Kabanata 1

1210 Words
*kring* Tamad kong minulat ang mga mata ko nang marinig ko ang alarm clock ko. Tumingin ako sa bintana. Nagsisimula nang tumaas ang Araw. Agad ko namang pinatay ang alarm clock ko. Humikab ako at tumingin sa paligid. Nakakatamad bumangon. Hindi ko pa naayos ang iba kong gamit. Siguro ay magiisang linggo na ako ritong nakauwi. Lumabas ako sa sala. Nakakawalang ganang makita ang mga Gamit kong hindi pa naayos. Yung mga gamit ko, Naka carton pa. Nagpunta ako sa Kitchen at binuksan ang Ref. May nagiisang Bote ng Tubi sa loob ng ref ko. Kinuha ko ito at pinagmumug ko. Ito na rin ang ginamit ko pang hugas sa mukha ko. "Yahhh!" Nagstretch ako. Lagi na lang akong tinatamad bumangon kapag umaga. Samantala ay dahil wala naman akong pagkain sa bahay, Lumabas ako at nagpunta sa Convenient Store. Malapit lang sa bahay ito. Dito ako kumakain. Kase wala namang tagaluto sa bahay at hindi pa ako nakagrocery. Dumiretso ako sa Noddles Section, Kumuha ako ng Jumbro yung Spicry Ricecakes Ramyun at nilagyan ko ng mainit na tubig. Pumwesto ako sa harapan ng Bintana sa High chairs. Kung saan kaharap ko ang Bintana kumain. Nilapag ko ang Noddles sa Mesa. Binuksan ko ang Wooden Chopsticks na kasama nito at inipit sa bandang may 'Tear here' sa noodles Ang Pagkain ng Noodles: Step 1: Buksan ang Noodles Step 2: Tanggalin ang Takip Step 3: Buksan ang Seasonings Step 4: Lagyan ng Mainit na Tubig Step 5: Takpan and wait until Cook Ang lamig rito sa Convenient Store. Ang sarap matulo. Sinadal ko ang ulo ko sa mga palad ko habang inaantay ang Noodles ko. Napapikit ako. Kaso kamuntik na akong mausbsub sa Noodles ko kaya naman tinigil ko na and last Step 6: Kumain ka na. Wag mo hayaang maging soggy ang Noodles hindi masarap. Parang sa Relasyon kapag tumatagal mawawalan rin ang Kasarapan sa samahan. Kung ako sainyo.. Magbreak na kayo Dahil nagmagaling akong mag chopstick napaso ang bibig ko. Kaya naman may idadag dag pala ako sa Steps! Step 7: Ihipan ang Noodles baka Mapaso Hay, Ang buhay ko. Bangon Gising Hinga tulog kain. Hindi pa kase ako nakakahanap ng trabaho. Ang hirap ng Nurse rito sa Pinas mahirap Mag permanent! Parang Love, Mahirap hanapan.. Hindi mo pa sigurado kung permanente nga. *Slurpp* Ang sarap ng kain ko kahit pikit na pikit pa ang mga mata ko. Ninanam nam ko ang sarap ng Noodles. Buti pa itong Noodles damang dama ko ang Init at sarap ng pagmamahal, Ay este ang sarap pala talaga nito. Para kong sinampal ang sarili ko sa Utak ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung gising na ba ako o tulog pa. "Coffee" Habang nakatulala ako ay nakita ko ang kamay na naglapag ng Coffee in Can sa Mesa ko. Kumurap kurap ako at tinignan ko itong maigi. Kape nga! With Matching maputi Hands! Dahan dahan akong lumingon sa tabi ko. Nakakita ako ng Isang Lalakeng putok na putok ang Maskels at umiinom ng Kape. Confirmed. Hindi pa nga ako Gising. "Coffee ka muna maanghang yang kinakain mo" Bigla siyang nagsalita. Nanlaki ang mata ko. Nagsalita siya! Di ito Panaginip. Samantala ay sinubukan kong ilapat sa braso niya ang hintuturo ko na sanhi nang pagbaling niya ng titig sa akin. Nagtainginan pa kaming dalawa. "Hehe" Bumungis ngis ako. Para akong nahiya sa Inasal ko. "Busy ka ba masyado at hindi ka na nakakapagsuklay?" Nagsalita ulit siya. Samantala ay pinagpatuloy ko ang pagkain ko "Kakagising ko lang" Sagot ko naman sakanya "Kaya naman pala. Dika pa naligo no?" "Bakit nangangamoy na ba ako?" Tumingin ako sa kanya pero diretso parin ang titig nito sa labas. "Mukha kang Bangkay." Walang emosyong saad nito.Ngumuso lang ako at saka ipinagpatuloy ang pag kain ko "Akala ko kanina nakakakita na ako ng mga Multo." "Hoy Manong namumuro ka na sa paginsulto sakin ah!" Pagbabanta ko sa kanya. Bigla niya akong nilingon wearing a smile.  Pero hinayaan ko na lang "Porke putok na putok ang mga Maskels mo." I murmured. Narinig ko pa ang pagtawa nito. "No matter how hard life is, You must always remember to fix yourself. " Napatigil ako sa pagkain. Para akong natamaan sa sinabi niya. I could remember my pains again. Kung bakit ako ganito. Where are my hopes? Gone. Nasaan na ang Vision ko para sa sarili ko. Gone. Everything is Gone. I was left broken and have nothing "3 years. tatlong tanginang taon. Magdududa ka pa ba dun?" Biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. "Here comes your words: Binigay ko ang lahat. Minahal ko siyang buong buo. I sacrificed everything  nagtiwala ako sa kanya." Saad naman nito na parang nagdradrama "Same Scenarios of Broken Hearted. " Napailing iling na sabi niya. "Why do you take love so seriously huh?" tanong nito. Napatingin ako sa kanya na parang ang layo layo ng iniisip. Kinuha ko ang Kape na inilapag niya kanina at uminom ako "Kayo? Bakit ang hilig niyo mangloko? Bakit ang dali niyo magsawa? Mga parepreho kayong mga lalake" Parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. ang boses ko ay may bakas na pagkadismaya at lungkot. "Wag mong lahatin." Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at sumandal sa Mesa. Mejo malapit na kami sa isa't isa ngayon "Sige kung may natitira pang matinong lalakeng kilala mo sige,Mag enumerate ka ng sampung lalakeng matinong kilala mo  Isulat mo rito sa Tissue!" Kinuha ko ang tissue sa harapan ko at kinuha ang Ballpen sa bulsa ko. Kinuha naman niya ito pero pansin ko lang, Ang tagal niyang tinititgan ang tissue at pinaglalaruan niya naman ang ballpen sa kamay niya "Ano? Wala kang masulat no? Aminin mo na Parepareho kayo!" Mapait kong saad. "Oh sha sige maiwan na kita. " Tumayo ako at bago ako lumayo ay tinapik ko ang balikat niya.. Naglakad ako palabas ng Store nang nakapamulsa. Weirdo nung lalakeng yun. Gwapo nga at matipuno ang pangangatawan pero mejo Slow naman yata! Nakakita ako ng tuta sa may basurahan na nagkakalkal ng basura. Napatingin ako sa Sausage na hawak ko. Dalidali kong nilapitan ang Tuta. Ibinigay ko sakanya ang sausage. Hinimas himas ko pa ito. Ang cute cute naman tapos pagala gala pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napatigil ako nang makapa ko ang bulsa kong walang laman "Shemay! Ang Ballpen ko!!!!!" Napabalikwas ako ng takbo pabalik! Hindi pwdeng mawala iyon! Recording Ballpen ko iyon! Naduon lahat ang mga nakarecord sa daily life ko. HIndi pwedeng may makapagdinig dun! Nang marating ko ang convenient store ay wala nang tao dun sa inupuan ko kanina! Ang naalala ko iniabot ko sa lalake ang Ballpen! "Kuya Nasan si Manong Puti kanina nakita mo ba!?" Dumiretso ako sa Counter. "Sinong Manong puti? Diko kilala" sabi naman nito. Nagtungo ako sa inupuan ko. Walanjo ang lalakeng iyon pati ballpen pagnanasaang kunin! Sana iniwan nalang niya sa Kuya Cashier! Napaupo ako sa high chairs at napayuko sa mga kamay ko. Ang tanga tanga lang!  Napasabunot ako sa buhok ko! Umagang umaga dinalaw ako ng Kamalasan Nang mag inangat ko ang Ulo ko ay nagulat ako Bat Puti ang nakikita ko? Napansin ko ang tissue na nakadikit sa Noo ko. Inalis ko ito at may napansin akong nakasulat 1.Gabrielle 2.Gabrielle 3.Gabrielle 4.Gabrielle 5.Gabrielle 6.Gabrielle 7.Gabrielle 8.Gabrielle 9.Gabrielle 10.Gabrielle *************************************** UNEDITED Itutuloy po Salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD