Malapit na kami sa stage ni Zayne. Hindi naman sa kalayuan ay nakita ko si Ayesa na walang malay at malapit na siya tuklawin ng ahas. Agad na pinuntahan ko siya at hinila papalayo sa ahas. Ginising ko siya pero hindi pa rin dumidilat ang kanyang mga mata. Binuhat ko muna siya at itinabi sa harapan baba ng stage. "Migz paano ito? Hindi tayo makakaakyat ng stage. Yung dalawang hagdanan sa magkabilang dulo ng stage ay may mga apoy." Natatarantang sabi sa akin ni Zayne. "Alam ko na. Papasan ako sa iyong likuran para makasampa ako sa harapan ng stage na hindi pa ginagapangan ng apoy." Sagot ko kay Zayne. Pinasan ako ni Zayne sa kanyang likuran para makasampa sa stage. Nang nakatuntong na ako sa stage ay agad kong kinuha si Helen at binuhat. Papunta na ako sa harapan ng stage habang buhat si

