UMALIWALAS ang mukha ni Roble nang makita si Helena. Lumaki ang ngiti nito, dahilan kung bakit napatingin din si Vince sa kanya. Umiling si Vince at sinapak si Roble. Unti-unting lumingon si Harley. Nagkatinginan sila ni Helena, at agad na nag-ayos si Harley ng kanyang posisyon sa sofa. "Uhm... Same orders?" tanong ni Helena habang papalapit sa kanilang sofa. Tumayo si Helena sa gitna ng sofa ni Vince at Harley, kinukuha ang mga wine na alam niyang gusto nila. "Yes, please, Helena," sagot ni Vince habang hindi nilubayan ng titig si Harley. Inabot ni Helena ang wine kay Vince, na agad namang nagbigay sa kanya ng perang kasing laki ng madalas na ibinibigay ni Harley. "You should rest for tonight, Helena. Sorry sa nangyari kanina sa opisina ni Harley," ani Vince habang inilalagay ang i

