Dala ng pagod at puyat nagising siya bandang hapon. Tumunog ang kanyang cell phone, ang kanyang inay ang nasa kabilang linya. “Inay bakit po?” kinabahan siya. Humahagulgol na si Aling Loyda. “Anak ang iyong ama n-nasa kritikal na kondisyon,” pumalahaw ito lalo ng iyak. Narinig niyang may bumagsak. “Inay? Inayyy…anong nangyari?” pumalahaw narin ng iyak si Chona, hindi alam kung ano ang gagawin. Naninikip na ang kanyang dibdib, sa apat na sulok ng kanyang kwarto naghahanap siya ng hangin. Wala siyang ma pag kublihan, pinilit niyang bumaba at kumuha ng tubig sa kusina. Wala pa naman siyang kasama ng mga oras na iyon, hindi niya malaman ang gagawin. Lumabas siya ng bahay, naghahanap ng masasakyan. Isang tricyle ang huminto. “Manong sa Maribelles Hospital ho.” “Hah? Eh malayo

