Chapter 2 (Selosang Asawa)

2570 Words
Gabi nang nakauwi si George sa kanilang bagong bahay mula sa kanyang trabaho. Pinamumunuan at pinagmamay-aian niya ang isa sa pinakasikat na hotel sa kanilang lugar, Ito ang “The Deluxe Suites Hotel”. “Hello Mahal” bati ni Bek na sa kakapasok lang na asawa “How’s your day?” “Heto…” buntong-hininga ni George “As usual. Pagod sa trabaho. Meron kasing event kanina eh. Reception ng kasal.” “Ahh. Kaya pala. O sige, umupo ka na para makakain ka na. Ipaghahain na kita” “Naku Mahal, huwag na. Ako na lang” “Ano ka ba. Asawa mo ako, so gagawin ko ang responsibilidad ko sa’yo” “Huwag na nga. Kailangan mo kaya magpahinga” sambit ni George “Nagpaalala sa’yo ang doktor na huwag kang magpapagod diba?” “Oo, pero buong araw na ako kanina nakahiga. Gusto ko lang naman gumalaw ng konti” “Huwag nang matigas ang ulo. Ako na lang, okay?” Pumayag na lang si Bek na ang kanyang asawa na lang ang maghahanda sa kanyang kakainin. Ilang saglit ang nakalipas ay natapos si George kumain at kaagad silang umakyat sa kanilang silid upang magpahinga na. Kina-umagahan ay maaga siyang naligo at kumain ng agahan upang pumasok sa kanyang trabaho, Nagulat lamang si George dahil nakita niya ang kanyang asawa na nakabihis na din na tila may pupuntahan din. “O Mahal. Saan ka pupunta?” “Sasama sa’yo siyempre” “Bakit pa? Diba sabi ng doktor ay magpahinga ka??” sambit ni George “Huwag na kasing makulit” “Nababagot na ako dito sa bahay Mahal eh. Sama na lang ako sa’yo sa Hotel. Please??” “Mas mababagot ka kung nasa office ka, Mahal” sambit ni George “At isa pa, doon sa hotel natin ginaganap ang Business Summit, Hindi kita mababantayan ng maayos dahil magiging busy ako mamaya” “Okay lang yun, Mahal” sagot ng asawa “Kaya ko ang sarili ko” “Sigurado ka ba?” ulit ni George “Kasi baka buong araw kita hindi mapapansin, Mahal. Alam mo naman na puro mga mayayaman at malalaking mga negosyante ang nasa hotel natin mamaya. Kailangan natin magpakitang-gilas” “Yup. Sigurado ako” sagot niya “Magpakitang-gilas? Teka. Don’t tell me na i-pu-push mo pa rin ba ang pagbebenta mo ng hotel?” “Ha? Hindi noh” sabat naman ni George “What I mean is, kailangan nilang makita ang galing at ganda ng Deluxe Suites, para naman magiging mabango ang paningin nila sa atin at baka may willing na mag-invest sa kumpanya natin” paliwanag ng maayos ni George kay Bek “Ayaw mo yon?? Kung may mag-iinvest, lalaki pa lalo ang hotel natin at lalaki ang kita” “Hmmm. Kung sa bagay. May point ka, Mahal” “Diba??” ngiti ni George dahil sa wakas ay naiintindihan ng kanyang asawa “So?? Sasama ka pa rin ba?” “Ha?? Oo naman” sabay kunot ulit ng noo ni Bek “Teka…. Parang ayaw mo ata akong isama, George” at doon na umiba ang tono ng boses at mukha ni Bek sa asawa “May tinatago ka ba?” Marami ka kasing palusot eh” “Hindi naman sa ganun, Mahal. Ang point ko lang naman, baka mapagod ka nga dun” “Anong mapapagod? E sigurado ako buong araw tayo uupo lang” sabay kunot ng noo niya sa asawa “At isa pa, naiintindihan ko naman ang lahat eh. Don’t worry, hindi kita kukulitin mamaya sa hotel” Nagpabuntong-hininga na lang si George sa gusto ng asawa “Sige na nga lang. Sumama ka na para wala nang away” “Talaga Mahal? Yey! Thank