"Anong oras na Mikaela?" Tanong ko kay Mikaela. Nandito pa rin kami sa cafeteria. Naubos na namin pareho yung mga pagkain na inorder kanina.
"Alas dos 'y medya ng madaling araw." Aniya sa akin.
Parang ang bagal ng oras. Sana sumikat na ang umaga para makaalis na kami sa resort na ito. Mas bumibigat na rin kasi ang masamang nararamdaman ko para sa lugar na 'to.
"Tapos na kaya mag shot sila ate Denise sa bar?" Biglang tanong sa akin ni Mikaela. Nagkibit balikat na lamang ako sa kanyang turan. Napansin ko naman na biglang napabuntong hininga si Mikaela.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Nang biglang napansin kong nanginig ang magkabilang mga kamay ni Mikaela sa ibabaw ng lamesa.
"Ell..."
"Ano 'yon?"
"Sa likod mo..." Bigla naman akong napakunot ng noo sa turan sa akin ni Mikaela. Marahan naman akong lumingon sa aking likuran. Pagharap ko sa aking likuran ay wala naman akong nakita na kahit anong bagay na kakaiba.
"Ano ba'ng problema Mikaela? You seem to be weird now." Nagugulumihan kong turan sa kanya.
"Bakit hindi mo siya nakikita?" Tanong sa akin ni Mikaela na nanginginig ang boses.
"Hindi nakikita... ang ano?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Yung babaeng naririnig natin na umiiyak simula noong dumating tayo sa resort. Nakatayo siya ngayon sa iyong likuran." Tila napatanga naman ako sa kanyang sinabi. Naramdaman kong mabilis na nag sipagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan sa kanyang turan. Mabilis na tumingin ako sa aking likuran pero hindi ko naman nakita ang babae na sinasabi niya. Ngunit nang humarap na muli ako kay Mikaela ay bigla akong nagulantang. Nakita ko sa likuran niya na nakatayo ang babae. Umiiyak ito. Hindi lang basta luha ang iniiyak ng mga mata niya. Dugo ang iniluluha nito. Napansin ko rin na may ginintuan kulay ito ng buhok. Hanggang baywang ang haba ng kanyang buhok.
"Mikaela nakatayo na siya sa likuran mo." Mahinang sabi ko kay Mikaela. Dahan-dahan naman na tumingin sa likuran niya si Mikaela habang nanginginig. At sa paglingon sa likuran ni Mikaela ay hindi na niya napigilan pa ang mapasigaw sa takot.
Agad na tumayo ako sa aking upuan at hinila na palabas ng cafeteria si Mikaela. Ngunit nang hinila ko na siya ay napansin kong hinawakan ng babaeng umiiyak ang kaliwa niyang kamay. Napansin kong mahigpit ang pagkakawak ng babae sa kamay ni Mikaela.
"Tulungan ninyo ako... tulungan ninyo ako huhuhu..." Sabi sa amin ng babae na walang humpay sa pag iyak.
"Bitawan mo ako!" Sigaw sa takot ni Mikaela sa babaeng umiiyak. Hindi ko naman alam kung ano ang dapat gawin. Maski ako nahihintakutan na sobra.
"Paano... ka... namin tutulungan?" Nauutal sa takot kong sabi sa babae. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para tanungin ang babaeng iyon. Nahihintakutan na kasi talaga ako sa kanya.
"Tulungan ninyo akong mahanap ang nawawalang epilogo at libro..." Sagot ng babae sa akin.
"Anong libro?" Tanong naman ngayon ni Mikaela. Magsasalita na sana ang babae nang biglang nakaramdam kami lahat ng isang malakas na paglindol sa loob ng cafeteria. Napaluhod na lamang kami lahat sa sahig at hinawakan ko ng mabuti si Mikaela.
Napatingin naman ako bigla sa mga estatwa ng mga roman gods and goddesses. Namilog ang aking mga mata nang nakita kong lumuluha ng dugo ang mga mata nila. Ipinikit ko ang aking mga mata sa pag aakalang namamalikmata lamang ako. Ngunit nang binuksan ko na muli ang aking mga mata ay patuloy lamang sa pagluha ng dugo ang mga estatwa.
Ibinaling ko naman ang aking tingin sa babaeng umiiyak. Nando'n pa rin siya at patuloy niyang hinahawakan ang kamay ni Mikaela.
"Ano na ang nangyayari?" Sigaw ko do'n sa babae. Ngunit hindi ito tumugon. Hanggang sa naramdaman na lamang namin na nawala na ang malakas na paglindol. Sa pagtigil ng lindol ay kasabay din nito naglaho ang babae kanina.
Agad na nilapitan naman kami ng waiter na kanina pa nag aasikaso sa amin simula nang dumati kami sa cafeteria.
"Ma'am and sir, okay lang po ba kayo?" Nag aalalang tanong sa amin ng waiter.
"Yung babaeng umiiyak nakita mo rin ba siya kanina?" Bigla kong tanong sa waiter.
"Babae? Sinong babaeng umiiyak sir?" Nagtatakang tanong sa akin ng waiter habang nakakunot ang noo.
"Yung babae---" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang biglang hinawakan ako ni Mikaela sa kamay sabay tingin niya ng diretso sa aking mga mata. Mukhang gusto niya akong tumahimik na lamang.
"Wala. Kalimutan mo na lamang ang sinabi ko." Sabi ko na lamang do'n sa waiter.
"Okay po." Sagot naman ng waiter sa akin. Pagkatapos no'n ay iniwanan na niya kami.
Lumabas na kami ni Mikaela ng cafeteria. Niyaya ako ni Mikaela na pumunta na lang muna sa kuwarto nila ng mga babae.
Habang naglalakad papalayo sa cafeteria ay nakasalubong namin si Ivan.
"Galing ba kayo ng cafeteria?" Tanong sa amin ni Ivan.
"Oo kumain lang kami ni Mikaela." Sagot ko sa kanya.
"Ah, akala ko nag date kayo ni Mikaela sa cafeteria haha. Joke lang dude!" Biro sa akin ni Ivan sabay patong ng kanyang kamay sa aking balikat.
"Sira!" Natatawa ko naman sabi kay Ivan.
"Ivan naramdaman mo ba yung lindol kanina?" Biglang basag ni Mikaela sa pag uusap namin ni Ivan. Napansin ko naman na napakunot ng noo si Ivan sa tanong sa kanya ni Mikaela.
"Lindol? Lumindol ba? Parang wala naman." Nagtatakang sabi niya.
"Sige, kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Sabi ni Mikaela kay Ivan.
"Siya nga pala nandiyan na si Zoey. Sumunod siya sa bar para makipag shot sa ibang tropa. Sige, punta muna ako guys sa cafeteria. Mag kakape lang ako." Pagkatapos no'n ay umalis na si Ivan at tinungo na ang cafeteria. Sabay naman kami nagkatitigan sa mga mata namin ng malalim ni Mikaela.
Tama ba ang narinig namin ni Mikaela sa sinabi ni Ivan? Nandiyan na si Zoey?
"Ell kinakabahan ako." Biglang sabi sa akin ni Mikaela sabay hawak nang mahigpit sa kanang kamay ko.
"Halika pumunta na lang muna tayo sa kuwarto ninyo. Huwag mo muna masyado isipin si Zoey." Pag aalo ko kay Mikaela. Alam ko natatakot siya kay Zoey dahil na rin sa nakita niya ito sa loob ng c.r nila sa kuwarto na biglang nag iba ng anyo. Pero nakakapagtaka lang din saan kaya nanggaling si Zoey noong mga oras na bigla siyang nawala?
Sana talaga mag umaga na para makaalis na kami rito. Habang tumatagal ang pananatili namin sa Villa Exodus Resort mas nadadagdagan ang mga naeenkuwentro namin pareho ni Mikaela na kababalaghan.
All I want now is to get rid of this Hell place!
-End of Chapter 8