pipiliin mong kors?” si Chona.
“Sa Centro Escolar University. Pero hindi nursing ang kukunin ko kundi Medical Technologist.” Ang tinutukoy nito ay ang eskwelahan sa bandang Recto na kung tawagin ay university belt dahil halos unibersidad ang nakapalibot sa lugar na iyon.
“Oh, kala ko ba gusto mo nursing?”
“Nalaman ko sa balita na dumarami ang unemployed registered nurse ngayon.”
“Ganoon ba. Well, kaya naman ng magulang mo kahit na ano pang kunin mo’ng kors,” sambit nito na may himig pagkaiingit. Kasi kabaligtaran nya ang buhay ni Lea. Mayaman ang pamilya nito. Swerte nga lang nya at naging kaibigan ito dahil sa tuwing kinakapos sya ng baon si Lea ang nag aabot sa kanya ng pera. Minsan utang pero madalas hindi na nagpapabayad ang kanyang kaibigan.
“Ikaw nama-“ hindi nito natapos ang sasabihin dahil biglang may umagaw ng eksena nila.
Piniringgan ng bagong dating ang mga mata ni Chona. At sa ipit na boses nagsalita ito, “Sino ako?”
“Si Bhong,” tipid na sagot ni Chona.
“Hay nako, magpapaalam na ako sa inyo. Bye,” singit naman ni Lea at tuluyan nang umalis.
Pumihit naman paharap si Chona. “Bakit ngayon ka lang?” tinitigan nito ang relo bago magpatuloy.
“Trenta minutes ka na po’ng late,” sabay halukipkip sa dalwang braso.
“Sorry na mahal ko. Inutusan pa kasi ako ni mama,” pagpapaliwanag naman ng kanyang nobyo.
Pagkatapos ang suyuan bumigay na rin sya. Nagtuloy na sila sa court upang suportahan ang red team na halos kaibigan ni Bhong lahat. Nag-cheer sila, sumigaw subalit tulad ng dati natalo ang mga ito ng blue team na mas malakas ang depensa.
Tik-tilaok! Tik-tilaok! Sunod-sunod na hiyaw ng mga manok.
Hudyat upang gumising na si Chona. Dati rati maaga syang gumising pero dahil napuyat sya kagabi dahil sa liga. Nakatihaya pa ito at wari nakikipag paligsahan sa hiyaw ng mga manok, animo’y barako kung makahilik. Hindi alintana ang tumutulong laway sa kanyang bibig at isang pruweba ang medyo basing unan sa bandang kaliwa. Isa pang hiyaw mila sa manok ng kapitbahay ang nagsilbing alarm clock ni Chona para tuluyan nang putulin ang masarap na tulog.
Asar ang ganda ng panaginip ko biglang naputol ng mga hinayupak na manok! Ika nito sa saorili. Idinilat nito ang kanyang mata. Sa wakas naramdaman din ng magandang dilag ang kanina pa’ng kumakayat na laway, kaya’t saglit na pinahid ito bago tuluyang bumangon.
Day-off nya ngayon pero may usapan sila ni Bhong, pupunta sila ng baker sa may UP sa Los Baños. Pagbaba nya ng hagdan nakita nya agad ang kanyang ate, nanay at tatay na seryoso sa pinaguusapan.
Ano toh, meeting de abanse?...conspiracy. Tila sarili na naman ang kausap. Nang mapansin ang kanyang presensya taimtim na tumitig ang tatlo sa kanya.
“Bakit po ganyan kayo makatingin?” pagputol sa katahimikan.
“Actually sister we’re talking about you,” ika ni Rexy sa pina arteng tono.
“What took you so long?” ayun sablay na sa ingles. Magsasalita pa sana ito ng biglang magsalita si Chona.
“Ano ba’yun?”