Nabigla si Zeek sa kanyang narinig kay George na pinaalis na si Lucas sa hotel. Hindi niya na alam kung paano magagawa ang utos ni Bek sa kanya.
“Bakit Sir? Ano ba ang ginawa niya?”
“Binastos niya ako kahapon dito. Sa sarili ko pang opisina” kwento niya kay Zeek.
“Ganon lang po?”
“Yes. Ganon lang. Malaking kaparusahan ang pambabastos niya sa akin” pagdidiin ni George “Anyway, maiba ako. Naghahanap ako ng papalit sa kanya”
“Okay Sir. May maitutulong ba ako?”
“Yes”
“Ano po yon? Sabihin niyo lang po. Gagawin ko ang lahat para makatulong sa’yo”
“Well. Gusto ko na ikaw na mismo ang papalit sa kanya”
Nanlaki muli ang mga mata ng binata sa sinabi sa kanya “Po…?”
“You heard me. Ikaw na ang bagong assistant ko”
“Pero bakit po ako?”
“Why not? I think you’re qualified naman for the position” sagot ni George “Bakit? Ayaw mo?”
“Gusto naman Sir. Gustong-gusto. Pero ang bilis naman kasi. Nagulat ako dun” paliwanag ni Zeek “Baka nabigla ka lang na ako pinili mo”
“No. Hindi ako nagkakamali o nabigla sa desisyon ko. Ikaw talaga ang gusto ko” sabay ngiti ni George sa reaksyon ng binata “Alam mo, sa lahat ng mga empleyado ko dito, ikaw lang ang parang ayaw na maging Executive Assistant”
“Kasi Sir. Parang may mali kasi eh”
“Mali..?? Anong mali diyan? Ako na mismo ang nag-aalok sa’yo ng trabaho dito sa hotel, ayaw mo pa?” pilit niya pa ito sa pangungumbinsi ang binata “Kung iniisip mo ang tungkol sa nangyayari sa atin. Well, tuloy pa rin ang deal na iyon. Ibibigay ko pa sa’yo ang kalahati kapag natapos na ang deal natin, plus… may sweldo ka pa sa pagtatrabaho mo dito” paliwanag ni George “Oh. Saan ka pa..?”
“Pero paano ang OJT ko, Sir? Meron kasi kaming required number of hours sa pagduduty eh”
“Don’t worry. Ako na ang bahala diyan. Ako na ang kakausap sa Adviser mo” paniniguro sa kanya ng may-ari “Pinapangako ko na magmamartsa ka pa rin sa graduation ninyo”
“Sige po. Pag-iisipan ko po iyan”
“No. Huwag mo nang pag-isipan. Kunin mo na ang opportuniyy na ‘to. Minsan lang mangyayari ito. Trabaho naman ito Zeek”
“Hmmm. Sige po. Kung iyan ang gusto ninyo. Basta po, ikaw ang bahala sa HR at sa Adviser ko”
“Don’t worry. I will”
“So kailan po ako magsisimula?”
“Ngayon na”
“Po..? Kaagad?”
“Yes. Ngayon ka na mag-uumpisa”
“Bakit ang bilis? Hindi naman ako nakapaghanda, Sir” dugtong ni Zeek sa sinabi ng kanyang boss “At isa pa po, hindi ko naman alam kung ano ang magiging trabaho ko”
“Ako na ang bahala diyan, Zeek. I will teach you” paniniguro niya sa binata “Pasensiya na kung biglaan ito. Kailangan ko talaga ng assistant ngayon eh”
“Okay po”
“So, are we good?” tumango naman si Zeek bilang sagot “Well, lumabas muna tayo at doon kita tuturuan dahil nakatambak na ang mga papeles ko doon”
***
Samantala. Sa isang coffee shop.
“What?!!” sigaw ni Jen sa kwinento sa kanya ni Bek “Binayaran mo ang isang intern para maging ispiya sa asawa mo??”
“Bakit? May masama ba sa ginawa ko, Mads?”
“Siyempre meron. Una sa lahat, bakit hindi mo pinaalam sa akin yang kilos mo..?? E ako na nga ang nagvo-volunteer na mag-hire tayo ng Private Investigator pero ayaw mo” sambit ni Jen sa kanya “Mas gusto mo pa na kumuha ng isang bata. Mads. Bata lang yan. Ginagamit mo ang bata para sa problema ninyong mag-asawa na wala namang kinalaman sa inyong dalawa” paliwanag sa kanya ng kaibigan “Hindi mo ba naisip na baka masira ang kinabukasan ng batang yan dahil sumali siya sa inyo..?? Mads naman”
“Pasensiya na, okay? Desperado lang ako na malaman ang katotohanan sa kanila ni Lucas”
Nagpabuntong-hininga na lang si Jen sa dahilan ng kaibigan “Mads. Diba ilang beses ko nang sinabi sa’yo na ako na lang ang gagawa yan? Bakit ayaw mo?”
“Kasi ayaw kong madamay ka, Mads. Ayaw kong magalit sa’yo si George”
“Kaya ko ang sarili ko, Mads. Ang importante ay malaman natin ang totoo sa asawa mo” sabat ni Jen sa kanya “Tapos dinamay mo pa ang bata”
“Pero nangako siya sa akin, Mads” dugtong niya “Nangako siya sa akin na tutulungan niya ako”
“Nangako siya dahil binayaran mo” pagdidiin ni Jen sa kaibigan “Kahit naman sinong tao ay tatanggapin ang offer mo kung ganung kalaking pera”
“Pero iba si Zeek, Mads. Mabait siya” tanggol ni Bek sa binate “Kahit siguro na walang bayad ay gagawin niya pa din”
“Paano ka naman nakakasiguro? Nag-usap kayo? Ganon?”
“Hindi” sagot niya “Alam ko dahil kitang-kita ko sa mga mata ng bata ang sincerity nito. Dahil kahit papaano ay naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko ngayon”
“Wow. New found bestfriend?”
Inabot ni Bek ang kamay ng kaibigan na masama ang loob sa kanya “Please Mads. Huwag ka nang magalit sa akin. Magtiwala ka lang sa akin. Magtiwala lang tayo kay Zeek”
“Sige” buntong-hininga ni Jen “Wala naman ako magagawa kundi patawarin kita” at lumiwanag ang mukha ni Bek sa sinagot ng kaibigan. Kitang-kita sa mukha niya ang galak dahil pumayag na si Jen “Pero Mads. Mag-iingat ka ha. Lalung-lalo na ang Zeek na yan”
“Don’t worry Mads. Mag-iingat kami ni Zeek”
Tinapos nila ang kanilang kape at kaagad umalis at pumunta sa doctor para ipasuri ang bata sa sinapupunan ni Bek. Magpapasuri siya para malaman kung malusog ito o may kumplikasyon ang pagbubuntis niya.
***
Alas-onse na ng gabi nang makauwi si Zeek sa kanilang bahay. Pagod na pagod ito hindi lang sa bago niyang trabaho, pati sa paggamit sa katawan niya ni George pagkatapos nilang magtrabaho.
Nang pagpasok niya ng bahay ay nadatnan niya ang kanyang ina na nakaupo at parang malalim ang kanyang iniisip. Kaagad niya namang linapitan ang ina.
“Oh Ma. Bakit hindi ka pa natulog? Gabi na ah”
“Sensiya anak. Hinihintay lang kasi kita”
“Bakit po? May problema ka ba?” pero hindi sumagot si Vivian at yumuko na lang.
Tinabihan naman ni Zeek ang ina at hinimas ang likuran nito “Ma. Sabihin mo sa akin. Ano ang problema mo” sambit niya “Andito ako para tulungan ka”
“May kasalanan ako sa’yo, anak”
“Kasalanan??” sabay kunot ng noo ni Zeek na parang walang ideya sa sinabi ng ina “Ano po yon?”
“Anak. Pasensiya na talaga” at hinawakan niya ang dalawang kamay ni Zeek “Hindi ko sinasadya”
“Ma. Ano nga yon? Sabihin mo kaya sa akin. Hindi kita maiintindihan eh”
Huminga muna ng malalim si Vivian para madagdagan ang lakas ng loob nito sa sasabihin niya sa anak “Anak. Kumuha ako ng pera sa cabinet mo. Tapos ginamit ko iyon kanina”
“Ano?? Saan mo ginamit…?”
“May sabong kasi doon sa kabilang kanto. Naisip ko na pumusta para madagdagan naman kahit kaunti ang pera mo” kwento niya sa anak “Pero minalas anak eh. Natalo ang pinusta ko”
“Ano? Pumusta kayo..?”
“Oo anak. Pasensiya na talaga anak”
“Anong pasensiya dun, Ma? Kumuha kayo ng pera ko nang hindi nagpapaalam. Okay lang sana kung binili niyo ng pagkain, eh ginastos mo pa sa walang kakwentang bagay”
“Hindi ko naman alam na matatalo ang manok ko eh”
“Ewan ko sa’yo, Ma” at tumayo si Zeek sa tabi niya at dumerecho sa kanyang silid kahit hindi pa siya nakakain.
***
Hindi pinansin ni Zeek ang kanyang ina kinabukasan. Masama pa rin kasi ang loob nito dahil ginastos niya sa walang kwentang bagay at lalung-lalo na hindi siya nagpaalam sa pagkuha nito.
Nagdesisyon na lang siya na hindi kumain ng agahan kahit nagugutom na ito at kaagad siyang umalis papunta ng hotel para doon na lang kumain.
Habang lumalakad si Zeek papasok ng hotel ay nakita niya na naman ang asawa ni George na si Bek, na nakaupo sa lounge ng gusali. Nakita naman siya nito, kaagad niyang linapitan ang binata.
“Good morning, Zeek” bati ni Bek sa kanya.
“Good morning din po, Ma’am” sagot naman niya “Ang aga niyo po, kakausapin niyo po ba si Sir George?”
“No. Hindi pa kami okay” dugtong niya kay Zeek “Ikaw ang pakay ko dito”
“Ohh. Okay”
“So.. kamusta na ang pag-iimbestiga mo? May nalaman ka na ba tungkol sa asawa ko at ni Lucas?”
Hindi makasagot si Zeek sa kanya dahil wala naman siyang may nalaman tungkol dito. Ayaw niya naman din ibuking ang sarili niya na siya ang bagong kalandian ng asawa niya dahil unting-unti niya nang nakakamit ang kanyang pangarap. Ayaw niyang mahantong ang lahat na pinaghirapan niya sa wala.
“I’m sorry po, Ma’am” sagot niya kay Bek “Wala pa eh”
“Ganon ba? Sige Zeek. Just inform me kapag meron na”
“Okay po, Ma’am” sagot ni Zeek “Meron ka pa pala pong malaman”
“Ano yon, Zeek?”
“Hindi na po ako intern dito”
“Ha? Bakit? Pinaalis ka ng asawa ko?” panghuhula ni Bek “Nabisto ka na ba niya na ginawa kitang ispiya ko?”
“Hindi po, Ma’am. Ginawa niya akong regular sa hotel niya”
“Talaga? Saan?”
“Bilang assistant niya po”
“Assistant?” ulit niya “E paano si Lucas? Paano siya pinaalis ng asawa ko?”
“Hindi ko alam Ma’am eh. Pero ang sabi ni Sir George sa akin ay naging bastos na daw ito sa kanya. Kaya pinatalsik niya ito”
Ilang minuto ang pananahimik ni Bek bago siya nakaisip ngpanibagong paraan para malaman nga niya ang katotohanan. “Zeek.. May naisip akong paraan”
“Ano po yon, Ma’am?”
“Gusto ko na kaibiganin mo ang Lucas na iyon. Para mapiga mo ang mga impormasyon na makasasabi na siya talaga ang taong nilalandi ng asawa ko”
“Gusto mo na maging malapit ako sa kanya?” ulit ni Zeek
“Oo Zeek. Tama ka”
“Pero paano ko gagawin ko iyon, Ma’am?”
“Hindi ko din alam. Kaya nga ikaw ang pinatatrabaho ko” sagot ni Bek “Gawin mo ang lahat para malaman mo na Zeek”
“Sige po, Ma’am. Susundin ko na lang ang gusto ninyo”
“Salamat Zeek. Basta mag-iingat ka lang baka mabisto tayo ng asawa ko”
“Opo Ma’am. I will”
“Okay Zeek. Sige ha. Alis na ako” paalam niya sa binata “Bago pa makita ng asawa ko na nag-uusap tayo”
“Mag-iingat ka po, Ma’am” nagmamadaling lumabas si Bek sa hotel at si Zeek naman ay umakyat naman para pumasok sa trabaho.
***
“You’re late” sambit ni George habang paparating si Zeek “Five minutes late to be exact”
“Sorry po, Sir. Nag-CR po kasi ako sa baba” dahilan niya sa kanyang amo.
“Well. That is not an excuse, Mister Lacsamana” sagot niya “It’s your first official day as my assistant pero you’re not doing well”
“Po? I’m few minutes late. Hindi ba pwedeng i-consider yon?”
“Nope. Late is late. I am sorry, Mister Lacsamana”
Hindi na lang lumaban si Zeek sa sinabi sa kanya ni George. Tama nga naman na nahuli siya sa pagpasok dahil nakipag-kuwentuhan siya sa asawa ng kanyang amo. “Sorry po Sir. Hindi na po mauulit”
“It’s okay, Zeek”
“Sisante na po ba ako?” biglang tanong niya kay George na parang nababahala ito sa kanyang ginawa.
“Yup” sagot naman ni George.
Nanlaki ang mga mata ni Zeek sa sinabi sa kanya ng kanyang amo. Hindi niya inaakala na matatanggal na siya kaagad sa trabaho. “Po…?? Bakit?”
“Because you are not doing your job well”
“Please Sir. Parang awa mo na” pagmamakaawa ni Zeek sa kanya “Just give me another chance. Pangako. Hindi na ako male-late”
“Talaga?”
“Opo. Promise”
‘Sige” sagot ni George sa kanya “Pero kailangan kitang parusahan sa ginawa mo?”
“Sige po. Kahit ano pa yan tatanggapin ko para hindi mo lang ako papaalisin dito”
May kinuha si George sa kanyang bulsa at tinititigan naman ito ng binata. “Kailangan mo suotin ito. Dahil naging bad boy ka” sabay pakita niya kay Zeek ang posas. Inalsa naman ng binata ang dalawa niyang kamay at sinuot ni George ang posas dito. “Yan. Wala ka nang kawala. Pumasok ka dito sa opisina at dito mo matitikman ang magiging parusa mo”
Magkalipas ng isang oras ay natapos na ang ‘parusa’ na ibinigay ni George kay Zeek. Nakaupo ang binata sa lamesa habang inaayos ang kanyang damit niya.
“Bakit sa loob mo pinalabas?” sagot niya na parang nandidiri sa ginawa ni George.
“Bakit hindi? Masarap kapag sa loob pinalabas” sagot nito “At isa pa, yan ang isa sa mga parusa mo kaya huwag kang magreklamo”
“Ang pagpalabas mo sa loob..??” ulit ni Zeek.
“Oo. At gagawin ko parati iyon kapag susuwayin mo ang gusto o utos ko, maliwanag?” pero walang sagot si Zeek sa kanya “Good. I take that as a yes. It seems handa ka na sa trabaho mo, pwede ka nang lumabas at bumalik sa pwesto mo”
“Sige po”
“Mamaya ulit” tingin niya sa binata. Pero hindi ulit sumagot si Zeek at tuluyan nang lumabas sa opisina niya.
***
Pagsapit ng alas-diyes ng gabi ay natapos na ang trabaho ni Zeek, lalung-lalo na bilang ‘s*x partner’ ni George.
Habang naliligpit siya ng kanyang mga gamit sa mesa niya ay linapitan siya ng kanyang amo.
“Zeek…” tawag nito
“Yes Sir?”
“Uwi ka na? Gusto mo sumabay na lang sa aking pauwi?” alok ni George sa kanya “Pauwi na kasi ako eh”
“Naku. Huwag na po. Mauna ka na lang Sir. Naliligpit pa kasi ako ng gamit ko eh. Baka matatagalan pa ako”
“Sige, okay lang. I can wait naman” sagot niya “Dito lang ako. Maghihintay”
“Huwag na po. Nakakaabala lang po ako sa’yo”
“No Zeek. I insist” pagpupumilit niya sa binata “Sumabay ka lang sa akin. Naalala mo ang usapan natin diba? Kahit ano ang gusto ko, susundin mo?”
Walang nagawa si Zeek kundi pumayag na lang ulit sa alok sa kanya ng amo. Napaisip din siya na saktong oras din iyon dahil makakahingi na siya ng impormasyon tungkol kay Lucas at sa kanilang naging relasyon noon. At para kay Lucas lang ang magiging atensyon ni Bek at hindi sa kanya.
Itutuloy…