CHAPTER 6: SWEET TIME

1811 Words
Natigilan ako sa sinabi ng lalaki sa harap ko na nagkaroon muli ng buntot. Maging ako ay walang maintindihan sa mga nangyayari, ang gulo... sobrang gulo. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko habang pinagmamasdan ang buntot niyang gumagalaw. ''Hindi sinabi ni Sachiel na tutubuan pa rin ako ng buntot kapag nabasa ang mga paa ko, lintek na buhay 'to!'' Nasuntok niya ang tubig, pero dahil sa hindi naman iyon matigas na bagay ay lumikha iyon ng malakas na tunog. Halos umangat ang balikat ko dahil sa gulat. ''Ako si Maron, Maron Mauve.'' Natigilan ako't napatingin sa kan'ya. Nagpakilala siya sa akin nang hindi ko inaasahan at sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, may kung anong kumukurot sa puso ko dahil sa kan'ya. ''Kung hinayaan mo na lang sana akong mamatay no'n sana...'' sabi niya pagkatapos ay napasandal sa bathtub at napatingala. Lumingon siya sa 'kin, walang bakas ng kahit anong emosyon ang mga mata niya. ''Pero salamat sa pangalawang buhay.'' Bahagya siyang ngumiti sa 'kin. ''Kung gano'n, magkasama tayong hahanap ng lunas para naman maging tao ka na uli. 'Yon na lamang ang naisip kong paraan para makabawi sa'yo.'' Humakbang ako para sana iabot sa kan'ya ang tuwalya ngunit naramdaman ko na lang ang malamig na tubig na nangingiliti sa aking paa. Napabuntong-hininga ako bago ako matumba sa sahig. Napasandal ang likod ko sa pinto at bahagyang nauntog. Kumalabog ito at malamang narinig na ni Indigo mula sa labas. Napasimangot na lang tuloy ako. "Melodia? Anong nangyayari r'yan?'' Kumatok siya ng limang beses habang sinusubukang pihitin ang doorknob. Mabuti nalang at nailock ko 'yon. ''N-Nahulog lang 'yong lagayan ng sabon Indigo!'' sabi ko sabay napatingin kay Maron. Ang pangit ng ibinigay kong dahilan. ''Paano ba 'yan, mukhang kailangan nating umiwas sa tubig.'' sabi niya. Tama nga siya, ngayong bumalik na ang buntot ko kailangan ko ng mag-ingat. Ilang minuto rin ang lumipas bago kami lumabas ng banyo. Nauna akong lumabas. Pinatuyo pa muna kasi namin ang aming buntot kanina. Sumunod na lumabas si Maron suot ang damit na binigay ni Indigo. Halos magkapareho lang sila ng laki ng katawan ni Indigo. Mas matangkad nga lang ng kaunti si Maron at mas kayumanggi na bumagay sa kanya. Matalim tumingin ang mga mata niya na akala mo laging galit kahit hindi naman. Nang makalabas ay nagpakilala rin siya kay Indigo. ▪ Mataas na ang sikat ng araw nang lumabas ako sa bunkhouse. Tulog pa si Maron, ako ang hindi masyadong nakatulog dahil sa malabapor niyang hilik. Sa tuwing naiiisip ko tuloy 'yon gusto kong lagyan ng tela ang bibig niya. Hay. Nakatayo ako rito sa may tulay, tinitingan ang tubig papuntang dagat. Sumasayaw naman ang repleksyon ko sa tubig dahil sa mga isdang lumalangoy sa ilalim. Nagitla ako nang may humawak at humigit sa kamay ko. Si Indigo. ''Saan tayo pupunta?'' Halos madapa na ako sa paglalakad dahil mukhang nagmamadali ang kasama ko. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko na animo'y baka mawawala ako. Hindi naman niya ako sinagot. Nilingon ko lang siya, nakangiti siya at mukhang maganda ang araw. Mayamaya ay huminto na kami. Lumabi ako at tiningnan ang nasa aming harapan. Kraken's Tailoring Shop ang pangalang nakaukit sa malapad na kahoy na nakasabit sa poste ng ilaw. May mga halamang-paso rin na nakasabit sa veranda. ''Anong gagawin natin dito?'' ''Basta... halika na pasok na tayo.'' Hinila niya uli ang kamay ko. Umakyat kami sa limang hakbang na hagdan na gawa sa sementong nakadikit mismo sa may b****a ng veranda. Tumunog ang wind chime na dolphin nang pumasok kami. ''Good morning ladies!'' Masiglang bati ni Indigo sa mga naro'n. Mga kababaihang may mga edad na. May measuring tape na nakasabit sa mga leeg nila. Ang iba'y abalang ginugupit ang makukulay na tela. May tatlo namang nakaupo sa harap ng makina. ''Oh hijo, mabuti naman at napadaan ka, gumanda tuloy ang araw namin. Anong atin?'' sabi ng babaeng medyo malaki ang braso. Nakasalamin siya, nakapusod ng mataas ang buhok at may nunal sa kaliwang pisngi. ''Ah, tita Ursula, may extra ka ba na gawang uniform para sa seafood house ko? Para sana sa magandang binibining kasama ko.'' Inakbayan niya ako, sobrang higpit. Dahil sa hanggang balikat lang niya ako ay nagawa niya akong ipitin sa may bandang kili-kili. Napakabango, hindi masakit sa ilong ang kung anong pinahid niya ro'n, amoy vanilla na may halong sunflower seed oil.  Pero medyo naipit ang leeg ko kaya kinapos ako ng hangin at hindi nakahinga agad. Ngumiti lang ako sa mga babaeng kaharap ko. Ang tinawag niyang tita, ibinaba pa ng bahagya ang suot na salamin para makita ako saka siya ngumiti. ''Aba, napakaganda naman pala talaga ng kasama mo, oh halika na hija, subukan mong isukat ang extra small at small na uniform.'' Tumalikod na siya at may kinuhang naka-hanger na mga damit sa hanging cabinet malapit sa kanya. ''Go, sundan mo lang siya.'' Bulong sa akin ni Indigo sabay tapik niya sa balikat ko. Sinundan ko naman 'yong matanda at pinapasok ako sa isang maliit na silid. May malaking salamin na halos kita ko na ang aking nga paa. Tiningan ko ang damit na binigay sa 'kin. Maganda ang kulay nito, aquamarine at may kulay pink sa laylayan ng manggas pati sa may laylayan ng skirt. Small ang nakasulat sa maliit na papel na nakatahi sa may kwelyo. ''Hmm, napakalambot ng tela.'' Tinanggal ko ang suot kong damit saka isinabit sa hanger at sinuot naman ang uniporme. Lumabas ako suot ang bigay nilang damit. Nakahawak ako sa pinto ng maliit na silid na 'yon at ngumiti. Halos parang tubig na nasisinagan ng araw ang mga mata ni Indigo. Kumikislap. ''Perfection!'' sabi niya. ''Ay naku, bagay na bagay sa'yo hija, anong masasabi mo hijo?'' sabi ng matanda habang pinapagpag ang skirt ng damit ko. ''Saktong sakto lang pala ang mini bodycon dress na 'to sa'yo.'' Naka-thumbs up sa akin si Indigo. Napakalapad ng ngiti niya pero nahagip ng mata ko ang isang babaeng pababa ng hagdan palapit sa kan'ya, pagkatapos ay inangkla ang kamay niya. Bahagya tuloy lumingon si Indigo sa kanan niya. ''Hello, handsome.'' Bulong naman ng babae sa tenga niya. ''Ah?!'' Napatalon si Indigo. ''Ano ka ba Peachy! May kiliti ako sa tenga, asar ka!'' Inalis niya ang kamay ng babae sa braso niya pagkatapos ay tinakapan ang tenga. ''Indigo naman, pwede bang bastusin mo ko sa isipan mo? Sige na, please naman.'' Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Namimilipit pa ang mga binti niya habang sinasabi 'yon kay Indigo. Napailing na lang tuloy ako. ''What? Ano ba 'yang sinasabi mo? Hindi ka na nahiya nand'yan 'yong lola mo oh pambihira ka.'' Natampal niya ang ka'yang noo. ''Lumayo ka sa 'kin, kahit isip ko hindi ka papatulan, che!'' Natawa ako sa sinabi niya at mabilis na lumapit sa 'kin. ''Kasama mo pala ang pangit na 'yan? 'Yang babaeng hindi ko maintindihan kung bakit naghi-hiss. Ferral ba siya? Ahas ba mga magulang niya? Ugh! I can't even. Kainis ka Indigo.'' Nameywang si Peachy pero hindi na siya nito pinansin. Ipinatong niya sa 'king balikat ang kamay niya at tinitigan ako. ''You're so beautiful, kahit na anong suotin mo bagay sa'yo.'' Kinindatan pa niya ako. May kung anong mainit akong nararamdaman sa pisngi ko dahil sa ginawa niya na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. ▪ Naglalakad kami ni Indigo pauwi. Marami siyang sinasabi sa 'kin pero hindi ko maintindihan ang iba dahil sa pakiramdam ko ay may sumusunod sa 'ming dalawa. Naririnig ko ang mga yabag niya, ang mga naapakan niyang mga tuyong dahon at kaluskos sa tuwing lilingon ako. Napahinto ako sa paglalakad. Pinakiramdaman ko ang mahinang ihip ng hangin. Tiyak na nga akong may sumusunod sa 'min. ''May problema ba, Melo?'' Narinig kong tanong niya pero hindi ko siya masagot. Mayamaya ay bigla na lang ang mahinang ihip ng hangin ay naging malakas. Napapikit ako dahil sa mga buhanging tumatama sa mukha ko. ''Melodia!'' Tinawag ako ng kasama ko pero nang magmulat ako ay maraming mga tuyong dahon ang pumapagitna sa 'ming dalawa. Makapal at nagmukhang buhawi ang mga ito kaya hindi ko halos makita si Indigo sa kabila. ''Indigo! Ayos ka lang ba?'' Tanong ko pero may biglang humawak sa likod ko. Bumilis ang t***k ng puso ko halos marinig ko na ang pintig nito sa ulo ko at pakiramdam ko parang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Hindi ako makagalaw. ''Bumalik ka na sa dagat, mapanganib dito.'' Bulong sa 'kin ng kung sino. Medyo malat ang boses niya at malamig sa pandinig. ''S-Sino ka ba?'' Hindi ko siya magawang lingunin. ''Kung hindi ka babalik sa dagat ng maaga ay magsisisi ka, 'wag kang magtitiwala sa mga nasa paligid mo. Inuulit ko bumalik ka na sa dagat.'' ''Hindi kita main-'' Naputol ako sa sasabihin ko dahil unti-unting nawawala na sa harap ko ang mga dahong pumapagitna sa 'min ni Indigo. Mahinang tapik sa balikat ang gumising sa isip ko. Tumingin ako sa paligid dahil wala na ang mga dahon na kanina'y nasa harap ko. ''Okay ka lang ba?'' Tanong niya. Nagtataka ako, para kasing wala lang sa kan'ya ang nangyari. ''Kanina pa kasi kita tinatawag Melodia, nand'yan ka't nakatayo tapos nakapikit lang.'' Nag-aalalang sabi niya. Kung gano'n ako lang nakakita no'n? ''By the way, nandito si Maron sabi niya may usapan daw kayo.'' Kung hindi pa niya tinuro si Maron na nakasandal sa may puno ay hindi ko pa siya mapapansin. ''Yo!'' sabi niya. Sumaludo pa siya gamit ang hintuturo. Nakasando lang siya ng puti at nakasuot ng manipis na beach shorts, kulay dilaw 'yon na may bulaklak na disenyo. Magulo ang buhok niya at mas lalo pang ginugulo ng hangin. Napakamot ako ng ulo. ''M-Maron, pasens'ya ka na nakalimutan ko 'yong usapan natin.'' ''Pwede ba akong sumama sa in'yo?'' tanong ni Indigo. ''Nope,'' seryosong sabi ni Maron kaya napatingin tuloy ako sa kan'ya. Nilapitan niya ako. Nakatingala lang ako sa kan'ya dahil sa napakatangkad niya. Hindi ko maiiwas ang mga mata ko sa mata niyang parang dagat na nilalamon ako. Pinadulas niya ang kan'yang palad sa mga kamay ko't hinawakan ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya, napagtanto ko na lang na hinihila na pala niya ako palayo kay Indigo. ''S-Sandali! Hoy, Maron!'' asik ni Indigo. ''Huwag kang susunod, moks!'' ''A-Anong moks?'' Tiningnan ni Maron ng nakakaloko si Indigo bago siya sumagot. ''Mokong.'' ''Sira ulo ka! P-pasalamat ka utang ko sa'yo buhay ko, pss.'' Nadismaya si Indigo, sumimangot siya't unungusan si Maron. ''Saan ba tayo pupunta?'' tanong ko sa kan'ya. ''Sa bahay ko.'' Medyo malayo na kami kay Indigo. Naipako naman sa kan'ya ang mga mata ko habang papalayo kami ni Maron. Gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi maipinta at dismayadong-dismayado. Nakatayo lang siya do'n sa gitna ng kalsada, hindi gumagalaw bukod sa buhok niyang naihahangin ng bahagya habang hawak ang paper bag na may lamang uniporme. ▪▪▪
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD