...
Venee was expecting that the guidance office will call her that morning but it didn't happened. Hindi pumasok si Aleya, marahil ay hiyang-hiya pa rin sa nangyari kahapon. Hindi niya kasi ito napansin sa kumpulan ng mga kaibigan nito na nakapaligid kay Antonette. Nakita niya rin na binabawalan ni Antonette ang mga kaibigan nito, halata rin ang pag-iwas ng tingin ng kanilang babaeng professor, ganoon ba talaga siya nakakatakot talaga?
The class went well with her ignoring their harsh judgement, mayroon namang iba na wala ring pakealam. Paglabas niya ang nakita niya si Hel na nakasandal sa gilid ng kanilang classroom. Iinisin na naman ba siya nito? Hindi pa ba sapat ang ginawa niya kanina? Muntik niya nang malimutan na kaibigan nga pala nito si Antonette na kaklase niya. Inirapan niya na lamang ito nang akma siyang tatawagin. Kunwari hindi niya ito narinig. Nagpatuloy siya sa paglalakad, papunta sa kaniyang susunod na subject.
Pagpunta niya sa kabilang building ay wala pang estudyante sa loob, pumasok na lamang siya para maghintay doon. Ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa ring dumarating ni isang kaklase para sa subject na iyon. Kinuha niya ang phone at binuksan ang messenger, wala namang notifications ang section nila doon, unless may ibang group chat na hindi siya sinali. Tumayo muna siyang muli para lumabas, puputi na ang kanyang mata pero kung walang darating, wala talaga.
...
"Ang sungit talaga." Bulong ni Hel sa sarili, tinawag niya pero hindi man lamang siya pinansin? Sobrang naapakan na nito ang kanyang kagwapuhan , medyo durog na durog na ang kanyang pride. Susundan niya sana ito ng harangan siya ni Antonette. Nakangiti ito sa kanya, siya naman ay hindi alam kung ngingiti o ano. Bakit hindi niya maramdaman ang kasiyahan dati sa tuwing nakangiti ito sa kanya?
"Okay ka na ba at pumapasok ka na?" tanong nito sa kanya. Minuwestra niya ang kanyang dalawang saklay.
"Nakakalakad na gamit ang dalawang ito." Tukoy niya sa kanyang saklay. He can't look at her that long, naalala niya ang huling usap nila. Their last conversation that broke his heart. Ang sakit, imagine ang babaeng gusto mo, hinihiling na tulungan siyang makuha ang nagugustuhan nito. Napansin niya ang mga kaklase nito na sa ibang direksyon pumunta , taliwas sa pinuntahan ni Venee papunta sa kanilang susunod na klase.
"Let's go Antonette." Yaya ng kaklase nito.
"Mauna na kayo sa AVR." Napakunot ang kanyang noo dito, baka marahil hindi alam ni Venee na ang kanilang susunod na klase ay sa ibang room gagawin. Of course he knew, because it was Antonette's schedule. Pero pwede rin na alam ni Venee pero may pupuntahan lamang itong iba.
Either way, he felt uneasy.
"Got to go." Paalam niya dito, nilingon niya si Antonette nang muli siyang tinawag nito, kaya lamang ay wala naman itong sinabi kaya tuluyan na siyang umalis. Kagaya ng kanyang inaasahan , mag-isa lamang si Venee na nasa room na iyon, wala nga itong ideya na sa ibang lugar gaganapin ang kanilang klase. Buti at naabutan niya pa rin ito kahit na mabagal siyang maglakad dahil sa kanyang kondisyon.
"Sa AVR ang next class nyo." Sabi niya dito, napakunot ang noo nito, may sinabi pero hindi niya naman naintindihan.
"Why are you following me?" tanong nito nang mapansing nakabuntot pa rin siya. Hanep talaga na babae, hindi man lamang marunong magpasalamat, kung hindi dahil sa kanya, magmumukha itong tanga na nakaabang lamang sa room na iyon. Ni hindi niya man lamang ito makitaan ng konting utang na loob. Ikamamatay ba nito kung magpapasalamat sa kanya? Tsk.
"Bakit ba ang sungit mo?" binilisan niya ang kilos para makatapat ito.
"Ikaw? Bakit ang kulit mo?" balik tanong nito sa kanya." Bakit mo ba ako sinusundan?" dagdag tanong nito... bakit nga ba kasi ?
"Ano.." hindi siya makahanap ng salitang idudugtong doon, paalis na ito pero , palabas ng building ang pinupuntahan nito. Nakasunod pa rin siya hanggang sa makapunta ito sa parking lot.
"Where are you going?" may klase pa ito pero bakit aalis na, tamad itong tumingin sa kanya saka may hinagis na kanya rin namang sinalo. Susi iyon ng sasakyan nitong gamit.
"Kaya mo pa rin namang magdrive diba?" Matapos sabihin nito ay pumasok na ito sa passenger seat ng kotse, siya naman ay nailing na tinungo ang driver seat. Nilagay niya ang kanyang saklay sa backseat, ang kanyang katabi naman ay nakasuot na ng seatbealt habang nakatukod ang kanang siko sa bintana. Venee looked so pissed, no doubt about that, kaya nga naman nagtataka siya kung ano nag pumasok sa isip nito at ginawa siyang driver. Kaninang umaga lamang ang plano niya ay alipinin ito at pasunurin sa kanyang gusto...pero sa huli pala mababaliktad lamang ang mundo.
