PAGE 1: Darkly Handsome

2179 Words
Inalis ko muna ang kwintas at binalik sa box. Pinatong ko iyon sa dresser upang maisuot ko mamaya sa trabaho. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Um-e-echo ang boses ni Mom at Dad na nag-uusap sa kusina. Nang makita ako ay agad nila akong nginitian. "Good morning, Mom..." I kissed her cheeks. "Morning, too, Dad," then lumipat ako para halikan naman si Daddy. "How's your sleep? Did you miss your old room?" Wika ni Daddy. Naupo ako sa upuan na kaharap sila. "Super. Parang hindi naluluma ang gamit sa kuwarto ko." "Because I'm always taking care of it, hija. Tinutulungan ako palagi ng mga kasambahay na ayusin iyon palagi," Mom explained. The freshly cooked bacon, ham, and french toast were served in front of us. Kumuha ako ng french toast and bacon. "Anyway, your sisters called. Gusto nilang mag-skype kayo." "I'll text them, Mom," Sagot ko kay Mommy. Kumain muna ako at matapos ang breakfast, bumalik ako sa kuwarto upang makipag-skype sa mga kapatid ko. I have two older sisters, Ate Rose my eldest and Ate Lizbeth. Parehas silang pamilyado at nasa Australia. Ate Rose already has two kids while Ate Lizbeth just married last year. "Happy birthday, Farah!" Tili ni Ate Lizbeth. "Belated happy birthday, Farah! Greet your tita!" Tawa naman ni Ate Rose. Kasama niya sa screen ang dalawa kong pamangkin. "Thank you, Ate Rose, Ate Lizbeth..." Marami kaming pinag-usapan. Halos isang oras yata ang itinagal nito. Dahil kailangan ko na rin pumasok sa trabaho ay nag-paalam na rin sila sa huli. I go to the bathroom to take a shower. Pagkalabas ay kinuha ko iyong robe ko at sinuot. Ang tuwalya ko naman ay pinulupot ko sa buhok ko. Binuksan ko ang lumang walk in closet ko. May mga naiwan pa akong damit dito kaya iyon muna ang susuotin ko since hindi ako nakauwi sa condo. Dumapo ang tingin ko sa baby pink longsleeve blouse and black skirt. Kinuha ko iyon at sinuot. I do my usual natural makeup and sprayed some perfume on my wrist and neck. "Good morning, Ma'am Farah..." Bati ng empleyado ko pagdating ng building. Tumango ako at nginitian sila. Ang sekretarya kong si Louise ay sinalubong ako bago ako pumasok sa office. "Good morning, Ma'am, I got a call with a big client just this morning..." "Who it is?" "Actually it's her manager who called but she said that Dianne Foster wants you to design a gown for her..." Naupo ako sa swivel chair at in-open ang computer na kaharap. Nilabas ko rin iyong laptop ko sa lalagyan. "Give me the details, Louise," Wika ko. Tumango siya at nilatag lahat ng kailangan ko. "She's one of the most popular actress now in the Philippines, nakakuha rin siya ng award abroad dahil sa magaling na pag-ganap niya sa pelikula..." Sabi niya habang pinapakita sa akin ang mga impormasyon ng client. "Call her manager again, Louise. Dapat ma-schedule na ang appoinment para makuha ko na ang gusto niyang mangyari sa gown." "Okay, Ma'am..." Lumabas na siya at naiwan na ako para tapusin ang iba pang trabaho. Saglit lang bumalik si Louise para ipaalam na available ang client mamaya para sa appoinment. Ala-sais iyon ng gabi. Nang dumating ang oras na iyon, hinanda ko na ang sarili para puntahan ang meeting place na napag-usapan. It's a cafè house near Makati City. My phone vibrated habang nasa gitna ako ng pagmamaneho. Nang mag-red light ay kinuha ko iyon at binasa ang message. From: unknown number Hello, Ms. Farah Alezar! This is Dianne, your secretary gave your number to me. I reserve us a seat in the cafè, will wait for you. Mabilisan akong nag-reply. Ako: Hi, Dianne! Sorry to keep you waiting. I'm in a middle of traffic. See you. Nang ma-sent iyon ay tsaka pa lang nag-green light. Pagliko ko sa isang daan ay nakita ko na ang tinutukoy na cafè. Nag-park ako at pumasok sa loob non. Kakaunti lamang ang customer sa loob. It relaxes me. Wala pa naman akong dala na bodyguard ngayon, pahirap na kung may makakita na kilala ako. Naranasan ko na dumugin nang maging careless ako at nag-dine in sa isang common restaurant na halos hindi ako makakain dahil ang daming nagpapicture at interview. Lalo na siguro