you” sabay halik sa labi ng asawa. “Haay. Ano pa nga ba.” sambit niya kay Bek “Teka, kumain ka na?” “Wala pa. Mamaya na lang ako kakain kapag nasa office na tayo, Mahal” “O sige. So, let’s go??” Sumakay na si Bek sa kanilang sasakyan at ganun din naman si George. Pina-andar ni George ang sasakyan at kaagad silang umalis at nagtungo sa kanilang Hotel. Pagdating nila sa Hotel ay pinark ni George ang sasakyan at bumaba sila kaagad. Pumasok ang dalawa sa pintuan ng gusali habang nakatayo ang mga empleyado ng kanilang hotel sa magkabilang gilid upang batiin sila. “Good Morning Mr. and Mrs. Salcedo” bati ng mga empleyado sa kanilang dalawa. Ngumiti na lamang sila bilang ganti sa bati. “Andiyan na ba sila sa Ballroom, Lucas?” tanong ni George sa kanyang Assistant. “Yes sir. Kumpleto na silang lahat doon at ikaw lang ang hinihintay” “Good. Sige, pupunta na ako doon” “Okay sir” sabay lakad palayo sa kanyang boss “Ahhm, Lucas?” at bumalik siya kay George “Paki-alalay ang Ma’am Bek mo sa opisina ko” sabay tingin sa asawa “Mahal, punta na ako sa function room ha?” “Sige, Mahal. Mag-iingat ka” “I will. Sige na, Mahal. Pumunta ka na kayo sa opisina ko” “Ma’am Bek?? Let’s go?” dugtong ni Lucas Kaagad lumakad si George papunta sa elevator para umakyat doon sa isang malaking Ballroom para sa Business Summit na dinadaos doon. Pero habang lumalakad siya ay biglang napalingon si George dahil nandoon pa din ang kanyang asawa sa kanilang kinatatayuan kanina. May napansin kasi ang kanyang asawa na si Bek sa may sulok. Dalawang dalaga na tila kinikilig sa pagdaan ng gwapo nilang boss. Napataas ang kilay ni Bek sa kanilang dalawa at kaagad niya pinuntahan ang nakangising mga babae. “May problema ba??” kaagad namang umiling ang dalawa na tila kinakabahan sa paglapit niya “Well, so stop smiling na parang nakakita kayo nang pangkamot sa inyong namamaasang ari” insulto niya sa dalawa “This is not a striptease show na parang hinuhubaran niyo ang makita niyong gwapo na lalake” “Sorry po, Ma’am Rebecca” sabi ng isang babae “It’s Bek, not Rebecca. Is that clear??” “Opo Ma’am Bek” “Mga nag-oojt ba kayo?” sabay tango nila ng mabilis “Kaya naman pala. Alam niyo na naiinis talaga ako sa mga nagpapracticum na mga walang experience na mga estudyante sa trabaho??” insulto pa niya dito “Kasi ang mga taong tulad ninyo ay ang rason kung bakit nasisira ang mga pamilyang nagtatrabaho dito… ” “Sorry po Ma’am. Hindi na po mauulit” “Mabuti naman ay klaro sa inyo ito” “Sorry po ulit, Ma’am” “Bumalik na kayo sa trabaho ninyo” Kaagad naman silang umalis sa harap ni Bek na namumutla ang mga labi. Hindi niya naman namalayan na bumalik ang asawa niya. “Mahal” napasulyap naman si Bek sa tawag sa kanya ng asawa “Ano yon?” “Wala. Pinagalitan ko lang sila kasi hindi nila ginagawa ang trabaho nila” paliwanag niya sa asawa “Oo nga pala, bakit ka bumalik?” “Nakita kasi kita na kinakausap mo sila kaya ako bumalik.” sagot niya “Pabayaan mo lang sila, Mahal. Bawal sa’yo ang mapagod eh. Magpahinga ka na lang sa loob ng opisina ko” “Sige Mahal. Pasensiya na talaga” “It’s okay. Kapag may kailangan ka, andito lang si Lucas, okay?” “Sama na lang ako, Mahal” “Ha?. Bakit ka pa sasama?” “Gusto ko lang kita makita