Kabanata 18: Hideout "Saan ko naman hahanapin ang ama ko?" Tanong ko sa dalawang binata. Mukhang nagkakasundo na kaming tatlo. "Manawagan ka kaya?" Suhetisyon ni Brix. "Hindi pwede, baka meron pang tulisan ang nakakakilala sa mga magulang ko magpahanggang ngayon at tinutugis pa sila." "Sabagay, hindi rin kasi ako makakapasok sa hide out nina Santino." Si Elthon. "Saan ang hide out nila? Baka may mga files sila sa Mama ko." Biglang nagliwanag ang mga mata ko. "Mapanganib, minsan na akong nagawi doon dahil sinundan ko sina Daddy. Muntikan na akong mahuli doon, bawal kasing pumasok ang kahit na sino." Sabagay, even sa amin ay ganoon din. But I will take the risk. "Susubukan parin natin." "Ha? baka doon lang kami mamatay." Gulat na wika ni Brix. "Atleast mamamatay kayo na may nagawa