"Where to?"
"Anywhere away from here." Simpleng sagot nito. He simply nodded and drove off. Iniisip niya kung saan dadalhin ang babaeng katabi, hindi naman kasi ito ang klase na mahilig sa pagkain or anything sweet, ibang iba si Venee sa mga babaeng nakilala niya. Namalayan na lamang niya na nakalabas na lamang siya ng syudad, total hindi naman nito sinabi kung saan nito gusto pumunta... kaya siya na lamang ang nagdesisyon.
"Baba na mahal na prinsesa," balak niya sana itong tuksuhin , pagbubuksan niya ito ng pinto tapos sasabihin niya ang salitang iyon, pero syempre dahil ibang babae si Venee at injury siya, nauna na itong lumabas.
Napansin niya ang ngiti sa labi nito habang dinadama ang lamig ng hangin ng Tagaytay. Ialng Segundo lamang pero hindi na mawala ang ngiti ni Veneeng iyon sa kanyang isipan. She walks around, his eyes follow her every step.
"Ang bagal mo." Lumingon ito at nagreklamo.
"Para naman kasing hindi ako injured." Reklamo niya.
"Tsk." Balik lamang na sagot nito. Maybe she misses the cold weather abroad, ilang sandali pa ay pumunta sila sa isang restaurant overlooking Tagaytay views, malamig at sariwa ang hangin.
"First time mo ba dito?" he can't help but ask, hindi man ito madalas ngumiti pero ang mga mata nito ay kakaiba sa mata nito kapag nasa school.
"Oo, bakit?"
"Wala lamang...para kang batang paslit kanina." He teased inirapan lamang siya nito. Habang kumakain si Venee ay panay ang tingin nito sa paligid... at habang nakatingin naman ito sa paligid ang kanyang mga mata ay nakapako dito and then...he felt like everything around him stop.
Ganito nga ba ang sinasasabi nila...yung biglang titigil ang mundo mo, na parang wala nang ibang mahalagang bagay kung hindi ang nasa harapan mo lamang ...
Hindi kailangan ng taon... hindi kailangan ng ilang buwan... hindi kailangan ng araw...o minute...dahil minsan Segundo lamang....
Segundo lamang para marealize mo sa iyong sarili na may nagbago na...
Na may nawala na dahil mayroon nang nakapasok.
At iyon ang babae sa kanyang harapan.
Walang duda.
....
"Mahal ko si Antonette." Napalingon si Venee kay Hel, titig na titig ito sa kanya... alam niyang tama ang kanyang narinig, alam naman niya iyon kahit hindi sabihin nito. He's been Antonette protecter... ang magkakaibigan na ito ay nakukulong sa isang love triangle, kaya nga hangga't maari ayaw niyang makigulo doon, pero abnormal si Roose at pilit siyang sinasali.
"I know."
"You knew..." uminom muna ito ng tubig saka muling nagsalita..." I confessed to her and she told me she love Roose... alam ko naman din iyon, nagbakasali lamang ako na maagaw ko ang babaeng mahal ko pero hindi pala..."
"And..." dugtong niya, nangalumbaba siya sa harapan nito... hindi niya akalain na isang mala-badboy na ito ay magsasabi sa kanya ng kung ano... hindi niya tuloy mapigilan isipin nab aka may binabalak itong kung ano.
"She told me that she wanted Roose and she wants me to do her favor...and that is..." kahit hindi pa man nito tinatapos ang sinabi ay nagkakaroon na siya ng ideya. " That is to make you fall for me..." typical Antonette... like an innocent girl but she's not, she gets what she wanted by playing and acting nice to the people around her.
"And why are you saying these?"
Hel smile creepily... ang kamay nito ay nilagay sa ibabaw ng mesa, nakaramdam siya ng kaba.
"While staring at you... I realized I don't want an ordinary and boring kind of love...I want a girl na susuntukin ako, sasampalin ako, sisipain ako sa sensitive part ....I want that kind of girl... and Antonette's request made me realized that all I wanted is right here in front of me... glaring at me , killing me with her stares and wishing to bury my body in a deepest part of hell..." and the idiot is smiling so wickedly... alam na alam talaga nito kung ano ang gusto niyang gawin ngayon.
"From this day onwards, I chose to want you Venee...now what can you say?"
"Go to hell."
"As usual... kaya kita nagugustuhan e."
"Magsama kayo ni Roose."
"Ayokong kasama si Roose, gusto ko ikaw." Inilahad niya ang kamay dito, they are talking nonsense.
"Give me the keys." Utos niya, nandito pa pala ang susi ng kanyang kotse, iiwanan niya na lamang ang loko, kaysa makipaglokohan siya dito... kinuha nito ang kanyang kanyang kamay na nakalahad saka dinala sa labi nito para halikan.
"Damn you!" binawi niya ang kanyang kamay at pinahid ng tissue ang likod ng palad niya na hinalikan nito... ito naman ay mayabang na nakangiti sa kanya.
"Diba sabi mo ibigay ko ang kiss? There, I gave you a kissed!" tatawa tawang sabi pa nito. How she loves to smack that face of his.
"Susi baliw... I know you knew what I mean." Hel's just like Roose , isang sakit sa ulo.
..