Mukhang nakikipagpalisaghan ang ingay na dulot ng t***k ng kanyang puso sa ingay ng speed boat na kanilang sinasakyan. "Can you keep your hands to yourself?" pilit niyang inaalis ang kamay ni Roose sa kanyang beywang kaya lamang ay mahigpit ang kapit nito sa kanya, para namang makakatakbo siya sa ibabaw ng tubig palayo dito. "Ayoko. Ang tagal kong hinintay ito." walang hiyang sagot nito sa kanya. She grew tired resisting, iniwas na lamang niya ang kanyang mukha dito. Tumingin siya sa dagat, maya –maya pa ay naramdaman niya ang ulo ni Roose na humihilig sa kanyang balikat. "Pwede ba , lumayo ka nga ang init!" reklamo niya dito. Hindi rin talaga siya komportable, para itong bata kung makalingkis sa kanya. Sa tingin niya nga mas naging malala ito. "Sungit pa rin talaga."natatawang sabi ni

