Nanginginig pa rin sa galit si Jen sa mga binatawang salita ng asawa ng kanyang kaibigan. Hindi talaga siya makapaniwala sa kakapalan ng mukha ni George sa pag-amin nito ng harap-harapan sa kanilang dalawa. “Nahulog ang bata dahil sa kakapalan ng mukha mo! Hindi nakayanan ng katawan ni Bek ang pang-aabuso mo sa kanya emotionally and of course, mentally” “Problema niya na yun” sagot ni George “At isa pa, I warned her. Hihiwalayan ko siya kung hindi pa niya titigilan ang kapraningan niya sa akin pero hindi siya nakinig at pinapatuloy niya pa iyon” “Dahil totoo ang mga duda niya sa’yo” Nahalata na ni George ang pagiging pakialamera ng kaibigan ni Bek sa kanilang mag-asawa “Pwede ba..? Tumahimik ka na.. hindi ka naman kasali dito sa amin eh” “Kasali ako dahil kaibigan ko siya. Dahil ma

