Chapter 27

3432 Words
Samantha Naglalakad ako papunta sa sakayan pauwi sa Unit ni Wayne ng makarinig akong malakas na sigaw ng babae. Galing akong Book Store. Bumili ako ng mga gagamitin ko sa gagawing kong portfolio. Dapat kanina pa ako nakauwi kaso ang bwesit na si Luigi inabangan na naman ako. Nahirapan ako makatakas sa kanya dahil wala sina Cait. Nanood ng basketball practice ng dyowa nila. Hindi ako sumama dahil akala ko nandun si Luigi, 'yon pala sumalisi ang luko. Nagtaka pa ako bakit hindi nagpractice at ginugulo ako. Sinagot pa ako na expert s'ya do'n kaya hindi n'ya na kailangan pa mag practice. Diba... akalain mo 'yon? Napakayabang! Tuloy ginabi na ako ng uwi. Habang tumatagal lalong lumalakas ang takot na takot na sigaw ng boses ng babaeng naririnig ko. "No.. para n'yo ng awa! Sainyo na 'tong pera ko, wag n'yo lang akong sasaktan! Tulong..!" sigaw no'ng babae. "Tulong.. tulong.." Malakas na tawanan ng lalaki ang narinig ko habang maarteng ginagaya pa ang pagsigaw no'ng babae. "T'ngna... naka jackpot tayo pre. May pera na, ang ganda at sexy pa ni Miss." "At ang bango-bango pa..!" sigunda pa no'ng isa. Kaagad akong napahinto sa paglalakad ng matanawan ko ang mga ito. Napakunot-noo pa ako sa aking nakita. Dalawang lalaking magkabilaang hawak sa braso ang isang babaeng halos makitaan na sa subrang iksi ng damit. Napailing ako ng maalala ko ang suot kong damit noon sa Club no'ng tumakas ako. Ngunit biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita kong pinagtulungan na no'ng dalawang lalaki hilahin ang babae. Abat... ang mga walanghiya! Saan nila dadalhin 'yon? Malakas na tadyak ang tumama bigla sa aking dibdib. Napatiim bagang ako at halos manginig pa ang buong katawan ko sa subrang galit na biglang lumukob sa akin. Nakakuyom ang mga kamao na malalaking hakbang na linapitan ko sila. "Hoy..! Bitawan n'yo siya!" nanlilisik ang mga matang sigaw ko sa dalawang lalaki. Kaagad naman natigil sa pagtawa ang dalawang lalaki at kaagad akong nilingon. Nanggigil ako lalo ng makita kong pawang mga may edad na ang dalawa. Mga hayop talaga! Kung kailan tumanda saka naman... Kaagad akong napapikit ng mariin. Bwesit talaga. Naglipana ang manyak. "Oy... may dumating na tagapagligtas si ganda." ani ng matabang lalaking panot at malaki pa ang tiyan. May piercing pa sa malaking ilong. Ano kalabaw lang? Sunog pa sa araw ang balat. "T'ngna... maganda pre. Kunin mo, isama na natin. Tag-isa tayo." ani no'ng isa na kalbo't nakahubad baro. May Hello Kitty pang tattoo sa bundat nitong tiyan. Uminit lalo ang dugo ko sa sinabi nila at lakas ng halakhak. Naririndi ako. Animo'y mga naglalaway na asong tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa. Nakakalukong ngisi ang nakita ko sa mukha ng lalaking naglalakad palapit sa akin mula sa liwanag ng ilaw ng poste sa kalsada. "Gusto mo din bang sumama sa amin, Miss? Tara at akong bahala sayo. Paiinitin ko ang gabi mo." ani nito pagkalapit sa akin sabay hawak sa kaliwang braso ko at humalakhak ng malakas. Damn... kaagad nagdilim ang paningin ko sa sinabi nito at sa magaspang na kamay nitong humawak sa braso ko. Naamoy ko pa ang masangsang na hininga nito. Pati ngipin namumula. Parang bampira. Mabilis na umigkas ang kamao ko sa mata nito. Kaagad ako nitong nabitawan at napaigik na nasapo ang kanyang mata na tinamaan ng kamao ko. Hindi ako nakuntento, dalawang magkasunod na straight ang pinadapo ko pa sa mukha nito. Kaagad bumagsak ang lalaki habang sapo-sapo ang mukha. Dumudugo ang ilong at putok ang mga labi. Napangisi ako. Painitin pala ang gabi ko ah. 'Yan, uminit tuloy mukha mo. Kaagad akong napaatras ng makita kong galit na nagmumura ang isa pang kasama nitong lalaki at patakbong lumapit sa akin. Kinabahan ako ng makita kong may hawak itong patalim. Damn it! Nagpalinga-linga ako at humanap ng bwelo. Bwesit talaga. Dito pa ata ako mamamatay. Wala akong makitang pwedeng gawing armas. Nalintikan na! "Hayop kang babae ka! Pakialamera ka..!" sigaw nito sa akin pagkalapit n'ya at kaagad akong inundyanan ng saksak. Kaagad akong umilag pero dumaplis ang kutsilyo sa tagiliran ko. Aw! Daing ko at mabilis na hinuli ang kamay nitong may hawak na kutsilyo at pinilipit ito. Nabitawan nito agad ang kutsilyo. Napangiti ako ng makita ko ang nakangiwi nitong mukha. Pinilipit ko ang kanyang braso patalikod at kaagad na sinipa ang gitnang parte ng kanyang mga hita. Napaaringking ito sa sakit. Tinadyakan ko ito sa kanyang likod. Padapa itong malakas na bumagsak. Kaagad kong pinulot ang kutsilyo gamit ang panyo ko at malakas na tinusok sa gitnang parte ng kamay nitong ginamit panaksak sa akin. Nagpagpag ako ng aking mga kamay bago pinulot muli ang plastik na binitawan ko kanina. Kaagad akong napahawak sa tagiliran ko ng maramdaman ko ang biglang pagkirot nito. Daplis lang. Daplis. Daplis. Don't panic. Paulit-ulit kong sabi sa aking isip. I heaved out a deep sighs and look at them once more. Parang nakatulog na 'yong isa habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa mukha nito. 'Yong isa umiiyak na sa sakit ng kamay na tinusok ko ng kutsilyo. Ayaw ko sanang gawin kaso baka... Sh*t. Napahilot ako sa aking sentido. Hindi ko alam kong tama ang ginawa ko. Self-defense is not bad at all, right? Ayaw kong isipin ang masamang maaaring mangyari sa akin dahil sa pagtulong ko sa babaeng 'yon. Teka... Kaagad akong nahimasmasan at malalaking hakbang na nilapitan ko ang babaeng nakanganga pang nakatingin sa akin at namumutla. Hinawakan ko kaagad s'ya sa kanyang braso pagkalapit ko sa kanya. Natigilan pa ako ng maramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan. Nanlalamig s'ya! "Miss, okey ka lang ba?" Tinitigan n'ya ako at kaagad na bumaba ang mga mata sa kamay kong nakahawak sa braso n'ya. Biglang nanlaki ang mga mata n'ya at nanginig pa ang mga labi. "Y-Your b-bleeding." sabi n'ya. Nakakunot-noo'ng tinitigan ko s'ya. Anong... bleeding ang sinasabi n'ya? Nag-angat s'ya ng tingin sa akin pero lumampas sa likod ko ang paningin n'ya. Nanlaki lalo ang mga mata n'ya at napanganga pa. Animo'y nakakita ng multo sa likuran ko. Mabilis na hinablot n'ya ang braso ko at kaagad binuksan ang pinto ng kotse. Halos itulak n'ya ako papasok sa loob ng kotse sa may driver seat. "Move... faster..!" halos hysterical na sigaw n'ya sa akin. Kaagad akong umusod sa kabilang upuan. Mabilis s'yang pumasok at naupo sa driver seat at sinarado ang pintuan. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang sinususian ang ignition. Nang mag-start na ang sasakyan ay kaagad n'yang pinasibad palayo sa lugar na iyon. Malayo-layo na kami ng marinig kong malalim s'yang napabuntong-hininga. Sinulyapan n'ya ako. "I-I'm sorry kung nasigawan kita kanina. Nakita ko kasing tumatayo na 'yong dalawa kaya nataranta ako. And... thank you for saving my life." ani n'ya sa akin. Nagulat pa ako ng e-park n'ya ang kanyang kotse sa tabi ng Hospital. Teka... hospital? Nagpalinga-linga ako habang nakatanaw sa labas ng bintana. Kaagad akong napalingon sa kanya ng malalim ulit itong napabuntong-hininga at muling nagsalita. "M-May sugat ka kaya dinala kita dito." nag-aalalang wika n'ya sa akin at kaagad na bumaba ng sasakyan. Umikot papunta sa gawi ko at kaagad binuksan ang pinto. Nakatanga lang akong nakatitig sa kanya. "Bilisan mo na, ipapagamot kita. Ang daming dugo na 'yang damit mo." nanginginig pa ang kamay na turo n'ya sa tagiliran ko. Kaagad akong napayuko at tiningnan ang tinuturo n'ya. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita kong puno na ng dugo ang suot kong uniform. Darn... bakit 'di ko napansin? Pakiramdam ko kasi daplis lang pero bakit ang daming dugo? Bigla akong nanginig ng makita kong puno din ng dugo ang kamay kong ginamit panghaplos sa tagiliran ko na tinamaan sa akin kanina ng maramdaman ko ang kirot. Mabilis n'ya akong hinatak sa braso ko at kinaladkad palabas. Bigla akong nakaramdam ng hilo habang hinahabol ko ang mabilis na lakad n'ya. Derideritso kami sa loob. Pinasok n'ya ako sa isang private room. Kaagad naman akong inasikaso ng kaibigan n'yang Doctor. Napapangiwi pa ako sa hapdi. "Buti na lang walang ugat na tinamaan. Daplis lang naman. Hugasan mo lagi ng Hydrogen Peroxide at lagyan ng betadine. Inumin mo rin 'tong gamot na reseta ko para humilom kaagad 'yan, ha?" sabi ng Doctor sabay abot sa akin ng reseta. "Akin na. Ako ang bibili n'yan." sabi no'ng babae at kaagad kinuha sa kamay ng Doctor ang resetang inaabot sa akin. Napakunot-noo pa akong napatitig sa dalawa. Mag dyowa ba sila or what? Ang lagkit naman ng titigan nilang dalawa. Napangisi ako sa aking naisip. Bigla kong naalala ang asawa ko. Sukat doon kaagad hinampas ng malakas ang dibdib ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Kaagad akong bumangon sa kama. Lagot na.. tiyak nag-aalala na 'yon sa akin at hindi pa ako umuuwi. Napangiwi pa ako ng maramdaman ko muli ang sakit. Bwesit.. kanina 'di ko maramdaman ang sakit tapos ngayon kung kailan nalinisan saka naman sumakit lalo. Sabi daplis lang pero... mapapamura ka sa sakit. Ganun ba ang daplis lang? "Teka.. sandali... 'wag ka munang tumayo d'yan. Bukas ka na umuwi. Magpahinga ka na muna. Babantayan kita." nagmamadali pang pigil ng babae sa biglang pagtayo ko. Umiling ako. "Hindi pwede. Tiyak nag-aalala na 'yong kasama ko sa bahay. Gabi na't hindi pa ako umuuwi." "P-Pero... kaya mo na ba? Baka dumugo..." "Hindi 'yan. Pwede naman na s'yang lumabas kung gusto n'ya. Basta 'yong bilin ko gawin mo lahat, ah." nakangiting sabad naman ng Doctor. I smiled back. "Y-Yes, po Doc. Thank you po sa paggamot sa akin." sabi ko sa kanya. Kaagad din akong natigilan. Bakit parang nanghihina ako? Gaano ba karami ang dugong nabawas sa akin? "No problem. Basta si Stacey hindi ko 'yan mahindian." ani nito sabay kindat sa kasama kong babaeng kay lapad na ng ngiti. Napangiti na rin ako sa aking nakikita. Mukhang in love ang mga 'to. Napapailing na kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanila. Kaagad kaming lumabas ng Hospital at dumeritso ng Pharmacy para bilhin ang resetang gamot sa akin ng Doctor. Kahit sinabi kong ako na lang bibili ay hindi s'ya pumayag. Nagmamadali pa itong lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng hinintuan naming Pharmacy. Ilang minuto lang ang inantay ko at bumalik din s'ya. Ang bilis ah. Nakangiting inabot n'ya sa akin ang pinamili n'ya. Nag-aalangan na inabot ko naman. "Mind If I invite you for a cup of coffee?" anyaya n'ya sa akin. Umiling ako. "Gusto ko sana kaso, gabing-gabi na. May pasok pa ako bukas e." Malalim s'yang napabuntong-hininga. "Okey sige. By the way, I'm Stacey. And you are?" ani n'ya sabay lahad ng palad sa akin. Nagpalipat-lipat ang mata ko sa nakalahad n'yang kamay at sa kanyang mukha. I smiled. "Samantha." sabi ko sabay abot sa nakalahad n'yang kamay. Lumapad pa lalo ang ngiti n'ya sa akin. "I never expected that someone will rescued me. I mean... may nakakita na sa akin na hinaharass ako ng dalawang lalaking 'yon pero hindi man lang ako tinulungan. Thank you, ha. And... sorry dahil sa'kin nasaksak ka pa tuloy. Naku, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sayo." maluha-luhang sabi n'ya at humigpit pa lalo ang hawak n'ya sa kamay ko. "Wala 'yon." nakangiti kong sabi sa kanya. "Teka... saan ka ba umuuwi at ihahatid na lang kita." "Sa Mckenley Tower." sagot ko sa kanya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata n'ya ng sabihin ko ang pangalan ng Tower na 'yon. Siguro nagtataka s'ya ba't doon ako nakatira e mukha akong mahirap. Well my husband lived there. Napangiti ako sa aking naisip. Ilang minuto ang lumipas ng huminto s'ya sa harap ng Tower. Natanawan ko pa si Kuya guard na nakangiting nakatingin sa akin. "Dito ka pala nakatira." nagtataka pa rin na ani n'ya sa akin. "O-Oo." alanganing ngiti ko sa kanya. "Sige. Thank you for saving my life again." "Wala nga 'yon. Salamat sa paghatid at dito sa binili mong gamot at sa pagpapagamot na rin sa akin." "Naku, maliit na bagay. Kulang pa nga yan e. Bawi na lang ako next time sayo. Alam ko naman na kung saan ka nakatira, baka makita kita ulit, pwede mo naman siguro ako paunlakan sa paanyaya ko?" "Sure. No problem. Ingat ka sa pagmamaneho." paalam ko sa kanya at kaagad ko ng tinalikuran. Malalaking hakbang na nagtungo na ako papasok ng Tower. I smiled back kay Kuya Guard ng batiin n'ya ako. Walang humpay ang kalabog ng dibdib ko sa pagmamadali. Kinakabahan ako sa galit ni Wayne. Halos naka one hundred missed calls na s'ya sa akin at tadtad pa ang mensahe n'ya. Walang humpay ang pagpasok ng mensahe sa cellphone ko kanina pa. Baka kung ano na naman inisip ng maruming utak no'n. I hurriedly swipe the card to open the door of his Unit. Walang ingay akong marinig sa loob pagkapasok ko. Bakit ang... dilim? Wala ba s'ya? Mabilis ko itong ni-lock at binuksan ang ilaw. "Look who finally decide to come home." ani n'ya. Napaigtad pa ako sa gulat ng bigla s'ya magsalita. Dumoble ang kalabog ng aking dibdib pagkakita ko sa madilim n'yang mukha. He was sitting there in sofa by his lonesome with a bottle of whiskey for company. I didn't see any glass in front of him. Tinutungga n'ya ba ang bote ng alak? Ibinaling n'ya ang mga mata sa malaking wall clock sa kaliwang gilid n'ya. Napalunok ako ng makita kong pasado alas-diyes na ng gabi. Damn it! Bakit ang bilis ng oras? Pakiramdam ko biglang nanuyot ang lalamunan ko ng makita ko ang biglang paggalaw ng panga n'ya. His dagger stares brought so much chills in my whole body. Hindi ako natatakot sa kanya dahil wala naman akong ginagawang masama kaya ginabi na ako ng uwi. Natatakot ako sa itsura n'ya na animo'y gusto n'yang pilipitin ang leeg ko sa subrang galit. His bloodshot eyes made my little hair at my nape pricked. Ngayon ko lang nakita ang itsura n'yang subrang galit habang walang kakurap-kurap na nakatitig sa akin. He was staring at me as if I had just committed a gravest sin. I heaved out a deep sighs. "Galing ako ng Book Store..." Nanlaki ang mga mata ko ng ibalibag n'ya ang bote ng alak. Kaagad itong nabasag at kumalat ang likido sa sahig. "You think I would bite your damn excuses?!" "Galing naman talaga..." Nanginig ako ng walang kahirap-hirap na binuhat n'ya ang center table na yari sa salamin at malakas na binalya. Nagkapira-piraso ito at nagtalsikan sa kung saan ang bubog nito. Naramdaman ko pang may maliit na dumaplis sa aking binti. Napayuko ako at kaagad tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata sa subrang takot at sakit na biglang gumihit sa aking puso. Nasasaktan ako dahil gumawa kaagad s'ya ng conclusion sa utak n'ya ng hindi muna pinapakinggan ang paliwanag ko. Hanggang ngayon pala wala s'yang tiwala sa akin. Mapait akong napangisi sa aking naisip. Nalasahan ko pa ang alat ng aking luha na dumaloy sa mga labi ko. Malakas akong napasinghap ng bigla n'yang haklitin ang braso ko. Hindi ko namalayan ang paglapit n'ya sa akin. Kaagad kong nabitawan ang plastik na may laman ng mga gagamitin ko sa school. Hinawakan ko ang kamay n'yang mahigpit na nakahawak sa braso ko. Animo'y bakal na iniipit ako sa subrang sakit. "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi, ha?" nangangalit ang mga pangang tanong n'ya sa akin. "Wayne... nasasaktan ako..." "Masasaktan ka talaga sa akin kapag 'di ka nagsabi ng totoo..!" "Galing nga ako sa Book Store..!" Malakas n'ya akong binalya sa pinto. Aw! Napaigik ako sa sakit ng tumama ang tagiliran ko doon. Kaagad kong niyuko ito at tinaas ang laylayan ng panloob kong suot na uniform na puno ng natuyong dugo. Parang babasaging kristal na hinawakan ko ito. Nanginig pa ang mga labi ko sa sakit. T'ngna.. subrang sakit! Akala mo naman pagkalaki-laking sugat. Bwesit! Napuno ng dugo ang buong puting bandage na nilagay sa'kin ng Doctor doon kanina. "S-Sam..." Kaagad akong napatingin sa kanya ng marining ko ang mahina n'yang pagtawag sa akin. Nanlalaki ang mga mata n'ya't bahagya pang nakabukas ang kanyang mga labi na nakatingin sa akin. Literal sa sugat ko na ngayon subrang sakit na at nagdurugo. Hindi makapaniwala ang kanyang mukha na nagpalipat-lipat ang tingin sa mukha ko at sa aking sugat. Makailang ulit ko pa s'yang nakitang napalunok. "W-What happen to you Sam? F*ck..! Bakit may sugat ka?!" hysterical na tanong n'ya sa akin at nagmamadaling lumuhod sa harapan ko. Makailang ulit pa s'yang malutong na napamura habang hindi mapakali ang mga kamay kung hahawakan ba ang tagiliran ko o hindi. Mabilis ang mga kamay na kaagad n'ya akong binuhat at maingat na nilapag sa sofa. Nagmamadaling nagtungo sa kusina. Dinig na dinig ko pa rin ang pagmumura n'ya habang nagkukumahog na lumapit sa akin pabalik bitbit ang First Aid Kit at maliit na palangganang may tubig. Nakasunod lang sa kanya ang aking nagtatanong na mga mata. Lumuhod s'ya sa harapan ko. Nanginginig pa ang mga kamay na kaagad n'yang hinubad ang blazer ko na kulay gray. Sunod-sunod s'yang muling napamura ng makita ang puti kong panloob na puno ng dugo. Nagulat pa s'ya ng kaagad kong hinawakan ang baba n'ya at kaagad itinaas. Nakakunot-noong tinitigan kong maigi ang kanyang mukha. "B-Bakit putok ang mga labi mo at may black eye ka pa? Napaaway ka ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Kaagad n'yang tinanggal ang kamay ko sa baba n'ya at nag-iwas ng tingin. Ngunit mabilis kong sinapo ang mukha n'ya ng dalawa kong mga kamay at hinarap muli sa akin. Pilit kong hinuhuli ang mga mata n'ya pero todo naman s'ya iwas. Kainis talaga ang lalaking 'to. Kanino naman kaya nakipagsuntukan? "Wayne..." tawag ko sa kanya pero ayaw talaga tumingin sa akin at pilit tinatanggal ang mga kamay ko sa mukha n'ya. Nabwesit ako at nilakasan ko na ang pagbaling ko muli ng mukha n'ya paharap sa akin para tumingin sa mga mata ko. "Aw... f*ck!" he hissed at mariin na napapikit. Yari... "Sorry... masakit ba?" marahan kong hinaplos ang mukha n'ya. "Saan mo ba kasi nakuha ang mga 'to? Nakipagsuntukan ka ba?" nakakunot noong nakipagsukatan ako sa kanya ng titig. He heaved out a deep sighs. "You're bleeding. Gamutin..." "Dodoblihin ko 'yang black eye mo kapag 'di ka umamin sa'kin." Nabwesit ako lalo ng pagtawanan n'ya pa ako. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "You're bleeding..." "Dudugo yang mukha mo talaga sa'kin. Sino bang kaaway mo? Kung kailan ka tumanda saka ka naman nakipag basag-ulo." He laughed. "Wala 'to. Malayo sa bituka. Now let me see your wounds. Mas malapit 'yang sugat mo sa bituka." ani n'ya at kaagad tinanggal ang mga kamay ko. Maingat n'yang hinatak pataas ang puting panloob ko at pinahawakan sa akin. Malalim akong napabuntong-hininga at sumunod na lang sa kanya. Dahan-dahan n'yang binuhusan ng Hydrogen peroxide at maingat na tinanggal ang gauze pads na nakatapal sa sugat ko. Biglang nanoot sa sugat ko ang lamig ng chemical na binuhos n'ya. Bahagya n'ya pang nilapit ang kanyang mukha sa sugat ko at mariin na tinitigan. "Saksak ba 'to? Damn it... anong nangyari Sam?" Galit at pag-aalala sa kanyang mukha ang nakita ko ng tumingala s'ya sa akin. "Sam...?" untag n'ya ulit sa akin ng ilang minuto akong napatitig lang sa kanya. Malalim akong muling napabuntong-hininga. "Galing akong Book Store kanina. Naglalakad ako papuntang sakayan pauwi dito ng may makita akong babaeng pinagtutulungan ng dalawang lalaking nakainom ata. Wild guess, maybe they're planning to rape her so I intervene and helped her. Hindi ko inaasahan na may patalim 'yong isang lalaki. Sa subrang gulat ko 'di ako kaagad nakaiwas ng undyanan n'ya ako ng saksak. Buti na lang daplis lang." "SonOfABitch..! Bakit kasi nakialam ka pa? At hindi mo man lang sinasagot ang tawag ko para nasundo sana kita. Samantha naman." "Nakasilent mode 'yong phone ko kaya 'di ko narinig na tumatawag ka. Tsaka malapit lang naman kaya 'di na kita tinawagan pa. Nagmessage naman ako sayong gagabihin ako ng uwi." "Kahit na, Sam. Tingnan mo tuloy ang nangyari. Pa'no kung napuruhan ka.. damn it." "Isang mura mo pa at madodoble talaga 'yang sugat mo sa nguso." "Nasaan na 'yong babaeng tinulungan mo?" "Umuwi na matapos n'ya akong ihatid dito. Si Stacey na din ang bumili ng mga gamot na reseta sa akin." "S-Stacey?" nanlalaki ang mga matang tanong n'ya sa akin. "Oo, Stacey sabi n'ya ang pangalan n'ya. Bakit?" nagtatakang tinitigan ko s'ya. Sunod-sunod s'yang napalunok sa sinabi ko. Nakakunot-noo'ng pinanliitan ko naman s'ya ng aking mga mata. Magkakilala ba sila? Napapailing na kaagad naman s'yang umiwas ng tingin sa akin at sinimulan ng linisan ang sugat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD