Chapter 6

1138 Words
Zoe's POV Nawalan sila ng imik sa sunod sunod na pag tatanung nila Paris at Harley. Lihim na napangisi ako sa aking isip. "Guyz!!!" Naagaw ang atensyon namin sa pag sigaw bigla ni Baby Flame. Nakita namin silang palapit mukhang galing ulit sila dun sa tree house. Mag kahawak sila ng kamay ni Migz. Lalapit sana ako para kunin si baby Flame pero may humatak sa braso ko. "We warned you.." Malamig na sabi ni Matthew. Kahit anung iwas ko hindi ko matatangging natakot ako sa banta nila. Kaya inagaw ko nalang ulit yung braso ko. Kainis! Parang dinadaan na talaga nila kami sa pananakot nila eh. "Guyz alam nyo bati na kami ni Zeus. Sabi nya hindi naman daw ako mapapahamak kase sya daw ang hero ko!" May pag mamalaking sabi ni Flame at mukha naman syang masayang kasama si Zeus. Wala umimik samin ng mga kabarkada ko ganun din sa kanila. Naramdaman din yata ni Flame ang tension sa pagalitan ng grupo namin Kaya unti unting nawala yung ngiti nito. "O--Okay lang ba kayo? Ga--galit ba kayo kase di ko natupad yung promise ko na iiwasan si Zeus..." Mangiyak ngiyak na sabi nya namumula nadin yung ilong nya. Kahit nasa ganyang sitwasyon sya di ko mapigilang di mapangiti kase ang cute nya. Narinig kung natawa nadin sila Paris. Ang cute nya kase talaga ang babaw ng luha nya. "Yyaaaahhh!!! Tapos pag tatawanan nyo ko! Huhuh. Zeus oh." Nag papadyak ito at sumubsub sa dibdib ni Zeus at parang batang nag susumbong. Hindi nakatakas sa mata ko ang ngiti ni Zeus grabe nga naman ang pagmamahal oh. "Woah! He smiled. See that bro.!" Pabulong pero masiglang sabi ng isa sa mga kambal. "Hehe... Baby Flame sorry na. Ang cute mo kase eh." Sabi ni Paris at tuloyan na nga akong napangiti siguro nga wala na kaming magagawa. Lumapit si Paris tumingin muna ito kay Migz na tila nag papaalam. Tumango lang ito at binitiwan sa pag kakayakap nya si Flame. Nakasimangot na humarap naman sa amin si Flame. Lumapit nadin kaming tatlo at nag group hug. Ganto talaga kami mag lambingan kahit medyo cringe pero wala eh ang cute ng baby namin. "Hindi kayo galit sakin? Saka bakit mag kakasama kayo?" Mag kasunod na tanong nya. Nag tinginan naman kamimg apat hindi malaman kung sinong sasagot. At ano nga bang sasabihin namin bakit kami magkakasama? Sasabihin namin na maypananakot na nagaganap ganun? "Wala lang. Ayaw mo nun mag kakasama tayo. How about kumain tayo? Chesse burger?" Pilit na ngiting sabi ni Harley. Ayaw ko namang talaga aminin sa sarili ko natakot talaga ako sa banta nila. Kung sakaling totohanin man ni Migz yun alam kung hindi ko kakayanin. Unasa lahat hindi ko pa naranasan mabubuhay sa hirap. I'm a spoiled brat aminado ako. Ano bang laban namin sa pamilya nya bukod sa subrang yaman nipa di pa nga normal na tao like duh! gets nyo naman diba. "Ayaw. Busog na ako eh. Nibili na ako ni Zeus kanina dalwa panga eh. Tapos alam nyo maraming Ice cream sa tree house nila." Pag kwekwento nya samin habang kinakawit nya yung braso nya sa braso ko. Nginitian ko lang sya ng tipid. "That's my Ice cream!" Pag alma naman ng isa sa kambal kung hindi ako nagkakamali si Blaze ito. Nagbilat lang dito si Flame at tumakbo sa likod ni Zeus. Napailing nalang ako sa kakulitan nya ganun din ang iba. Flame's POV "Bye! Bye!" Tapos kumaway pa ako kay Zeus gabi na kase ngayon lang namin naisipan umuwi. Pero hindi naman kami pumasok eh. Hihihi. Nag cutting kami ni Zeus andun lang kami sa tree house nila. "Good Night my Hera..." Sabi nito humalik sya sa kalapit ko at humalik sa noo ko. Hihihi. Para palang Daddy ko narin sya ganyan kase si Dad. "Good Night Dad... hihih" Pag kasabi ko nun napailing sya. "I'm more than prepared to be your husband not your dad..." Feeling ko namula yung pisngi ko napahawak ako dun. Saka tumakbo na ako papasok sa loob nakakahiya! Nang makapasok na ako pag sara ko ng pinto narinig ko pang tumatawa sya. "Masaya kabang kasama sya Baby Flame?" Napatuwid ako ng tayo kase biglang nag salita si Zoe. Nakatayo silang apat na nakatingin sakin. "O--Oo naman Zoe. Alam mo ang bait bait nya. Pero alam nyo tuwing hinahawakan nya ako parang may kuryenta. Tapos. Tapos alam nyo para laging may kumikiliti dito sa tummy. Pero hindi naman ako gutom hihihi.." Di ko mapigilang kwento sa kanila. Nagulat panga ako kase biglang tumalon si Paris at tumili si Mandy yung dalwa naman nakangiti lang. "Yyyiiieeehhh... Dalaga kana Baby Flame!!" Hinawakan pa ni Paris dalwang kamay ko at nag tatalon. "A--Akala ko Baby nyo ko? Hindi nyo na ako Baby??" Whaaaa.... ayaw naba nila sakin??? Napasimangot ako lalo ng pinitik ako sa noo ni Mandy. "Silly. You're still our baby. But ofcourse okay lang na mag karoon ka ng lovelife..." Sabi nito sakin at hinihipo hipo yung nakasalapid na buhok ko. Nakangiting umiling lang si Zoe at Harley. Habang si Paris pinag kwento ako kung anung ginawa namin ni Zues. *** Nasa room na ako nakakainip tapos wala pa si Ate Sam wala tuloy ako makausap dito. Ang aga kase lage naming pumapasok tapos si Zeus tuwing uwian ko lang nakikita sa garden. Kase hindi pa naman nag sisimula yung training daw mula 3 to 5 ng hapon. Mamaya palang ang start. "Morning Flame..." Biglang nag salita nalang si Ate Sam. Hehe andito na pala sya. "Ate Sam bakit morning lang walang good?" Parang hindi talaga good kase nakasumangot pa si ate Sam.. "I have a problem Flame. Sabi ko na hindi magandang ideya ang dito mag aral ulit eh." Sabi nito na parang kinakausap ang sarili. Napakapit tuloy ako sa braso nya. "A--Ate? Ma--May nakikita kabang hindi ko naki--kikita??" Bigla naman syang tumawa. Luh? Baliw? "Hahaha... seriously Flame?? Hahah. Ang cute cute mo talaga." Napasimangot nalang ako. Hilig talaga nilang pag tawanan ako. "Ate naman eeehhh..!!" Nag tawa lang sya ulit. Tapos biglang naging seryoso nanaman. "Yun nga diba I told you before na meron akung anak??" Tumango lang ako sa sinabi nya. "And I told you din na the Father of my child left me?" Tumango ulit ako. Pero napakamot na ako sa ulo ko. "Ate naman. Sabihin mo na kase!" Inuulit lang nya yung sinabi nya nung una. Ano'to review? "Yung tatay nung anak ko bumalik na sya. Pero hindi nya alam na may anak kami..." Nakayoko at mahimang sabi nya. Parang biglang nawalan ako dun ng imik.. "Ahh... Hmmm..." Yun lang lumabas na bibig ko hindi ko kase talaga alam sasabihin ko. "Hayst! Baby kapa talaga mag isip. Pero salamat sa pakikinig" Sabi nya lang at tinap yung ulo ko. Ngumiti nalang ako kahit wala naman talaga akung naintindihan sa sinabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD