Chapter 08: The Quest

1267 Words
LYKA'S POV Nag-aayos ako nang sarili ko, at nagdala na din ako ng pocket knife in case of emergency. Si Sophia umuwi na dahil magaayos din siya papuntang Green Marines noong una ayaw niya pa, pero napakalma ko nama siya kaya okay na *phone rings* Calling: Damon Pascual "Hello, bakit?" "Sunduin kita?" "Tumawag din sayo?" "Oo, minura ko nga e, tinawanan lang ako tapos binaba na niya. Basta susunduin kita ah? Ingat ka!" -end call- Ang weird talaga ngayon ni Damon? Hmmm. Pagkatapos ko mag-ayos, bumaba na ako at pagtingin ko sa orasan alas-sais na nang hapon. Pumasok ako sa dinning area, at may pagkain na doon, pero as usual wala si mom and dad. Katulong lang ang nandito Pagkatapos ko kumain, Lumapit sa akin yung isa sa katulong at sinabing nandyan na daw si Damon kaya sabi ko papasukin. Umakyat ako sa kwarto at nagtoothbrush sa CR ko Kinuha ko ang bag ko, at nag pony tail. Pero bago pa ako lumabas may kumatok sa bintana ko. Pagtingin ko siya lang pala. Ngumiti ako at binuksan ang bintana "HOY! DAMON ANONG GINAGAWA MO DIYAN! BAKA MAHULOG KA!" "Basta ba sasaluhin mo ako, okay lang magpatihulog araw araw!" Tumawa ako at pumasok na siya sa loob, at tsaka ako inakbayan "Hoy, ikaw nahahalata ko ah? Akbay ka nang akbay sa akin?" tanong ko pero tinawanan niya lang ako at lumabas na kami nang kwarto, pagbaba namin wala yung mga katulong kaya lumabas na kami at sumakay sa kotse niya, pinagbuksan niya pa ako nang pinto "Sayo tong kotse?" tanong ko, kulay puti kasi itong kotseng gamit namin "Oo, kakabili ko lang neto kahapon" Huh? Kahapon? eh magkakasama kami kahapon ah? "Kahapon?" "Oo nga, pinabili ko to kay kuya sa ibang bansa! ngayon lang dumating sa pilipinas! Tsaka nagpabili din ako nang isa pang aso para ka-partner ni Fuffy!" Ngumiti lang ako at tumango "Bakit nga pala ayaw mo sa aso, lykz?" tanong niya "Wala, nakakairita kasi eh! dumi ng dumi at kahol nang kahol" tumawa lang siya at nagdrive na Pero habang nasa daan kami napansin ko na sa ibang ruta kami nadaan "Wait? saan tayo pupunta?" tanong ko "Kain muna tayo, nagugutom na ako! hindi mo manlang kasi ako inalok kahit tubig sainyo! katampo ka babe!" "Anong babe ka diyan? Tss!" tumawa siya at huminto kami sa isang restaurant "Diba pwedeng drive thru nalang?" tanong ko "Sige na nga! basta susubuan mo ko ah? Hahahahahaha!" Dumaan na kami sa drive thru at bumili siya nang pagkain pang dalawa, nang makuha na namin. Tinotoo niya nga! ako ang nagsubo sa kaniya nang pagkain kasi nagdadrive siya! at ang loko tuwang tuwa pa! Haaay! saglit ko tuloy nakalimutan ang problema -phone rings- Calling: Vivian "Hello?" "Lyka! asaan kana? 7 na!" "Sorry, we're on our way na!" "WE?" "Yes! I'm with damon, later nalang bhe!" "sige, just make it faster okay?" "Yes" Pinatay ko na ang phone at sinabihan ko si damon na bilisan, buti nalang ubos na din ang pagkain niya, kaya nang makarating kami sa green marines, ako na ang nagbukas nang pinto at tumakbo "WAIT! Huwag kang tumakbo, baka mapano ka!" hinawakan ako ni damon at naglakad na kami nang maayos Nang makarating kami sa private room, nandoon na silang lahat maliban sa akin, damon at mhariz "Guys, tinawagan niyo ba si mhariz?" "Yes, pero hindi niya sinasagot!" Sabi ni Kaycee Umupo na ako sa seat ko, number 3. At pag-upo ni damon namatay ulit ang ilaw at parang gumalaw ang lamesa. Wala akong makita kasi walang bintana, at walang nakabukas na ilaw kahit isa! Pagbukas nang ilaw, nakita naming may puzzle sa gitna at may isang malaking illustration board na nasa gitna pero nakatatalikod ang board at may tablet sa gilid "Before you start! Here is the price!" narinig naming may nagsalita sa speaker, at nagulat kami nang bumukas ang projector at may lumabas na picture ni mhariz na nasa loob nang rehas at may tali sa leeg at naka piring at busal "MHARIZ!!" Sigaw ko, napatayo ako, nang may nagsalita ulit sa speaker "Don't! Come near the projector my dear lyka! It may harm her!" umupo ulit ako "Very good my dear, just seat back and relax! Now! As you can see may board diyan at puzzle! First you need to answer the riddle in the illustration board, kapag nasagutan niyo,i sulat niyo iyon sa tab, kapag tinaggap nang tab ang sagot it means tama ang sagot tsaka niyo  bubu-uhin ang sagot using the puzzle!. You only have 8 minutes to answer the riddle and to solve the puzzle and you only have 15 mins to find where she is! Kapag nahuli kayo, sorry to say this but she's going to die! Nasa kamay niyo ang kapalaran ni mhariz TIMER STARTS NOW!" Binuklat na namin ang illustration board at binasa ang riddle "I can make you happy, but I'm sad, I smile, but i cry inside! WHO AM I?" Basa ko "Ano bang nagpapasaya sa atin pero malungkot?" tanong ni sophia "Sht ang hirap!" sabi ni brandon "Try niyo gadgets?" sagot ni Kaycee Tinignan namin ang tab at sinulat ni damon ang sagot pero mali, "Baka naman kids? kasi it can make us happy pero umiiyak sila diba?" suggestion ni Vivi sinulat ulit ni damon, pero mali. "I think? Its clown?" sagot ni Luke. "Tama baka clown nga!" sabi ko, sinulat naman ni damon sa tab at tinanggap niya iyon Lumapit kami sa Puzzle, at binuo ang salitang clown. Nang mabuo namin, nabuo din ang isang Lugar na background nang salitang clown Napatayo ako, because i know that place! "ALAM KO ANG LUGAR NA YAN!" Sabi ko, "Saan yan?" tanong ni angel "Ayan ang lugar kung saan nilibing si Laura!" Sabi ko, tumayo ako at kinuha ang bag tsaka ko hinila si damon, dahil makikisabay ako sakaniya sa kotse sumunod naman sila at sumakay din sa kotse ni damon kaya ang sikip namin!! KASI PO PANG 7 NA TAO LANG ANG KOTSE!! Kasama ang driver seat! Katabi ko si Brandon sa passenger seat, kaya medyo masikip "Kandong ka nalang kaya sa akin?" sabi ni brandon "SHT KA PARE! WALANG TALO TALO!" Sigaw ni damon, tumawa naman si Luke at brandon pero si damon naka kunot ang noo habang nagdadrive papuntang sementeryo Pagdating namin doon, sumalubong sa amin ang signage na "KEEP OUT! THIS PLACE IS UNDER CONSTRUCTION!" sabi sa signage Lumabas kami at pumasok sa loob, pinuntahan ko ang lugar kung saan dinaos ang burial ni laura, kasi yun ang lugar sa puzzle Pero may nakaharang na mga hollowblocks Kinuha ko ito at tinanggal kahit na nakita kong nag dudugo na ang kamay ko sa gaspang nang hollowblocks "STOP IT LYKA! Hayaan mo nalang kami!" awat sa akin ni damon, tinanggal nila luke, brandon at damon ang bato nang alam ko na kaya ko nang makadaan doon kahit na hindi pa sila tapos pumasok na ako, narinig ko naman na tinawag ako nang mga girls pero tuloy tuloy ako sa loob at pumasok sa isang kwarto, at doon nakita ko na si mhariz "MHARIZ!!" Tinaas ni mhariz ang ulo niya "HMMMMMMMMMMMMMM!!! HMMMMMMMM!" Sabi niya, at nakita ko na dahan dahan nang naalis ang upuan niya at nakita ko sa isang digital clock na 30 seconds nalang ang nalalabi namin Pero sht! ang hirap makadaan! kasi may livewire sa gitna at pwede akong matusta nang buhay kapag nadikit ako doon! Tumingin ako sa taas at nakita kong may isang rope doon at may hook siya kaya kumuha ako nang upuan at kumapit sa rope tsaka ako nagpaswing "LYKA!" "SHT!" Kaniya kaniyang sigaw nila "5, 4, 3, 2, 1" Pagkaswing ko doon, pumikit ako at nang maramdaman ko na bumagsak ako, dahil bumigay ang rope nakita kong naka daan na ako.  Tumayo ako at lumapit kay mhariz, pero nakita kong wala na yung upuan "HHMMMMMMMM!!! HMMMMMMMM!----" "MHARIZZZZZZZZZZ!!! I'm sorry!!!!!!" hinawakan ko ang paa niya at niyakap, pero bigla nalang bumagsak ang katawan niya at niyakap ko ito "We're sorry" Nakita kong nakalapit na sila dahil, hindi na nakasaksak ang livewire. "DEAD END, FAB11 HAHAHAHAHAHAHAHA" "hayop kaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!" sigaw ko at umiyak nang umiyak
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD