Charlie’s POV PAGKATAPOS na tingnan kung may mga nakasabit sa mga ngipin na mga pagkain ay ngumiti ako sa aking sarili. Basta kasama ko si Ansel talaga, nakakakain ako sa mga ganitong klaseng kainan. Swerte ko rin sa kaibigan kahit na papaano. At swerte kamo ang babaeng magiging asawa niya. Sayang lang at late ko siyang nakilala. Bago pa man pumasok sa isipan ko si Ayden, pinalis ko iyon. Matagal nang walang pag-asa kay Ayden. Kahit kailan, hindi magiging kami. Sure akong matatanggap naman ni Chin-chin sa sarili na lalaki siyang hindi buo ang pamilya. Nagpakawala ako nang buntong hininga bago tumalikod sa salamin para lumabas na. Baka may naghihintay na sa labas. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura noon dahil hawak ko sa kabilang kamay ko ang cellphone ko. Naroon ang atensyon ko d

