"Ang lakas ng lindol. Mas malakas pa ito sa lindol kaninang umaga!" Natatarantang sabi ni Zayne. "Oo nga!" Pag sang ayon ko naman sa kanyang sinabi. Nang biglang humupa na ang pag lindol. "Tumigil na ata." Sabi ni Zayne. "Thanks God. Napapadalas ang lindol ngayon araw na ito." Sabi ko. Nang bigla kong naalala na may sinasabi kanina sa akin si Zayne bago lumindol ng malakas. "Ano nga pala ang sinasabi mo kanina Zayne?" Tanong ko sa kanya. "May ipapakita nga pala ako sa'yo Migz." Pagkatapos sabihin sa akin iyon ni Zayne ay napansin kong may kinuha siya sa ilalim ng kanyang unan. Isang kupas na papel. "O, ano naman iyan?" Tanong ko sa kanya habang paupo sa tabi niya sa kama. "Hindi ko rin alam. Nakita ko lang ito kanina sa antique shop sa Metropolis kanina. Ang weird nga eh. Nang naki

