LIANNA "Hello Mrs. Gonzalez!! How's your day?" Bati sakin ni Miguel habang papalapit sa pwesto ko kasama si David na tumango at tipid na ngumiti bilang pagbati. "Okey lang Miggy. Malungkot mag isa dito sa Amore. Humanap na kasi kayo ng the one para may makasama naman ako." Biro ko sa kanila. Sabay napa tsk ang dalawa. "I don't have time for that sis. Pasok ako sa bahay nyo ha... nauuhaw ako." Tuloy tuloy na itong pumasok sa loob. Natawa na lang ako. Habang si David sumandal sa sofa at pinikit ang mga mata. Hai...anu pa ba ang asahan ko sa isang ito. Buti nga nagpalipad hangin na ito kay Christina noong festival eh. Andito kami ngayon sa pool side ng bahay namin, nakaupo sa outdoor sala habang nakatingin sa malawak ng karagatan sa baba ng cliff. Ito ang likod ng bahay namin na puro ng

