Chapter17 Nang mga sandaling iyon ay napag-isip isip ni Jeff na kailangan na niyang tumakas dahil nagiging komplikado na ang kanyang sitwasyon.Kumirapas ito ng takbo palabas ng bahay.Mabilis namang tumalima si Ricky para sundan si Jeff. "Ricky!" Sigaw ni Snow. "Huwag mo na siyang sundan. Tama na!" ani Snow sa asawa.Ayaw niyang mapahamak ito sa kamay ng mga hayop.Sigurado siyang magtatawag si Jeff ng back-up at susugurin sila dahil sa ginawa niyang pang-bubulag sa kaliwang mata nito. Nagsalubong ang mga kilay ni Ricky,halatang tutol. Marahil ay nakita nito ang desperasyon sa kanyang mukha kaya hindi na nito itinuloy ang naunang balak.Nilapitan siya ni Ricky at niyakap.Napaungol siya nang mag-protesta ang kanyang katawan. "Nabalian ka ba? Saan? Saan ang masakit sa'yo?" Nag-aalalang tanon

