****
Lumiko si Hel sa pasilyo, ang kanyang mabilis na hakbang kanina ay naging mabagal upang mapakinggan ang paghingi ng tulong ng babaeng iniwan niya. He massaged his nape as he impatiently waits for Venee's help.
"Bakit ang tagal niyang sumigaw?" tumigil siya sa paglalakad. " Bakit napakatigas ng babae na iyon?" he gritted his teeth. Ilang sandali pa , hindi rin siya nakataiis, muli siyang bumalik sa hallway kung saan niya ito iniwan, siguro mali nga din talaga na hindi siya agad tumulong, sa realisasyon na iyon ay mabilis siyang tumakbo kung nasaan ang matigas pa sa bato na si Venee. Laking gulat niya na lamang ng makitang nakasandal ang tatlong lalake sa pader at iniinda ang mga sakit sa katawan. Tumapat siya sa harapan ng mga ito habang tinitignan ng masama isa isa.
Tumingala naman ang pinaka boss ng grupo sa kanya.
"Nasaan si Venee?" tanong niya dito.
"Amazona ang babae na iyon." Lumuwa pa ito ng dugo. Pinuruhan ni Venee sa bibig, putok ang bibig, maybe he had offended Venee too much para puntiryahin ang bunganga nito. Ang dalawa namang katabi nito ay braso at likod ang mga iniinda.
"Where is she?" ulit niyang tanong, kaya naman pala hindi humingi ng tulong sa kanya si Venee dahil kayang kaya nitong patumbahin ang tatlo. That girl, ano ba ang kinain nito habang lumalaki. She act like she hates the world and she has the strength to protect herself.
"She went that way with that thin nerd, maswerte siya sa ngayon." Sinundan niya ng tingin ang direksyon kung saan nagpunta si Venee, pero hindi niya nagustuhan ang banta ng lalake. He smirked at them, akala nito nakakuha ito ng kakampi sa pamamagitan niya?
No way.
Inapakan niya ang kanang paa nito, dinig ang malakas nitong hiyaw sa buong hallway.
"She's mine...matuto ka na dapat, ako lang ang pwedeng gumanti sa kanya." Banta niya dito.
"Oo na, sa'yo na!" hiyaw nito sa kanya para tigilan niya na ang p**********p dito. Madali naman siya kausap, sana ay ito'y ganoon din. Mali nga talaga na iniwan niya ang babae na iyon, anon a lamang kaya ang tumatakbo sa isip nito?
...
Kahit paano'y nababawasan ang inis ni Venee, it's good to know Erwin, payat pa nga rin ito kagaya noong mga bata sila kaya madalas mabully. Tinanaw pala nito na malaking utang na loob ang paminsan-minsan na pagtatanggol niya dito noong mga bata sila. Yun nga lamang daw noong umalis siya sa kanilang school para mangibang bansa ay bumalik muli ang mga nambubully dito. It must have been hard for him.
"Thank you Erwin." Hindi nakalampas sa kanya ang pamumula ng tainga nito. Niyaya siya ni Erwin na sabay na silang kumain, dahil mabait ito ay hindi niya na tinanggihan. Nagpunta sila sa restaurant sa tapat ng university. Nagpumilit ito na ilibre siya ng pagkain. Habang kumakain ay maayos niya namang sinasagot ang mga tanong nito.
"Nakakalungkot nang bigla kayong umalis noon, hindi man lamang ako nakapag paalam." Sabi nito.
"Si mommy ayaw niya na dito."
"Ganoon ba? I-ikaw buti bumalik ka dito?" binitawan ni Venee ang hawak na kutsara at tinidor para uminom. She had enough, masarap ang pagkain sa restaurant na ito kaysa sa canteen. She might consider it again.
"I won't stay long. It was mom's order, eventually I will go back to the States."
"Ah." Binitawan na rin nito ang kubyertos, bakas ang lungkot sa mukha nito. "Akala ko bumalik ka na talaga for good." She looks at Erwin, mukhang ang tingin niya na iyon ang naging signal para mamula ang mukha nito. Nag iwas naman ito ng tingin, parang napapaso sa kanyang titig. She's not mistaken, what she has in mind is true.
"Do you like me?" She asked bluntly. Bigla naman itong napa ubo sa kanyang sinabi.
