Chapter 13 (Away ng Mag-Asawa)

2683 Words
Dakong alas-siyete ng gabi nang makauwi si George sa kanilang bahay na mag-asawa. Nang pagpasok niya ng bahay ay napansin niya na masyadong madilim ang bahay. Nakapatay kasi ang mga ilaw sa sala at sa hapag-kainan. Tanging ilaw lang mula sa kandila na nakatung-tong sa dining table ang kanyang naaninag. “Mahal?” tawag niya sa kanyang asawa “Bakit walang ilaw ang bahay? Hindi ba tayo nakabayad ng kuryente natin?” Walang sumagot sa kanyang tanong at doon na siya kinabahan. Nagdesisyon na lamang siya na umakyat. Nang pagkadating niya sa hagdanan ay napahinto si George dahil may nakita siyang pira-pirasong mga talulot o petals na nakakalat sa bawat baitang ng hagdanan. Unting-unti niyang sinunod ng kanyang mga mata kung hanggang saan ang petals. Nang pagtingin niya sa taas ay nakita niya ang kanyang asawa na si Bek na nakatayo doon at sexy ang suot nito. Nakasuot siya ng kulay na violet na nighties at nakatingin din sa kanya ng malagkit habang kinakagat ang labi nito. Kaagad umakyat si George patungo sa kanyang asawa. “Hi Mahal. Andito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay” “Pasensiya Mahal. Medyo busy kasi sa office eh” “Okay lang yun, Mahal” sagot ni Bek “Ang importante ay nandito ka na at nakauwi ng ligtas” sabay yakap niya ng mahigpit sa asawa “Miss na miss kita, Mahal” “Mahal? Okay ka lang? At ano ba ‘to?” “Okay naman ako, Mahal” sagot ni Bek na patuloy pa rin ang paglalandi sa kanyang asawa “Bakit mo naman naitanong?” “Parang may nag-iba sa’yo eh” pansin ni George sa kanya “Parang nag-agresibo ka ngayon” “Aggressive? Do I?” ulit nito habang naka-akbay ang dalawang braso no Bek sa magkabilang balikat ng asawa “Hindi naman ah. Na-miss ko lang ang asawa ko kaya ganito ako ngayon. Mahal, sorry sa mga sinabi ko sa’yo, Mahal. Promise ko sa’yo. Magbabago na ako” “Talaga..?” “Oo naman. Pangako yan” habang nilagay ni Bek ang mga kamay niya sa bukol ng pantalon ng asawa “At na-miss ko ‘to Mahal” at hinalikan niya sa labi ang asawa pababa sa leeg habang hinuburan niya ang polo nito. “Bek…” alis niya sa kamay ng asawa. May napansin si George sa hininga ng asawa “Teka. Naka-inom ka ba? Bakit amoy alak ka?” “Hindi Mahal” “Anong hindi? E amoy na amoy ko ang baho ng alak sa hininga mo oh” kumpirma ni George sa hinala “Yung totoo Bek. Sagutin mo ako ng derecho, nakainom ka ba?” “Sorry na Mahal” sabay alis niya ng kanyang mga kamay sa asawa “Ngayon lang naman eh” “Ngayon lang…?” ulit ni George at unting-unti tumataas ang tono ng kanyang boses “Alam mo ba na masama yan sa baby?! Ano ba ang pumasok diyan sa utak mo para uminom ka ng alak ha??!!” “Gusto ko lang naman bumawi sa’yo, Mahal eh” sagot ni Bek “Gusto ko lang maibalik ang dating init ng pagmamahalan natin” “Kaya uminom ka??” “Sorry na nga Mahal. Hindi na mauulit” pagmamakaawa niya kay George “Ewan ka sa’yo, Bek. Parati na lang ganito” buntong-hininga niya sa asawa. “Mahal naman. Hayaan mo naman na bumawi ako sa’yo oh” ulit ni Bek sa kanya “Hindi ko naman sinasadya ang pag-iinom eh” “Hindi sinasadya..?” ulit niya “Paano kung may mangyari sa baby natin? Hindi ba yan sinasadya??” kitang-kita sa mukha ni George ang galit at pagkadismaya nito sa asawa “Rebecca. Alam mo naman na marami akong ginagawa sa hotel diba? Pagod na pagod ako.. at sa pagkauwi ko dito, ito pa ang dadatnan ko? Ayusin mo ang mga kalat mo sa