Episode 7

540 Words
“Tandaan mo, mahal kita Bhong. May bahagi ng puso ko ang hindi na magbabago kasi nakalaan lang iyon sayo,” buong sinseridad na sabi ng dalaga. Marahan nitong pinisil ang baba nya, “Salamat. Iingatan ko ang pagmamahal mo, Chona. Tulad mo, walang sinuman ang makakapalit sayo sa puso ko. Mahal na mahal kita.” “Bhong?” “Hmmm…” Marahan itong lumayo sa nobyo at umupo. "Remember, yung ka-chat ni ate?” “Sa dami ng ka-chat ng ate mo. Hindi ko kilala ang tinutukoy mo.” “Si Wilkins,” tumingin ito sa bukid. “Parating kasi dito. Gusto’ng makilala ang pamilya ni ate.” “Uh- huh. Talaga?” hindi alintana ang pressure na nararamdaman ng kausap. “Eh di mabuti. Pag nagkataon at nagustuhan ang ate mo, magbabago buhay nya. At kung hindi sya madamot pati buhay nyo magbabago.” tila masaya sa magandang balita. Hindi sya ang magbabago, ako. “Kaso si ate a-ayaw nya kay Wilkins.” Nagsisimula nang tumambol ang puso nya. Dagli napawi ang ngiti ng nobyo. “Maari sana syang magpakasal dtto pero ayaw ni ate.” Katahimikan. “Sila nanay kinausap ako, balak nila na ako ang ipakilala.” Nagpanting ang tenga ni Bhong. “Kinakabahan ako, pero ayoko isipin totoo ang narinig ko.” “Bhong…totoo ang narinig mo.” Tumikhim muna sandali. “Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo pero pumayag ako.” Nagyuko ito ng ulo. Nakuyom ni Bhong ang kanyang palad. “Chona, Bakit?” Walang tugon. Alam nya na any moment papatak ang kanyang luha. “Akala ko ba mahal mo ‘ko?” titig na titig ito sa kanya. “Bakit hindi ba kita kaya iahon sa hirap?” anya na may kalikip na hinanakit. “Hindi ba sabi ko sayo, hintayin mo lang ako makapag tapos at kukunin kita sa inyo?” Napakagat labi ito at hindi na napigilan ang luha kanina pa nagbabadya. “Chona, wala ka bang tiwala sa mga sinasabi ko?” Nagipon sya ng lakas ng loob upang makapagsalita. Alam nyang masasaktan ang nobyo sa sasabihin pero kailangn nya ito sabihin para matapos na ang lahat. “Patawarin mo ako Bhong. Pero kailangan ako ng pamilya ko.” Katahimikan. Matagal na katahimikan. Walang sinuman ang gusto magsalita. Pumihit paharap si Bhong, “Kung hindi ka papipigil, sige malaya ka na, gawin mo na ang gusto mong gawin. Pero eto ang tandaan mo hindi ka magiging masaya,” yun lang at umalis na ang binata. Napaawang ang labi ni Chona. Naiwan na tigalgal sa kubo. Hindi nya mawari na ganun lang kadali para kay Bhong ang sumuko. Kahit alam nya na ang patutunguhan ng usapan hindi pa pala sya handa sa sakit na nararamdaman nya ngayon. Kay tagal nyang hinintay na maging sila ni Bhong. Childhood crush nya ito. Barkada ng kanyang ate ang binata, magkaklase ang mga ito, kaya madalas magpunta ang lalake sa kanilang bahay. Pag nalalaman nyang pupunta ang lalake, tumitingin sya sa salamin at nagpapaganda. Maputi at bilugan ang kanyang katawan kaya naman ang tawag sa kanya ng binata ay “cute”. Dahil talaga namang cute sya kahit na maliit lamang ito. Hindi tulad ng kanyang ate, matangkad pero kayumanggi. Noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD