Pinaandar ni George ang kanyang sasakyan nang pag-akyat ni Zeek. Pumayag na lang siya dahil sa gusto ng amo na sumabay na lang sa pag-uwi kasi baka magalit ito sa kanya.
Habang nagmamaneho si George ay napatingin sa kanya ang binata.Napansin naman niya ito kahit nasa kalsada ang atensyon niya. “Oh Zeek. Why you keep on staring at me?”
“Wala naman po, Sir. May itatanong lang po sana ako sa’yo”
“Talaga? Ano naman iyon?”
“Gaano na po ba katagal ang The Deluxe Suites Hotel? Mga ilang taon na po?”
“Bakit mo naman naitanong yan?”
“Wala naman po, Sir. For research puposes lang po” paliwanag ni Zeek “Gumagawa kasi ako ng report tungkol sa hotel. Isa po yan kasi sa mga requirements namin eh. Yung history at kung anu-ano ang mga naranasan ko sa loob habang nag-i-intern ako”
“Talaga?” ngiti ni George “Lahat ng mga naranasan mo? Baka ilagay mo ang ginagawa natin ha” biro nito sa binata. “Huwag yan, Zeek. Parang awa mo na”
“Naku. Hindi po Sir. Hindi ako ganyan”
“Nagbibiro lang ako, Zeek. Ito naman. Masyadong seryoso” pero walang sagot ang binata sa kanya at sinimulan niya na lang ikuwento ang nakaraan ng kanilang hotel “Well. My late grandfather founded this hotel way back 1971. It’s been 46 na ang hotel. Forty-six long years for giving both comfort ang luxury sa mga tao”
“Wow. Tagal na po pala, Sir”
“Yup. Sobrang tagal na talaga. Pero believe it or not, marami ding mga problema ang dumaan sa hotel bago pa siya naging five-star hotel”
“Talaga po? Mga anong problema po iyan?”
“Muntikan nang malugi ang negosyo ni Lolo noon. Dahil sa malakas na kompitensiya sa ibang hotels” kwento niya kay Zeek “Well, lalung-lalo na sa The Fifth Season Hotel, who owned by the Dy Group of Companies” habang inaalala niya ang nakaraan “May kwinento pa nga sa akin si Daddy noon, na may balak pa daw si Lolo na ibenta na lang sa mga Dy ang hotel namin dahil malulugi na ito. Pero pinigilan siya ni Lola at nakinig naman siya”
“Mabuti naman po at nakinig ang Lolo mo, Sir. Tignan mo po ngayon ang hotel, isa nang sikat at marangya. Nakikisabay na sa ibang sikat na mga hotel dito sa Pilipinas” dugtong ni Zeek “Pero paano niyo po pala napatayo muli ang hotel?”
“Sabi daw ni Daddy noon, humingi siya ng tulong sa kanyang kaibigan. Umutang siya ng malaking pera para pagandahin at ibangon ang kanyang hotel” kwento niya kay Zeek “Mabait ang negosyante niyang kaibigan dahil hindi niya ito pinabayad sa kanyang ibinigay na pera”
“Talaga po? Wow. Mabuti naman po kung ganon”
“Oo. Mabait nga ang kaibigan ni Lolo. Pero may kondisyon na ibinigay ang kanyang kaibigan na nagpabago sa buhay namin, lalung-lalo na ako”
“Ano po yon, Sir?”
“Wala” sagot ni George “Nevermind na lang. Kalimutan mo na lang pinag-usapan natin. It’s too personal”
“Sige po. Pasensiya na” sagot ni Zeek “Ito na lang po ang last question ko, Sir. May mga problema pa rin ba kayong pinagdadaanan sa hotel?”
“Of course. Hindi talaga maiiwasan na may mag-reklamo sa service na ibinigay namin” paliwanag ni George “Lalung-lalo na sa social media, mas maraming tao ang nagba-bash sa hotel. Alam mo naman ang ibang tao, hindi talaga makokontento kahit maganda na ang serbisyon na ibinigay sa kanila”
“Kung sa bagay” pagsang-ayon naman ni Zeek “E sino po yung nagbabasa ng mga bad reviews ng hotel sa social media?”
“Si Lucas. My former assistant” sagot ni George “Naalala mo siya?”
“Opo. So, matagal na po pala siya nagtatrabaho sa inyo?”
“Hmmm. Hindi naman” habang inaalala niya ang unang araw noon ni Lucas “Siguro more or less two years siya dito sa amin”
“Kamusta naman po siya bilang empleyado?”
“Bakit mo naman naitanong?”
“Wala naman po. Curious lang kasi ako. Baka mas magaling siya kesa sa akin”
Napangiti si George sa sinabi ni Zeek tungkol kung sino ang mas magaling sa kanila ni Lucas. “Zeek. It’s your first day bilang assistant ko, pero you’re doing well naman. At kung s*x ang pag-uusapan natin, well, you’re hotter than him” gumanti naman ng ngiti ang binata sa puri sa kanya “Kidding aside, he’s good. Isang mabait at masipag din siya na bata noong nag-uumpisa pa lamang siya. Pero habang tumatagal ay unti-unting lumalabas ang tunay niyang kulay. Siguro, naging kampante na siya sa kanyang trabaho at dahil hindi ako nagagalit sa kanya”
“Siguro nga po” tanging sambit ni Zeek “Gusto ko nga po siyang makilala eh”
“Bakit gusto mo siyang makilala? Type mo?”
“Naku. Hindi po. Gusto ko lang kasi na magpaturo sa kanya kung ano ang mga galawan niya doon sa’yo bilang assistant mo. Sir”
“Bakit pa? Andito naman ako ah. Ayaw mo ba na ako ang magturo sa’yo?”
“Gusto naman po. Pero baka nakakasagabal na ako sa’yo eh. Dahil may mga trabaho ka din” paliwanag niya sa kanyang amo habang nagmamaneho “At isa pa, tumagal siya bilang assistant mo eh. Mas marami siyang naranasan at alam sa trabaho na iniwan niya. Kaya gusto ko siyang makilala at makausap”
“So, what do you want?”
“Ahhmm. Kung okay po sana, Sir. Gusto ko po siyang makausap ng personal eh”
“Sige” sagot naman ni George “Ipapakausap kita sa kanya bukas. Remind mo lang ako, Zeek”
“Okay po Sir. Salamat talaga”
Lumipas ang ilang sandali ay bumaba na si Zeek sa may kanto na malapit sa kanila. Kaagad naman siya nagpaalam at nagpasalamat sa kanyang boss dahil inihatid siya nito.
***
Habang lumalakad papalapit si Zeek sa kanilang bahay, nakita niya ang kanyang ina na nakatayo sa may pintuan. Naghihintay sa pagdating niya dahil nag-aalala na ito kasi hindi pa nakakauwi ang anak.
Pero hindi pinansin ni Zeek ang ina at dumerecho ito papasok ng bahay. “Anak. Bakit ngayon ka lang?” panimula ni Vivian habang sinusundan ang anak papasok ng bahay “Diba kanina pang alas-tres ng hapon natapos ang shift mo?” hindi niya sinagot ang ina. Kumuha lang siya ng kutsara’t tinidor at pinggan para kumain ng hapunan. Umupo agad ito sa hapagkainan at kumain “Anak. Bakit hindi mo ako sinasagot? Galit ka pa rin ba sa akin?”
“Ma. Gutom ako” sagot ni Zeek “Mamaya na lang tayo mag-usap”
“Sige. Pero pinag-aalala mo kasi ako, anak. Akala ko kasi galit ka pa rin sa akin eh”
Sa sobrang inis at pagod ay binagsak ni Zeek ang kanyang kubyertos. Hinarap ang kanyang ina “Oo. Masama ang loob ko sa’yo dahil kinuha mo ang pera ko ng walang sabi-sabi at ginastos sa bisyo mo. Ma naman…”
“Sorry na nga anak. Pinilit lang kasi ako nila eh”
“Teka. Magkano ba ang kinuha mo…?”
“P10,000” yuko muli ni Vivian na tila nahiya sa kanyang ginawa.
“Ano?! Ang laking pera nun, Ma” at tumayo si Zeek na parang hindi alam kung ano ang kanyang gagawin “Hindi ko pa nga nababayaran si Sir George kahit kaunti eh. Tapos kumuha ka pa ng ganyang kalaking pera?”
“Pasensiya na anak. Alam ko na may kasalanan ako. Babayaran ko na lang”
“Babayaran..?? Paano mo ako babayaran, Ma? Saan ka kukuha ng pera? Sa bisyo mong yan? O sa pagtitinda ng mga kakanin?!!” sigaw niya sa kanyang ina “Ni pambayad nga sa ilaw, hindi yan mababayaran eh. Sa pambayad mo pa sa akin? Huwag na. Mamumuti lang ang mga mata ko, hindi mo pa makahalati ang utang mo sa akin!!”
Bigla niyang sinampal ng malakas ang anak dahil nagulat ito sa pang-iinsulto nito sa kanya “Ano ang karapatan mo na insultuhin ang hanapbuhay ko?? Sa pagtitinda ko ay nakaaral ka sa isang malaking unibersidad. Kahit mahirap, pinilit ko na makatapos ka sa pag-aaral mo. Kulang na lang na ibenta ko ang sarili ko para makabayad ka lang sa tuition mo” sabay sa pagtulo ng luha ni Vivian “Tapos iinsultuhin mo lang ako..?? nang dahil sa pera mong yan. Akala mo kung sino ka na” at pinunasan ni Vivian ang kanyang mga luha “Ngayon ay alam ko na, hinding-hindi na ako magtitiwala o umasa sa mga pinangako mo sa akin noon. Dahil kahit ngayon ay pinapakita mo na ang totoo mong ugali”
Umalis kaagad si Vivian sa harap ng anak habang umiiyak. Nakatayo lamang si Zeek na parang istatwa at nahimasmasan sa sinabi niya sa kanyang ina. Inisip niya na bukas na lang siya hihingi ng tawad sa ina dahil alam niya ay nasasaktan pa ito at kailangan niya pa ng oras.
***
Samantala. Sa bahay ng mga Salcedo.
“Bakit ngayon ka lang?” panimula ni Bek habang papasok si George ng kanilang bahay “Saan ka pa pumunta? At sino ang kasama mo?”
“Bek please. Huwag mo akong umpisahan muli ng gulo dahil hindi pa tayo tapos sa gulo natin” sagot ni George na derechong naglalakad patungo sa hagdan.
“Huwag mo akong talikuran, George. Kinakausap pa kita”
“Bakit pa, Bek? Bakit pa tayo mag-uusap? E mag-aaway na naman tayo”
“Kasi umaarte ka na wala lang sa’yo. Parang wala kang pakialam sa feelings ko”
“Tsk. Ewan ko sa’yo” habang umaakyat siya sa hagdan.
“Sagutin mo nga ako” at hinabol niya ang asawa “Sino ang kasama mo kanina? Kabet mo noh?”
“OO!!” sigaw ni George sa kanya. Hindi niya na kasi mapigilan ang paulit-ulit na panunumbat sa kanya ng asawa “KABET KO ANG KASAMA KO KANINA! O ano?? Masaya ka na?!”
May halong inis at sakit ang naramdaman ni Bek sa kanyang narinig na sagot sa asawa. Sinampal niya ito ng malakas pero napigilan ito ni George ng kanyang kamay. “Hayup ka, George. Napaka-hayop mo. Hindi ka na talaga magbabago”
“Iyon ang gusto mong marinig diba? Ang may kabet ako. Well, sasabihin ko na sa’yo. MERON!”
“Walang hiya ka, George. Ano ba ang ginawa ko sa’yo, bakit mo ako ginaganito” buhos ng mga luha ni Bek “Sino siya..?? Sino ang kabet mo?? Si Lucas ba..?” at napaupo siya sa hagdan. Hindi sumagot si George at tuluyan nang umakyat papunta sa kanilang silid habang si Bek naman ay hinahawakan ang kanyang dibdib na parang hindi ito makahinga. “Bumalik ka dito hayup ka… SINO SIYA!!”
***
Kinabukasan.
Pagkagising na pagkagising ni Zeek ay kaagad siyang lumabas ng silid upang hanapin at kausapin ang kanyang ina na si Vivian. Nakonsensiya kasi siya sa mga sinabi niya sa kanyang ina at gusto niyang humingi ng tawad dito.
Nakita niya ito sa kusina na nagluluto ng kanilang agahan. Walang sabi-sabi ay niyakap niya ang kanyang ina. Doon na bumagsak ang kanyang luha.
“Ma. Patawarin po ninyo ako. Sa mga nasabi ko sa’yo kagabi” iyak ni Zeek “Hindi ko po iyon sinasadya, Ma”
Kinuha ni Vivian ang mga braso na nakapulupot sa kanya at kaagad humarap sa anak. Niyakap niya din ito ng mahigpit “Pinapatawad na kita, anak. Alam mo naman na hindi kita matitiis diba? Dahil mahal na mahal kita, anak? Tapos na yon”
“Mahal na mahal din kita, Ma” iyak pa ni Zeek sa ina “Patawarin ninyo ako”
“Shhh. Tahan na anak” habang niyayakap pa niya ng mahigpit ang anak “Kalimutan mo na iyon”
“Pero Ma. Pangako ko sa’yo. Ibabalik ko ang pera kay Sir George”
“Ha? Bakit mo naman ibabalik sa kanya?”
“Kasi ito ang dahilan kung bakit ako nagkaganito eh” sagot niya sa ina “Inaamin ko na naging mayabang ako dahil nabulag ako sa pera. Tapos napagsabihan pa kita ng masasakit na mga salita”
“Naiintindihan ko naman iyon, anak. Pero paano ka? Mga gastusin mo sa pang araw-araw mo?”
“Okay lang ako, Ma. Ako na ang bahala dun. At tsaka, hindi ko na kailangan yan” sambit ni Zeek “Dahil may trabaho na ako”
Nanlaki ang mga mata ni Vivian sa galak dahil sa binalita sa kanya ni Zeek “Totoo ba ang narinig ko, anak? May trabaho ka na? Saan? Paano?”
“Doon din sa hotel, Ma” panimula ni Zeek sa pagkukuwento “Kinuha ako ni Sir George bilang assistant niya dahil sinisante niya na ang una niyang assistant”
“Talaga, anak? Naku. Masayang-masaya talaga ako sa binalita mo sa akin ngayon” dugtong ni Vivian na naluluha ang mga mata sa tawa “Sa wakas, unting-unti mo nang naaabot ang mga pangarap mo”
“Oo Ma. Nakita kasi ni Sir George ang sipag at determinasyon ko kaya kinuha niya ako”
Hinawakan naman ni Vivian ang kamay ng anak ng mahigpit at tinignan niya ito sa mga mata “Deserve na deserve mo yan anak. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon”
“Salamat Ma. Salamat sa tulong mo sa akin”
“E kailan ka mag-uumpisa sa trabaho mo, anak?”
“Nagsimula na po ako kahapon, Ma” paalam niya sa kanyang ina “Sasabihin ko sana sa’yo ito nung isang araw kaso nag-away tayo”
“Ganon ba? Sayang naman” buntong-hininga ni Vivian “Hayaan mo na, ang importante ay alam ko na… at masayang-masaya ako sa’yo anak”
“Salamat ulit, Ma”
“E anong oras ang duty mo, anak?”
“Alas-diyes pa po ng umaga. Tapos alas-otso na ng gabi magtatapos” paliwanag niya kay Vivian “Pero nag-oovertime kami minsan ni Sir George at pasado alas-diyes na kami nakakauwi. Katulad kagabi”
“Ahhh. Kaya pala ginabi ka anak” sambit ni Vivian “Akala ko nga galit ka sa akin eh. Yon pala, may trabaho ka na. At hindi mo naman sinabi sa akin”
“Oo Ma” at niyakap niya muli si Vivian “Sorry po kung hindi ko nasabi sa’yo”
“Nagbibiro lang ako anak” ngiti naman niya kay Zeek at hinalikan niya ito sa noo “Sige na anak, umupo ka na sa hapagkainan at tatapusin ko na ang niluluto ko”
“Sige Ma” at sinunod niya naman ito at kaagad umupo “Dito lang ako”
Pinagpatuloy nga ni Vivian ang pagluluto ng kanilang agahan. Nang matapos, ay kaagad silang kumain at nagligpit ng kanilang pinagkainan.
Pasado alas-nwebe na ng umaga umalis si Zeek ng kanilang bahay para pumunta sa kanyang trabaho.
Itutuloy…