"So is this the place already written on the flier?" Maarteng turan ni Zoey sa amin lahat. Nasa labas na kami ngayon ng Villa Exodus Resort. Medyo naningkit naman ang mga mata ko nang natagpuan na namin ito. Lumang-luma na kasi ang lugar. Saka parang wala masyadong tao o mga bakasyonistang gusto mag check dito. Kabalintunaan sa mga details na nakasaad sa flyer na napulot kanina ni Mikaela sa daan. Ang sabi sa flyer very in demand daw sa mga bakasyonista itong Villa Exodus Resort. Maraming booths, fun activities, at kung anu-ano pa.
"This resort really looks rustic." Sabi ni Penelope na naka-pouty lips pa at nakapamewang habang nagpapaypay ng dala niyang abaniko.
Napansin ko naman bigla na kanina pa walang kibo sa bawat isa sina Denise at ang best friend kong si Raphael. Napalapit tuloy ako kay Raphael at napatanong dito.
"Rap, okay ka lang ba? I mean kayo ni Denise pansin ko kasi kanina pa kayo hindi nagkikibuan." Hinintay ko siya na sumagot pero hindi ito nagsalita. Bigla niya lang ipinatong ang kanyang kamay sa balikat ko at ngumiti sa akin at umiling.
Mayamaya pa ay nagulat na lamang kaming lahat nang biglang bumukas sa harapan namin ang napakalaki at kinakalawang na gate ng resort. Kapansin-pansin din ang makapal na fogs sa buong kapaligiran.
"Resort ba talaga ito?" Nagtatakang sabi ni Stacey.
"Oo nga resort ba talaga 'to? Eh, mukhang abandonado na ito." Pagsang-ayon din naman ni Penelope sa sinabi ni Stacey.
"Alam ninyo guys tama na muna ang mga queries ninyo. Much better if we all just pass to this gate para makapag inquire na." Suhestiyon ni Ivan. Nakita ko naman na nag shrugged na lang si Penelope sa sinabi ni Ivan. Ginawa naman na namin ang sinabi ni Ivan. Nagsimula na kami pumasok ng gate. Sa pagpasok namin sa gate ng resort may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Pakiramdam ko biglang nag iba ang temperatura ng paligid. Biglang lumamig at naging maalinsangan. Nagpalinga-linga ako habang naglalakad papasok ng resort wala talagang katao-tao. Tapos may nakita pa akong swimming pool na nangingitim at napapalibutan ng mga lumot sa gilid nito. Narinig naman namin ang kusang pagsarado ng gate nitong resort.
"In fairness na impressed ako sa gate nila. Authomatic lang haha. " Wika ni Zoey. Oo nga tama si Zoey may pagka high-tech din kahit paano ang resort na ito. Ibig sabihin lang no'n ay may mga staff dito sa resort. Hindi talaga ito abandonado. Posibleng may mga hidden cctv camera na nakalagay sa labas ng gate at nakita kami kanina kaya kusang nagbukas ito.
Habang naglalakad kami ay may parang naulinigan akong isang tinig ng babae. Parang sumisigaw, para bang nag mamakaawa. Tinanong ko si Mikaela kung narinig ba niya ang naririnig kong sigaw ng babae pero umiling lamang at sinabi niya na wala naman siyang narinig. Hinayaan ko na lamang yung naririnig ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero pakiramdam ko may mali sa resort na ito. Nagpatuloy lamang kami lahat sa paglalakad sa loob ng resort hanggang sa may isang lalaking nakaputing long sleeves na polo, itim na pantalon, at makintab na itim na sapatos. Nakangiti siya sa amin lahat.
"Welcome to Villa Exodus Resort, a place of haven, tranquility, and relaxation! " Bati ng lalaki sa amin lahat.
"Mag checheck-in po sana kami ng mga kaibigan at girlfriends namin just for one night. May available rooms pa po ba kayo? " Magalang na tanong ni Zac sa lalaki. Malamang ang lalaking sumalubong sa amin ay isa sa mga posibleng staff ng resort.
"Yes sir, meron pa po kami available na rooms. Actually sobrang dami po namin vacant rooms. Hindi po kasi kami peak season ngayon. Sunod na lang po kayo sa akin sa may lobby ng resort to discuss further more about the accommodation rates. " Saad sa amin ng lalaki. Sumunod kami sa kanya patungo ng lobby nitong resort. Pagpasok namin sa lobby ay may naabutan kaming tatlong lalaki na nasa front desk. Kami na ni Mikaela ang lumapit sa lalaking nakaupo sa gitna ng front desk. Kulay dilaw ang buhok niya. May matangos na ilong. May maputing kutis. Artistahin ang mukha.
"Good evening sir and ma'am. I'm Kai what can I do for you?" Pakilala sa amin ng lalaking may kulay dilaw na buhok.
"Mag check-in po sana kami ng mga kaibigan ko just for this night then tomorrow aalis na rin po kami. Kukuha po sana kami ng dalawang rooms na suite type." Sagot ni Mikaela sa lalaking nag ngangalan na Kai.
Kanina bago kami magdesisyon na tumungo ng Villa Exodus Resort napag usapan namin na dapat hiwalay ang kuwarto ng mga babae sa lalaki para maging organisado ang panunuluyan namin.
"Wala pong problema ma'am. Ito na po ang dalawang key cards ng suites ninyo po. 5,000 pesos lang po ang kailangan ninyong i-settle na amount for your one night stay in accommodation. Ipapahatid na lamang po namin kayo sa bellman namin na si Lay. " Pagkatapos maibigay sa amin ni Kai ang mga key cards ng kuwarto namin ay tinawag na niya yung Lay na bellman na maghahatid sa amin mga kuwarto.
Pagdating sa kuwarto namin mga lalaki ay medyo nadismaya kami sa amin nadatnan.
"Suite room ba 'to? Eh, bakit ganito may nakikita akong agiw sa kisame. " Naiiritang sabi ni Isaiah.
"Saka guys tingnan ninyo yung venetian blinds ng bintana nangingitim na sa kapal ng alikabok." Dagdag pang sabi ni Ivan.
"Guys, hayaan ninyo na lang tutal isang gabi lang naman tayo rito. Bukas aalis na rin tayo. " Pag-aalo ko kanila Isaiah at Ivan. Nakita ko naman na biglang ibinagsak pahiga ni Zac ang kanyang sarili sa isang king size bed sa amin kuwarto.
"What the heck! Bakit ganito ang daming alikabok ng kama nitong kuwarto na ito?" Naiinis na sabi ni Zac. Oo nga tama si Zac ang dami nga alikabok. Nakita namin lahat nang biglang humiga si Zac sa kama ay ang siyang pag angat naman sa hangin ng mga alikabok. Paano kaya kami makakatulog sa kuwartong ito? Ang dumi-dumi at mukhang matagal ng hindi nalilinisan. Napapaisip na tuloy ako na hindi ata worth it ang ibinayad namin kanina sa front desk para sa suite room na ito. Kumusta naman kaya ang kuwarto ng mga babae? Komportable naman kaya sila? Napabuntong hininga na lamang ako sa feeling namin lahat na para bang devastating talaga ang room na nakuha namin. Inisip ko na lamang na isang gabi lang naman ito. Bukas aalis na rin kami. Pero may problema pa rin. Hindi pa napapaayos ang mga sasakyan namin sa vulcanizing shop. Sana pagbalik namin bukas sa stop over kung saan namin iniwan ang mga sasakyan ay mahanapan na rin ang mga ito ng mga mekaniko.
Habang abala ang iba kong mga kaibigan na nag aayos ng mga gamit nila sa bag, naisipan kong lumapit at tumapat sa bintana. Binuksan ko ang venetian blinds. Nakita ko ang kalangitan na puno ng mga bituin at kabilugan pala ng buwan ngayon. Pagkatapos ay napasulyap naman ako sa baba ng resort mula rito sa kuwarto namin sa fifth floor. Napakatahimik ng buong kapaligiran. Pero kapansin-pansin pa rin ang mga swimming pools na mukhang matagal nang hindi nalilinisan. Bigla naman akong napaatras sa aking kinatatayuan nang dahil sa gulat. Parang may naaninag akong taong biglang lumutang sa ibabaw ng pool. Tao nga ba ito? Pinagmasdan ko ito ng mabuti nang biglang may isang itim na uwak na lumitaw sa labas ng bintana. Napaatras pa ulit tuloy ako sa gulat at natumba sa sahig. Napansin naman ng iba kong mga kaibigan ang nangyari sa akin. Nilapitan ako ng best friend kong si Raphael at tinanong niya ako kung ayos lang daw ba ako. Tumango lang ako sa kanya. Pagkatapos ay hinatak niya ang kamay ko para makatayo sa sahig. Ano ba itong nakikita ko? Siguro epekto lamang ito nang sobrang stress o pagod dahil sa pag hahanap namin kanina ng vulcanizing shop na mapagkukunan ng mekaniko.
Nang mag alas-otso na ng gabi ay nakaramdam na kami ng pagkagutom kaya naisipan ni Zac na tumawag sa front desk at mag request ng dinner meal para sa amin sa kuwarto. Kaso may problema. Yung telepono na nasa kuwarto namin ay hindi gumagana. Wala itong dial tone. Nang biglang may narinig kami na kumatok sa pintuan ng kuwarto namin. Ako na ang nag presinta na mag bukas ng pintuan. Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang isang lalaki na may dalang isang tray. Tray na may mga nakapatong na pagkain at inumin.
"Sir para sa inyo nga pala. " Wika sa akin ng lalaki.
"Hindi naman po kami umorder. Bakit may ganyan na po agad? " Nagtataka kong tanong sa lalaki.
"Treat po sa inyo iyan ng resort namin. Ganito po talaga sa amin kapag first time pa lang na mag pa accommodate sa resort namin ay may free dinner." Nakangiting sabi sa akin ng lalaki. Nagulat naman ako sa sinabi ng lalaki. Hindi ko inaakalang sa kabila nang madumi nilang kuwarto ay may ganito pala silang free dinner kapag unang beses pa lamang nag check-in sa resort nila. Well I just hope na masarap ang dinner na ibinigay nila sa amin.
Pinapasok ko ang lalaki sa kuwarto namin at ipinapatong ko sa kanya sa isang lamesa yung dala niyang isang tray ng maraming pagkain at mga beverages. Nakita ko naman na nagulat ang mga barkada ko sa dinalang pagkain ng lalaki sa kuwarto namin. Pagkatapos no'n ay umalis na ang lalaki ngunit hindi ko pa naisasara ang pintuan ng kuwarto namin ay bigla akong napatigagal sa aking kinatatayuan. Narinig ko na naman ulit ang boses ng babae na sumisigaw na aking naulinigan kanina nang dumating kami sa Villa Exodus Resort. Naramdaman kong biglang tumaas ang mga balahibo ko sa aking magkabilang braso. Napahinga ako ng malalim hanggang sa naisipan ko na lamang isara na ang pintuan at sabayan ang mga barkada kong nag uumpisa ng galawin ang mga pagkain sa tray na hinatid sa amin kanina ng isa sa mga staff ng resort.
-End of Chapter 3