kung si Dianne ang makikita. Paniguradong pagkakaguluhan siya. Maybe that's why she chose this place. Very intimate. May privacy. Nakilala ko agad siya nang makita ko ang morena na si Dianne Foster. She's wearing a black cap and jacket. Tumayo siya nang makalapit ako sa table. "Hello, Ms. Farah..." Maganda ang kanyang ngiti. "Hello, Dianne, you're so pretty!" Usal ko nang makita siya nang malapitan. Tumawa siya. "Nag-disguise nga ako, mahirap nang makita in public." Nilabas ko na ang sketchbook ko at mechanical pencil. Nilabas ko rin iyong iPad ko upang ipakita ang mga palettes na sinave ko digitally. "I want a strapless gown and I want the top to be fitted to see my curves..." Pinapakinggan ko siya habang ini-isketch out ko ang gusto niya. "What about the bottom?" I asked. "Gusto ko lang na bagsak siya at wala nang masyadong arte," Ngumiti siya. Inabot ko sa kanyang ang aking iPad at ini-scroll ang palettes. Ginawa niya rin iyon. "How about the color?" Tinitigan niya ang screen. "Uhm... I really love pastel colors so I want a shade that is blue?" Tapos nakita kong hindi siya makapag-decide sa sobrang dami ng blue shades doon. "You can try ocean blue if you like..." I suggested. Pinakita ko iyon sa kanya. "Oh, it's perfect! Okay. 'Yan na." Binalik niya sa akin ang gadget. Nilagyan ko ng label iyong palette at nag-proceed na sa sketch. "You're so good at sketching..." Puri niya habang pinapanood ako. I only smiled at her. I need to focus on this. "Here..." Wika ko nang matapos. "Is this fine? Or you want to change something?" Kinuha niya iyong sketchbook ko at tiningnan mabuti. "Wala na akong babaguhin. Nakuha mo ang gusto ko, nalagpasan pa nga." I signed. It is always feel good hearing positive comment like that with the client. Kaya ganoon na lamang ang confidence ko sa lahat ng ginagawa. "So, we're done. Thank you, Dianne." Tumayo na kami sa upuan. Nakipag-beso ako sa kanya. "No, ako dapat ang magpasalamat. It's an honor to have your creations, Ms. Farah." Sabay kaming lumabas sa cafè. Nakita ko iyong manager niya na naghihintay sa labas kasama ang dalawang bodyguard. "Bye!" Kaway niya nang pumasok na siya sa itim na van. I smiled and just nodded. After a week, the gown was delivered. Pagkauwi ko sa condo ay nakita ko sa balita ang ginanap na red carpet. "Dianne Foster wearing a Farah Alezar's gown, it's stunning! And it is already trending!" Wika ng host ng event. Pinanood ko sa TV screen si Dianne na magandang dinadala ang gown sa red carpet. Maraming camera ang nag-flash sa kanyang paligid. Nag-vibrate agad ng sunod-sunod ang cellphone ko sa mga pag-congratulate. Marami ring nadagdag sa followers ko online kung saan ko pinopost ang mga designs ko. Natigil lang ang chaos sa aking cellphone nang makitang tumatawag si Dad. I picked it up and answered. "Hello, Daddy?" "Are you busy this weekend?" "Uh, I still don't know. Bakit po?" "Sa darating na Sabado kasi hija... May gathering na gaganapin. I want to bring you to introduce to them, the wives and daughters of the big business man in the country wants to meet you. Lagi nilang pinupuri ang mga gawa mo sa akin!" Sobrang saya ang maririnig sa boses ni Daddy. "Okay, Dad. Titingnan ko po... I schedule it." "Okay, okay, ibaba ko na 'to." "Love you, Dad," Pahabol ko bago i-end ang call. Chineck ko agad ang schedule ko at nilipat ang ibang appointment para makadalo sa gathering na sinasabi ni Daddy. Formal attire ang kailangan suotin sa gathering. It's a formal party that held in the most expensive venue. Bago pumasok sa loob ay may lalakaran ka munang carpet at tsaka pu-pwesto sa isang spot kung saan may mga media na kumukuha ng scoop sa mga malalaking tao sa business world. Pagtigil ng aming sasakyan ay naunang lumabas si Mommy at Daddy. Nakasuot si Mommy ng eleganteng black gown and gloves. Si Dad naman ay naka-tuxedo na may red na bow tie. Inalalayan ako ng bodyguard at narinig ko ang pagtawag ng ilang media sa akin doon. "Miss! Miss! Face the camera please!" "It's Farah Alezar! Wow!" Nilakad ko sa carpet ang aking red gown na may slit that emphasizes my legs. Malinis at naka-braid na parang kurona naman ang buhok ko para neat tingnan. Sumilaw ang mga flash ng camera sa akin nang marating ko ang spotlight. I smiled and posed in front of the cameras. I turn a bit to see the back of my gown. The flash continued. Humakbang ako upang pumasok na sa venue. Nakarinig naman ako nang mas bayolenteng komusyon nang may bagong dumating. Isa iyong itim na limousine. Napatingin ako doon. Lumabas ang isang matangkad na lalaki. He's wearing an all black tuxedo that is perfectly fit in his body. Hindi ko makita ang mukha dahil may inalalayan siyang babae palabas ng limousine. It revealed a sexy woman in her maxi style gown. Bumaling ako sa harap at tuluyan na akong pumasok sa loob. Naabutan ko ang magulang ko na may mga kausap. When they saw me entering, they smiled and greeted me. "This is our daughter," Wika ni Daddy sa matandang lalaki na may mustache. Kasama nito ang kanyang asawa. "Oh, my, you're too beautiful, hija!" Puri nito. Tumawa ang asawa nito. "My wife is a fan of your designs..." Ngumiti ako. "Thank you very much for appreciating, Ma'am, Sir." Tapos dumami pa ang mga nakipag-kilala sa akin. Kasama na doon ang mga anak ng mga dumalo. "I cannot believe your parents invited you here!" Wika ng isang modelo na anak ng business man. Ngumiti lamang ako sa kanya. "I like your designs! I want to model them someday..." She giggled. Then her eyes flew to my neck. Nagtakha ako dahil sa pagtitig niya doon sa kwintas ko. What is it? Nanlaki ang mata niya. "Oh my gosh! That's a luxury necklace! Tatlong design lang ang nilabas nila at na sa'yo pala ang isa." What? Really? I'm not into expensive brands pero dahil marami na ring nagreregalo sa akin ng mga mamahalin ay sinusuot ko na lang. Wala naman kasi akong pakialam kung mura ba o mahal. Ang importante ay pasok sa taste ko. "Can I take a picture of it?" Huh? Kailangan ba talaga iyon? Imbis na payagan siya ay nagdahilan na lamang ako. "Sorry, I need to take a sit. My feet's kinda hurt because of roaming around..." "Oh... Okay." Tumalikod na ako at naghanap ng mauupuan. Doon ako naupo sa bakanteng couch. May cocktail na nag-se-serve kaya kumuha ako ng isa at sumimsim. Natanaw ko ang magulang ko na masayang nakikipagkiwentuhan sa iba't ibang tao. Napalingon naman ako sa entrance nang may pumasok. Agad na sinalubong ng mga nasa loob ng venue. Kahit medyo malayo ay naging pamilyar iyon sa akin. Sila kasi yung pinagkaguluhan din ng media sa labas, iyong kasunod ko. Now, I could see the features of the guy. He's really tall and darkly handsome. Malinis ang kanyang gupit at itim na itim ang kanyang buhok. Nakipag-kamayan ito sa mga business man na lumapit at nakipag-kuwentuhan dito. Lumipat naman ang tingin ko sa babaeng kasama niya. Hawak niya ito sa bewang. The woman has a blonde long hair. Her waist were thin and small while her chest and butt are perfectly shaped! Sumimsim ulit ako sa aking wine. Bumalik ulit ang tingin ko sa dalawa nang magtungo sila sa isang table at doon naman nakipag-kamayan. Sobrang lapit na nila sa pwesto ko. I can't help it, I stare at them too much. Hindi ko alam kung bakit. Maybe because I find the man's mysterious aura appealing? They're turning their backs at me kaya nahagilap ko ang kamay nung lalaki na bumaba mula sa bewang hanggang sa pang-upo nito. Nanlaki ang mata ko. Did he just squeezed her butt?! Tapos hinaplos-haplos pa nito iyon. Gosh. Nasa public place sila at nakikipag-usap sa malalaking tao rito tapos ganoon? Anyway, bakit ba ako nangingialam? Nilingon lang siya ng babae at tinawanan. Then bumulong iyong lalaki sa tenga nito. Tapos habang binubulungan niya ang babae, nakita kong dumaretso ang tingin nito sa pwesto ko. He caught me watching them! Confident akong umiwas ng tingin. Inangat ko ang hawak na glass at iinom sana nang mapagtanto kong ubos na ito. Bumalik ang tingin ko sa kanila. Ang lalaki ay malalim ang tingin sa akin. Suddenly, a smirk played on his lips. What the? Umirap ako sa kawalan at tumayo. Umalis ako sa pwestong iyon at hinanap na ang magulang ko para makihalubilo na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD