Chapter 16 (Kutob)

2693 Words
“Sorry Sir” sabay lunok ni Lucas “Nag- CR po kasi nun. Hindi ko nga alam na si Ma’am Bek pala ang kasama niyo sa loob. Akala ko si Zeek eh” paliwanang nito sa kanyang amo “Kanina ko lang nga nalaman na si Ma’am Bek pala iyon nung pagkalabas niya. Sorry po talaga, Sir” “It’s okay, Lucas. Huwag ka nang humingi ng tawad” sambit ni George “Pero sa susunod, gawin mo ng maayos ang trabaho mo, okay?” “Opo Sir” napansin ni Lucas na masaya ang kanyang amo dahil abot-tenga ang kanyang ngiti “So kamusta naman ang s*x ninyo ni Zeek? Masaya ba?” “Yeah” sagot ni George habang nakangiti “That was hot. Ang sikip-sikip ng butas niya pero hindi siya pumapalag sa sakit at hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko sa kanya” “Well. It seems totoo nga na nag-enjoy siya talaga” ngiti ni Lucas “Rinig na rinig ko nga ang ungol niya doon sa labas eh” “Wow. Talaga? Ganyang kalakas?” sambit niya “s**t. Ang hot niya talaga” “Magaling ba siya..?” “As a beginner?? Yes. Magaling na magaling” sagot niya habang inaalala ang nangyari sa kanila kanina “Actually, that was the hottest s*x na na-experience ko” “Talaga? Well, good for you” “I know, right? Zeek is a hot slutty boy” dugtong niya “I want to f**k him again and again and again hanggang siya na mismo ang magmamakaawa na huwag nang tigilan” “The f**k him. As long as you can” sagot ni Lucas “Pagkatapos nun, dump him, katulad ng ginawa mo sa akin” “Excuse me?” “Totoo naman ang sinabi ko diba? Bilisan mo na pagsawaan ang Zeek na yan” sabat niya sa kanyang amo at parang naiinis na ito sa usapan nila “Pagkatapos… maghanap ka na naman ng bagong bibiktimahin mo” “Teka. Mainit ba ang ulo mo? Galit ka ba sa akin?” habang nakakunot ang noo ni George “Parang hindi mo na ako nirerespeto ah” “Bakit? Paano ako magbibigay ng respeto sa isang tao, kung siya mismo ay hindi nagbibigay ng respeto sa sarili niya?” pang-iinsulto ni Lucas sa kanyang amo “Ilang beses mo ginamit ang katawan ko pero may narinig ka bang angal mula sa akin? Alam mo, sa tuwing bumababa ako sa mga tao doon sa baba ay kinakapalan ko na lang ang mukha dahil alam ko na pinagtsismisan nila ako” “Tsismis?? Ano ang ibig mong sabihin, Lucas?” “Hindi mo alam?? Kumakalat na sa baba ang ginagawa natin dito” sumbong niya kay George “Baka isang araw na lang, magugulat ka, na alam na pala ng asawa mo. Well, I don’t care. Sana ay malaman na yan kaagad ni Bek para masira na ang relasyon ninyo dahil masama kang tao” “How dare you. I’m the boss of this hote!” dugtong niya dito “Wala akong pakialam kung ano man ang pinagkakalat nila sa baba dahil ako pa rin nagpapasweldo sa kanila. At kahit anong gawin ko dito ay wala kang pakialam, baka ikaw pa ang nagkakalat ng tsismis eh” “Ako..??” tawa ni Lucas “How I wish na ako pero hindi. Baka isa sa mga nabiktima mo ang kumalat. At hindi ako interesado na ipagkalat ang malungkot mong buhay. Diba nga? Naghahanap ka ng kaligayahan dahil ang lungkot ng buhay mo…?” Nanginginig sa galit si George sa mga pang-iinsulto sa kanya ni Lucas. Hindi niya na talaga mapipigilan dahil hindi na siya nirerespeto ng kanyang assistant. “THAT”S IT!!” sigaw niya dito. Tumayo siya sa upuan at tinignan si Lucas na parang umaapoy ang mata sa galit. “Lumayas ka na dito, Lucas! Hindi mo na ako nirerespeto. You’re fired!!” “Hindi. Hindi mo ako mapapaalis sa hotel dahil hindi pa tapos ang kontrata ko dito” tanggol ni Lucas sa sarili “I know my right. Hindi porket nainsulto ka lang sa sinabi ko ay pwede mo na ako patalsikin ng ganyan lang” “Tanga ka ba? As I said. I am the owner” sabat ni George sa kanya “Nasa akin pa rin ang huling desisyon kung ano ang gagawin ko sa’yo. And my decision is… you are fired! I can’t tolerate that kind of attitude na merong ka” “Fine. I’m leaving” sagot na lang ni Lucas sa kanya “Pero hindi pa rin mabubura ang katotohanan ang tungkol sa malungkot mong buhay” “Umalis ka na. Bago pa kita ipakaladkad sa guwardiya” pambabanta niya kay Lucas “Wala kang karapatan para husgahan ako sa mga ginagawa sa buhay ko dahil wala kang alam” “Kilala kita. Alam ko ang baho ng taong kagaya mo…” “f**k! Umalis ka na. LEAVE!!” Umalis kaagad si Lucas sa harap ni George. Kinuha niya ang kanyang mga gamit sa mesa at magkalipas ng ilang minuto ay tuluyan na itong umalis ng gusali. *** Umuwi si Zeek nang matapos ang kanyang shift sa hotel. Pagod na pagod siya nang pagkadating niya sa bahay.. Pagod ito hindi dahil sa trabaho niya sa hotel kundi napagod siya sa ginawa nilang dalawa ni George kanina sa opisina nito. ‘Ang sakit ng pwet ko. Parang hindi ako makahiga ng maayos. Parang wasak na wasak na ito ah’ sambit niya sa sarili habang dahan-dahang humihiga sa sofa. Pagkatapos ng ilang saglit ay nakatulog na pala siya sa sobrang pagod. “Anak. Gising…” sambit ni Vivian sa kanya habang kinakalabit ito “Alas-onse na ng gabi, pumasok ka na sa kwarto mo” Nagising at kaagad bumangon si Zeek sa pagpupukaw sa kanya ng ina “Grabe, Ma. Ang haba pala ng tulog ko dito sa sofa” “Oo anak. Kanina pa kita tinitignan dito. Hindi na kita ginising dahil parang pagod na pagod ka eh” “Pagod na pagod nga ako, Ma. Sige po, pasok na po ako sa kwarto ko” habang dahan-dahang lumalakad patungo sa kanyang silid. Napansin naman ng kanyang ina na parang iba ang paglakad nito. “Anak..?” tawag niya kay Zeek at lumingon naman siya kaagad. “Po? Bakit Ma?” sambit ni Zeek habang hawak-hawak niya ang kanyang beywang. “Okay ka lang ba?” tanong nito habang tinitignan niya ang anak “Bakit iba ang paglakad mo? At bakit hinahawakan mo yang beywang mo? Masakit ba??” “Ha? Wala po, Ma” pagsisinungaling ni Zeek “Baka nangalay lang ito kanina diyan sa sofa” “Ganon ba? Sige anak. Matulog ka na” sagot ni Vivian “Akala ko kung ano na yan” “Wala ‘to, Ma. Don’t worry” sabay halik niya sa pisngi ng ina “Goodnight na Ma. Matutulog na ako” “Goodnight din anak” “Ikaw ba Ma? Hindi ka pa ba matutulog?” “Hindi pa ako inaantok anak eh” sagot niya “Sige na. Matulog ka na anak. Maaga ka pa bukas” Ngumiti na lang si Zeek sa ina at kaagad pumasok sa silid nito. Habang si Vivian naman ay umupo uli sa sofa at parang may malalim na iniisip. *** Kinabukasan. Inaayos ni Zeek ang mga mesa at mga silya sa isang Function Room ng hotel para sa nalalapit na event na gaganapin sa silid na iyon. Mag-isa lamang siya nag-aayos doon dahil ang isa niyang kasamahan ay nasa kabilang silid at inaasikaso ang nagaganap na event. “Zeek. Brad” at lumingon naman siya sa taong tumawag sa kanya “Oh bakit? Kamusta ang event sa kabila?” “Okay lang naman. Going smoothly” sagot naman ni Owen sa kanya “Oo nga pala, may gustong kumausap sa’yo” “Sino..?” “Si Ma’am Rebecca, brad” sumulyap siya sa labas ng silid at doon niya nakita si Bek na nakatayo. Kaagad naman siya lumapit kay Bek “Ma’am? Bakit po?” “We need to talk” sagot naman niya “Sige po. Wala pong problema” “In private..” “Ahmmm. Sige po” sagot niya at lumingon siya kay Owen “Brad. Iwan mo muna kami ni Ma’am” umalis naman kaagad si Owen at pumasok sa silid sina Zeek at Bek para doong mag-usap. “Ano po ang dapat nating pag-uusapan, Ma’am?” “Tungkol sa asawa ko” “Tungkol kay Sir George?” ulit ni Zeek “Bakit po? Ano po ang tungkol sa kanya?” Napalunok muna si Bek bago niya sabihin ang kailangan niya sa binata “Mister Lacsamana..?” “Zeek na lang po, Ma’am” pagtatama niya kay Bek “Iyon na lang po ang itawag mo sa akin” “Sige,” buntong-hininga ni Bek sabay hawak niya sa kamay ng binata “Zeek. Mapagkakatiwalaan ba kita?” “Oo naman po. Bakit po, Ma’am?” “Well. I think my husband is having an affair with someone” “Sigurado ka po, Ma’am?” sabay kabog ng dibdib ni Zeek. Baka mahuli na sila ng asawa ni George. “No. Hindi pa ako sigurado diyan” sagot ni Bek “Pero malakas talaga ang kutob ko na may meron and I need proof” “Pero paano po? Paano ka makakahanap ng ebidensiya para mapatunayan na may iba si Sir George? At paano mo naman nasabi na may iba siya?” “Kasi ginawa niya na noon sa akin yun. At kaya niyang gawin ulit” habang inaalala ni Bek ang nangyari noon sa kanila “Ganitong-ganito din ang mga galaw niya sa akin, nagiging malamig na siya” “Pero hindi ka pa rin po sigurado na totoo ang mga sinasabi mo sa asawa mo, Ma’am” sambit ni Zeek na para magbago ang isip ni Bek “Kaya nga andiyan ka para tulungan ako. Para may pruweba ako na totoo ang mga duda ko sa asawa ko” “Ako…?? Bakit po ako..??” doon bumilis pa lalo ang kabog ng dibdib ni Zeek sa magiging pabor ni Bek sa kanya. “Oo Zeek. Tutulungan mo ako para malaman ko na ang katotohanan” “Hindi ko po naiintindihan eh. Bakit nga po ako?” “Bakit hindi?? As of this moment, ikaw lang ang pinakamalapit na ugnayan sa asawa ko bukod kay Lucas” paliwanag ni Bek “Kaya ikaw lang ang pwede kong maging ispiya sa kanila” “Ispiya?” ulit ni Zeek “Yes. A spy” sagot ni Bek “Bantayan mo ang asawa ko. Bantayan mo kung totoo nga na may namamagitan sa kanilang dalawa ng assistant niya na si Lucas” “Pero may trabaho ako, Ma’am. Hindi ko siya pwedeng bantayan. At tsaka, ang pangit naman kung binabantayan ko ang bawat kilos ng boss namin. Baka ako ang mapaalis” “Hindi. Huwag kang mag-aalala” paniniguro sa kanya ni Bek “Ako ang bahala sa’yo. Basta gawin mo na lang ng maayos ang utos ko sa’yo. Kahit magbabayad pa ako sa’yo, sabihin mo lang kung magkano” “Po? Bakit niyo pa ako babayaran?” “Para magawa mo nga ng maayos ang trabaho mo” sagot nitokay Zeek “Sige na, magsabi ka na kung magkano ang gusto mo? Okay na ba sa’yo ang P10,000?” hindi sumagot ang binata dahil nag-iisip pa ito kung tatanggapin niya ang alok at utos ng asawa ni George “P50,000?” pero wala pa ring narinig na sagot si Bek sa kanya. Kinuha niya na lang ang kanyang cheque sa bag at may isinulat ito. Pagkatapos ay kaagad niyang inabot kay Zeek “Heto na, it’s P50,000. Tanggapin mo na yan para magawa mo na ang inuutos ko sa’yo” “Pero…” “Please. Kahit hindi lang sa akin, Zeek. Gawin mo lang ‘to sa pamilya mo. Para kahit papaano ay may pera kayo” pagmamakaawa niya sa binata “Gusto ko lang kasi malaman ang buong katotohanan sa asawa ko” Kinuha na lang ni Zeek ang pirasong papel kay Bek. Wala siyang magagawa kundi sundin na lang din ang utos sa kanya. Pero paano? Paano niya gagawin at mapapatunayan na may relasyon sina George at Lucas? Dahil ang katotohanan naman ay siya na ang bagong kabet ng kanyang asawa. *** Pagkatapos ng shift ni Zeek ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ni George. Pagdating niya sa labas ng opisina ay tila wala nang gamit o senyales na nandoon si Lucas sa kanyang mesa. Hindi niya na lang ito pinanggugulan ng pansin at kaagad pumasok sa opisina. “Good afternoon, Sir” bati niya kay George “Finally. Andito ka na” lapit niya sa binata at niyakap ito ng mahigpit “Kamusta ka na? Na-miss kita, baby” “Okay lang naman ako, Sir” sagot naman ni Zeek “Ganon? ‘Sir’ lang ang tinawag mo sa akin?” “Opo. Totoo naman yon. Kasi ikaw ang mag-ari ng hotel na ito” “No. No. Hindi yan ang itatawag mo sa akin, baby” mungkahi ni George sa kanya “Simula ngayon, daddy na ang itatawag mo sa akin” “Ha? Bakit daddy?” “Kasi baby kita at daddy mo ako” sagot ni George na nakangiti sa kanya “Bakit? Ayaw mo ba?” “Naguguluhan kasi ako eh. Bakit ganyang ang tawagan natin?” “Bakit hindi? Tayo na diba?” “Tayo…??” ulit ni Zeek “Bakit magiging tayo?” “Because we had s*x. Hindi pa ba sapat na dahilan yon para maging tayo?” “Ha? Akala ko ba ay binabayaran mo ako para gawin ko yan?” kita sa mukha ni Zeek na naguguluhan ito sa sinabi ni George “So bakit sinasabi mo na tayo na? At isa pa, we can’t be together” “At bakit naman hindi pwede?” “Kasi may asawa ka… at may girlfriend ako. Hindi tayo pwede” “So?? Wala naman problema kung may asawa ako at girlfriend ka” dugtong ni George “Pwede namang natin itago ang relasyon natin diba?” “Pero that’s cheating. Hindi ka ba nakokonsensiya sa ginagawa natin sa kanila?” “No. I’m not” at lumakad pabalik si George sa kanyang upuan “Kasi siya naman ang nag-umpisa nito. Pinilit niya ako na maging ganito” “What do you mean?” “Basta. Hindi mo dapat malaman. It’s too personal, Zeek” “I understand. Pero mali pa rin ang ginagawa mo. Ang ginagawa natin” “Bakit mali? E binabayaran naman kita. Diba? We’re both taking advantage sa ginagawa natin. Hindi mo man sinasabi sa akin, kita ko sa mukha at sa ungol mo na nag-eenjoy ka” paalala niya sa binata “Kaya tumahimik ka na lang at huwag na huwag kang magreklamo sa gusto ko. Maliwanag?” tumango na lang si Zeek bilang sagot sa kanya “Good boy. Yan ang gusto ko sa’yo eh. Sumusunod parati sa gusto ko” pero wala pa ring sinagot si Zeek sa kanya. Napahinga muna ng malalim si George bago nagsalita muli “Well. As you can see outside. Wala na si Lucas” “Bakit Sir? Anong nangyari?” “I fired him” Nanlaki ang mga mata ni Zeek dahil wala na nga si Lucas. Paano niya magagawa ang utos ng asawa ni George kung wala na si Lucas doon? Baka malihis pa ang pagdududa ni Bek at siya na naman ang pagdududahan. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD