Chapter 36

1932 Words

Tahimik silang sumama kay Harley. Tahimik ding nagmaneho siya patungo sa building. Naririnig ni Helena ang mga buntong hininga nito, paminsan-minsan ay akala niyang magsasalita siya, pero hindi naman. Nang huminto ang sasakyan, mabilis na tinanggal ni Helena ang seatbelt. Muling narinig ang malalim na paghinga ni Harley. "Helena, kailangan ba ninyo ng kama sa Lounge?" tanong ni Harley. Nagulat si Helena sa tanong. Narinig niya ang singhap ni Bea sa likod. Paalis na sana si Bea ngunit natigilan sa tanong ni Harley. "Ay oo! Ang sakit na ng likod namin sa kakatulog sa sofa—" Matalim na tinignan ni Helena si Bea na natatawa, at tumahimik si Bea. "Hindi na kailangan. Tsaka, aalis din kami ni Bea don next week. Mag-aaral na ako, remember?" Napaawang ang bibig ni Harley at tumango. "Right!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD