Bumuntong-hininga ito. Kapwa nag iisip ito ng magandang paraan. Tumayo si Lea, nag iisip parin. Hindi sinasadyang napatingin siya sa nakabukas na computer, tumunog kasi iyon. Ibig sabihin may message siya sa yahoo mail. Tinignan niya kung sino ang nag me-message nagbabakasali na si Chona iyon, pero hindi ang asawa niya ang nag-message. Sa f*******:, tinignan niya kung online ang kaibigan pero nitong mga nakaraang araw hindi parin nagbubukas ng f*******: ang kaibigan. Pag nagbubukas ito, hindi naman niya naaabutan. Nalalaman na lamang niya na online ito kapag nakikita niya ang mga post nito sa wall. “Hmmm…alam ko na.” Bigla’y nakadama ng tuwa sa puso si Bhong. “Ano ‘yon?” Sinabi ni Lea ang plano. “Hindi ba parang nakakahiya naman iyon?” Namilog ang mata nito. “Ikinahihiy

