Nasa loob pa rin ng locker-room ang dalawang magkaibigan. Patuloy pa rin ang kanilang kuwentuhan tungkol sa pagpasok ni Zeek sa hotel at kung paano siya doon nagkatrabaho.
“Yun lang pala, brad? Pinatawag ka lang niya at nagkaroon ka lang ng trabaho. Bilang assistant niya?” ulit ni Owen “Wow. Ang lakas mo talaga sa kanya, brad”
“Hindi naman, brad. Magkaibigan lang kami ng matalik ni Sir George” tanggol ni Zeek “Siguro nagkataon lang na bagay sa akin ang trabaho”
“Sigurado ka..?”
“Oo naman. Bakit? Hindi ka ba naniniwala?”
“Naniniwala naman. Pero kasi brad” at linapit ni Owen ang bibig niya sa tenga ng kaibigan “May usap-usapan kasi sa taas na ikaw na daw ang bagong lalaki ni Sir George. Totoo ba yun?”
“Lalaki?? What do you mean?”
“Yong lalalki na binabayaran for s****l pleasure”
“Uy grabe ka naman, brad. Kanina ka pa ha. Hindi ah”
“Yung totoo brad? Sige na. Sabihin mo na sa akin” pagpumilit ni Owen “Hindi naman ako magsusumbong eh. Ating-atin lang ‘to”
“Anong sasabihin ko sa’yo..?? E wala naman akong tinatago”
“Brad naman. Wala ka bang tiwala sa akin?” pangungumbinsi niya kay Zeek “Magkaibigan tayo. Pwede mo namang i-share yung sikreto mo sa akin”
Biglang natahimik at napaisip ng malalim si Zeek. Marahil ay ito na ang oras na sabihin niya na sa kanyang kaibigan ang tungkol sa kanila noon ni George. Tutal naman ay tapos na ang naging kasunduan nilang dalawa. Pwede niya nang ikuwento siguro ito kay Owen.
“Sige na nga” sabay buntong-hinga ni Zeek “Pero pangako ha. Huwag kang maingay”
“Oo brad. Pangako”
“Hmmm. Totoo yun brad” panimula niya “Ginamit ako ni Sir George at binayaran ng pera kapalit sa serbisyo ko sa kanya”
“YUN!!” sigaw ni Owen “Tama ang duda ko sa inyong dalawa ni Sir George. Hindi ako nagkamali”
“Huuy. Tumahimik ka nga. Huwag kang maingay” at tinakpan ni Owen ang kanyang bibig “Pero tapos na yon, brad. Pinagsisihan ko na iyon at ibinalik ko naman ang pera”
“Ha?? Bakit mo naman ibinalik?” napakunot ang noo ni Owen sa sinabi sa kanya “E pera na yon. Sayang naman. Haaay. Grabe ka. Napaka-swerte mo”
“Anong swerte…? E tinanggihan ko na nga” sagot niya kay Owen “Parang nadudumihan na kasi ako sa sarili at nag-aaway na kami ng Mama ko. Nagkapera nga ako pero binababoy ko naman ang pagkatao ko”
“Kahit na, brad” sagot niya kay Zeek “Magiging praktikal ka na lang sa mga panahon na ito. Alam mo naman na sobrang mahal na ng mga bilihin ngayon. At isa pa, lalaki ka naman. Wala namang mawawala sa’yo”
“Pero ang pangit lang kasi brad eh. Nandidiri talaga ako kapag naaalala ko ang mga ginawa namin”
“Sus. Ngayon ka pa talaga nandiri? E ilang beses na ninyo ginawa yan” habang natatawa si Owen sa kanya “Kung ako sa’yo, tapusin mo na lang ang inumpisahan ninyong dalawa”
“Hanggang kailan naman?”
“Hanggang sa maubos ang yaman niya” sagot ni Owen
“Uy. Sobra ka naman”
“Totoo naman diba? Just take advantage sa mga nangyayari ngayon sa’yo” sagot niya kay Zeek “Maiba ako brad. Magkano ba ang ibinigay niya sa’yo”
“P100,000 sana. Pero kalahati lang ang ibinigay niya sa akin”
“Bakit? Saan naman ang kalahati?”
“Ibibigay niya daw sa akin kapag natapos na ang pinag-usapan namin” paliwanag ni Zeek “Pero nga, tinanggihan ko na diba? Ibinalik ko na lang sa kanya ang pera. Tapos ang nagastos ko, paunting-unti ko siya babayaran”
“Naku. Sayang naman” dugtong ni Owen “Kung ako siguro sa pwesto mo, hindi ko na yan bibitawan. Ikaw kasi eh. Ang hina ng loob mo”
“E ayaw ko na nga. Sinubukan ko na pero hindi ko pala kaya”
“Baki hindi mo kaya? You’re not enjoying?”
“Sa totoo lang??” at biglang humina ang boses niya at sasabihin niya na ang totoo niyang naramdaman “Sana hindi mo ako huhusgahan ha? Hindi ko na alam eh” buntong-hininga ni Zeek “Naguguluhan na kasi ako ngayon sa sarili ko kung ano ako talaga. And that’s the reason na itinigil ko na habang maaga pa”
“What do you mean, brad?”
“Parang nag-eenjoy na ako sa mga oras na ginagawa namin iyon” kuwento niya sa kaibigan “Yung feeling na, inaangatan ka niya habang nagsesex kami. Kahit na masakit, andiyan pa rin ang care niya sa’yo” tingin niya sa mga mata ni Owen “Yun ang nararamdaman ko sa kanya, brad. Naguguluhan na ako ngayon talaga”
“Yun naman pala eh. Edi i-enjoy mo na lang yan. Wala namang problema kung iyan ang nararamdaman mo, brad. That’s normal”
“I know” at biglang napaisip muli si Zeek “Pero…”
“Pero..?” dugtong ni Owen “Bakit brad? May bumabagabag pa ba sa’yo?”
“Meron”
“Ano naman yon?”
“Hindi ano. Kundi sino” sagot ni Zeek “Si Hazel. Yung girlfriend. Actually she’s my ex na”
“So? What about her?”
“I still love her” sabay yuko ni Zeek “Kahit na iniwan niya ako at pinili ang kanyang mga magulang. Mahal ko pa rin siya”
“Sus! Wala yan. Ex mo na eh. Ang isipin mo ay kung paano kayo ng Mama mo na makatawid sa kahirapan”
“She’s not just my ex, she’s my life” tanggol ni Zeek sa kanyang nobya “Inaamin ko na nasaktan ako sa ginawa niya. Galit na galit ako noon sa kanya pero sa kabila ng lahat. I realized na mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin si Hazel”
“Pero magkalayo na kayo, brad. Andito ka sa Pilipinas at doon na siya sa Amerika” pangungumbinsi ni Owen sa kaibigan na itigil na ang naramdaman niya kay Hazel “Wala na kayong pag-asa na magkabalikan”
“Hindi. Nagkakamali ka. Mahal niya ako. At mahal ko siya” paninindigan ni Zeek “Hinding-hindi kami maghihiwalay sa mga puso namin”
“Kalimutan mo na siya, brad. Ang isipin mo ay ang ngayon. Ang kinabukasan mo at ng ina mo”
“Ayaw ko” pagmamatigas pa niya kay Owen “Anong kwenta ng maraming pera kung hindi mo naman kasama ang totoo mong mahal. Pagkatapos ng trabaho ko ay kaagad ko siyang tatawagan. Sasabihin ko sa kanya na maghihintay ako sa kanya hanggang sa muli niyang pagbalik”
“Bahala ka, brad” sumuko na lang si Owen sa pangungumbinsi sa kanya dahil buo na talaga ang kanyang loob “Sana hindi ka magsisisi sa desisyon mong yan”
“Hindi talaga ako magsisisi brad. Hinding-hindi”
Kitang-kita sa mukha ni Zeek na determinado na siyang balikan si Hazel at maghihintay sa muli nitong pagbabalik sa Pilipinas kahit gaano pa ito katagal.
***
Bumalik sa taas si Zeek nang matapos siyang kumain at nag-usap kay Owen. Buo na talaga ang kanyang desisyon na itigil ang anumang naging pinag-usapan nilang dalawa ni George noon.
Pagkaupo na pagkaupo niya sa kanyang pwesto, sakto din na lumabas si George at kinausap ito.
“Bakit ang tagal mo sa baba?” tanong niya dito.
“Nag-break po ako, Sir. Diba na nasa kontrata ko na may one hour break ako?”
“I know” sagot niya naman “Ang ibig ko lang sabihin ay hindi ka naman ganyan noon. Na inuubos mo ang isang oras mong break. Kumpara noon na bumabalik ka kaagad dito after 15 to 30 minutes”
“Ganon po ba?” sagot ni Zeek “Pasensiya na po. Kasi pinag-isipan ko ng mabuti ang sinabi ninyo kanina”
“Talaga?? And…?? What’s your decision?”
“Buo na po ang loob ko na itigil na natin ng tuluyan ang anumang naging ugnayan natin noon” sambit ni Zeek sa kanya “Employer-employee relationship na lang ang ating ngayon, Sir”
“Sigurado ka na ba diyan?”
“Opo Sir, Sorry to disappoint you”
“It’s okay” dugtong nito at dismayado nga sa naging desisyon ng binata “I’ll respect your decision. Pero kung sakali man na magbago muli ang isip mo,andito lang ako sa loob ng opisina, Zeek. Naghihintay sa’yo”
“Sige po, Sir. Salamat talaga sa pag-iintindi”
“You’re welcome. Sige na. Bumalik ka na sa trabaho mo” sagot ni George “Bababa lang ako dahil may kakausapin ako doon”
Pero habang lumalakad si George palapit ng elevator ay tumutulo ang kanyang mga luha. Talagang nasaktan siya sa naging desisyon ni Zeek at hindi niya ito inaaasahan.
***
Ilang araw na tulala si Bek dahil inamin na mismo ng kanyang asawa na may kabet ito. Hindi niya inaakala na masakit pa rin pala kahit nagawa na ni George noon sa kanya. Hindi siya makatulog o makakain man lang dahil wala itong gana sa kakaisip sa kanyang problema.
Nakaupo lamang siya sa sofa, tulala habang tumutulo ang kanyang mga luha. Hindi niya man namalayan na pumasok pala si Jen sa bahay at may bitbit na brown envelope.
“Hi Mads” bati ni Jen habang lumalakad papunta sa kanya “Mabuti naman na andito ka” pero nakita niya na parang pagod ang mukha ng kaibigan. Kaagad itong umupo sa kanyang tabi “Mads. Okay ka lang ba? Ano ba ang nangyayari sa’yo? You look haggard”
Biglang na lang ulit tumulo ang luha ni Bek “Tama Mads. All this time, tama ang mga duda ko sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago”
“Ano ang ibig mong sabihin, Mads?”
“Umamin na siya sa akin. Sinabi niya mismo sa mukha ko na may kabet siya” ungol ni Bek sa kakaiyak
“Oh my god” sambit ni Jen na parang nagulat sa narinig niyang balita sa kaibigan “So alam mo na kung sino ang lalaki ni George?”
“Hindi pa, Mads. Hindi ko pa alam”
Napabuntong-hininga si Jen at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kaibigan “Mads. Meron kang dapat malaman” at tumingin si Bek sa mga mata ni Jen “Pasensiya na kung sinuway ko ang utos mo noon sa akin, pero ginawa ko pa rin, Mads. I’m sorry”
“Ano ang ibig mong sabihin, Mads? Hindi kita maiintindihan”
“I hired a Private Investigator para malaman ang katotohanan kung niloloko ka ba ulit ng asawa mo” at inabot niya ang brown envelope kay Bek. Kinuha naman niya ito at binuksan. Hinugot ang nasa loob nito. Doon nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita dahil hindi niya inaasahan ang nakita niya sa litrato “Kuha yan, a month ago. Hindi lang isa ang lalaki niya, Mads. Kundi dalawa. Confirmed ang duda mo na si Lucas ang unang kabet” habang nanginginig sa galit at umiiyak si Bek sa kanyang nakikita “Nakikita mo naman diyan kung sino ang bago niya ngayon. Si Zeek. Ang taong pinagkakatiwalaan mo. Hindi mo pala alam na siya pala ang bagong lalaki ng asawa mo at nagtatraidor sa’yo”
“Kaya pala” sambit ni Bek habang nanginginig ito sa galit “Ang tanga ko, Mads. Ngayon ko lang nakuha. Kaya pala kinuha niya ang student intern na yon para magamit niya. Ang sakit…” sambit ni Bek habang nanginginig siya “Tapos pinagkatiwalaaan ko pa siya na siya ang bahala sa pag-iimbestiga, yun pala, isa rin siya. Ahas siya!”
“Mads. Kumalma ka”
“Mga manloloko!!” sigaw ni Bek “Hayup sila”
Tumayo si Bek habang nanginginig ang buong kalamnan dahil sa galit nito. Lumakad siya palabas ng bahay pero hinabol siya ni Jen upang pigilan ito “Mads, saan ka pupunta?”
“Kailangan ko silang makausap. Kailangan nila magpaliwanag sa ginawa nila sa akin”
“Mads, pabayaan mo na sila. Huwag ka nang pumunta sa hotel”
Habang lumalakad si Bek palabas ng gate ay bigla siyang nahilo at natumba. Nakita naman ito ni Jen at kaagad sinalo si Bek. “Mads. Are you alright? Mads. Gising” Doon niya nakita na may daloy ng dugo sa mga paa ng kaibigan. “Oh my god. You’re bleeding. Kailangan mong madala sa ospital”
***
Hawak-hawak ni Zeek ang bagong bili niyang telepono at tinitignan nito ang detalye ng telepono. Gusto niyang tawagan ang kanyang girlfriend na si Hazel na nasa Amerika. Gusto niya itong balikan at humingi ng pasensiya sa mga nasabi niya noon sa kanya nung bago ito umalis.
May pinindot siya sa kanyang telepono na nasa chat-box ni Hazel at kaagad nag-ring ito. Ilang ulit din niyang sinubukan na tawagan ito para makausap niya si Hazel.
Pagkatapos ng ilang tangkang pagtawag ay sumagot na ito.
Zeek : Hello?
: Hello? Sino ‘to?
: Ako ‘to, Berry. Nakalimutan mo na ba ako?”
: Berry?? Sinong Berry?
: Si Zeek. Berry naman. Nakalimutan mo na ako?
: Bakit? Anong kailangan mo?
: Wala naman. Namiss lang kita. Ahhhmmm. Berry? Mahal na mahal kita. Pasensiya nga pala sa mga nasabi ko noon nagkahiwalay tayo ha? Masama lang kasi ang loob ko sa’yo noon. Pero naiintindihan ko na ngayon, Berry. Huwag kang mag-aalala, hihintayin kita dito sa Pilipinas. Pangako yan.
: Huwag na. Huwag mo na akong hintayin.
: Ha? Bakit naman?
: Magpapakasal na ako.
: Ano? Kanino? Akala ko ba mahal mo ako, Berry?
: Hindi. Hindi na kita mahal. Nagsisisi ako dahil minahal kita noon. Tama lang ang naging desisyon ko na sumama at nakinig sa kina Mommy at Daddy. Huwag mo na akong aalahanin dahil okay na ako dito sa Amerika. Parang awa mo na, huwag mo na akong tatawagan dahil baka makita ng mapapangasawa ko at mag-away pa kami.
: Berry naman. Don’t do this. Mahal na mahal kita.
: Don’t call me ‘Berry’. Tapos na tayo, Zeek. Pasensiya na pero maghanap ka na lang diyan ng iba.
Binaba na lang ni Zeek ang telepono niya. Hindi niya pa rin inaasahan ang magiging sagot ni Hazel sa kanya, Hindi na siya pala mahal nito at nakakita na itong bago na pakakasalan.
Tulala si Zeek habang tumutulo ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.
Itutuloy…