Shane's Pov
Finally, I'm back.
After three years in New Zealand, I'm back here in the Philippines. I am Shane Marquez, the only daughter of Don Santiago Marquez. One of the wealthiest, most influential, and most feared mafia kings in the country.
I looked around the airport, looking for my dad.
Sinabi niya sa akin na siya ang susundo sa akin dito sa airport. It seems that nothing has changed. He never fails to disappoint me.
Mukhang hindi na naman niya matutupad ang sinabi niya.
Kinuha ko ang aking cellphone sa hand bag na hawak ko, para tawagan siya. I dialed his number, and after three rings, he answered it.
"Dad, where are you? What's your alibi this time?" Magkasunod na tanong ko sa kaniya.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya bago sagutin ang tanong ko.
I was about to talk again when Dad abruptly interrupted the call without letting me speak, saying, "I'm sorry, anak. I'm about to travel to the airport, but something occurs. but I already sent someone to get you. Siguradong nandiyan na siya ngayon. Magkita na lang tayo rito sa bahay. I love you, anak. I have to hang up. Bye!"
"Wait, Dad! Dad? Dad!" Napabuga na lang ako ng hangin ng marahas. "He hung up the phone without letting me speak?" How nice." Nakapamewang pa na reklamo ko. Naiikot ko na lang ang mga mata ko pataas.
At sino naman kaya ang pinagsundo niya sa akin?
"No way..." sambit ko nang ma-realize ko kung sino ang posibleng inutusan ni Daddy na sunduin ako.
Hindi ako makakapayag. I've been away for a long time to get away from him. I won't allow him get close to me. Before he notices me, I must leave. However, as I turned around to go, I noticed him smirking in front of me. While I was on the phone with my father, it appears that he was standing behind me.
"Long time no see, my wife. Miss me?" Pang-asar ang ngiti na ani nito.
"Excuse me? Do I know you?" Painosente naman na tanong ko. "Sorry, but I don't talk to strangers." I was about to pass by him, but he grabbed my arms to stop me.
"I'm sorry, sweetie. Pero hindi sa akin gagana 'yan," he said to me, "and do you want me to remind you who I am?" Pagpapatuloy pa nito.
"That's the last thing I want to remember. Let go of me." Madiing sabi ko sa kaniya.
Pero hindi ito natinag. Imbes na bitiwan ako ay nagulat na lang ako nang bigla ako nitong bitbitin ng parang sako ng bigas sa balikat nito.
Napasinghap ako sa gulat at nang makabawi ay pinaghahampas ko siya sa likod habang nagsisigaw.
"Ano ba? Ibaba mo nga ako! Ibaba mo sabi ako, eh!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Tulungan niyo ako!" Pero mukhang walang may balak na tumulong sa akin.
Nakatayo lang at nanonood sa amin ang mga tauhan ng airport. Sino nga naman ang maglalakas ng loob na babangga at makikialam sa isang Stefan Fernandez, na kilalang son-in-law ng isa sa mga Mafia King sa bansa?
He is feared by people. Nobody dared to challenge him. Obviously, I'm the only exception.
Pero mukhang nasagad ko na ang pasensiya niya. Kaya may lakas na siya ng loob na gawin sa akin ito ngayon.
"Isusumbong kita kay dad! How dare you do this to me? How dare you humiliate me in front of so many people? Ibaba mo ako!" Sigaw ko sa kaniya, habang patuloy akong nagkakawag sa balikat niya.
"Your dad told me that I can do whatever I want to you. And you provoked me to do this. Kaya, 'wag kang magreklamo." He said, habang patuloy sa paglalakad ng walang kahirap-hirap.
"Dad said that? Hah! Kasi binilog mo ang ulo niya!" Lalo akong nanggalaiti sa galit sa kaniya.
"Sabihin mo kung ano ang gusto mo'ng sabihin." Walang emosyon na wika ni Stefan.
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami ng airport. At walang kahirap-hirap niya akong isinakay sa kotse.
"Nasa trunk na po ng kotse ang mga maleta ni Ms. Shane, Sir Stefan," magalang na imporma ng mga tauhan nito.
"Sige. Sabihin niyo kay Don Santiago na kasama ko na ang asawa ko." Bilin ni Stefan sa mga ito saka mabilis na pinasibad ang sasakyan.
"Sinabi ng 'wag mo kong tawaging ganiyan, eh! Ihinto mo itong sasakyan. Ihinto mo!" Histerikal na sigaw ko habang hinahampas siya sa braso.
"Kababalik mo lang mula sa ibang bansa. Ayaw mo naman siguro na maaksidente tayo 'di ba? Kaya itigil mo 'yang pagwawala at kakasigaw mo." He said to me while driving.
"Mas gugustuhin ko pa na maaksidente kesa makasama ka! Kaya puwede ba? Ihinto mo ang kotse para makababa na ako." Patuloy pa rin ako sa paghampas sa braso at balikat niya.
"Bahala ka kung 'yan ang gusto mo. Atleast magkasama tayong mamamatay." Nakangisi nitong saad na mas ikinagalit ko.
"Mamatay kang mag-isa! Ibaba mo ako. Huh?" Natigilan ako nang mapansin ko na iba ang tinatahak na daan ng kotse niya. "Saan mo ako balak dalhin? Hindi ito ang daan papunta sa bahay." Napatingin ako sa dinadaanan namin. Mukhang palabas kami ng siyudad.
"Saan mo ako balak dalhin?" tanong ko sa kaniya.
"You will find out later, sweetie." Sabay kindat pa nito sa akin. "Matulog ka muna. Mahaba-haba pa ang biyahe natin. Gigisingin na lang kita kapag may nadaanan tayong kainan." Kaswal lang ang pagkakasabi nito. As if we are close with each other. Pero kabaliktaran 'yon ng totoo.
"Stop calling me that. Puwede ba? At ibalik mo na itong sasakyan para makauwi na ako kay dad." Pabagsak na isinandal ko ang likod ko sa upuan ng kotse. Napagod ako sa pagwawala at kakahampas sa kaniya. Samantalang parang wala namang epekto sa kaniya ang mga ginawa ko.
"I'm sorry to disappoint you. But you're not in the position to tell me what to do." He said, Na ikinalingon ko sa kaniya.
"What did you say?" I asked, brows furrowing.
"I am your husband, Shane Marquez, Fernandez, and from now on, my wife, you will follow everything I say. And I don't want you to argue, and I won't take no for an answer." He said that to me, which made me gasp.