Gabi na nang matapos ang aming klase. Nagpaalam na kami ni Janus sa aming mga kaklase at sabay naglakad palabas ng klase. Nang makarating kami sa may parking area ay nakita ko si Ryan. Naririnig ko sa paligid ang mga kinikilig kong kaklase. "Ay ikaw na talaga teh! Ambonga! May pa flowers pa si Oppa! O sya teh, kailangan ko nang lumarga at baka maiwan ako ng huling byahe sa jeep. Bye! Muah!" Sambit ni Janus. "Ingat ka! Muah!" Sabi ko habang kumakaway sa kanya. Naglakad ako papalapit kay Ryan at inabot nya sa akin ang bouquet ng white roses. Humahalimuyak ang mga ito. Napakabanayad ng amoy sa aking ilong. "Thank you! These are lovely!" "Not as lovely as you, my angel." Sabay halik sa likod ng aking palad. "Nagdinner ka na?" Tanong ko sa kanya. "Hindi pa. Ikaw? Wanna grab a bite before we hit the road?" "Sure! I know a place!" Sabi ko kay Ryan. Nagdrive sya at maya maya pa ay narating na namin ang Stark Roast. Isang sikat na chicken restaurant malapit sa aming school. Pinaka famous ang kanilang Garlic Parmesan at Spicy Buffalo unli wings. Maya maya ay kinuha ni Ryan ang aming order na unli wings at sinimulan ng kumain. "Hmmm. Ang anghang. Hah! Hah!" Sabay paypay sa aking bibig. "Patikim ako?" Tumabi sa akin si Ryan at inalok ko ng hawak kong Spicy Buffalo wings. Ibinaba nya ang kamay ko at hinalikan ang maanghang at mapula kong labi. "Hmmm. Masarap. Hot, spicy and sweet." Nagulat ako sa ginawa nya at napainom ako ng iced tea. Nararamdaman kong kasabay ng pagpula ng aking labi ay ang pagpula ng aking pisngi sa anghang ng aming kinakain pati na din sa halik ni Ryan. "I missed you, my angel. I want to spend the night with you." Hinawakan nya ang aking kaya sabay pisil. "I missed you too, Ryan. I want to spend the night with you, too, kaso hindi pwede. Magtataka si lola. Mag aalala yun." "It's okay, my angel. I just want you to know how I feel." "If you want, let's make it official with lola. Ipapakilala kita tomorrow? What do you say?" "Magugustuhan nya kaya ako?" Kinakabahan nyang tanong. "Oo naman noh! Yang gwapo mong yan. Tapos matangkad at mabait pa. Naku dalhan mo lang sya ng paborito nyang peach cobbler huling huli mo na agad ang kiliti nya. Baka ipakasal na agad tayo nun." Biro ko kay Ryan. "Bakit ngayon mo lang sinabi, my angel? Naku kahit bumili pa ako ng isang store na nagtitinda ng peach cobbler." Paloko nyang sabi sa akin. "Maiba ako, how's work today?" "Hmmm..so so. Puro interview lang ako sa mga potential part-timers. Half of them showed up late and unprepared. Wala pa din akong napipili. Tomorrow, I have four applicants na i-interview-hin." Nothing out of the ordinary? No crazy ex-girlfriend showing up at work, making a scene? No Diana? Para bang nababasa nya ang nasa isip ko. "If you're worried about Diana, she already left the country yesterday. Aki took her with him." "What?! No! I'm not worried about her!" Depensa ko sa kanya. "Then why do you look bothered?" Natatawa nyang tanong. "Bothered ka jan! Hindi ah!" Sabay hair flip a la Janus. Nagtawanan kaming dalawa ni Ryan habang kumakain. Hindi namin naubos ang unli wings kaya pinatake out namin ito kasama ng mga iced tea drinks na complementary sa meal namin. Naglakad lakad saglit sa may park sa tapat ng Stark Roast chicken restaurant. Magkahawak ang aming kamay at nag uusap tungkol sa mga random na bagay sa aming buhay. Naikwento nya na bago umalis ang kanilang pamilya ay dumanas ng depresyon ang kanyang ina sa hindi malaman na dahilan. Naikwento ko naman ang masayang childhood memories ko kasama si Tracy. Hindi ko namention si Stefan at mukang low key na seloso itong si Ryan at ayoko din pagmulan pa ito ng away. Naikwento din nya sakin kung paano sila nagkakilala ni Aki at kung paano sila naging magbestfriends sa Canada. "Time to go home!" Pagcheck ko sa aking relos ay mag aalas otso na ng gabi. "Hatid na kita." Hindi na ako tumanggi pa at sumakay sa kanyang kotse. Nakauwi na kaya si lola. Siguro nasa bahay na iyon at gabi na din. Nakarating kami sa bahay at iniabot sakin ni Ryan ang aking bag sa back seat. Inabot din nya sakin ang take out na chicken wings at iced tea ng biglang bumuka at tumapon sa pantalon nya ang isang cup ng iced tea. "Oh no! Tara pasok ka muna sa bahay! Malagkit pa naman yan." "It's okay, my angel. May extra pants naman ako sa backseat. Palit na lang ako mamaya sa may Café." "I insist. Nandito ka na din naman. Dito ka na magpalit ng pants. Buti na lang at walang natapon sa car seat." "Okay sige. Let me just grab my spare pants." Pumasok kami sa loob at tahimik ang bahay. Sinilip ko sa kwarto si lola at tulog na ito. Hayy buti na lang. Sinenyasan ko si Ryan na huwag maingay at tulog na si lola at pinadiretsl sa CR. Nagpalit sya ng pants at ng makalabas sya ay nagulat ang mga mata nya. "Anong ginagawa mo dito!?" Sigaw ng aking lola. "Lola, I can explain. Natapunan ko sya kanina ng iced tea kaya pinagpalit ko muna sya ng bihisan." Nanlilisik ang mata ni lola kay Ryan. Nakakatakot dahil ngayon ko lang nakita na ganito si lola. "Magandang gabi po, Lola, pasensya na po ganito tayo nagkakilala, ako po pala ang boyfriend ng apo ninyong si Ria, si Ryan po. Naaalala nyo pa po ba ako?" Nahihiyang sabi ni Ryan. "Paano ko naman makakalimutan ang mukang yan! Kamukang kamuka mo sya!" Pasigaw na sagot ni lola. "La, wag nyo naman po sigawan si Ryan. Wala naman po kaming masamang ginagawa." Pakiusap ko sa aking lola. "Wala nga syang masamang ginawa apo! Pero kahit kelan hinding hindi ko mapapatawad ang pamilya nya! Kung ako sayo iho ay umalis ka na kesa makaladkad pa kita palabas!" "Lola naman! Wag naman po kayong ganyan kay Ryan! Wala po syang masamang ginawa satin, la. Nagmamahalan lang naman kami. Ano bang ibig nyong sabihin, la." "Ria, it's okay. Uuwi na ako. Magandang gabi po sa inyo, lola." Lumabas si Ryan sa aming bahay. Namumula ang aking pisngi sa hiya at naluluha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit ni lola kay Ryan. Ihinatid ko sya sa may gate. Nakasilip ako sa labas habang papalayo ang kotse ni Ryan. "Panahon na siguro para malaman mo ang totoo, Maria." Abangan ang susunod na kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD