CHAPTER ONE

3371 Words
Bumusina siya matapos madaanan ang umpukan ng kalalakihan sa paradahan ng tricycle sa kanto ng Sta.Ana. Karamihan sa mga ito ay kakilala niya, at tiyak na nakilala rin ng mga ito ang sasakyan niya. Alas-dyes na  ng gabi, masyado siyang natraffic sa sunod-sunod na bayang nadaanan niya. Pinakamatindi sa SM San Pablo. May artista daw sa naturang  mall sabi ng vendor na dumaan sa tapat niya. Saturday pa dapat ang uwi niya, kasabay ni Conrado. Gusto ng kapatid niya na sabay silang umuuwi ng San Pablo. Last month nga lang ng payagan siya nitong bumukod ng tirahan, kundi pa niya pinilit. Pero masyado siyang na-excite sa sinabi ni Marla habang magka-usap sila sa Cellphone, hindi na tuloy niya mahintay ang uwi ng kapatid niya. Nagdecide na agad siyang umuwi. Halos himatayin siya habang hawak niya ang cellphone niya ng banggitin ni Marla na halos two months  na daw na hiwalay  si Sebastian sa girlfriend nito ng halos ten years na si Bettina. Two months pero walang naulit man lang sa kanya ang kapatid niya, kunsabagay iniiwasan din naman talaga niya noon pa na makibalita sa mga nangyayari kay Bastian. Pakiramdam kase niya ay sinasaktan niya lang ang sarili niya kung makikibalita pa siya.  Teenager pa lang siya ay ipinagdadasal na niya yun, at ngayon lang dininig ng langit ang dasal niya. Actually sumuko na siya sa pagkakaalam niya, pero nung malaman  niya ang balita ay doon lang niya nalaman na kahit kailan ay hindi niya sinukuan si Sebastian. Mahal na mahal niya ito sa tahimik na paraan. Tanging si Marla lamang ang nakakaalam ng lahat. Wala pang isang kilometro ang natatakbo ng kotse  niya mula sa kanto ay bigla na lang namatay ang makina. Bigla siyang nakaramdam ng kilabot, dahil walang kabahay-bahay sa parte na iyon. Sa mismong arko pa ng Sta. Ana tumigil ang kotse. Gustong-gusto niyang bumaba pero nangangatog ang tuhod niya. Babalik siya sa kanto, yun agad ang nasa isip niya. “Ang dami-dami naman kasing lugar…. Bakit dito pa?”  Maliit pa kase siya ay madalas na siyang takutin ng kuya Rad niya at ng mga barkada nito tungkol sa lugar na kinapupwestuhan niya sa mga oras na yun. Mga kwentong katatakutan. May babae daw na nakaputi ang madalas nagpapakita sa lugar na iyon sa kalaliman ng gabi. Marami daw ang nagpapatunay. Ang totoo tinatawanan lang niya ang mga ganoong kwento, pero ngayong nasa ganito siyang sitwasyon ay nangangatog ang tuhod niya sa takot. Nadala tuloy niya hanggang sa paglaki ang mga kababalaghan na iyon. Kahit paglingon sa tagiliran ay hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya. Kaya naman ng may biglang kumatok sa tapat niya ay saglit yatang nawala ang t***k ng puso niya. Mukhang totoo nga ang mga kwentong kababalaghan sa lugar na ito.  Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang hindi makita ang kumakatok sa bintana ng kotse niya. NGAYON lang siya makakauwi ng maaga. Kadalasang madaling-araw na kung abutin siya sa inuman. Sa bahay na lang niya itutuloy ang pag-inom, bitin siya. Inabot na rin siya ng hiya sa mareng Theresa niya na walang humpay ang kakautos sa asawang si Alfred, na tila ba nagpaparamdam na umuwi na siya at di lang masabi ng tuwiran sa kanya. Ang totoo ay naiintindihan naman niya ang sitwasyon ng kaibigan. Wala lang talaga siyang mayaya ng inuman ngayon. Wala kase si Bong, out of town para sa expansion ng bussiness nila sa Bicol, si Macoy naman ay may date sa pinakabago nitong girlfriend at si Rad, once a month na lang kung umuwi. Kaya si Alfred ang nayaya niyang uminom. Si Alfred na happily married. Ito palang ang may-asawa sa kanilang lima na magkakabarkada. Magkakababata na silang lima mula pa ng elementary. Pare-pareho lang silang thirty eight ang idad. Magkaklase na sila mula elementary pero nagkahiwa-hiwalay din noong high school. Sina Alfred, Macoy at Bong ay sa private na nag high school, samantalang si Rad ay itinuloy ang pag-aaral sa Maynila. Siya lamang ang bukod tanging nag-aral sa public school sa kanilang magkakaibigan, pero  kahit ganoon ay hindi nabuwag ang maganda nilang samahang magkakaibigan. Nanatili silang magkakaibigan kahit naging madalang ang pagsasama-sama nila. Sinikap niyang paunlarin ang sarili para naman hindi siya maalangan sa mga kaibigan. Nagsikap siya ng husto para umunlad ang kanyang buhay. Ngayon nga ay masasabi niyang hindi na siya maituturing na mahirap base sa laman ng bank account niya at ng mga ari-ariang nakapangalan sa kanya. Masaya na siya sa mga narating niya, nagawa na niya ang lahat ng ninais niya sa buhay. At kasunod na sana nito ay isang magarbong kasalan para sa matagal ng kasintahan na si Bettina. Pero nauwi sa wala ang lahat ng pangarap niyang pamilya kasama si Bettina. Ang buong akala niya talaga ay  siya na ang susunod na mag-aasawa, pero heto siya ngayon isang dakilang talunan. Ang magaling niyang kasintahan ng halos sampung taon ay iniwan siya at sumama sa isang helper niya sa auto repair shop niya. Kung hindi ba naman talagang nakakasama ng loob, ipinagpalit siya sa isang pinasususweldo lang niya. At ang isa pang ipinagpuputok ng butse niya ay dinala nito ang joint account nila. Malaking pera din yun. Ayon pa sa iniwan nitong sulat sa kanya ay natural lang daw na dito mapunta ang pera dahil matagal din naman daw na nagpasasa siya sa katawan nito. Kung makapanumbat ito ay parang hindi naligayahan sa mga pinaggagawa nila, kung tutuusin ay siya ang talo dahil kapag naglalove-making sila ay talagang sobra-sobra ang pagod  niya dito dahil mas mahaba pa ang foreplay nila kaysa sa mismong intercourse. magaling siya sa kama kaya alam niyang napaligaya niya ng husto ang dating kasintahan. At kung palakihan ay hinding-hindi niya nabigo ang dating kasintahan. Hindi nga magkasya sa malaki nitong bunganaga ang dakila niyang si junior. Lahat na yata ng posisyon ay nasubukan nila sa sobrang hilig nito, kaya di pa rin niya mapaniwalaan na ipinagpalit siya nito sa iba. Matay man niyang isipin ay sadyang hindi niya maisip ang dahilan para ipagpalit siya nito sa ibang lalaki.  Grabe talaga ang nangyari sa buhay niya. Magdadalawang buwan ng ganito ang routine ng buhay niya. Trabaho sa araw, inom sa gabi. Natutulog lang siya kapag lasing na lasing na siya. Kapag blackout na ang isip niya. Kapag di na niya nararamdaman ang sakit. Kaya hindi siya pwedeng matulog ng hindi pa lango sa alak. Hahanap siya ng kainom sa kahit sa anong paraan. Nagmenor lang siya ng paliko na siya ng kanto ng Sta. Ana.  Bumusina siya sa mga driver na nadaanan niya sa kanto. Mga kostomer niya ang mga ito sa vulcanizing shop  niya sa harap ng bahay nila, si Max ang namamahala niyon dahil mas madalas na nasa Calihan siya, mas kailangan siya sa Seb Auto Repair Shop niya. May isa o dalawang araw sa isang linggo na sa Amigo Contruction Supply naman siya tumatambay. Negosyo nila iyong makakaibigan, pero si Bong at Macoy ang talagang namamahala ng negosyo nila dahil may iba  pa rin silang pinagkakaabalahan. Si Alfred ay abala sa poultry farm niya, si  Rad naman ay namamahala ng negosyo ng pamilya na nakabase sa Maynila. Bigatin ito dahil presidente ito ng isang malaking kompanya. Siya ang hilig naman ay mga sasakyan, kaya mas feel niyang maglagi sa shop niya. Malayo pa ay natanaw na niya ang nakatigil na kotse sa gitna ng kalsada, agad hinagip ng paningin niya ang plaka nito. At nakilala naman agad niya ito ng tamaan ng liwanag galing sa head light niya.,  Sasakyan ito ni Rad na alam niyang si China na ang nagamit. Hindi siya maaring magkamali dahil siya mismo ang nagmemaintain ng sasakyang ito. Bumili na kasi ng Montero ang kaibigan niya. Mas maganda daw iyon, at mas madaling gumalaw kapag may kasamang sexy sa loob.  Playboy talaga ang kaibigan niyang yun.Tuwang-tuwa nga si China noong sabihin ni Rad na pinapayagan na nito ang kapatid na magdrive ng sariling sasakyan, sa kondisyong yung luma nitong sasakyan ang gagamitin. Kahit ayaw ni China ay wala itong nagawa sa gusto ng kapatid. Nakababa na siya at lahat ay parang hindi siya napapansin ng sakay ng kotse. Inaninag niya ang loob ng sasakyan, may tao naman. At sigurado siyang si China, mahaba ang buhok. Kumatok siya sa tapat ng bintana sa driver seat, para makasigurado dahil tinted ang salamin. Aninag  niya ang pagkagulat nito. Ano bang iniisip ng dalaga at hindi man lang nito nililingon ang pagkatok niya. Kaya ilang beses niyang kinatok ang bintana ng kotse.  Mas nilakasan niya ang katok ng hindi pa ren ito nalingon.  Tinawag na niya ang pangalan nito "China! ano bang nangyayari sayo?" kinabahan na tuloy siya dahil hindi pa ren ito lumilingon. Kaya mas nilakasan pa niya ang pagtawag. At mukhang ngayon pa lang niya nakuha ang atensyon.  LALO pang nadoble ang bilis ng t***k ng puso niya ng makilala niya si Bastian. Saglit pa niyang tinitigan ang mukha nitong halos lumapat sa salamin ng bintana ng kotse sa pagtingin sa kanya. Oh my god! Parang gusto rin niyang ilapat ang mukha niya sa salamin. Kailan kaya maglalapat ang mga mukha nila? Matitikman pa kaya niya ang mga labi nito? Nababaliw talaga siya sa lalaking ito. Bago pa maghinala ito ay binuksan na niya ang sasakyan. “ Kuya Basty, buti na lang at dumating ka…. Namatay ang makina eh! Di ko alam kung bakit!” bungad niya agad dito. Pero hindi niya alam kung paano siya haharap dito. Pakiramadam niya ay nababasa nito ang mga iniisip niya. “Mabuti pa ay sumabay ka na lang sa akin,  papakuha ko na lang yan kay Max. Ilock mo na lang. Itutulak ko na lang sa tabi para di makaabala sa magdaraan!” kumpiyansa si Bastian na hindi mawawala ang sasakyan kahit iwan nila sa daan. Tahimik at simple ang pamumuhay ng mga tao sa Sta. Ana kaya wala silang dapat ipag-alala kung iiwan ang sasakyan. Matapos hagilapin ang importanteng gamit sa sasakyan ay sumama na siya sa binata. Tanga siya kung magdadalawang-isip pa siyang sumama dito. Pagkakataon ng makasama niya ito kahit nahihiya siya dito.  “GINABI ka sa daan! Alam ba nina tito Chito na uuwi ka?” tanong agad nito ng makaupo siya sa tabi nito. “Hindi… biglaan ang uwi ko!” "Umuwi lang naman ako, para seguraduhing single ka na uli. At para na rin icelebrate ang pagkabigo mo!" mga salitang tumatakbo sa isip niya. “Buti at pinayagan ka ni Rad?” kilala niya ang kaibigan, alam niya kung paano nito protektahan ang kapatid. Nakakapagtakang pinayagan nito si China,lalo at gabi na itong nagbyahe. “Nasa office pa siya ng umalis ako, nagpaalam naman ako kay Manang Belen. At saka hindi nya ako hahanapin ngayon, magkaiba na kami ng tirahan!” alam ng binata kung gaano kaprotective sa kanya ang kuya niya. Alam niyang magagalit ito, pero ready naman siya kung sakaling pagalitan siya ng kuya Rad niya. Walang yatang hindi nakakaalam na super alaga siya ng kuya niya. Malaki ang agwat nilang magkapatid. Fifteen years old na ito ng isilang siya. “Mabuti at pinayagan ka ni Rad na bumukod ng tirahan!?” sa idad ni China ay hindi na siya dapat pang magtaka, pero dahil kilala niya ang buong pamilya ng mga ito ay sadyang nakakapagtaka na napilit ni China ang kapatid na bumukod ng tirahan. “Pinilit ko! Nasa tamang idad na ako para magsarili!” ang totoo ay napakahabang argumento ng paglipat niya. Nagmiting pa silang mag-anak noon para lang payagan siya. May botohan pang nangyari bago siya pinayagang lumipat. Napakaraming kondisyon ang inilahad ng pamilya niya,  lalo na ng kuya niya. Palihim niyang sinusulyapan si Sebastian habang nagdadrive. Actually, hindi sila close. Sa lahat ng kaibigan ng kuya niya ay dito lang siya hindi malapit.  Pero noong maliit pa siya ay dito siya malapit, natatandaan niya na madalas na ito ang nagbubuhat o nagbababa sa likod nito kapag napapagod siya sa kakasunod sa mga ito. Ito ang madalas gumagawa ng mga bagay na dapat ay ang kuya niya ang gumagawa. Ito ang pinakamatiagang makipaglaro sa kanya kapag pumupunta ang barkada ng mga ito sa bahay nila.  Pero nagbago ang lahat ng lumalaki na siya. Natutong siyang magkaroon ng malisya kapag inaakbayan siya nito at binubuhat. Unti-unting nagbago ang pagtingin niya rito. Bigla-biglang natakot siyang mapalapit kay Sebastian, baka mahalata nito ang damdamin niya. Masaya na naman siya na mahalin ito sa malayo, lalo’t alam niya kung gaano nito kamahal si Bettina. Pero ngayong wala na si Bettina sa buhay nito ay parang hindi na siya makokontento lang sa patingin-tingin. NAPAPANSIN niya ang madalas na pagsulyap ni China sa kanya. Wala pa rin itong tiwala sa kanya. Wala siyang kahit anong matandaan na ginawang mali para madalas na mapagsupladahan ng kapatid na ito ni Rad. Mabuti nga at medyo pormal na ito sa kanya ngayon. Dati ay madalas siyang makatikim ng mga irap at pagtataas ng kilay nito. Papasok pa lang siya sa bahay ng mga ito ay nakasimangot na ito. Samantalang todo naman ang ngiti kapag si Bong ang kaharap, kahit si Macoy at Fred ay maayos din kung pakiharapan nito. Mabuti pa nga noong baby pa si China dahil nagpapakandong pa ito sa kanya. Ang sarap pa nitong kalungin dahil ang taba-taba, pinupopog talaga nila ito ng halik. Sobrang puti  nito, pakpak na lang talaga ang kulang at mukhang anghel na ito. Kaya nagtataka rin siya kung bakit lumayo ang loob nito sa kanya, sa pagkakatanda kase niya ay sa kanya ito pinakamalapit nung bata pa ito. INIHATID siya nito hanggang sa loob ng bahay. Saglit pang inanyayahan ito ng daddy niya na magkape. At nagkwentuhan pa ang dalawa, siya naman ay piniling tumuloy muna nang kwarto niya. “China aalis na ang kuya Basty mo, ihatid mo sa labas!” utos ng daddy niya ng makitang pababa siya ng hagdan. Sinadya niyang umakyat ng kwarto ng marinig na inimbita pa ito ng daddy niya na magkape. She needs to move her cards. Hindi pwedeng babagal-bagal siya. Baka magising siya isang araw na may bago na uli itong girlfriend. Pinili niya yung pinakaseksi niyang pantulog. Pero syempre pinatungan niya iyon ng robe at baka mapalo siya ng daddy niya, na plano niyang kalasin ang buhol kapag hindi na kaharap ang ama niya. Kailangang maging seksi siya sa paningin nito. Simula ng maging girlfriend nito si Bettina ay hindi niya nakitang tumingin man lang ito sa iba. Kahit bumalandra siya sa harap nito  ng nakamaikling short ay balewala. “Sure dad, ako na po ang bahala!” tugon niya sa sinabi ng ama. “Basty ikumusta mo lang ako sa tatay mo!” tinapik pa nito si Sebastian  sa balikat. “Sige po!” anak talaga kung ituring daddy niya ang mga kaibigan ng kuya niya. “Sabihin mo ay minsan ay dumalaw dito ng makapag-inom naman kami!” kung makapag-aya ng daddy niya ng inuman ay parang sobrang lakas uminom. “Makakarating po!” tugon ni Sebastian dito. Umuna na siyang lumakad dito patungo sa front door. Pasimple niyang kinalas ang bohol ng roba niya ng maramdaman ang pagtalikod ng ama. Alam niyang deretso na ito sa silid, para balikan ang mommy niya na hindi na bumangon dahil masakit ang ulo. Malakas ang loob niya dahil alam niyang sila na lamang ang tao sa labas, maagang matulog ang mga kapit-bahay. Ang kawaksi naman nila ay sa may bandang likuran nag-iistay. “Salamat sa paghahatid mo!” heto na ang simula ng paglabas ng kalandiang nakatago sa pinakasulok na parte ng pagkatao niya. Lahat ng mga bagay na pinalano niya noon sa isip ay maiisakatuparan na niya. MISTULA siyang naengkanto sa pagharap ng dalaga, nahulasan yata siya. Biglang namilog at nanlaki ang namumungay niyang mga mata kanina. Napakaseksi at napakaganda nito. Nakakagigil ang kaputian. Para siyang hinayinan ng paborito niyang ulam. Gusto niya itong kainin ng buo. Si China ba talaga ang kaharap niya?.“Anong kaseng tao siya? Pati kapatid ng kaibigan niya ay tinatalo niya!”  Talagang ipinilig niya ang ulo niya kahit kaharap pa si China, para maalis ang agiw sa utak niya. “Wala ‘yon!” nasabi na lang niya sa pasasalamat ng dalaga. “Paano nga pala yung kotse ko?” kailangan niyang mag-isip ng sasabihin para tumagal pa ng kaunti ang binata. “Ako na ang bahala doon, ihahatid ko na lang bukas!” pilit na ipinopokus ni Sebastian ang tingin niya sa mukha ng dalaga. Iniiwasan niyang mapatingin sa nakakaakit nitong katawan. “Okey na kaya yun sa umaga? gagamitin ko kase pagpunta kina Marla!” kilala nito ang bestfriend niya. Madalas din kase na magpang-abot ang dalawa sa bahay nila noon. Kung gaano kadalas ang mga kaibigan ng kuya niya sa bahay nila ay ganoon din si Marla. “Ako nang bahala, mga anong oras mo kailangan?” di pa rin niya maiwasan na sulyapan ang katawan nito. gusto niyang sabihin sa dalaga na ayusin nito ang suot bilang nakakatandang kapatid, pero hindi niya magawa dahil gustong-gusto rin naman niya ang mga nakikita niya. SA dami na ng napanood at nabasa niyang mga love stories, pakiramdam niya ay napakadali nang mang-akit. Hindi pala! Oo nga at nakita niya ang pagkamangha sa mukha nito ng makita ang alindog niya, pero pati  siya ay nawala rin sa sarili. Kung tutuusin ay walang-wala ito sa mga manliligaw niya. Madalas nga siyang kulitin ng kuya niya na sagutin na si Alexander Diaz, ito kasi ang pinaka-bigatin sa lahat ng suitor niya. Malaking bagay daw kung magiging parte ng pamilya nila si Alex, lalo’t higit  sa negosyo ng pamilya. But that’s only a  wish from her family, siya pa rin ang magdedesisyon. Ewan nga rin ba sa sarili niya at mahal na mahal niya Sebastian. Kung tutuusin ay higit na gwapo sina Bong at Macoy sa mga kaibigan ng kuya niya kumpara dito, pero ito talaga ang mahal niya. Minsan na rin niyang pinulaan ito sa isip niya, pero hindi  nakikiayon ang puso niya. Sinawaan na rin niya ang paninira dito sa isip niya, tinanggap na lang niya sa sarili niya na wala na talagang hihigit  pa rito para sa kanya.Baliw ka talaga China! Ano bang asset meron ang lalaking ito? Matangkad lang, talagang malaking lalaki. Macho, as in yummy! Face? average lang. May hawig sa local actor na si Victor Neri. Hindi naman n***o, pero mas maitim sa karaniwang Pilipino. In short may pagkabakulaw sabi ng kaibigan niyang si Marla. Bakulaw na pogi para sa kanya. Hindi naman siya bulag nakikita niya na napakalayo nito sa kanya pagdating sa physical aspect. Hindi sa nagyayabang, pero marami ang nagsasabi na mukha siyang prinsesa sa ganda. Noong baby nga daw siya ay mukha siyang anghel. Beauty and the beast ang acting! “ Pwede na kaya iyon ng ten AM? May usapan kase kami ni Marla na doon ako magla-lunch sa kanila!” totoo naman ang sinabi niya, iyon talaga ang nakaplano niyang gawin bukas. “Try ko kung pwede na!” pero kung aapurahin talaga nila ni Max ay tiyak na tapos yun bago mag 10 AM. “Paano kaya ‘yun?” kung hindi magagawa ay tiyak na hindi siya matutuloy sa plano niyang pagpunta kay Marla. “Don’t worry kapag hindi pa magagawa ay sasamahan kita kina Marla….. kung okey lang sa’yo?” napakamot pa ito sa ulo na akala mo ay nahihiya. Abala siyang tao pero nag offer sya ng ganun kay China. Samantalang noon ay ni hindi niya masamahan si Bettina sa mga lakad nito, at kapag naglalambing ang kasintahan na pumasyal sila ay pera ang ipinangtatapat niya dito para hindi na sya kulitin. Tapos ngayon sasamahan niya si China ng hindi man lang iniisip kung anong araw bukas o pinag-iisipan man lang kung may nkaplano siyang gawain. “Really! Hindi ba ako makakaabala sa’yo?” nahihiya pang wika niya pero ang totoo ay gustong-gusto niya. pagkakataon na, heto na ang hinihintay niya.  “Wala naman akong gagawin bukas!” ang totoo ay hindi siya segurado sa sinabi niya. “Deal yan ha!’ naglakas-loob na sya at baka umatras pa ito. Ipinalangin na lang niya na hindi agad maayos ang kotse niya. Tumango pa ito bago tuluyang tumalikod papunta sa nakaparadang owner nito. Huling sulyap sa babaing itinuturing niyang kapatid pero gumigising sa p*********i niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD