Episode 4

1038 Words
(Ashley POV) "Ineng dito ang silid mo." Iginiya ako ni Manang Selya sa isa sa mga kuwarto sa may bandang dulo. Sa katabing kuwarto naman iyong kay liam. "Salamat po manang." Pumasok na ako at inilagay ko sa ibabaw ng kama ang back pack ko. Hindi na ako nag abala magbihis siguro mamaya na lang. Sinundan ko si Manang Selya kasi kakain na daw kami ng breakfast nagpahanda daw si Liam. Tamang tama tomguts na ako. Kanina ko pa naririnig ang tiyan ko eh. Naabutan ko si Liam na nasa hapag kainan na lumalamon na. Oo lamon ang lalalaki kaya ng subo nya. Hindi man lang ako hinintay. Kaasar naman. "Upo ka na ineng. Gusto mo ba ng kape ipagtitimpla kita." tanong sa akin ni manang selya. Ang bait naman nya. Naalala ko tuloy si Nanay. Siya kasi nagtitimpla ng kape ko. Masarap kasi ang timpla ni Nanay eh. Bigla akong nalungkot. Miss ko na kasi siya. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti ako. At nagsimula na akong kumain. Napadako ang tingin ko kay kumag sino pa nga ba. Hayun parang walang kasama. Naputol kaya dila nito hindi man lang umiimik. " Aherm.. Ahm ... Liam saan tayo pupunta para makakuha tayo ng mga picture ng magagandang tanawin dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ito nagsalita. Patuloy lang ito sa pagkain niya. Nakikita kaya ako nito? Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ko siyang magsalita. "We're eating. Mamaya na natin pag usapan iyan." tinapunan lang ako ng tingin at itinuloy ang pagkain niya. "Okay" tipid na sabi ko. "Madalas ka ba dito? Tanong ko kay Liam habang naglalakad kami sa dalampasigan. Ang sarap ng hangin lasang chocolate. Hindi pa masyadong mainit sa balat ang sinag ng araw tama lang. Maaga pa kasi. "I often went here. Beside i don't have much time. I only visit here during summer or if i want to." he said to me. Nakapamulsa siya habang nakaharap sa dagat. Ang pogi nya kahit saan mangvanggulo mo tingnan. Mapa side view, front view, back view, uppper view at inside view. Kahit anong view. Umupo ako sa may bandang lilim. May puno kasi ng niyog doon. At may malaking bato sa may tabi ng puno. Tumabi naman siya sa akin sa upuan pero medyo may distansya. Ewan ko ba ang ilap ilap nya. Ako na nga itong lumalapit siya naman etong lumalayo. "Ang yaman nyo pala kasi may resort kayo." Sabi ko at tumingin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Hindi man lang ako binigyan ng ngiti. Hay kung nabibili lang ang ngiti nya siguro kanina pa ako bumibili at laki na siguro gastos ko. Hay ano ba yan. "Hindi ka palangiti no? Kaano ano mo si simang?" I asked him. seryoso akong nakatingin sa dagat. Kunot noo nya akong nilingon. Parang iniisip nya kung sino yung tinatanong ko at kung may kilala syang nagngangalang simang. "I don't have a friend name Simang?" Tiningnan niya ako ng may pagtataka. Habang ako gusto ko ng bumunghalit ng tawa. Pinipigilan ko lang. "Hindi mo kilala si simang. Lagi mo nga kasama yun." seryosong sabi ko pero natatawa na ako. "Damn! Where did you get that f*****g name. I don't know her. The name is suck!" naiinis nyang sagot sa akin. "hahahahaha.. " Napatawa na ako ng tuluyan. Kasi nakakatawa kaya mukha nya. Mukha siyang ewan. "Ikaw naman hindi ka na mabiro. Hindi mo na gets? You're too slow." natatawa kong sabi sabay hampas ko sa balikat nya. Napalakas yata kasi muntik na siya mahulog sa kinauupuan nito. "Ooopsss ..Sarreh" paumanahin ko. At mag peace sign ako. Sinamaan lang nya ako ng tingin. Wala bang smile kahit fake lang. "Panay ka kasing nakasimangot hindi ba uso sa iyo ang ngumiti?" sabay ngiti ko sa kanya para ipakita ganoon dapat ang gawin nya. Tsk. yun lang ang nasabi nya. Wow huh. "Dinala mo na ba dito ang girlfriend mo?" tanong ko sa kanya para maiba ang usapan. Tiningnan ko siya kung ano ang reaksyon niya. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naitanong. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ko ang kasagutan nya sa tanong ko. Nakalipas ang isang oras na paghihintay. Cheret. Minutes lang. "Yes before. I brought her here twice and after that nothing more." Ayan na naman si nothing more. Diretso lang tingin nya sa dagat. Nakita ko sa kanya ang kalungkutan. Parang may something sa puso ko na nasaktan. Ewan parang feeling ko mahal na mahal nya kung sino man babaeng iyon. Am i jelous? "C'mon , habang maaga pa magtake na tayo picture ng magagandang tanawin dito." Inaya ko na siya. Tumayo na kami at naglibot libot habang kinukunan mga nakikita naming maganda sa paligid. Lumipas na ang dapit hapon. Malapit ng magsunset . Nandito ako sa dalampasigan mag isa gusto ko kuhanan ng picture ang sunset. Nakaupo ako sa may buhanginan habang nakaharap sa dagat. Ang ganda ng araw habang lumulubog. Naramdaman ko na may tumabi sa akin. Nilingon ko kung sino. Si Liam lang pala . May iba paba? "You like sunset?" tanong nya sa akin. Nilingon ko sya pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Tumingin na lang ako sa dagat at nagsmile parang baliw lang. "Yeah, i like to see sunset and also sunrise." Seryosong sabi ko. "Eh ikaw gustong gusto mo din bang tingnan ang sunset?" curious na tanong ko sa kanya. He nodded. Malayo lang ang tingin nya. Ang lalim ng iniisip. "Sabi nila ang sunset at sunrise parang life." sabi ko sa kanya. "Why? he asked me. "Lilitaw sa umaga at lulubog sa dapit hapon. Parang buhay ng tao . Ipapanganak at mamamatay. Parang cycle paulit ulit. Kapag may problem ka there's always a hope kahit may mga pagsubok. Makikita mo ang paglitaw ng araw iyon ang pag asa. Ganern!" mahabang paliwanag ko. Natawa syang mahina. Aba himala ngayon ko lang sya narinig tumawa. Nilingon ko sya i saw he smile. "Bakit nagsmile ka?" i asked. "Ang corny mo kasi." biro niya sa akin. Umiiling iling pa. I laughed oo nga naman ang corny ko kasi. Masaya ako kasi nakita ko siyang ngumiti for the first time. Sana dire diretso na ganito siya masaya lang kahit suplado at masungit. Hope minsan na lang .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD