Kakauwi lang ni Zeek sa kanilang malaking bahay. Nang pagpasok niya ay nadatnan niya ang kanyang ina na si Vivian na nakaupo sa sofa at nanonood ng palabas sa telebisyon. “Ma…” bati ni Zeek sa ina habang papalapit siya dito at nagmano “Bakit gising ka pa?” “Hindi kasi ako makatulog anak eh” paliwanag niya sa anak “Tapos wala naman akong kasam sa taas kung aakyat ako” “Natatakot ka, Ma?” hula ni Zeek. “Hindi naman sa ganon, anak. Parang nalulungkot lang ako dahil wala akong kasama sa ganitong kalaking bahay” paliwanag niya kay Zeek “Hindi pa kasi ako sanay anak eh” “Ma naman. Magdadalawang taon na tayo dito, hindi ka pa sanay?” “Hindi anak eh. Pasensiya na ha” sambit niya naman “Teka. Nakakain ka na ba? Kanina kasi, naghintay ako sa’yo eh. Sabi mo, uuwi ka dito para mananghal

