JANE / INDAY
NABUO SA ISANG AKSIDENTE
******************************
"Isang buwan na din ang nakalipas hindi ko na nakita yung babaeng nanakot sakin, pero hindi ko ba alam kung bakit hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako baka kasi kung ano ang gawin sakin nung babaeng yun.
Nasa restaurant ako ngayon nag huhugas ng plato May na amoy akong carbonara bigla na lang ako na suka Kaya dali-dali akong pumonta sa banyo.
Pagka dating ko sa banyo doon ako nag suka. kahit wala naman lumabas sa bunganga ko, hindi ko ba alam kung bakit nagkakaganito ako, ilang linggo na din ako nagsusuka at nahihilo.
"Inday," tawag sakin ni Kathleen
Si Kathleen naman ay kaklase ko noon highschool.. Pero ngayon ay parehas kaming tigil sa pag aaral... Dahil mas kaylangan namin ng pera kay sa pag aaral.
Bakit?" Habang nag aayos sa aking sarili ko.
Ayos ka lang ba? Nag alalang tanong niya sakin.
"Oo ayos lang ako," Pero nararamdaman ko naman ang pag kahilo.. Hindi ko talaga maintindihan ang pakiramdam ko ngayon.
'Alam mo ba para kang buntis, ilang linggo kana nagsusuka nahihilo at para kang naglilihi... diba ang takaw mo sa mangga yun pang ang pinag uulam mo sa kanin? Sabay halong baba niya sa harapan ko.
Doon naman ako na bigla sa sinabi niya na baka buntis ako. naalala ko na hindi pa pala ako nagkakaroon.
"Inday," Buntis kaba? Ulit na tanong niya sakin.
"Hindi ko alam," na tatakot ako na baka nga buntis nga ako? Napa hawak na ako sa kamay niya dahil sa kaba nararamdaman ko
"Sige sa samahan kitang bumili ng pregnancy test, mamaya pag katapos natin mag trabaho,"" Sabay pisil niya nang kamay ko
"Paano kung buntis nga ako,"' ano ang gagawin ko baka ma patay ako ni tatay. Gusto ko na umiyak dahil baka Buntis nga ako
Hindi ko din alam ang isasagut ko sayo pero wag kang mag alala hindi naman kita iiwan kahit na anong mangyari nandito lang kami ni Lela para sayo.. Gumaan naman ang loob ko dahil sa sinabi niya.
Ako naman ay na iyak sa sinabi niya, sobrang saya ko dahil nag karoon ako nangkaibigan katulad nila kat at Lela.
"Ano ba wag kang umiyak," baka makita tayo nag iba. baka sabihin na inaaway kita. Sabay palo niya mahina sa braso ko.
"Hindi ano kaba,!! masaya lang ako dahil mayroon akong tunay na mga kaibigan. kahit ngayon. Pinunasan ko na ang luha ko.
"Basta ninang ako sa anak mo ha!
"Oo,""Basta wag mo mo munang sasabihin kahit kanino na buntis ako. Pakiusap ko sa kanya. Hindi panaman tayo sure kung toto at tska wag mo muna sasabihin kay lela baka mag alala naman yun sakin. Alam kung madami din yung problem ayoko dumagdag sa problem niya.
"Sige. Sabi mo eh! Sabay kindat sakin.
"Salamat talaga Kathleen.. Naka ngiting Sabi ko.
Welcome.. Natatawang sabi niya... Bruha talaga... Sige may gagawin lang ako mamaya nalang tayo mag kita pagkatapos matin sa trabaho.
"Sige," Lumabas na ako sa counter. Pumonta na ako sa kusina na ulit...
Kakatapos lang namin magtrabaho ni Kathleen, kaya sinamahan na niya ako bumili ng pregnancy test tapos sa bahay na nila kami dumiritso para doon subokan ang binili namin. Nag pa alam na din ako sa kanya na mag babanyo para doon subokan kung buntis nga ako
Nung tignan ko ang Pregnancy Test l ang mata ko dahil ng two lines ito. Hindi naman ako ganun ka tanga.. Kaya alam ko na buntis ako..
Kathleen buntis nga ako? Hindi ko maipaliwang ang nararamdaman ko... Masaya na malungkot...
Patingin nga,... Nung nakita niya ang Pregnancy test lumaki din ang mata niya. shet! buntis ka nga nag possitive ang pregnancy test. Sigaw niya sakin
Wag ka nga maingay! Hiyaw na sabi ko.
""Inday, Sino ba ang naka buntis sayo? Tanong niya sakin
Hindi ko kilala,"" Sabi ko sa kanya
Ano? Tsk! Mag papabuntis ka tapos hindi mo kilala....
Kathleen hindi ako nag pabuntis ha? Hindi naman ako matatakot nang ganito kung nag pa buntis nalang ako nang ganito!!!
Sorry! Pero pano nga?
Kinuwento ko sa kanya kung paano ako nabuntis.
"Na mumukaan mo ba yung lalaki?
"Oo" na mumukaan ko ilang beses na kami nag kita nun! unang beses ay yung muntik na ako masagasaan niya. pagkatapos non ay yung nangyari samin dalawa...
"Poge ba? Anak Jusko Kathleen..
Oo. Simpling sagot ko..
"Omg talaga? magiging maganda ang lahi nang inaanak ko.. Bakit Panget ba ako? Kanina kapa Kathleen naku...naku...
Ano ba wag kang nga maingay," saway ko sa kanya.
Inday,"kaylan mo pala sasabihin sa tatay mo na buntis ka? Biglang tanong niya...
KMJS BA TO? BAKIT ANH DAMING TANONG?
Yun nga ang inaalala ko. baka patayin na talaga ako ni tatay pag nalaman niya na buntis ako tapos wala pang ama! Ang dami ko nanga iniisip eh!
Kung hanapin mo kaya ang naka buntis sayo, tapos sabihin mo na buntis ka... Suggest na sabi niya...
Baka hindi niya ako panagutan non.. alam mo naman nung huling usap namin na ayaw niya ako makita. baka may pamilya na din yun....
Kinuwento ko na din sa kanya lahat lahat... Baka mamaya mag tanong pa ulit ito...
Basta kung ano man, ang mangyayari nandto lang ako sayo. Sabay yakap niya sakin...
Okay group hug na tayo... Ay dalawa lang naman pala kami...
Salamat talaga Kathleen....basta yung pinag usapan nating dalawa satin muna yun. Pa alala ko sa kanya.. Ang daldal pa naman nito...
Kaylan mo pala sa sasabihin kay Lela na Buntis ka?' Baka matulongan ka non sa pag hahanap nung lalaking na ka Buntis sayo...
BOY ABUNDA NAMAN ITO!!!
"Baka bukas pag nag kita kami... Sasabihin ko na din sa kanya... Wala din naman ako magagawa dahil malalaman din naman niya ito.
"Eh pano naman sa tatay mo?
ANO KAYA ANG PANGARAP NITONG BABAENG ITO? CHISMOSA BA O REPORTIR?
Bahala na, hahanap lang ako nag tempo kung kaylan ko sasabihin kay tatay na Buntis ako.
Marami rami din ang pinag usapan namin ni Kathleen... Jusko kung hindi ko pa inawat baka bukas na ako maka uwe..
Kakauwe kulang galing sa trabaho. saktong nakita ko si Toto
"Toto,"" tawag ko sa kanya
"Ate bakit,? Kakauwe mo lang ba? Sabay kamot sa ulo niya...
"Oo kakadating kulang.... kumain na ba kayo? Tanong ko sa kanya..
Oo ate, may pag kain pa jan, kain ka nalang. Sabay turo niya sa lamesa..
"Sige," ano pala ang gingawa mo? Takang tanong ko sa kanya..
May gingawa lang akong project namin. Sabay nguso sa mga papel na naka kalat...
"Sige kakain na ako," Pa alam ko sa kanya..
Pag kadating ko sa lamesa namin ay nakita ko, Kung ano ang ulam. Hindi ko naman ito nagustohan,"
"Toto," puwede mo ba ako ibili ng manga.. Gusto ko nang manga... Naglalaway tuloy ako .
"Ano yun ate," Hindi niya yata narinig ang sinabi ko..
Sabi ko ibili mo ako ng mangga... Ulit na sabi ko.
"Ate gabi na, wala na ako ma bibili ng mangga, ano kaba... Inis na sabi niya sakin.
"Toto dalina please,""gusto ko talaga ng mangga. Habang pinipigilan pumatak ang luha ko.
"Ano kaba ate," mangga lang iiyakan mo. Sabay kamot sa ulo niya...
Dalina please.... Habang pigil iyak..
Tsk.. sige nanga pasalamat ka mahal na Mahal kita ate....
Salamat.. Pahabol na sabi ko..
Habang nag hihintay ako kay toto, dumating naman si Ella.
"Ella saan ka galing,? Tanong ko sa kanya.
"Pake mo kung saan ako pumonta,, Mataray na sabi niya..
"Ella, napaka bastos mo talaga, wala kang galang, ate mo parin ako. Galit na sabi ko..
Wala ako pake kung ate kita... Lalayas na siya sana nang hawakan ko ang braso niya tapos Hindi ko naman sinasadaya na sampalin ko siya..
"Ella sorry,' hindi ko sinasadya na sampalin ka na bigla lang ako... Sabi ko sa kanya.
Alam kung bakit ako galit sayo. Sigaw na Sabi niya sakin... Nang dahil sayo namatay si nanay at si kuya. Nang dahil sayo kung bakit nag kakaganito si tatay, Nang dahil sayo kaya na sira ang pamilya ko,,,, Umiiyak na sabi niya sakin... Edi kung hindi ka sumaway sa utos ni tatay, edi sana hindi buhay pa si nanay at si kuya.,,,Hanggang ngayon hindi ko parin tanggap na wala na sila sobrang hirap sakin. Kaya ako nag kakaganito nag dahil sayo.,, Sabay turo niya sakin.. Sana ikaw nalang ang namatay. Huling sabi niya bago umalis sa harapan ko
Iyak lang ako nag iyak, sobrang sakit na makita mo ang kapatid mo na nagugulila sa nanay at kuya mo namatay nang dahil sakin.
Sakto pumasok sa toto. Pinahid ko na ang luha ko baka kung ano naman ang isipin niya.
"Ate bakit ka na iyak,? Sabay yakap sakin. ni toto.
"Wala,"
"Anong Wala,?
"Ano kaba ayos lang ako,"!! may napanood lang ako, eh nakaka iyak ayun na iyak din ako. Dahilan ko sa kanya.
"Ano kaba ate lahat na lang iniiyakan mo?
"Hayaan muna lang si ate," Sabay hampas ko sa braso niyang malaman na din.
"Ewan ko sayo,"" oh ito mangga mo. Sabay abot sakin nang mangga ko.
"Yun naman ,"" sabay yakap ko kay toto.
"Ate para kang nag lilihi? Takang sabi niya sakin.
"Ha? Hindi naman!!
"Sabi ko para kang naglilihi,!! ang takaw mo kaya,,,,
Alam mo naman na sadyang matakaw si ate mo. Palusot na sabi ko.
Basta para kang naglilihi sa kilos mo!!
Ewan ko sayo toto, ang dami mong napapakialaman.
Ewan ko din sayo ate.... Basta wag kulang malalaman na Buntis ka..... Babala sakin ni toto