TIED Continues Mia NATIGILAN ako. My eyes became warm and I have to open and close them several times. I took a deep breath as the sea water hit my feet. Umihip ang malakas na hangin at para akong dinadala sa kung saan. "W-Wala na kami ni Kyle." I declared and looked up the sky. Kanina lang ay nararamdaman ko pa ang init ng sikat ng araw. Ngayon ay nagdidilim na ang paligid. Mahirap talagang unawain ang panahon. Hindi mahulaan. Malalaman mo na lang kapag nandyan na. "It looks like it's going to rain." Ambrose stretched and stood up, ignoring what I just said. He offered his hand and helped me stand up. Hawak pa rin niya ang kamay ko nang may tumawag sa pangalan naming dalawa. "Ambrosio! Mia! May masamang nangyari kay Mr. Tyago!" Ang balitang iyon ay mula kay Rino na nakatuon sa magkah