habang nagmemeeting. Masama ba yun?” “Ano?? Diba sabi mo na sa opisina ka lang?? Bakit nagbago na naman ang isip mo?” “Ehhh. Baka mababagot ako doon eh. Sige na Mahal. Sama na ako,Please?” “Yan nga ang sinasabi ko eh. Kaya nga ayaw ko na sumama ka dahil alam ko na mabilis kang mabagot” “Ganon??? So ayaw mo akong makasama?? Sige. Kung iyan ang gusto mo, George. Uuwi na lang ako” “Sige na nga. I have no choice naman” buntong-hininga ni George sabay kuha ng kamay ng asawa. Lumakad silang dalawa papunta sa elevator at sumakay doon. Umakyat sila sa third floor ng hotel para pumasok sa malaking Ballroom. Nang pagpasok nilang dalawa ay nag-uumpisa na ang programa. Kaagad silang umupo sa may bakanteng upuan na may mesa habang may nagsasalita sa podium. Sa lahat na nangyayari doon ay tanging napansin ni Bek ay ang malagkit na pagkatitig ng kanyang asawa sa nagsasalita sa harap. “Ahhm, Mahal?” “Yes Mahal?” at napatingin naman siya sa asawa “Sino ang nagsasalita?” “Ang nagsasalita?” ulit ni George “Si Jeffrey Dy, Mahal. Pero José Hidalgo na ngayon ang kanyang pangalan dahil inampon siya ng isang negosyante mula Espanya. Alam mo, siya ang dating may hawak sa Dy Group of Companies at may share din siya sa Teng Prime Holdings” at tumingin muli sa nagsasalita sa harap “Siya na ngayon ang pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas” “Talaga?” habang nakatingin siya sa asawa habang nanginginig sa galit dahil sa selos. Nang matapos niyang magsalita ay bumaba ang lalaki sa gilid ng stage. Nakita niya na nakabantay pala si George at inaabangan siya dito. “Mr. Salcedo..” sambit niya dito “Is that you?? Wow. It’s been a long time since the last time I saw you. Kamusta ka na?” “I know” ganti ni George “Ito. Okay lang naman. Pilit na kinakaya ang negosyo” “Well. That’s good” ngiti din nito “Mabuti at hindi ka sumusuko sa kabila ng maraming kompitensya sa service industry” “E ikaw? Kamusta ka na Mr. Hidalgo?” “Well. It’s Mr. Rodgers now” ngiti niya kay George “Ha? May asawa ka na?” “Yes. Nagpakasal na kami two years ago” “Wow. And who’s that lucky guy?” “Nathan. His name is Nathan Rodgers” “Well… I’m happy for you” ngiti ni George sa kanya “Mabuti ka pa” “Oh bakit? Ikaw kamusta ka na? Wala ka bang may nakita na para sa’yo?” “After naging tayo?? Hmmm. Wala” sagot niya “But nagpakasal na kami ng girlfriend ko” “Oh yun naman pala eh. Happy naman ang lovelife mo” “Mas happy ako nung naging tayo” “Ewan ko sa’yo, George. Matagal na yun. Nung hindi ko pa siya nakilala” “Ahheeeemmmm” napatingin silang dalawa sa hindi malayo. Si Bek at lumalapit sa kanilang dalawa habang nakangiti “Anong nangyayari dito?” Nakataas ang isang kilay ni Bek sa kausap ng kanyang asawa. Parang narinig niya ang usapan ng dalawa. Nakita naman ito ni George at linapitan din ang asawa. “Ahhmm. Mahal, si Mr. Rodgers” pakilala niya sa asawa “Siya ang sabi ko sa’yo kanina na ang dating may-ari ng Dy Group of Companies at may malaking shares sa Teng Prime Holdings” at tumingin muli sa lalaking kaharap niya “Should I say, one of the successful businessman in the Philippines” “Wow. Sobra naman yan, Mr. Salcedo. Hindi naman masyado” at sumulyap siya sa asawa ni George “Hello. I’m José Hidalgo-Rodgers, and