IVANA'S POV
Limang buwan na ang lumipas, Limang buwan ko na ring kasama ang kapatid ko, at limang buwan na ring naninirahan si Ignacio kasama namin. Maayos naman ang naging takbo ng mga buhay namin sa lumipas na mga buwan. Beatriz is doing well sa University habang nakahanap naman ng trabaho si Ignacio sa isang architectural firm na malapit lang din dito sa lugar namin.
Ako naman? Still having the best time of my life, dahil wala na akong mahihiling pa, I am with my sister, now. A stable job... that's why everything is already fine with me.
"Boyfriend na lang ang kulang..." biglang sambit naman ng mahadera kong utak na ikinailing ko. Nahh, darating naman iyan kung darating.
Love will just come to you if it's already meant for you.
"Good Morning, Miss Ivy," bati sa akin ng attending nurse ko rito sa hospital pagkapasok na pagkapasok ko sa aking opisina. Ngumiti naman ako sa kaniya bilang pagtugon, at napadako naman kaagad ang aking tingin sa bulaklak na nasa aking mesa.
Nakakunot-noo akong napasulyap kay Nurse Claire...
"White roses, again?" sambit ko rito na ikinangiti naman niya.
"Yes, Miss... from Mr. Zargosa," sagot naman nito.
Dinampot ko ang letter na nakasukbit sa bouquet at binasa.
"Can I invite you to dinner, tonight? Please give me a beep for your response." -Xavier Zargosa
Hindi ko alam kung anong dumapo sa aking isipan at kinuha ko ang aking cellphone na nasa aking suot-suot na white coat.
Mr. Xavier Zargosa is one of the benefactor of this hospital, kaya kilalang-kilala ito ng mga taga rito. Higit pa riyan ay isa rin siyang kilalang businessman na CEO ng isang malaking kompanya. Gwapo, matipuno, ngunit ayaw ko sa kaniya dahil isa itong babaero, kaliwa't kanan ang kinakama nito. Bakit ko alam? Because I once saw him making out in a bar nang mga panahong nagtapat siya ng damdamin niya para sa akin, kaya nagkalap ako ng impormasyon tungkol sa kaniya at halos mga kilalang magagandang personalidad ay nali-link sa pangalan niya kaya kaagad ko rin siyang binasted. Ngunit ayaw niya talagang tumigil, if I know gusto lang nito akong makuha at pagkatapos ay iiwan niya na lang din basta-basta.
Pero iba ang araw na ito dahil parang may sariling isip ang mga daliri ko at nagsimulang i-type ang mga katagang... 'I saw your invitation about the dinner tonight, send me the details... I will surely go.'
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag, ngunit bigla ko na naman kasing naalala ang naging pag-uusap namin nina Beatriz at Ignacio noon, about me still being single at this age with no any experiences about s*x.
I am about to sit on my swivel chair, when someone knocked from outside my office.
Tumayo naman si Nurse Claire at pinagbuksan ito ng pinto. And it's Mr. Vonn, Xavier's personal assistant, may bitbit itong mga paperbag ng mamahaling brand ng damit at make-up.
Kaya ayaw kong pumayag makipag-date sa kaniya eh, masyado siyang magastos.
"Good day, Miss Ivy. Mr. Zargosa sent me here to give you this,* sambit nito at inilapag sa aking mesa ang mga paperbags na dala-dala niya, nginitian ko na lang ito and said my thanks.
"And this..." sambit pa nito sabay abot naman ng isang sobre na kaagad kong kinuha.
Nagpaalam naman ito pagkatapos maibigay ang mga pinapapabigay ni Mr. Zargosa sa akin, sinulyapan ko naman si Nurse Claire nang bigla itong lumapit at nakangising nakapakalumbaba sa harapan ko.
Tinaasan ko siya ng kilay, "what?"
"Finally, Miss Ivy... You agreed to go in a date with Mr. Xavier Zargosa."
Tss. Kung hindi lang ako nainis sa paraan ng pagkakatitig ni Ignacio noong nalaman niyang single pa ako at never been touched ay hindi ko tatanggapin ang invitation na ito ni Mr. Zargosa.
*****
Alas siete na ng gabi at andirito na ako sa isang exclusive restaurant na pagkikitaan namin ni Mr. Zargosa, mabuti na lang talaga at pinasundo niya ako kanina sa Hospital. Doon na rin kasi ako nagbihis at nag-ayos ng aking sarili, of course sa tulong ni Nurse Claire. Dahil hindi naman ako ganoon ka galing sa pagmi-make up. Marami nga ang nagulat at nagtaka nang lumabas ako ng aking opisina, maraming pasyente at mga nurses na nagbigay papuri sa aking ayos na nginitian ko lang bilang pagtugon.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iisip kung ano ang posibleng mangyari ngayong gabi sa pagitan namin ni Mr. Zargosa nang mag-ring ang aking cellphone. Nang tignan ko ang caller's ID, it's Beatriz, ay oo nga pala hindi ako nakapagpaalam sa kaniya na baka gabihin na ako ng uwi ngayon. I answered her call,
"Hello?"
"Ate, where are you? Bakit wala ka pa rito sa bahay? Are you okay?" may himig ng pag-aalala ang boses nito.
"Yes, I am okay, Beatriz. At andyan kayo ni Ignacio ngayon? Wala kayong lakad?"
"Yeah... We decided to stay at home today, to have a quality time with you sana, kaso... nasaan ka ba?"
"I'm on a date..." casual ko lang na sagot sa kaniya.
"WHAT? Seriously? With whom?" gulat na gulat na sambit nito. Ganoon na ba nakakagulat na makipag-date ako?
"I'll tell you if this will go well."
"Okay, ate... just enjoy and take care."
Tama namang natapos ang pag-uusap namin ni Beatriz nang dumating na si Mr. Zargosa, wearing his infamous handsome look.
"Hey, Beauty..." bati nito sabay halik sa aking pisngi.
"Hey, Beast..." tugon ko naman na ikinangisi niya lang.
Pumwesto na ito sa harapang upuan ko.
"Finally, you agreed to have dinner with me. How I dreamed this night to happen."
"Really? Don't joke around, Xavier," pang-uuyam ko naman sa kaniya.
"What? Totoo naman ah, matagal na kitang iniimbitahan ngunit parati mo akong tinatanggihan o ini-indian." Nakita ko naman ang paglungkot ng mukha nito.
Nasabi ko na ba, Xavier Zargosa is also a fil-am nationality, kaya nagkakasundo kami minsan dahil marunong at nakakaintindi siya ng tagalog. And he is also my friend, kaso nga lang nagkasira kami nang umamin ang gago ng feelings niya daw sa akin. Okay na sana eh kaso babaero ang loko.
"It's your fault... kung hindi ka sana umamin ng walang kwentang feelings mo 'kuno' sa akin. Hindi sana tayo nagkasira..." amin ko sa kaniya.
"Mahal naman talaga kita, Ivy. Ano ba ang hindi klaro doon? I am showing it to you, making you feel it by my presence pero binasted mo ako."
"At bakit hindi kita ibabasted, aber? You are a man-whore..."
"Hindi ah! Mahal talaga kita..."
"Yeah, ikwento mo 'yan sa pagong..."
"Yeah fine, nagiging babaero lang naman ako dahil din sa 'yo!"
"At wow, so kasalanan ko pa..."
"Hindi naman sa ganoon, kasi naman... pwede ba kumain na muna tayo? At huwag mo muna akong awayin," pakiusap nito na ikinibit-balikat ko lang. At ipinahain niya na ang mga pagkain sa mesa, tahimik lang kaming kumakain nang hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang bawat pagsulyap nito sa gawi ko.
"Stop looking at me..."
"You are so beautiful, Ivy..." sambit niya lamang na ikinatingin ko sa kaniya.
"Hindi ako magpapasalamat dahil alam ko na iyon, hindi pa ako pinapanganak, nakatakda na akong maging maganda."
Tumawa naman ito na sinimangutan ko, kaya napatigil din siya.
"You are really something, Ivy... pwede ba, payagan mo akong muling manligaw sa 'yo? Pangako, I will not be an asshole like before... I really love you, Ivy."
Nakikita ko naman ang sincerity at pagsusumamo sa mga salita at ekspresyon nito. Lalo na nang inabot niya ang aking kamay na nakapatong sa mesa, hinawakan niya ito at pinisil.
Should I give him another chance?
Wala naman sigurong masama, 'di ba?
Single ako at siya...
"Hindi ka na mambababae kahit kailan?" biglang tanong ko na ikinangiti at tango niya lang sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay...
"Kahit hindi ko pa maibibigay ang mga pangangailangan mo bilang lalaki sa ngayon?" tanong kong muli na ikinakunot-noo niya.
"What do you mean?" litong tanong niya na ikinarolyo ng aking eyeballs...
"Sex... gusto kong ikakama mo lang ako kapag kasal na tayo," direktang tugon ko sa kaniya na ikinangiti niya.
"Hindi ka ganoong klaseng babae, Ivy... and you thought, gusto lang kita dahil gusto kong maikama ka? Silly, Beauty! I love you because I love you... and I respect you more than any other girl I met before. Kaya gagawin natin iyon kapag handa ka na." At hindi ko napansing napapangiti na ako sa mga sinasambit ni Xavier sa akin.
"Okay..." iyon lang ang tanging naisagot ko.
"Anong okay? Payag ka nang ligawan kita ulit?"
Tumango lang ako na ikinangiti niya ng abot-tenga sabay halik niya sa aking kamay.
"Hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo, my Ivy..."
"My Ivy kaagad? Angkin na angkin mo na ako niyan? Ni hindi pa nga kita sinasagot..."
"Sus, I assure you sa akin ka rin babagsak, Ivy."
Sana nga... sana ikaw na nga.
*****************
Inihatid ako ni Xavier hanggang sa tapat ng aking bahay... hindi ko na siya inayang pumasok dahil gabi na rin at baka magising lang sina Beatriz.
"Thank you again, Ivy... for going out with me and giving me another chance to prove my love to you..." sambit nito bago ako makababa ng sasakyan niya. Tinignan ko siya at ngumiti.
"Just, just don't ruin that chance again, Xav," tugon ko at hinalikan niya naman ako sa aking noo at pisngi.
Halos abot-tenga ang aking pagkakangiti nang pumasok ako sa loob ng bahay. Walang mapagsidlan ang aking saya, hindi ko alam kung anong dahilan ng sayang ito. But I am happy, I am happy having a wonderful time with Xavier, and also I am happy giving him a chance to court me again.
Madilim na ang buong kabahayan nang pumasok ako, "Nasaan na kaya sina Beatriz at Ignacio? Siguro ay tulog na ang mga ito..." naibulong ko na lamang sa aking sarili. At pumanhik na sa ikalawang palapag upang makapagpahinga na rin sana nang may marinig akong mga ungol. At doon ko lang napansin ang nakaawang na pintuan ng kwarto ni Beatriz, and out of curiousity sa kung anong nangyayari, at sa kaisipang baka may nangyaring masama sa kapatid ko ay kaagad akong naglakad patungo roon at binuksan ito.
And s**t!
"Beatriz, Ignacio!" bulalas ko na nagpatingin sa kanila sa gawi ko.
For goodness sake, nakapatong si Beatriz kay Ignacio while pumping up and down on top of him! In short, they are having s*x.
Bigla namang napatakip ng kumot ang dalawa. But before pa man iyon matakpan ni Ignacio ay nakita ko pa ang kahabaan at laki ng kaniyang s*x organ.
"Ate! You should have knock before entering," inis na sambit ni Beatriz na ikinarolyo ng aking mga mata. At siya pa ang galit ngayon? Dahil naistorbo ko sila ng boyfriend niya sa kalaswaang ginagawa nila...
"Wow just wow, Beatriz! Nakaawang ang pinto oh, and I already told you since day one, na pwedeng manatili si Ignacio rito pero hindi para mag-s*x na lang kayo kapag wala ako."
"Wow, ate! Why you sounded like a girlfriend na pinagtaksilan ng kapatid at boyfriend niya sa sariling bahay niya?" pang-uuyam nito na ikinadaan ng kung anong kirot sa aking puso. She was throwing words at me na parang hindi niya ako nakakatandang kapatid.
"What are you talking about, Beatriz? I am just concerned with you! Paano na lang kapag mabuntis ka? Paano na ang masteral mo? Ang mga pangarap ko para sayo?" Hindi ko na napigilang mapaluha dahil sa tinging ipinupukol nito sa akin.
Disappointed. I am so disappointed with my sister. Pero bakit parang ako pa ang nagmukhang masama? Parang ako pa ang nakasira ng good time nilang mag-jowa?
"Mga pangarap mo para sa akin? Tinanong mo ba ako kung pangarap ko rin ba iyan? Never mo akong tinanong, ate kung ano nga bang gusto ko!" may galit na sambit nito.
Nakita ko naman ang paghawak ni Ignacio sa kaniyang balikat, comforting her or making her stop saying things that would hurt my feelings. Ewan ko, naguguluhan na rin ako sa mga actions na ipinapakita niya. Bumalik naman ang atensiyon ko kay Beatriz na nakayuko na ngayon.
"Eh ano bang gusto mo?" mahinahong tanong ko.
"I want to be with Ignacio but then because I also love you kaya mas pinili kong pumunta rito!" And I felt betrayed, ewan ko ba pero para akong pinagtaksilan ng sarili kong kapatid. We dreamed for this, pinangarap namin itong magkasama pero bakit parang anytime ay iiwan niya na lang ako? Dahil mas mahal niya si Ignacio keysa sa akin.
"Eh bakit ka pa, pumunta rito... edi sana nagpakasal na lang kayo roon sa Pilipinas. Sana sinabi mo sa akin ng mas maaga para hindi na ako umasang masayang makakasama ko pa ang pinakamamahal kong kapatid... ikaw na nga lang ang meron ako, tapos ganito pa. Bahala ka na sa buhay mo, do whatever you want to do," tanging nasabi ko lang at tinalikuran na sila.
Pero bago pa man akong tuluyang makalabas ng kwarto ni Beatriz ay naramdaman ko pa ang pagyakap nito sa aking likuran.
"Ate, I am so sorry..."