Ilang araw pa lang ako na nanatili rito sa future pero parang ang dami nang nangyayari. Napabuntong hininga naman ako habang pinagmamasdan ang aking sariling repleksyon sa salamin dito sa loob ng banyo. Tapos na ako maligo. Si Zayne naman tapos na rin maligo at nag bibihis na para sa pagpunta namin sa public viewing. Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay biglang sumagi sa aking isipan si Mikaela. Kumusta na kaya siya? Buhay pa kaya siya o kinuha na rin ni Kai ang kanyang kaluluwa? May dalawang araw na akong nandito sa future. Ayoko muna gamitin ang kuwintas na binigay sa akin ni Cassiopeia para silipin kung ano na ang nangyayari sa panahon na aking pinanggalingan. Nakakadagdag lang ng pressure para sa akin. Bahala na kung ano ang kahinatnat ng lahat. Nandito na rin ako,

