Kakalabas lang ni Zeek mula sa locker-room at handa na siyang pumasok sa hotel para magtrabaho. Nang pagpasok niya ay may taong papalapit sa kanya.
“Mister Lacsamana” tawag nito sa kanya.
Napalingon naman kaagad si Zeek sa taong tumawag sa kanya “Yes? Bakit po?”
“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap sa mga Function Rooms”
“Sorry po. Kaka-log-in ko lang kasi” paliwanag nito kay Lucas “Bakit po ninyo ako hinahanap?”
“Well. Hindi ako. Inutusan lang ako ng may-ari ng hotel dahil pinatawag ka niya” sambit nito na parang nagagalit ang tono “Pumunta ka na daw ngayon sa opisina niya”
“Pero may duty pa po ako” dahilan niya Lucas “Marami pa kaming gagawin sa taas, baka mapagalitan ako ng Supervisor namin”
“The owner wants to talk to you” sagot niya “Sino ba ang susundin mo? Yung Supervisor ninyo…? O ang may-ari mismo?”
“Siyempre, ang may-ari”
“Good. Mabuti naman na alam mo” dugtong ni Lucas “So… ano pa ang hinihintay mo diyan? Umakyat ka na.. he’s expecting you in his office within 15 minutes”
Umalis kaagad si Lucas pagkatapos niyang pinaalam kay Zeek na pinatawag siya. Wala naman magagawa ang binata at sinunod na lang ang inutos sa kanya ng assistant ng may-ari.
***
Samantala. Sa opisina ni George
Kakapasok lang ni Lucas doon at kaagad nagtungo kay George. Nakaupo pa rin siya sa kanyang pwesto at hinihintay ang student-intern.
“He’s on his way” sambit ni Lucas.
“Good” sagot naman ni George “Pwede ka nang lumabas Lucas. Hihintayin ko na lang siya dito sa loob”
“Okay Sir” sabay tumalikod siya at tangkang lumakad palabas.
“Ahmm. Lucas” tawag ni George uli dito. Lumingon naman ang assistant sa kanya “Pagpasok na pagpasok ni Zeek mamaya dito ay mag-abang ka na lang sa labas, okay? Timbrehan mo kami kapag may taong parating”
Ngumiti naman si Lucas sa kanya “Okay Sir. Kuha ko”
Nang pagkalabas ni Lucas sa opisina niya ay kaagad niyang inayos ang kanyang sarili. Naghahanda para sa gagawin nila ni Zeek. Hindi na siya talaga makapaghintay at sabik na sabik na ito sa binata.
Lumipas ang ilang mga minuto ay may kumatok na sa kanyang pintuan. ‘Andito na siya’ sambit ni George sa kanyang sarili ‘Humanda ka mamaya sa gagawin ko sa’yo’
Unti-unting bumukas ang pinto at naka-abang si George sa pagpasok ni Zeek. Pero nanlaki ang mga mata niya dahil hindi pala iyon si Zeek kundi ang kanyang asawa.
“Bek..?” sambit niya sa asawa habang lumalakad papunta sa kanya “Bakit ka nandito? What are you doing here?” sabay silip ni George sa may pintuan kung may nakasunod sa asawa
“Gusto lang kita makita, Mahal” sagot ni Bek habang may dala-dala na isang box na cake.
“Gusto mo akong makita? E kanina lang tayo nagkita diba? At sa iisang bahay naman tayo nakatira”
“Bakit? Ayaw mo ba na nandito ako, Mahal?” at nilagay ni Bek ang isang box ng cake sa mesa at niyakap ang asawa.
“Hindi naman. Pero busy ako eh”
“I just want to apologize lang sa pagiging reckless ko. I’m sorry, Mahal. I am really sorry…”
“It’s okay. Pinapatawad na kita” habang namumutla ang kanyang labi.
“Okay ka lang ba?” napansin ng kanyang asawa ang mukha niya at ang pagmumutla ng labi nito “Parang namumutla ka ata”
“I’m okay. Pagod lang ako siguro sa trabaho, Mahal”
“Haayy” buntong-hininga ni Bek at niyakap ulit ang asawa “Huwag kang magkapagod, Mahal. Ibigay mo na lang yan sa sa assistant mo. You look stressed eh”
“Hindi pwede eh. Dapat ako ang gagawa ng mga trabahong ito”
“Talaga? E anong silbi ng assistant mo dito? Wala lang..?” umiba na naman ang tono ng boses ni Bek
“Excuse me…?”
“Totoo naman, Mahal. Parang wala namang silbi ang assistant mo sa labas. Kung ako sa’yo, fire him”
“Kailangan ko siya. Hindi ko siya pwedeng paalisin dito”
“Kailangan saan? Sa pleasure mo..?” pang-iinsulto ulit ni Bek sa asawa “No offense Mahal ah. Parang nahahalata ko na kasi na pinagtatanggol mo siya eh”
“No. I’m not”
“Yes, you are” ganti niya “Huwag ka nang magka-ila dahil bisto na kita”
Biglang uminit muli ang ulo ni George sa mga sinasabi ng kanyang asawa “Tumigil ka na ha. Tumigil ka na” panduduro ni George sa kanya. Kaagad niyang inalis ang mga kamay ng asawa. Lumayo at pumunta sa may bandang bintana.
“Bakit?? Totoo naman eh” pagdidiin pa ni Bek sa asawa “Alam mo, mas nararamdaman ko pa na mas may pabor ka pa sa kanya kesa sa akin na asawa mo!”
“That’s not true. Alam mo yan”
“Hindi. Alam ko ang nararamdaman ko. At iyon ay ang may nangyayari sa’yo ni Lucas behind my back!!”
“SHUT UP!!” sigaw ni George “Hindi ka na pumipili ng lugar para mag-away tayo noh?? Akala ko ba nagsosorry ka dahil sa mga ginawa mo sa akin? E ano ‘to??” magsasalita na sana si Bek pero pinigilan siya ng kamay ni George “Huwag ka nang sumabat. Ayaw ko nang marinig ang boses mo dahil nakakairita na. Isang sumbat mo sa akin at matatamaan ka na”
“Bakit ganyan ka sa akin?” at humina muli ang boses ni Bek na parang nagpapaawa “Bakit wala kang respeto? Bakit sa tuwing babanggitin ko si Lucas ay parang nagagalit ka? Parang sinusumpa mo ako. Magsabi ka nga ng totoo, George”
“Gusto mo ba malaman ang dahilan ko..?!” sigaw niya sa asawa “Kasi ang pppraning mo..! Kasi kahit anong paliwanag ko sa’yo, hindi ka naniniwala sa akin” habang nanginginig sa galit si George sa kanya “Naiinis ako sa’yo dahil gumagawa ka ng issue kahit na wala!!”
Doon na nahimasmasan si Bek sa mga sigaw sa kanya ni George. Kaagad niyang linapitan ang asawa at niyakap ito ng mahigpit “Mahal. I’m sorry. Nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya, Mahal”
“Paulit-ulit lang tayo, Bek eh. Bakit ka ba ganyan?? Anong problema mo?”
“Hindi ko alam, Mahal. Hindi ko alam” sabay pagtulo ng luha niya
“Alam mo, huwag muna tayong mag-usap o magkita, okay?” pero walang sagot si Bek “Dahil wala namang kwenta kung magsama tayo dahil parati na lang tayo nag-aaway”
“Mahal… makipahihiwalay ka ba sa akin?”
“No. Pero huwag mo akong pilitin na gawin ko yon” sagot ni George
“Mahal naman. Sorry na..”
“Alam mo kung ano ang pinakakina-iinisan ko sa lahat?” at inalis niya muli ang mga kamay ni Bek “Dahil nagpabaya ka sa anak natin. Uminom ka at hindi nakatulog kagabi. Inaabuso mo ang katawan mo, para sa ano? Para makaganti sa akin?”
“Hindi. Hindi Mahal”
“E ano??” hindi nakasagot si Bek at napayuko na lang sa sahig. “SUMAGOT KA!!”
“Hindi ko alam. Sorry Mahal. Please. Huwag ka namang ganito oh” pagmamakaawa pa ni Bek sa nagagalit na asawa “Mahal na mahal kita”
“Alam ko. Pero inaabuso mo ako. Mabuti pa na umuwi ka na. Huwag mo nang hintayin na mawala na nang tuluyan ang respeto ko sa’yo” dugtong niya “Parang awa mo na, umalis ka na dahil marami pa akong gagawin dito”
“Sige Mahal. Kung iyan ang gusto mo. I’ll respect it” sambit niya sa asawa habang tumutulo ang kanyang mga luha “Doon na lang ako sa bahay natin, maghihintay sa’yo” pero walang sinagot si George sa sinabi sa kanya. Pinunasan na lang ni Bek ang kanyang luha at lumakad patungo sa pintuan.
***
Samantala.
Bago umakyat si Zeek sa opisina ni George ay dumerecho muna siya sa banyo. Hindi niya talaga kasi mapigilan at kailangan niya nang ilabas ito. Inayos niya muna ang sarili niya bago siya lumabas. Pagkalabas niya ng CR ay kaagad siyang nagtungo sa elevator para umakyat sa top floor.
Pero habang hinihintay niya ang pagbukas nito ay may napansin siya sa dulo ng hallway. Isang babae na nakaupo sa sahig habang humagolhol sa iyak. Naawa naman si Zeek sa nakita niyang babae at nagdesisyon na lang puntahan iyon.
“Miss, okay ka lang?” sambit niya sa babae na tinatakpan ang kanyang mukha ng kanyang mga palad “Miss, bakit ka umiiyak?” at tumingala ang babae sa kanya. Doon niya nakita ang mukha ng umiiyak na babae “Ma’am Bek. Sorry po. Ikaw pala”
“It’s okay” sambit ni Bek habang pinunasan niya ang kanyang mga luha.
“Tumayo ka po, Ma’am” sambit ni Zeek sa kanya habang inalok nito ang kanyang kamay kay Bek. “Madumi po diyan” ngiti niya
Pero tinarayan pa rin niya ang magandang pakikitungo sa kanyang ng binata. “I don’t care, alright? I don’t care!!” sigaw niya kay Zeek “Mas mabuti na madumihan ako. Wala namang nagmamahal sa akin”
“But Ma’am. Andito ka sa hallway, baka may makakita sa’yo dito”
“Wala kang pakialam” sabat niya sa binata “At bakit ka ba nandito? Diba student intern ka? Magtrabaho ka. And please, umalis ka na. Leave me alone!”
“Pero Ma’am. You’re not okay”
“I am okay. Pabayaan mo na ako!”
Wala nang magagawa si Zeek kundi pabayaan na lang ang asawa ng kanyang amo. Gusto niya sanang tulungan ito dahil alam niya at kitang-kita na may pinagdadaanan ito at parang kailangan niya talaga ng makakausap “Sige po, Ma’am. Sorry po ulit sa istorbo” kaagad siyang nagdesisyon na umalis sa tabi ni Bek.
“Sandali”
Huminto si Zeek at lumingon muli sa kanya “Bakit po?” pero hindi naman sumagot si Bek. Lumapit na lang siya kay Bek at tinignan niya ng mabuti ang detalye ng mukha ng babae.
Namumula ang kanyang ilong at parang namamaga ang mga mata nito sa kakaiyak “May tanong ako sa’yo” sagot ni Bek pagkalipas ng ilang minuto “Naranasan mo na bang umibig?”
“Opo. Sa Mama ko. Mahal ko kasi si Mama eh”
“Not like that. I mean, romantic love” sabay tingin niya kay Zeek “Naranasan mo na ba?”
“Opo Ma’am” sagot naman niya kay Bek “I had a relationship before. Pero wala na kami. Pumunta po kasi siya sa Amerika” habang inaalala ni Zeek ang nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang nobya na si Hazel “Iniwan niya ako dito sa Pilipinas at sumama sa mga magulang niya”
“Talaga? Paano kayo nagkahiwalay?”
“Ayaw kasi ng mga magulang niya sa akin, Ma’am” paliwanag ni Zeek “Kasi wala daw, hindi daw ako bagay sa anak nila dahil wala akong pangarap para sa sarili ko porket nakatira lang kami sa aquatter ng Mama ko”
“Wow. That’s unfair”
“Yun nga po eh. Pero ang mas masakit po, yung inaakala ko na babae na ipagtatanggol ako at ipaglalaban ang relasyon namin, ay kaagad niya pala akong sinukuan. Mas pinili niya pa ang kanyang mga magulang kesa sa akin” hindi napansin ni Zeek na may tumulo na pala sa kanyang mga mata “At pinili niya akong iwan dahil sa gusto ng mga magulang niya. Iyon ang masakit eh. Dahil akala ko ay mahal niya ako at kaya niya akong ipagtanggol. Nagkamali pala ako”
“Saklap din pala ang naranasan mo sa buhay pagibig” buntong-hininga ni Bek “Pero kumpara sa ating dalawa, mas maswerte ka dahil ang bata mo pa. Marami pang mangyayari sa’yo dahil may mga pangarap ka pa sa buhay mo. Pwede mo pang ipakita sa mga magulang ng girlfriend mo na karapat-dapat ka” at biglang napayuko si Bek dahil naalala niya na naman ang kanyang asawa “Ako?? Siguro wala nang pag-asa na maging masaya at maging maayos ang pagsasama naming mag-asawa” hindi na lamang sumagot si Zeek at tumingin kay Bek sa sahig na habang umiiyak “Kasalanan ko din ito eh. Napaka-praning ko at parati ko siyang inaaway. Konting kilos niya lang ay inaaway ko siya ng walang dahilan” doon bumuhos ang luha niya “Ayaw niya na talaga sa akin. Siguro napagod na siya sa kakaintindi dahil kahit anong gawin ko para maging maayos kami, mas lumalala pa lalo”
“I’m sorry, Ma’am” tanging sagot ni Zeek
“He’s my life. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag mawala na siya sa buhay ko” patuloy pa ang kanyang pag-iyak “Baka siguro ikababaliw ko kung manyari man iyon”
“Huwag ka naman magsabi ng ganyan, Ma’am” sabay tapik niya sa balikat ni Bek para huminahon ito “Mag-usap lang kayo ni Sir George ng mahinahon para maging maayos kayo”
“Pero ayaw niya na akong kausapin o makita man lang” dugtong ni Bek “Anong gagawin ko…?”
“Well in that case po, bigyan mo siya ng time at space para makapag-isip at kumalma. I’m sure, hindi ka niya matitiis”
“Sige. Susubukan ko” sagot ni Bek “Para lang sa asawa ko. Titiisin ko ang lahat”
Biglang kumurot ang dibdib ni Zeek nung sinabi iyon ni Bek. “Ma’am. Matanong ko lang po. Pwede pong malaman ang dahilan kung bakit ganyan lang ang galit sa’yo ni Sir George?” paalam nito kay Bek “Kung okay lang po sana, Ma’am”
“Sige” buntong-hininga ni Bek “Tutal naman ay nasaksihan mo na ang pagkabaliw ko dito. You deserve to know. Pero meron lang akong pabor sa’yo”
“Ano po iyon?”
“Kung pwede lang sana na huwag mong ipagkalat ang nakita mo sa akin” pabor ni Bek sa kanya “Ang mga nalaman… at mga malalaman mo pa”
“Don’t worry po, Ma’am. Your secret is safe at isa pa, hindi naman ako tsismoso eh”
“Good to know that” sambit ni Bek.
Nagpabuntong-hininga muli siya at simulan niyanang kwinento ang dahilan ng away nilang dalawang mag-asawa. Iyon ay ang nangyari sa kanila kagabi sa bahay nila.
“Yon lang naman pala ang naging kasalanan mo sa kanya” sabat ni Zeek nang marinig niya na ang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa “Bakit pinalaki pa ni Sir George”
“Kasi daw hindi ako nag-ingat sa dinadala kong baby”
“Kahit na po. Sana pinag-usapan lang ninyo ng maayos”
“Sana. Pero ayaw niya na sa akin eh” dugtong ni Bek “Hindi ko rin alam kung ano gagawin ko ngayon sa asawa ko. Parang nagbago na siya”
“What do you mean po na nagbago?”
“Hindi na siya malambing. Naging malamig na siya sa akin. Tapos mainitin parati ang kanyang ulo”
“Baka naman nagkaganyan lang si Sir kasi maraming trabaho at problema dito, Ma’am”
“Baka nga…” dugtong ni Bek. Doon siya napaisip na marahil ay tama ang sinabi sa kanya ng binata. “E ano ang gagawin ko?”
“Tumahimik ka na lang muna, Ma’am. Hayaan mo lang siya at intindihin ang mga kilos niya dahil baka pagod lang siya sa trabaho” payo sa kanya ni Zeek “Just give him space”
“Sana nga. Sana totoo lahat ang mga sinabi mo”
“Ikaw lang po ang makakasabi yan, Ma’am” sagot ni Zeek “Pero ito lang ang mapapayo ko. Maniwala ka lang na maging maayos kayo, Ma’am. Lalung-lalo na sa marriage ninyo”
“Wow, I’m impressed. Ang galing mo magbigay ng payo, Mister Lacsamana” sagot ni Bek “Tama ang naging desisyon ng asawa ko na ipasok ka dito”
Itutuloy…