you are?” “Rebecca Salcedo. George’s wife” Napangiti ang lalaki sa harapan ni Bek sa kanya. “Nice to meet you, Mrs. Salcedo” bati nito “Okay lang ba kung umupo na tayo? Napapagod na kasi ang mga paa ko sa kakatayo eh” “Sure” sagot naman ni George “Doon ka na lang umupo sa table namin” at napatingin si Bek sa kanya na parang pinipigilan ito. Nakita naman ng Mr. Rodgers ang ginawa ni Bek. “Parang ayaw naman ng asawa mo na tumabi ako sa inyo. Mr. Salcedo” “No. It’s okay, Mr. Rodgers” dugtong naman ni George “Okay lang sa asawa ko na doon ka umupo sa amin” “Sige. Kung ganun naman ang gusto ninyong dalawa” Kaagad nagtungo silang tatlo sa mesa ng mag-asawa. Umupo sila doon; napagitna nina Bek at Mr. Rodgers si George. Masaya ang usapan ng dalawang lalaki at parang inaalala ang kanilang pagsasama noon. As usual, masakit pa rin ang tingin ni Bek at nagseselos sa kasamang lalaki ng asawa, Para gusto kasi nitong agawin ang kanyang asawa sa kanya. Nakuha naman ni Mr. Rodgers ang ibig sabihin ng mga tingin ni Bek sa kanya, pero ngumiti lang ito na parang nang-iinis. “Jeff?? Mahal?” tawag ni George sa dalawa at napatingin naman sila dito “Punta muna ako sa CR” paalam niya sa dalawa. “Sige Mahal. Mag-ingat ka” Kaagad tumayo si George sa kanyang upuan at lumakad patungo sa banyo. Naiwan silang dalawa sa mesa at nagkakatitigan habang nakangiti sa isa’t-isa. “Matagal na ba kayong magkakilala ng asawa ko, Mr. Rodgers?” panimula ni Bek sa usapan. “Aaahmm” habang inaalala ang nakaraan “Oo. Matagal na rin pero matagal na panahon din kaming hindi nagkausap ng ganitong kasinsinan” paliwanag nito “Talaga?? Siguro napakatagal na panahon na yan noh?” sambit ni Bek “Years?” “Yup. Siguro more or less, 25 years na” “Wow. Matagal na nga” habang tinititigan niya pa din ang lalaki “Kaya naman pala na parang napakasaya ninyo na nagkita kayo at nagkausap” “Oo nga eh” ngiti nito “Nagkikita lang kami sa ganitong klaseng event pero minsan lang kami nagkuwentuhan ng ganitong kasaya” “Paano ba kayo nagkakilala?” sabay hinga ni Bek ng malalim. Gusto niya na kasi saktan ang lalaki. “He’s my classmate way back in high school. Naging close kami tapos hindi ko pala alam na may gusto pala siya sa akin” at doon na naramdaman ni Bek ang galit. “At naging kami nga for two months dahil inamin niya ang nararamdaman niya sa akin” kuwento niya sa asawa ni George “Ganon ba??” tanging sambit ni Bek na parang nanggigigil na ito “Sorry kung nakuwento ko sa’yo ito ha? Tinanong mo kasi eh” ngiti ni Mr. Rodgers sa kanya “At alam mo naman ang tungkol sa same-s*x relationship diba?” “Yup. Alam ko ang tungkol doon” sagot naman ni Bek “Doon nga kami muntikan maghiwalay at i-cancel ang kasal namin” “Ha? What do you mean?” “I caught him f*****g with a dirty and cheap faggot” habang pumatak ang isang luha sa kaliwang mata “Biglang dumilim ang paningin ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko.Napatay ko ang bakla. Ginamit niya ang taong iyon para sa kaligayahan niya?? At ako?? Ano ang papel ko sa buhay niya?? Diba ako dapat ang magbibigay sa kanya ng ganyang kaligayahan??” kita sa mukha ni Bek ang galit nito sa panahon na iyon Itutuloy… Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD