•FIRST CHAPTER•

2668 Words
*UNEXPECTED MEETING* Elise's. P.O.V "Elise!!! Gising na dyan.. mag almusal at mag-ayos ka na!! Ngayon na tayo lilipat!" Nakakairitang sigaw ni mama na nag pagising sakin. Problema ba nito? Ang ganda ganda ng panaginip ko tapos gigisingin ako ng pasigaw. Nakakainis kahit nanay ko sya gusto ko syang sigawan at murahin. Talaga ba?. Pero hindi ko magawa. Baka mamaya palayasin nya na ako. Andami ko ng kasalanan sa kanya. Kaya siguro gusto nyang lumipat kami ng bahay, dahil gusto nya na mapalayo ako sa mga kaibigan kong hindi mahihiwalay sa ugali ko. Hehe "Eto na, hindi mo kailangang sumigaw." Pambatong sagot ko sa kanya habang naglalakad papuntang pinto at lalabas na. "Kumain ka ng punyeta ka, May kasalanan ka pa sakin tandaan mo sinasabi ko sa'yong bata ka" Omg... Late na pala akong umuwi kagabi. Nag-inuman pala kami ng mga kaibigan ko. Kaya pala masakit yung ulo ko. Putrages na yan. Sangkatutak na naman na tanong ang itatanong saken nito. Hayss. Handa mo na tenga mo Elise!. "Ikaw putangina mong bata ka saan ka nanggaling kagabi? Akala mo hindi ko nakita? May kasama kang maraming lalake sakay kayo ng kotse. At lasing ka pa" bungad na sermon sakin ng nanay ko. Kaya siguro palamura ako dahil nagmana talaga ako sa kanya.. "Dyan lang ako sa bahay ng kaibigan ko. Birthday kase nya kaya nayaya kaming mag-inuman." Sagot ko habang nakasimangot sa kanya sabay upo sa bangko. Hindi na sya kumibo kaya pupunta na sana ako sa kusina para kumain ng biglang May kumatok sa pinto. Hayss. " Buksan mo yung pintuan punyeta ka hindi pa tayo tapos, lala-pirutin ko utak mo sa aking bata ka" sigaw ni mama sakin na dinuduro ako Hindi ko alam kung May sapak ba sa utak tong si mama lagi na lang ako minumura. Hindi ko na pinansin si mama at baka Mabato pa nya ako ng mga nililigpit nya. Kaya sinunod ko na lang ang utos nyang buksan ang pinto dahil may kumakatok. "Sino po sila?" Tanong ko sa lalaking kumakatok sa pinto kanina. Sa muka nya para syang nagtatrabaho, siguro na din ay nakasuot ng uniform May hawak syang papel na Naka sobre. Ano toh? Sulisit? "Due date na po ng kuryente nyo at kailangan ng bayaran". Sabi nya. sabay abot sa akin ng sobre ng bill sa kuryente "Sige sabihin ko na lang kay mama" sabi ko hindi pa sya nakakapagsalita dali-dali ko namang sinara yung pinto. Bahala ka sa buhay mo. Bastos na kung bastos. Naglakad ako papuntang kusina na kakarating lang ni mama duon, at binigay kay mama yung sobre na merong bill ng kuryente. "Mama bayadan mo na yung kuryente May maniningil na!" Sabi ko na ikinagulat naman ni mama. Tignan mo to, kung kelan sinisingil magtatago, pero ang kapal ng muka pag nangutang. Speaking of nangutang, hindi naman utang yon ah. Bill yon ng kuryente. Haysss. Lilipat na nga pala kami sa bahay ng lola ko. Buti sinulit ko na ang birthday ng kaklase ko at naging bonding na din namin. Nalubog na kasi si mama sa mga utang. Kaya lilipat muna kami kila lola. Hindi na naman ako kumontra sa kanya naiintindihan ko naman. Palamunin na nga ako eh magrereklamo pa . Hehe! Kumain na agad ako at pagkatapos kumain umakyat na agad ako sa kwarto para maligo. Tutulungan ko pa sana si mama na magligpit ng mga gamit kaso mukang naunahan nya na ako. Tapos na syang magligpit at nakaligo na din. Taray ang fresh naman ni mudra.. Andito na kami sa terminal ng bus. Naghihintay ng masasakyan papuntang probinsya. Probinsya kase ang pupuntahan namin kaya matatagalan kami ng tatlo hanggang apat na oras sa byahe. Hindi naman gaano kalayo yon. Salita ng salita si mama ng kung ano ano hindi ko naman sya pinansin kung ano ano na kase pinagsasabi nya. Eh tungkol lang naman kagabi yon. Nakakairita na papasakan ko ng tsinelas tong bunganga ni mama eh. Kung hindi ko nga lang to nanay kanina ko pa to sinalpakan ng tsinelas sa bunganga. Tapang ah. Hindi naman kayang gawin. Nakababa na kami sa terminal ng bus dito sa probinsya. Pumapara si mama ng tricycle para papunta sa purok ng bahay nila lola. Ginagala ko ang mata ko sa paligid nang makita ko ang isang babae na para bang kamukang kamuka ko. Kinamot ko naman yung mata ko sa pag-aakalang namalik-mata lang. Pero hindi talaga, kamukang kamuka ko talaga sya. Omg... Nanalamin ba ko? Nababaliw na ata ako! Baka dala lang ito ng gutom at pagod kaya hindi ko na lang pinansin. Sumakay kami ng tricycle ni mama. Nakadating na kami sa bahay nila lola. Hindi pa din nagbabago ang bahay ni lola maganda pa din at malawak. Kahit makaluma at nung panahon pa ng mga Kastila ang bahay nya, kita pa din dito kung paano kahusay ang pagkagawa. Lumabas na si lola. Hindi pa din nagbabago ang maaliwalas at maganda nyang muka. Parang bumata ata ang lola ko. Sa pagtitig ko kay lola. Napansin ko na magkamukha pala kami. Pero mas maganda ako noh... Agad syang lumapit samin ni mama at yumakap. "Kamusta na Karen?"bati ni lola kay mama. "Ayos lang po ako, eto madaming utang na kailangang bayaran." Sagot ni mama sabay ng pagbuntong ng hininga "Ganon talaga, Oh sya, tayo'y kumain na. Kumain na ba kayo?" Pagaaya ni lola. Nakahawak ang kamay nya sa kamay ni mama, at nabaling naman ang atensyon nya saken. Napansin ko ang mga titig saken ni lola, na para bang may iniisip. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko mabigat ang damdamin ko nung tinignan ako ni lola ng ganon. Pagpasok sa bahay. Pumalibot Ang mata ko sa paligid. Ang ganda parin talaga ng bahay ni lola kahit sa labas man o sa loob. Inaya kami ni lola na kumain at nandito kasalukuyang kumakain. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Na para bang pag-aalala sa mga mata nyang nakatitig sakin. Ang tahimik ng paligid ng basagin ko ang katahimikan. "Ayos lang po ba kayo lola?" Pag-aalalang tanong ko sa kanya. Tumango naman sya kaagad at umiwas ng tingin. Parang ang weird nya ngayon. Natapos kaming kumain ng walang kibuan. Ayaw din kasi ni lola na mag-uusap habang kumakain. Andito ako ngayon sa kusina kasama si mama at kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga pinagkainan. Umakyat na agad si lola para makapagpahinga. Ang tahimik namin ngayon. Walang kibuan. Hanggang sa magtanong ako kay mama. "Ma.. Parang iba ang tingin sakin ni lola kanina. Hindi nya rin ako kinausap, nagaalala tuloy ako" tanong ko kay mama sabay buntong hininga. "Baka pagod lang ang lola mo hayaan mo nang magpahinga." Sagot ni mama nang hindi Naka tingin sakin. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Pakiramdam ko tuloy mayroon silang tinatago sakin na hindi ko alam. Natapos na kaming magligpit ng pinagkainan at tinuro naman sakin ni mama yung kwarto ko. Ito padin yung kwarto ko dati nung tumira ako rito walang pinagbago bukod sa mga agiw sa kisame. Hindi ako makatulog sa inasta sakin ni lola kanina. Siguro tinitingnan nya ko kasi ang laki ng pagkakahawig naming dalawa. Speaking of kahawig...... Naalala ko tuloy yung babaeng nakita ko kanina sa terminal ng bus. Yung babaeng kamuka ko. Hindi ko alam kung dala lang ng pagod at gutom kaya nasabi kong kamuka ko sya. Wala namang nasabi si mama na may kambal ako. Imposible yon. Eh ayaw ko namang mag isip ng kung ano. Hindi ko na din sinabi kay mama at baka sabihan lang ako ng baliw ng isang yon. Erase na Elise erase.. Nakatulala lang ako sa kisame hangang sa makatulog. Nakatulog narin ako dahil sa pagod. Hindi ko na din masyadong inisip yung inasta ni lola sakin. Kinabukasan... Magpapamisa ako mamaya sa simbahan. Himala kase. Hindi tumpok na mura at sigaw ni mama ang gumising sakin. Kundi si lola. Himala wala si mama. Nasanay narin akong nagigising sa umaga na may tumpok ng mura at sigaw. Pero ngayon si lola ang gumising saken at nakangiti. Wow.. halos hindi nga ako pinansin nitong matandang to kagabi eh. Ginising nya ako para lang magsimba. Linggo kase ngayon. Pumayag naman ako para magkasama ulit kami namiss ko si lola talaga. Siguro dala lang ng pagod kaya hindi nya ako pinansin kagabi. Agad akong naligo at nagbihis iaayos ko na din sana ang gamit ko sa aparador. Kaso nga lang andaming alikabok kaya wag na lang. Mamaya na siguro pag dating namin galing simbahan. Lilinisin ko na din pati buong kwarto. Sinuot ko ang maganda kong white dress at white hills. Nice...... Pwede na akong ilagay sa kabaong para kumpleto. Ang ganda ng suot ko ngayon. Bagay na bagay talaga sakin kapag naka white dress at terno ng white hills. Pagkatapos mag-ayos. Pumunta agad ako kay lola pero parang hindi parin sya tapos mag-ayos. Kaya dumiretso na ako ng kusina para kumain ng almusal. Pagdating na pagdating ko bungad kaagad sakin yung muka ni mama na parang nagtataka sa suot ko. "Good morning" bati ko sa kanya, at pumunta sa pamingganan para kumuha ng mug at magtimpla ng kape. "Saan ang punta mo?" Tanong ni mama na naka kunot ang noo. Tiningnan ko sya na puno ng pagtataka."Hindi ba sinabi sayo ni lola".. taka kong sagot ko sabay upo sa bangko. " Isasama nya daw akong magsimba dahil Linggo daw ngayon." Sabi ko. Tumango na lang sya at nagpatuloy na sa ginagawa. Kung iba ang kasama ko siguro hindi ako papayagan nito ni mama. Nung nasa Maynila pa kami Halos araw araw tumatakas ako para lang maka-gala. Hindi naman sya makapalag dahil si lola naman ang kasama ko. Bumaba na si lola at ayos na ayos ang postura. Naka white dress at sandals na white din sya kagaya ko. Inaya nya na agad akong umalis. Hindi na din kami kumain dahil baka mahuli daw kami ng misa. Gutom ako nito later... Naka rating kami ng simbahan hindi kalayuan sa bahay. Tricycle ang sinakyan namin para makapunta rito sa simbahan. Ang ganda pala ng simbahan dito. Hindi sa sinasabi kong hindi ako normal pero parang ngayon palang ako ulit makakapasok sa simbahan. Dahil na rin siguro na lagi kong kasama ang mga kaibigan ko tuwing weekends. Kinausap na pala ako ni lola kanina sa sinakyan naming tricycle. Nagkwentuhan kami ng kung ano-anong nangyayari samin ni mama nung nasa Maynila padin kami. Siguro nga pagod lang talaga sya kagabi at hindi nya ako pinansin. Andito na kami sa simbahan na kasalukuyang nagsisimba ng mapaya. Nasa kalagitnaan kami ng pagdarasal nang sunod sunod na kalabit mula sa likod ang natanggap ko. Hindi ko naman sya pinansin at gumilid na lang baka kase nahaharangan ko yung harap nya. Nagpatuloy ako sa pagdarasal. Taray... Anong pinagdarasal mo?... Tumigil naman yung nangangalabit sa likod. Siguro nga nahaharangan ko lang yung harap nya kaya hindi nya na ako kinalabit. Akala ko yun na ang last hanggang ang kalabit ay napalitan ng malakas na sipa mula sa likod. Anak ng-- tangina naman oh nasa simbahan ako ngayon ayokong mag iskandalo dito. Hinarap ko yung sumipa na mula sa likod ko. Kung hindi nga naman nakaka putangina ang taong to. Imbes na manghingi ng sorry nagawa pa akong tawanan. Aba'y gago pala tong mokong na lalaking to eh. Tinaasan ko sya ng kilay. Tangina nagawa mo pa talagang ngumiti kang gago ka. "Problema mo?" Inis na tanong ko "Wala.. ang gwapo ko" Nakangiting sagot nya sakin sabay taas baba ng mga kilay. Habang ako eto nagpapagpag ng pwetan dahil sa kagagawan ng lalaking toh. Mamaya ka sakin. Humarap sakin si lola na nakakunot ang noo "Bakit apo?" Tanong ni lola habang naka kunot ang noo. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. Humarap na sya sa harap kung nasan ang altar. Nakakainis tong talipandas na lalaking to. Ayoko sanang magmura dahil nasa simbahan. Pero etong lalaking Hudas na to ang lakas pa ng loob na mangalabit ulit. Nilingon ko ulit sya sa likod at tiningnan ng masama. Type siguro ako nito... Sorry gwapo ka lang pero hindi kita type! Nakangiti pa din ang gago. Habang yung mga kasama nyang kaibigan walang paki sa ginagawa ng kasama nila. Tangina nitong lalaking hudas na to, mamaya ka sakin sasapakin ko kaluluwa mo palabas ng katawan mong hinayupak ka. Patapos na ang misa at pupunta na ng harap para sa ostiya. At kung minamalas malas ka nga naman talaga. Andito sa likod ko yung lalaking talipandas na sumipa ng white dress ko sa likod. Nilingon ko naman sya dahil nangalabit ang gago. Nakangiti nanaman. Tinginan ko naman sya ng masama at tinaasan ng kilay. Problema nitong lalaking to? Kulang ba sa bakuna to? Siguro sumisinghot tong lalaking to ng dinurog na bubog. Ang taas ng confidence nitong gunggong na to eh. Mamaya bawasan natin yan pagtapos ng misa. Hindi ko na sya pinansin nang nangalabit pa sya ulit. Nakuha ko na ang ostiya at babalik na sana ng pinuwestuhan ng harangin ako ng siraulong lalaking sumipa sakin. Tangina nitong lalaking to nakakarami ka na sakin. Makita lang kita sa labas ng simbahan uuwi ka talaga sa bahay nyo nang walang ulo. "Tangina mo?" Halos pabulong kong sabi na narinig pala ng ilang tao at napatingin sakin. Nadagdagan pa mga kasalanan ko sa hayop na to eh! Tangina nitong lalaking to. Nadadagdagan pa yung mga kasalanan ko sa hayop na to eh. "I love you too" Sabi nya habang nakangiti na nakakuha naman ng atensyon ng ibang tao. Tinaasan ko sya ng kilay. " Boring ba sa bahay nyo? O suminghot ka ng katol kagabi?" Pagtataray ko sa kanya. Nakangiti padin ang talipandas sakin. Kaya tinulak ko sya sapat para makadaan ako sa dadaanan ko. Masikip din kasi sa bahagi ng hinarang nya ko kaya hindi agad ako nakadaan marami rin kasing taong nakapila rin para sa ostiya. Natapos ang misa kaya dali-dali akong lumabas. Hihintayin ko na lang si lola dito sa pinto ng simbahan dahil kausap nya ang mga kumare nya sa loob ng simbahan. Ako naman. Aabangan ko yung lalaking Hudas kanina. Yari sakin yung tukmol na yon!. Nadadagdagan pa kasalanan ko sa gagong yon eh. Tanaw ko na ang gago mula sa pinto ng simbahan. Nagkukuyom na ang kamay ko. Handa na akong manapak ng walang kwentang nilalang . Nakakainip sinasadya siguro ng Hudas na yon kaya ambagal nyang maglakad. Lumingon lingon muna ako sa paligid para malibang. Antagal kasi maglakad ng Hudas na to kasama ng tropa nya. Lumingon muna ako sa bandang labas ng simbahan kung nasaan ang kalsada. Hindi kapanipaniwala ang mga nangyayari sakin ngayon. Kanina yung Hudas na lalaki ngayon..... Nakita ko na naman yung babaeng kamuka ko. Let's say na kambal ko dahil mukang muka ko talaga yung muka nya. Hindi na ako nag-atubili pa kaya hinabol ko sya kaya nga lang hindi ko alam kung saan sya lumiko. Tiningnan ko yung dinaanan nya nung mahagip sya ng mga mata ko. Hindi ako nabigo dahil nakita ko na nga talaga sya. May dala syang basket na halata namang galing sya ng palengke dahil gulay ang laman non. Dali dali akong tumakbo para maabutan sya. Naabutan ko na nga sya at humarap sa harap nya. Nagulat naman sya sa ginawa kong yon at napahawak pa ng dibdib nya. Bakit May ganto akong nararamdaman na parang may kumukurot sa puso ko nung nakita ko sya sa malapitan. May mga boses akong narinig mula sa isip ko na parang pamilyar sakin. "Kahit anong mangyari Elisa tandaan mong andito ako para sayo" Ang weird lang ng gantong pakiramdam na narinig ko yung mga boses na yon galing sa isipan ko. Bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko nung nakita ko sya ng malapitan. At may pangalan na sumagip sakin na pamilyar na pamilyar talaga. "Celina" halos pabulong kong sabi. Kita ko sa mga mata nya ang pagtataka nang hawakan ko ang mga kamay nya. Nagtataka na din ako sa biglang pagtulo ng luha nya sa kabilang mata. "Elisa?...... ±±±±±±±±±±±±±±±±±
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD