Donna NAKAKABINGI ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang magkalapat ang labi namin ni Boss Reed. Hindi ako makagalaw at natataranta pati ang isip ko. Hinahalikan ako ni Boss Reed! Omg! Natupad na ang wish ko na sya ang magiging first kiss ko! Kalma Donna. Kalma. Heto na ang pagkakataon mo huwag mong sayangin. Huminga ako ng malalim at lakas loob na kumapit ako sa balikat nya. Pinikit ko ang mata at bahagya ko ring ginalaw ang labi. Ginagaya ko ang bawat galaw ng labi nya hanggang sa unti unti na akong nakakasunod. Umikot ang isang braso nya sa bewang ko at kinabig ako padikit sa katawan nya. Ang isang kamay nya naman ay hinawakan ang batok ko. Naging malikot din ang galaw ng labi nya at dumidiin na rin ang bawat nyang halik. Ganito pala ang halik. Walang lasa, maliban sa alak na

