HINDI alam ni Helena kung bakit hindi niya matanggal sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Harley. Umuwi sila ni Bea sa building para magbihis at magtrabaho na. Wala silang imikan ni Harley nang nagising si Bea, na ngising-aso lang sa mga oras na iyon. Siniko siya ni Bea nang makarating na sila sa Lounge. "Anyare sa inyo?" Halakhak ni Bea. "Ano?" Nagbubulag-bulagan niyang tanong. "Ni Sir Harley! Alam kong may something. Nararamdaman ko ang tensyon." Tumawa ulit si Bea. Inilingan na lang siya ni Helena at mabilis na naligo at nagbihis sa common CR. Nagmadali siya dahil sa tawag sa kanya ni Mrs. Chiu. Mabilis siyang nakarating sa opisina nito, at ang paksa ng pag-uusap nila ay nagpapaalala sa kanya ng dapat niyang gawin mamayang lunch break. "Helena, approved na ang resignation mo," malu