"Ah, kasi..." napakamot pa ito sa batok. "Hindi ka naman mahirap magustuhan, you're very pretty and kind." She put both her elbows in the table, well because it was very unusual for her to hear someone saying that she's kind. Pretty oo, pero ang mabait, hindi yata.
"Noong mga bata tayo, parang ikaw ang superhero ko, pati noong mga bata na binubully...kasi ayaw mo na may sinasaktan ng walang dahilan, ayaw mo na may pinagkakatuwaan. Gusto mo pantay pantay lahat...sabi ng batang ako, wow ang galing niya! Hindi ba noon, may classmate tayo na lagging kinukuha ang baon ko? Tapos noong umaga , inabangan mo ako sa gate, kinuha mo ang baon ko, akala ko, tumulad ka na rin sa kanya na bully...pero hindi, binuksan mo ang baunan ko tapos nilabas mo yung dala mong bulate saka nilagay mo ulam ko...tapos inayos mo ulit...sabi mo, let that patay gutom eat it." napawi ang kanyang ngiti...hindi na niya halos maalala ang mga parting iyon ng kanyang kabataan, kung paano siya dati bago nangyari ang lahat sa kanyang pamilya, pero heto , mayroong isa na naaalala ang mga pangyayari noon.." Kaya noong lunch, kinuha noong bully ang pagkain saka kinain niya iyon....diring diri na ako pero ikaw poker face pa rin, tapos noong mauubos niya na , saka lamang niya pinansin na may nilagay ka doon. The kid was sent to the hospital."
"He deserved it." Sabi niya.
"That's the exact words that you said to me...he deserved it. Mula noon sumusunod na ako sa'yo hanggang sa umalis ka nang bansa...it was one of the saddest moment in my life...tama ka gusto kita, pero alam ko naman ang lugar ko...at alam kong mas gusto kitang maging ate , mas matanda ka naman sa akin ng ilang buwan eh...gusto kita bilang ate Ms Venee...sana hayaan mo lamang ako na magustuhan ka." Mukha namang sinsero ito kaya naman tumango na siya sa gusto nitong mangyari. He seems so harmless though.
"Talaga? Salamat Ms. Venee!" malapad na ngisi nito. She rolled her eyes.
"Then start calling me Ate then kaysa naman Ms. I feel an old single professor." Tuwang tuwa naman ito, nakuha ng kanyang phone ang kanyang atensyon. Kanina pa ito tunog ng tunog sa kanyang bulsa.
+6395999*****2
Wer are you? This is Roose, sve my nmber.
Pare-parehas lamang ang mga mensahe...hindi nakatiis at tumawag ang loko. She closed her phone instead.
"I don't feel like going to my next subject, ikaw?"
"Actually, morning lamang ang class ko today." Sagot ni Erwin kaya naman niyaya niya ito. Mabuti at may kotse ito kaya hindi na nila kailangan na mag commute, sa byahe ay nagkwento ito ng mga bagay na miss niya noong umalis sila. Kasama na doon si Roose at ang mga barkada ito, syempre hindi mawawala doon si Antonette.
"Noong umalis ka, hindi na rin niya ako kinakausap...." Ano ba ang bago doon?
Sa isang sikat na mall sila nagpunta para manood ng sine, siya na ang bumili ng ticket para sa action movie na napili nila.
"Ate, sagot ko na ang pagkain."
"Allright." Matapos manood ng movie ay kumain naman silang dalawa... gabi na ngunit wala pa siyang balak umuwi. She went inside a boutique..kasunod niya pa rin si Erwin na kanina niya pa sinabihan na umuwi, pero ayaw pa nito, sasamahan daw siya nito sa kanyang paggagala. Pumili siya ng jeans at crop top. Matapos isukat iyon ay napanganga sa kanyang harapan si Erwin.
"Ang ganda mo ate!" buong paghangang sabi nito.
"May mairerecommend ka bang magandang bar?" she asked him na agad namang tumango.
"Sa bar ng pinsan ko...maganda doon at high class!"
"Let's go!" this is one best way para mapauwi siya sa States. She will make her father mad at her, tiyak na hindi nito magugustuhan ang gagawin niya, imbes na mag aral. Well anyway who would? But she's desperate. This country is suffocating for her, lalo na sa bahay kung saan siya nakatira.