Chapter9 Maagang nagising si Snow.Pinaghandaan niya ng breakfast ang asawa ngunit maaga rin itong nakaalis nang bahay nila.Pumasok na pala ito sa opisina.Naligo na rin siya at nagbihis para makapasok na rin sa trabaho.Doon na lang niya kakatagpuin ang asawa.Gusto niyang magkalinawagan sila nito. Pagkalabas ni Ricky sa opisina nang kanyang sekretarya ay may nadatnan siyang babae na nakatanghod sa kanyang mesa.Nagulat siya nang makilala ang babae,si Jackie iyon-ang childhood sweetheart ni Ricky noong nasa kolehiyo pa ang mga ito.Kahit na magkaiba sila nang kurso noon ni Ricky ay naging malapit pa rin sila sa isa't-isa.Pareho sila ng mga organisasyong sinalihan noon.Ngunit hindi siya sinagot ni Jackie dahil may kasintahan na ito.Nawalan sila ng komunikasyon dahil kapwa sila naging abala sa