hagdan ha… lalung-lalo na ang buhay mo?!” “Sorry talaga Mahal” iyak ni Bek “At kanino mo naman nakuha ang ideyang ito? Kay Jen na naman galing ito noh??” “Hindi Mahal” habang tumutulo ang mga luha niya “Wala siyang kinalaman dito. Akin ang ideyang ito. Ako ang sisihin mo, hindi siya” “Good. Buti alam mo” at lumakad si George patungo sa pintuan ng kanilang silid habang nakatingin sa asawa mula sa hagdan “Ito tandaan mo, kung may mangyari masama sa anak natin, ikaw ang sisisihin ko at baka maisumpa pa kita. Kaya mag-ingat ka, Bek. NAIINTINDIHAN MO??!!” Tumango na lang si Bek bilang sagot sa banta ng kanyang asawa. Hindi niya alam na mahahantong ulit sa awayan ang plano niya sana na bumawi sa asawa sa kanyang mga nagawa. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil nawala sa kanyang isip na may dinadala pala siyang sanggol. Malaki talaga ang magiging kasalanan niya kay George kapag may mangyari na masama dito. *** Samantala. Sa bahay nina Zeek at ng kanyang ina. Nakaupo siya sa sofa at hinihintay ang kanyang ina na si Vivian. Hindi siya mapakali at gusto niya nang sabihin ang mabuting balita sa ina na nakahanap na siya ng pera para pambayad sa mga gastusin nila sa bahay. Magkalipas ang ilang mga minuto ay nakarating na si Vivian sa kanilang bahay. Malungkot ang mukha at parang dismayado ito. Tumayo naman si Zeek upang salubungin ang ina sa pagpasok at nagmano kaagad ito. “Bakit ngayon ka lang, Ma?” tanong niya sa kanyang ina “Saan ka ba nanggaling?” “Pasensiya anak. Naghanap pa kasi ako na pwede nating mauutangan pero wala talaga eh” Napangiti na lamang si Zeek at hinila ang kanyang ina papunta sa hapagkainan “Halika, Ma. May ipapakita ako sa’yo” “Sandali naman Zeek, Dahan-dahan lang. Madadapa ako” Bumungad sa kanilang dalawa ang sampung plastic bag na punong-puno ng mga groceries. Napanganga na lamang si Vivian sa kanyang nakita at parang hindi makapaniwala. “Surprise..!” sambit ni Zeek habang nakangiti ito, na tumutulo ang mga luha. “Anak. Saan ba ‘to galing? Bakit ang dami? Sa atin ba ‘to?” “Oo naman, Ma. Sa atin lahat yan” ngiti ni Zeek “Nakahanap na ako ng mabuting tao na mahiraman ng pera” “Talaga anak? Sino naman ang mabait na taong yon?” “Kay Sir George, Ma” sagot ni Zeek “Pinautang niya ako ng pera” “Sir George?” ulit ni Vivian “Sino naman iyan, anak?” “Ang may-ari po ng hotel, Ma” “Talaga?Mabuti naman kung ganon, anak dahil pinahiram ka niya ng pera” at niyakap niya ang anak ng mahigpit “Nagpapasalamat talaga ako sa’yo dahil napaka-responsable mong bata” sambit niya “Napakaswerte ni Hazel kung magkakatuluyan kayo, nak” “Ma naman. Kalimutan mo na nga ang babaeng yon” at umiba ang mukha ng binata “Wala naman siya dito. So, huwag mong banggitin ang pangalan niya” “E ano naman? Girlfriend mo naman siya diba?” “Hindi na noh. Nakipaghiwalay na ako sa kanya” “Pero mahal mo pa siya?” pero hindi nakasagot si Zeek sa tanong sa kanya “Hindi ka nakasagot, Zeek. Silence means, yes” “Ma naman. Huwag mo nang ipagpilitan yan” “Sige…” ngiti ni Vivian “Oo nga pala, Zeek. Magkano ba ang inutang mo kay Sir George mo?” “Maliit lang, Ma. Ako lang ang bahala na magbayad sa kanya” “Sigurado ka?” “Oo naman, Ma” “Sige. Kung iyan ang gusto mo, hindi na ako maging makulit” ngumiti lang si Zeek bilang ganti sa sinabi ng ina “Oh. Kumain na tayo anak. Magluto na tayo ng uulamin natin” habang hinahanap ang mga delata na pagkain sa mga plastic bag. “Naku Ma. Itabi mo muna yan” “Bakit?” “Bumili ako ng ulam natin sa labas kanina. Lechong manok” sambit ni Zeek “Nandiyan na sa mesa, Ma. Binili ko yan dahil pangarap ko talaga na makakain yan eh” “Kawawa ka naman anak” at hinawakan ang pisngi nito “Pasensiya na talaga kung hindi ko maibigay lahat ng mga kailangan mo ha” “Ano ka ba, Ma? Ayos nga lang sa akin noh” sabat niya kay Vivian “Huwag na tayong magdrama pa, Ma. Kumain na lang tayo. Gutom na gutom na ako eh” Umupo sila kaagad sa hapagkainan at kumain ng masarap na lechong manok. *** Kinabukasan. Hindi nakatulog si Bek sa pag-iisip sa kanilang problema na mag-asawa. Nakaupo lamang siya sa hagdan habang tumutulo ang kanyang mga luha. Hindi siya pumasok kagabi sa silid kasi galit pa ang kanyang asawa at baka mag-away na naman sila. Kaya nagdesisyon na lamang siya na sa hagdan na lang umupo buong gabi. Naramdaman niya na bumukas ang pintuan ng kanilang silid. Lumingon naman siya dito at nakita niya na lumabas si George at nakabihis na papunta sa kanyang trabaho. “Anong ginagawa mo diyan?” kibo niya dito kay Bek “Bakit hindi ka pumasok at doon natulog sa loob?” “Hindi Mahal” sagot ni Bek “Alam ko naman kasi na galit ka sa akin eh. Kaya hindi ako pumasok” Nagpabuntong-hininga na lamang si George sa dahilan ng kanyang asawa. Pinuntahan niya si Bek at inilalayan sa pagtayo “Ano ba ang pumasok sa utak mo, Bek?” sambit niya dito “Oo. Galit ako sa’yo pero hindi ibig sabihin na ayaw kitang makatabi at makasama sa kama” “Sorry Mahal. Sorry talaga sa nagawa ko sa’yo” “Oo na. Sorry din kasi nagalit ako sa’yo” sambit ni George “Sobrang pagod lang kasi ako kagabi” “Okay lang yun, Mahal. Naiintindihan naman kita” “Good” dugtong niya “So, saan ka natulog? Dito sa hagdan?” “Hindi Mahal eh. Yung totoo kasi, hindi ako nakatulog sa sobrang kakaisip sa away natin kagabi” “Ano…?! Hindi ka nakatulog?” “Oo Mahal. Pero matutulog din naman ako agad pagkaalis mo” “Ewan ko sa’yo. Talagang inaabuso mo ang kalusugan mo noh?!” sigaw niya kay Bek “Huwag ka namang magagalit sa akin, Mahal. Please” sambit niya sa asawa “Akala ko ba ay okay na tayo..?” “Akala ko din eh. Pero hindi ka nag-iingat, Bek” sabat niya dito “Yung totoo, sinasadya mo ba talaga ‘to?! Na patayin ang baby natin?! Gumaganti ka ba sa ginawa ko sa’yo noon?!” “No. of course not. Hindi ko magagawa sa baby natin ang sinasabi mo, Mahal. Mahal ko ang baby natin” “E bakit hindi ka pumasok kagabi at natulog..? Pinalalabas mo talaga na mas mataas ka sa akin noh? Na ikaw ang magkokontrol sa akin..??!!” “No. Hindi Mahal. Hindi ganyan” habang hinihimas niya ang mga braso ng asawa para mapakalma lang ito. “E ano lang?!” sigaw niya sa asawa “Alam mo, kapag may mangyari talaga na masama sa bata ay isusumpa kita” “Ang sakit naman, Mahal” dugtong ni Bek habang nanlulumo ang kanyang mga mata “Mas concern ka sa anak kesa sa akin..? Asawa mo ako diba..??” “Tumahimik ka ha…?” panduduro ni George sa asawa “TUMAHIMIK KA!!!” Kitang-kita sa mukha ni George ang galit nito dahil nanlilisik ang mga nito at namumula ang mga pisngi na parang kamatis. Ngayon niya lang itong nakita na magalit ang asawa ng husto “Ayaw na kitang makita o makausap ma lang” at nagmamadali siya bumaba sa hagdan at umalis ng bahay. *** Samantala. Dakong alas-siyete y medya nang umaga nang makarating si George sa hotel. Kaagad siyang dumerecho sa kanyang opisina upang pakalmahin ang nanginginig niyang katawan mula sa away nilang mag-asawa sa bahay. Hindi tumagal ay kumalma na din siya at kaagad tumayo para kumuha ng alak. Nilagay ito sa baso at humigop ng kaunti. Bigla na lang pumasok ang kanyang assistant na si Lucas. “You’re late” sambit niya kay Lucas habang lumalakad siya patungo sa kanya “I’m not late. Maaga ka lang” hindi naman sumagot sa sinambit sa kanya ng assistant “Oo nga pala, Sir. Bakit nga pala ang aga ninyong pumasok?” “Wala. Gusto ko lang ng maaga” “Talaga? Hindi ba kayo ng nag-away ng asawa mo?” “Hmmm. Oo. Nag-away kami ni Bek” “Again..?” dugtong nito at tumayo naman si George sa kanyang upuan. Pumunta sa bintana at humigop muli ng alak sa kanyang baso “Parang palagi na ang awayan ninyo ah. Hindi ka ba nababahala sa relasyon ninyo?” “Hindi naman” sagot ni George sa kanya “It’s just a little misunderstanding” “Really…?? Talaga lang ha. Ano naman yon?” “That’s none of your business, Lucas” “Sorry po, Sir” sambit niya sa amo “Nasanay lang kasi ako, na parati mong sinasabi sa akin ang mga naging problema ninyo noon” “Then don’t. Huwag ka nang masanay dahil iba na ngayon” sabat sa kanya ni George “Iba na ang panahon na yon dahil nagdududa na ang asawa ko sa’yo” “Bakit..?? Mahal mo ba siya..?” “Oo. Kung kinakailangan. Mamahalin ko pa rin siya” “Bullshit” sambit ni Lucas na habang nakatawa. “Hey. Watch your word, Mister. Baka nakakalimutan mo, I’m still your boss” sambit ni George na parang tumataas ang tono ng boses. “Ito ang tatandaan mo, kalimutan mo na ang lahat na nangyari sa atin dahil tapos na yon” Kumurot ang dibdib ni Lucas sa mga masasakit na sinabi sa kanya ni George. Hindi pa rin siya nagbabago at s*x lang gusto niya, at may nakita na siyang bago. “Si Zeek ba… siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo na sa akin..?” “What are you talking about??” “Just answer me!” sigaw niya kay George “Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit wala ka nang gana sa akin. Dahil may bago ka na” habang namumula ang kanyang ilong “Ano ba talaga ang pinag-usapan ninyong dalawa? Meron ka bang hindi sinasabi sa akin??” “Ano ba ang pinagsasabi mo, Lucas? Hindi kita maiintindihan” “Nagmaang-maangan ka na naman. Pwede ba, huwag mo akong gawing tanga. Hindi ako ang asawa mo” “That’s the point. You’re not Bek. Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa’yo tungkol sa pribado kong buhay” sabat niya kay Lucas “Wala kang karapatan na magreklamo dahil alam mo na ginamit lang kita, at pangalawa, empleyedo kita dito. Learn to respect your boss” “Oo nga. Alam ko. Pero umaasa pa rin ako kasi na mahalin mo ako kahit kaunti lang. Yung lang naman ang hinihingi ko” “Nababaliw ka na talaga. May asawa ako, Lucas. At mahal ko siya, is that clear?” at tumango naman siya bilang sagot “Good. Sana naging klaro na sa’yo iyan, na walang namamagitan sa ating dalawa. It’s just s*x” “I’m sorry, Sir” napili na lang ni Lucas na tumahimik na lang bago pa may ibang makarinig sa kanilang bangayan. “It’s okay” buntong-hiningha ni George. Lumakad siya muli papunta sa kanyang upuan at umupo “Pakitawag na lang si Zeek. Sabihin mo sa kanya na pumunta dito dahil may ipapagawa ako sa kanya” “Sige po. Masusunod” kaagad din siyang lumabas sa opisina at bumaba sa mga Function Rooms para hanapin si Zeek. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD