Part 9

1085 Words
MALAPIT NG SUMABAK si Yael sa stage pero bago pa man ay umalis na rin siya sa backstage para mahanap ang dalawang sindikato sa likod ng ilegal na gawain na ito. Tila isang kompetisyon ang misyon na ito para kina Yael at Clein. Gusto nilang sila ang makahanap sa mga suspek at makahuli rito. Pareho silang umalis sa lugar kung nasaan nakatayo ang circus at nagpunta sa tila backstage pa kung saan naroon ang ibang mga hayop na ibebenta at tila may mga kwarto roon. Maaaring naroon din ang dalawang hinahanap nila. "Hoy? Bakit ka nandito?" pagsita naman kay Yael na tila kinabigla niya kaya napahinto siya sa paglalakad patungo sana sa isang kwarto. "Ah eh, gusto ko sanang magbanyo." palusot pa nito. "May banyo dun sa labas. Bawal kayo dito." "Puno eh. Ang daming gumagamit. Baka pwedeng dito na lang ako gumamit? Hindi ko na talaga kaya eh. Baka alam mo na — sumabog na." "Ganun ba? Pero bilisan mo ah. Malilintikan tayo kapag may nakakita sayo dito." Hinayaan naman na siya ng isang bantay na dumiretso sa hallway at kunwari ay patungo siyang banyo. Nakabantay pa ito malapit sa kanya at mukhang aabangan nito ang pagtapos niya pero ng malingat ito saglit ng tingin ay lumihis siya at nanakbo papalayo. May paparating pang dalawang security kaya nagtago siya sa gilid ng hallway. Pero nang makaalis ang mga ito ay may biglang humawak sa balikat niya at napahinto na naman siya sa pagkabigla. "The hell are you doing here?" Napalingon doon si Yael at naibsan ang kaba ng makitang si Clein pala ito. "Looking for those bastards." "They might see you here. You should’ve stay at the circus area." "I know but I'll be quick." SA kabilang banda ay nasa backstage na rin si Jaime at tila hinahanap nito si Yael. (Yael? Where are you?) narinig naman din ng dalawa habang magkasama pa. (They were looking for you here. Baka makahalata sila.) Nagkatinginan naman sina Yael at Clein bago siya nakasagot. "I'll be there." Nanakbo naman na si Yael pabalik ng circus area. Si Clein naman ang nagpatuloy sa paghahanap. Nag-show si Yael sa stage na tila isa ngang magician. Nagpalabas siya ng mga rare birds instead na dove lang. Yun din kasi ang mga ibebenta pati na rin ang mga rare breed ng kuneho. "In just few moments, you'll be all saved babies." bulong naman ni Yael sa mga hayop dahil nakaabang na ang mga pulis at pati army sa paligid ng buong lugar para sa raid na ito. (Malapit na ang raid, hindi niyo pa rin ba nakikita kahit isa sa dalawa?) "I'll look for them too." papaalis na sana si Jaime pero tila naharang siya ng mga security. "Lion girl, sumama ka samin." saad lang nito kay Jaime na ganun pa rin ang bihis at pustura. "Bakit?" takang tanong naman niya sa mga ito. Hindi na siya sinagot nito at kaagad na siya hinatak papalabas ng backstage. Napatingin naman sa kanya ang lahat ng taong naroon din. "Don't touch me! Sasama naman ako eh!" pagpupumiglas pa ni Jaime at binitiwan nga siya ng mga ito. "Jaime, Jaime?!" pagaalala pa nila kay Jaime. Napahinto si Yael sa ginagawa niyang pag-present at napalingon sa gilid ng stage. "I'm fine guys." bulong naman ni Jaime. DINALA nga siya ng mga ito kung saan naroon kanina sina Clein at Yael. Nagpangita ng paningin sina Clein at Jaime ng makasalubong nila ang isa't isa. Hindi na lamang sila nagimikan pero palihim na sumunod si Clein rito. Dinala si Jaime at pinapasok sa isang silid. Laking pagkabigla niya ng makita ang dalawang taong hinahanap niya. Biglang may kung anong kaba siyang naramdaman. Alam na kaya nito ang tungkol sa kanila? "Look at her kid! So hot and wild! You should enjoy yourself in here! I'll leave her to you." saad pa ng Zol Zomac habang nasa bibig nito ang tabacco niya. Tumayo na ito at umalis ng kwarto. Naiwan naman na nakaupo si Ethon at nakatingin na sa kanya. Sa isip-isip ni Jaime ay mukhang isusuga pa siya rito. Pinaalis ni Ethon ang mga bantay niyang nasa loob rin at sinara ang pintuan. Nakita naman din ni Clein ang lumabas na si Zol Zomac at sinundan na niya ito. "Why did you take me here?" naiilang na tanong ni Jaime at tumayo naman si Ethon sa harap niya. Nilapitan siya nito at minasdan. Nakasuot pa rin kasi ng half mask si Jaime. Hinaplos nito ang pisngi pababa sa baba nito pero umiwas si Jaime. "That's what I like." tila mapangakit namang saad ni Ethon na hindi rin makakailang maganda ang pangangatawan at gwapo.   (Jaime, where are you?) Hindi naman makasagot si Jaime dahil mahahalata siya ni Ethon na malapit lang sa kanya. Pinaikutan siya nito at hinawi ang mahaba niyang buhok. Kung gumawa man ito ng hindi maganda ay nakahanda na si Jaime sa kanya pero may naisip siyang mas magandang plano. Dapat ma-distract niya si Ethon hanggang sa dumating na ang mga pulis na huhuli sa kanila kaya pagkabalik ni Ethon sa harapan ni Jaime ay kaagad niya itong tinulak sa sofa na inuupuan nito kanina at napaupo naman din si Ethon doon. Nangiti naman si Ethon dahil akala niya ay gusto rin ni Jaime ang ginagawa niya. Lumuhod si Jaime sa sofa at nasa pagitan ng hita niya si Ethon. Hahawakan sana siya nito sa balakang pero tinapik niya ito at sumenyas na 'huwag' sa darili niya. Tila nagugustuhan naman ito ni Ethon at nakisakay sa trip ni Jaime. Panay kagat ito ng pang ibabang labi at malalagkit talaga ang tingin sa dalaga. Nakaantabay naman ang SWAT sa buong paligid ng lugar at tila nagiintay na lang ng hudyat kay Troy kung dapat na ba silang sumugod. (Guys, did you find them?) "I'm here at the back room, Zol Zomac is about to leave. We need to move now." saad pa ni Clein at nagmamadali na rin si Yael papunta sa kanya para mapigilan ito sa pagalis. Nagawa naman ni Jaime na itali ang mga kamay ni Ethon gamit ang latigo niya at nakataas ito na nakakabit sa tubo. Tila nag-enjoy naman si Ethon sa sexy dance ni Jaime. Lumayo si Jaime ng kaunti kay Ethon para makasagot siya sa linya. "I got Ethon." Lumapit na si Jaime kay Ethon at sinayawan niya ulit ito para ma-distract kung sakali mang ma-raid na ang lugar. "It’s time, Troy!" saad naman ni Clein at hudyat na ito para sumugod ang SWAT sa lugar.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD