LYKA'S POV
two weeks na akong nags-stay dito sa pad ni damon, masaya naman kasi walang blackclown ang nagpapakita, or nagpaparamdam. Sa two weeks na pags-stay ko dito, dito narin ako dumediretso kapag galing sa school. Bumalik na kasi kami sa school kahit na 7 nalang kami, Malungkot ako kasi hindi na kami buo
Nandito ako ngayon sa kusina at nagluluto nang panghapunan, pupunta kasi ngayon sila Vivian dito, bibisita daw
Si damon naman naliligo, actually kakauwi lang namin galing school alas-sais na kasi kaya nagluto na agad ako pagkadating na pagkadating namin
"Babe, nagtext sila luke mala-late daw sila kasi may bibilhin pa daw sila ni vivi pero sila kaycee, sophia at brandon on the way na" Napatingin ako sa tumawag sa akin at papalapit pala si damon, naka V-Neck siya at maong shorts na hanggang tuhod
Yes, babe ang tawag niya sa akin dahil kami na. Siguro masyadong mabilis pero nung nakaraang linggo ko lang siya sinagot kasi nagtapat siya sa akin, hindi ko naman matanggihan kaya kahit na hindi ko pa siya mahal as lover sinagot ko, ang bad ko ba? Hindi naman kasi gusto ko na rin naman siya pero wala pa sa stage na "MAHAL"
Tsaka ayoko din masira ang pagkakaibigan naming LAHAT,nang dahil lang sa hindi ko pagsagot kay damon.
"Ah, damon pwede ikaw muna dito sa niluluto ko? Maliligo lang ako please?" ngumiti naman siya at hinalikan ako sa lips, peck lang naman
"Makakatanggi ba ako sa napaka ganda kong girlfriend? Sige na maligo ka na"
"Thankyou" Ngumiti ako at dumiretso sa kwarto namin, yes again! iisa lang ang kwarto na tinutulugan namin, isa lang kasi kwarto dito sa pad niya eh
Pagkatapos ko maligo, nagsuot lang ako ng simpleng dress na above the knee at nagayos.
"WE'RE HEEEREEEEEEEE!" Narinig kong sigaw ni sophia, haaay naku talaga ang babaeng yun
Lumabas na ako ng kwarto at sinalubong sila
"Kamusta ang newly wed? HAHAHAHA peaceee!" sabi ni sophia, ngumiti nalang ako at napailing
"Patulong naman lyka sa pagbuhat please? ayaw akong tulungan nang dalawang to e! sila ang bumili ako nagbuhat! tsk!" Kinuha ko yung dala nilang paperbags, plastic bags, tsaka nilapag sa center table sa sala's
"Anu ba kasi itong binili niyo?" tanong ko at dumiretso sa kusina, nandoon na kasi sila.
"Junkfoods, pj's, canned beers, juice at may popcorn doon yung lulutuin palang!" Sophia.
"Bakit kayo may dalang ganun?" takang tanong ni damon
"SLEEPOVERRRRRRRRRRRRR~!" Sigaw ulit pia,
"WHAT?!" Damon
"OA mo pare ah! huwag ka mag-alala pag-alis naman namin bukas nang hapon pwede mo na ulit masolo si lyka! HAHAHAHAHA" Sabat ni brandon sabay tawa
"BRANDDDDOOOOOOOOOOOOONNNNNN!!" Sigaw ko, tumawa lang siya kaya hinabol ko siya hanggang sala's, tumakbo naman siya at umabot kami sa may pinto nang may magdoorbell
"Pasalamat ka sa nagdoorbell!" sabi ko, tawa lang siya nang tawa at naupo sa sahig
Binuksan ko naman ito, at sila vivian at luke pala.
"Goodevening Lykz" sabi ni Luke at nakangiti
Nginitian ko naman siya at Bumati din pati na din kay vivian
"Ano yan?" tanong ko may dala din kasi silang paperbags at plastic bags
"PJ's din namin, at shampoo, soap, scrub, lotion, toothbrush, toothpaste, conditioner, exfoliate, at mga tsitsirya!" sabi ni Vivi at pumasok na. May mga dala nga din silang unan eh!
"She's not excited Lyka, not really!" luke said, natawa naman ako sa sinabi niya, at mukhang narinig ni vivian
"Ano yun Luke adamson?!" Sabi ni Vivian
"Nothing honey, Let's go inside!" sabi ni Luke na matawa-tawa
Sinarado ko naman ang pinto at nakita ko naman si Brandon na wala na sa pwesto niya, Dumiretso na ako sa sala's at nakita ko doon sina Luke, Brandon, Damon nagtatawanan habang nanonood
Dumiretso naman ako sa Kusina at nakitang nagluluto ang girls, kaya tumulong nadin ako, nagluto sila nang Nilagang baka at litsong kawali!
Pagkatapos namin magluto, nagayos na kami at dinala sa labas ang pagkain
"WOOOOOWWW! SARAAAAAP!" Sabi ng mga boys, nilapag ko yung mga dala kong plato, at kutsara Pumasok ako sa kusina at kumuha nang baso, at pitsel para sa tubig
Pagkadala ko doon nakita kong nagsikuhaan na sila nang pagkain,Kumuha na din ako nang pagkain ko at umupo ako sa tabi ni Kaycee na ngayon ay kumakain nang tahimik dito sa sulok
"Hoy, kaycee bakit ang tahimik mo?" tanong ko, napatingin naman siya sa akin at bumuntong hininga
"Tngina naman kasi eh!" bulong niya, kaya napakunot ang noo ko
"Ano ba yun?" tanong ko, may kinuha siyang USB sa bulsa niya at binigay sa akin Halos mahulog ang pagkain ko nang makita ko ang USB na hawak niya! Yan yung USB ni Blackclown! Kasi may palatandaan na sticker yung USB niya!
"B-bakit n-nasayo yan?"Tanong ko na halos pabulong na
"Kagabi may dumating na package sa akin at ayan ang laman nun, at may sulat na kasama, ang sabi sa sulat panoorin daw natin itong lahat,Ggo yung si blackclown eh! Duwag ang p*ta!" sabi niya
Kinuha ko ito at hinawakan nang mahigpit, "Mamaya pagkatapos natin kumain" Sabi ko