Samantha
"Aww... aray ko..." daing ko ng maramdaman ko ang hapdi at kirot ng gitnang parte ng katawan ko.
Subra-subra ang sakit na para bang kay lalim ng sugat. Dahan-dahan akong umusod paatras sa ulunan ko para sumandig sa headboard habang napapangiwi sa hapdi. Nanginginig pa ang mga braso ko. Dahan-dahan kong pinagdikit ang mga binti kong nanghihina.
Subrang sakit ng buong katawan ko at p********e ko. Pati mga hita ko parang hindi ko maigalaw. Pinupulikat. Para akong binugbog na iwan. Nanlalata ako.
Bwesit na lalaking 'yon 'di ako tinigilan. Nag-marathon ba naman kagabi. Nasisilip ko na ang sinag ng araw mula sa siwang ng blackout curtain sa loob ng kwarto namin saka huminto sa pag-angkin sa akin at hinayaan akong makatulog. Animo'y walang kapaguran at hindi nagsasawa. Habang tumatagal lalong tumitindi ang uri ng pag-angkin n'ya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung anong klase. Basta iba-iba at lalong nakakahalina, nakakaadik, nakakawala ng katinuan.
Kahit sumusuko na ang katawan ko, sige pa rin s'ya at ayaw ng tumigil pa. Na para bang gusto ng manatili doon sa loob ko at 'wag ng umalis pa. Para s'yang Dam na pumutok at hindi na mapigilan pa nino man para mapahinto ang pagragasa ng tubig.
Nakakahiya man pero gusto ko din at walang alinlangan akong nagpaubaya, hinayaan ko ang sarili at pinalaya. Daig pa namin ang bagong kasal at sinulit ang buong magdamag. Kaya ngayon ito ang napala ko. Parang lantang gulay na binilad maghapon sa initan. Pakiramdam ko nasa loob ko pa rin ang kanya. Na para bang gumawa s'ya ng napakalaking marka sa katawan ko na hindi ko malilimutan kailan man, habambuhay.
Tapos ngayon ang aga-aga n'yang nagising samantalang akong halos hindi makagalaw sa sakit ng ginawa n'ya. Daig ko pa ang nilumpo. Makakalakad kaya ako sa lagay na 'to? Pa'no pa ako makakapunta ng banyo para maligo at nanlalagkit na ako?
"Aww... Bwesit-- anong tinatawa-tawa mo d'yan?!" nakangiwing asik ko sa kanya ng marinig ko ang mahinang pagtawa n'ya at malingunan na nakasandig sa hamba ng pintuan ng kwarto namin.
Nakakrus ang dalawang braso sa kanyang hubad na mabalahibong dibdib habang nakangising nakatitig sa akin. Tanging boxer short lang ang suot n'ya.
Sinamaan ko s'ya lalo ng tingin. Pero hindi s'ya natinag. Nakangisi pa rin na tinalikuran ako at pagbalik may bitbit na s'yang pagkain na nakalagay sa bed tray. Kumalam kaagad ang sikmura ko ng maamoy ko ang mabangong pagkain na dala n'ya. Kaagad n'ya itong pinatong sa harapan ko.
"Your Brunch in bed, baby. Breakfast and Lunch. Ang tagal mo kasing magising e. Alas-tres na nakanganga ka pa ring natutulog. Ayaw naman kitang gisingin dahil alam kong pagod na pagod ka. Kaya pinagmasdan na lang kita habang natutulog kahit kating-kati pa akong papakin ka." nakangisi pa n'yang sabi sa akin.
Pinanliitan ko s'ya ng aking mga mata. "Tigilan mo ako d'yan at baka masapak kita."
Iiling-iling na napakamot s'ya sa kanyang batok habang nakangisi pa rin akong tinitingnan. "Ang init naman kaagad ng ulo mo sa akin. Samantalang kagabi halos ayaw mo na akong pakawalan. Hindi kaya... may laman na 'yan babe." asar n'ya pa sa akin habang nginunguso ang tiyan ko. Tumataas baba pa ang kanyang mga kilay.
Siguro kung sa ibang pagkakataon matutuwa ako sa itsura n'ya. Pero sa nararamdaman ko ngayon, gusto ko siyang pagbabatuhin ng lumayas lang sa harapan ko.
I rolled my eyes. Kaagad kong binalingan ang pagkain na nasa harapan ko. May nakita akong sausage, sunny side up egg, kanin, vegetable salad, mushroom soup, at isda.
"Ano ba 'tong isda?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.
"Blue marlin steak." nakangiting sabi n'ya sa akin.
I nodded. "May ganun palang isda." sabi ko at kaagad ng nilantakan ang mga ito.
Hanggang sa hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang aking ginawang pagsubo. Animo'y gutom na gutom at nagrarambulan pa ang mga alaga ko sa tiyan matapos sumayad ng kinain ko sa loob. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa n'ya sa tabi ko pero hinayaan ko lang. Hindi ko s'ya pinansin. Nagugutom ako. Bahala s'ya sa buhay n'ya.
Napapitlag pa ako ng biglang dumampi ang mga daliri n'ya sa gilid ng mga labi ko. May pinunasan na duming dumikit sa gilid nito. Kaagad ko s'yang nilingon habang ngumunguya at nilunok ang pagkain sa loob ng bibig ko.
"Ginutom ba kita masyado babe?"
"Kumain ka na ba?"
Sabay pa naming tanong sa isa't isa. He smirked. I smiled.
Nakasunod sa kanya ang aking tingin ng dahan-dahan s'yang umupo sa gilid ko. I just shrugged my shoulder when he sweetly smiled at me.
Maganda ata ang gising at hindi sambakol ang mukha ng luko. Nasa mood mang-asar.
Akma ko s'yang susubuan ng pagkain ng ma-realized kong ang kutsara na gamit ko mismo ang gagamitin ko sa kanya. Kaagad ko itong nilayo sa bibig n'ya at sa bibig ko isinubo. Napangiti ako sa naging itsura n'ya. Nakanganga habang sinusundan ng tingin ang kutsara na pumasok sa bibig ko hanggang sa ibaba ko ito sa plato. Nagpalipat-lipat pa ang mata n'ya sa akin at sa kutsara na nasa plato.
Umiling s'ya at umusod pa lalo palapit sa akin. Lalayo sana ako sa kanya ng akbayan n'ya ako. Inagaw n'ya sa akin ang hawak kong kutsara at kaagad sumandok ng pagkain. Tiningnan n'ya ako at nilapit sa aking bibig ang kutsara.
"Say.. ah." sabi pa n'ya.
Kaagad ko s'yang pinagpapalo sa kanyang balikat ng pag nganga ko ay sa bibig n'ya naman isinubo ang pagkain.
Sira talaga... Parang bata, gumaganti...
Malakas s'yang napahagalpak ng tawa matapos n'yang malunok ang pagkain na nasa loob ng bibig n'ya. Sinimangutan ko s'ya. Ngunit habang tumatagal napapangiti na rin ako ng parang may unti-unting mainit na kamay na humahaplos sa aking puso habang nakatitig sa masaya n'yang mukha.
Lumapad lalo ang ngiti ko sa lakas ng tawa n'ya sa akin. Ang sarap sa tainga. 'Yong tawang galing sa puso, malaya. Walang halong pagkukunwari.
Kung pwede lang sana ganito kami lagi.
Kaagad akong nalungkot sa aking naisip. Alam ko kasing imposible ang gusto ko pero lalong nahuhulog ako sa kanya at hindi ko na alam ngayon kung pa'no pa ako makakaahon sa subrang lalim.
Kung pwede lang sana turuan ang puso at kalimutan ang lahat, matagal ko ng ginawa. Kaso hindi e. Ang hirap pigilan kapag puso na mismo ang nagpasya at paulit-ulit na pinipili s'ya.
Sabi nila kaya nilagay sa ulo ang utak at sa ibaba ang puso para utak muna ang paganahin bago ang puso. Totoo ba 'yon? Ang alam ko kasi sentro ang puso. Hindi gagana ang utak kung wala ang puso. So, ibig sabihin sabay silang gamitin? Ang kaso sa sitwasyon ko puro ako puso. Init. Wala ng utak. Ayaw ng gumana. Nilayasan na akong tuluyan. Tapos soon to be teacher pa ako. Anong ituturo ko sa mga estudyante ko kung sarili ko mismo hindi ko kayang turuan? May matutunan kaya sila sa akin?
Bakit ba kasi ang hirap intindihin ng takbo ng buhay? Bakit kailangan pang may masaktan? Hindi ba pwedeng masaya lang? Masama bang humiling ng ganun? Kalabisan na ba kung hilingin ko na ako lang ang mahalin n'ya at wala ng iba pa? Selfish ba ako masyado or nakakasakal ako magmahal kaya ako pinagpalit sa iba? Or baka may kulang sa akin at saiba n'ya nakita?
I heaved out a deep sighs.
"Ang lalim no'n ah... may masakit ba sayo? Are you sore?" sinamaan ko s'ya ng tingin. "Sorry... hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kagabi. Pero hindi ko pinangsisihan na ginawa ko 'yon. Gusto ko pa ngang ulit-ulitin e." he said and kissed my temple. "W-Would you like to have a family with me, Sam? I mean... I want to have a baby with you. I want you to be the mother of my children. Bubuo tayo ng sarili nating pamilya. Payag ka ba, hmmm?"
Natigilan ako sa kanyang sinabi.
Teka... totoo ba ito? Hindi n'ya ba ako binobola lang?
Nakakunot-noo'ng tinitigan ko s'ya.
He smiled at me. Ginagap n'ya ang aking kamay at dinala sa kanyang mga labi at mainit n'yang hinalikan.
"Please say yes, Sam." nakangiti nya pa ring sabi sa akin.
Tumaas ang kanyang isa pang kamay at hinaplos ang aking kaliwang pisngi habang patuloy n'yang hinahalikan ang kanan kong kamay.
Biglang lumukso ang aking puso. Tumibok ng pagkabilis-bilis na animo'y tuwang-tuwa sa sinabi ng lalaking 'to sa harapan ko.
Hindi kaya nananaginip lang ako? Mahal n'ya nga ba talaga ako para sabihin sa akin na gusto n'ya akong maging ina ng mga magiging anak n'ya at magkaroon kaming pamilya?
Isa-isang pumatak ang luha sa aking mga mata habang dahan-dahan kong binabawi sa kanya ang aking kamay. Kaagad kong pinalis ang mga luhang lumandas sa aking mga pisngi at tahimik akong yumuko at nag-isip.
"Sam." nag-aalalang tawag n'ya sa pangalan ko.
I looked up and smiled at him. "It's a lifetime commitment, Wayne. Hindi ka na magiging malaya pa. Kaya mo ba akong panindigan? Kaya mo bang ipagpalit ang lahat para sa akin? Selfish ako pagdating sa mahal ko, Wayne. Ayaw kong may kahati. Gusto ko, ako lang at sa kanya lang din ako. Ayaw ko ng tingi-tingi. Kapag umuo ako sa gusto mo, kaya mo bang ibigay sa akin ang sarili mo ng buong-buo at walang pag-aalinlangan? Kung hindi, 'wag na. Baka dala lang ng emosyon mo at sa nangyari sa atin kagabi kaya nagkakaganyan ka ngayon."
"Sam, sigurado..."
"Pag-isipan mo..." napatigil ako sa pagsasalita ng siilin n'ya ako ng halik.
I automatically closed my eyes when I felt his hot lips touching mine. Sinapo n'ya ng kanyang dalawang kamay ang mukha ko at mariin n'ya akong tinitigan.
"Damn... dapat pala noon ko pa 'to ginawa para tumigil ka lang sa pagsasalita at ng makapagsalita ako. Bakit hindi man lang pumasok 'yon sa utak ko?" sambit n'ya sa sarili.
I chuckled.
Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay. Lumapad lalo ang ngiti ko sa kanya.
"Seryoso ako sa sinasabi ko, Sam. Matagal na. Kaso ayaw mong pakinggan ang gusto ko sanang sabihin sayo. Iniiwasan mo ako at dinadakdakan." inis n'yang sabi sa akin.
"Masisisi mo ba ako, Wayne?"
He heaved out a deep sighs. "I'm sorry kung nasabi ko ang mga 'yon sayo..."
I sealed his lips with mine to stop him too. Tanggap ko naman ang lahat basta mangako lang s'ya sa akin na hindi n'ya na ako lulukuhin pa.
Sinapo ko rin ng aking mga kamay ang mukha n'ya at nakangiti s'yang tinitigan sa kanyang mga mata. "Kung tanggap mo at kaya mong gawin lahat ng sinabi kong kondisyon para pumayag ako sa gusto mo, then my answer is a.... YES."
"Yes?" gulat n'ya pang tanong sa akin.
I nodded while smiling at him.
"Yes? Sure ka? Yes?"
Nakasimangot na kaagad kong binitawan ang mukha n'ya at tinulak palayo sa akin.
Bwesit.. pumayag na nga ako e. Ayaw pang maniwala..
"Oo nga sabi e. Ang kulit mo. Pukpukin mo ng martilyo 'yang ulo mo ng maintindihan mo lahat ng sinabi ko. Nakakainis ka." nakairap kong sabi sa kanya.
"F*ck..!" he cursed at parang tangang napasabunot pa sa kanyang mga buhok, lumayo sa akin at umikot ng ilang beses sa harapan ko habang nakatingala.
Naiiling na inilayo ko ang pagkain sa akin at nilagay sa gilid. Akma akong bababa ng kama ng pasugod n'ya akong nilapitan at sinibasib ng halik. Gulat na gulat na napahawak ako sa dibdib n'ya. Muntik pa akong mapahiga sa kama sa subra kong pagkabigla sa ginawa n'ya.
Nang mahimasmasan ako marahan ko s'yang tinulak sa kanyang dibdib para makapunta na ako ng banyo at maligo. Ngunit imbes na bitawan n'ya ako, inihiga n'ya ako sa kama at dinaganan. Pinalalim n'ya pa lalo ang paghalik sa akin. Hindi na ako tumutol pa sa gusto n'ya. Ipinikit ko ang aking mga mata. Kaagad na pinulupot ang aking mga braso sa leeg n'ya at tumugon sa mapusok n'yang paghalik sa akin.
We stopped and gasped for air. We're both panting. Lips bit parted. He stared at me with his eyes full of love and passion.
Love? Totoo kaya?
Pero habang tumatagal ang titigan naming dalawa, sigurado na ako sa sarili kong hindi ako namamalikmata lang. Although hindi n'ya mabanggit-banggit ang lintik na tatlong salita na inaantay ko, his action says it everything!
"I can't believe this is happening. You made me the happiest man in this world when you'd say yes to me, baby. You will always be my wife. My only wife." walang kurap-kurap na sabi n'ya sa akin habang marahan na hinahaplos ng hinlalaki n'ya ang pisngi ko at nangangapal kong mga labi.
"I love you so much, Wayne." sabi ko sa kanya.
"I know." sabi n'ya at muli akong siniil ng halik. "Tapusin na natin 'yong pagkain." ani n'ya matapos bitawan ang mga labi ko.
"No.. maliligo na muna ako. Doon na lang natin sa kusina ipagpatuloy." pilit na ngiti kong sabi sa kanya.
Nasasaktan ako dahil hindi nangyari ang inaasahan ko. Inisip ko sasagutin n'ya ako kapareha ng sinabi ko ngunit iba ang lumabas sa bibig n'ya. Disappointed ako na iwan. Pero kaagad ko rin tinaboy sa aking isip ang mga negatibong bigla na lang sumiksik at animo'y warning bell na 'wag akong pumayag sa gusto n'ya. Subalit ang puso ko ay nag-uumapaw sa tuwa at ayaw makinig pati ng katawan ko. Dalawa kontra sa isa, alin ba ang mananalo? Diba 'yong dalawa? Kaya bahala na lang. Gora na. Tutal mahal ko s'ya, magpapakipot pa ba ako sa napakagandang offer n'ya? Pamilya na ang gusto n'ya sa akin, aayaw pa ba ako e 'yon din naman ang gusto ko?
Napatili ako ng bigla n'yang haklasin ang comforter na nakatabing sa katawan ko at pilit pinaghihiwalay ang mga binti ko. Malakas na pinaghahampas ko ang mga kamay n'yang nakahawak sa mga tuhod ko.
"Ano ba Wayne..!" sigaw ko sa kanya habang pilit na pinagdidikit ang mga hita ko.
"Titingnan ko lang naman kung namamaga." tudyo n'ya pa sa akin.
Naeeskandalong malakas ko s'yang sinapak sa kanyang mukha. Kaagad n'ya akong binitawan at malakas na humagalpak ng tawa. Halos umalog pa ang kanyang mga balikat kakatawa habang nakatingin sa akin.
Halos magdugtongan ang mga kilay ko sa subrang inis ko habang nakatitig sa kanya.
Siraulo talaga...
"Ikaw naman.. hindi ka na mabiro. Alam ko naman na..."
"'Wag mo ng ederitso at alam ko na ang sasabihin mo. Bwesit na 'to wala man lang filter ang bunganga." nakairap kong sabi sa kanya.
"Wala namang makakarinig na iba babe. Tayong dalawa lang naman nandito, not unless... nakabuo na tayo. Pa-check up na kaya tayo sa OB?"
"Check up check up, check up-in mo 'yang mukha mo. Dinatnan ako last month kaya malabo pa sa blurred 'yang sinasabi mo."
"E 'di araw-arawin na natin para magkalaman na agad. Good idea diba... Isn't it exciting?"
"Pwede ba Wayne. 'Yang utak mo linis-linisin mo muna at latang-lata ako. Hindi pa nga ako maka-move on sa ginawa mo sa akin kagabi tapos ngayon 'yan na naman ang iniisip mo?" naiinis na reklamo ko sa kanya.
Muli itong napahagalpak ng malakas na tawa sa sinabi ko.
I rolled my eyes. Bumaba ako ng kama at dahan-dahan ng tumayo. Tumigil s'ya sa kanyang pagtawa at walang ano-ano't binuhat n'ya ako in a bridal style. Nanlaki pa ang aking mga mata sa kanyang ginawang biglang pagbuhat sa akin. Mabilis akong napakapit sa leeg n'ya.
Pagigil kong piningot ang matangos n'yang ilong ngunit kaagad ko din iyon nabitawan ng tangkain n'yang kagatin ang kamay ko.
Naglakad s'ya papunta ng banyo habang buhat-buhat ako. Nagulat pa ako ng makita kong naka-ready na ang liliguan ko. Nagtatanong na mga matang tinitigan ko s'ya at hindi hinihiwalayan ng tingin ang nakangisi n'yang mukha. Dahan-dahan n'ya akong binaba sa loob ng bathtub na may gatas at puno ng red rose petals ang maligamgam na tubig.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin, babe? Hindi ako papalag kung gusto mo akong kainin." nakangising asar n'ya pa sa akin habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng gilid ng bathtub.
"Anong paandar 'to at may pa ganito ka?" tanong ko sa kanya.
He chuckled. "You deserve to be pampered and treat you like my baby."
I sweetly smiled at him. "Sino nga pala 'yong mga inutusan mo kahapon na mga estudyanteng nagbigay sa akin ng mga bulaklak? May harana ka pang nalalaman ah."
Unti-unting napalis ang ngisi n'ya sa kanyang mga labi at biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay habang nakatitig sa akin. "May nanliligaw na naman ba sayong iba maliban kay Luigi?"
Nagtatakang napamaang ako sa sinabi n'ya. "H-Hindi ba ikaw ang nagpabigay ng mga 'yon?"
He cursed. "No... wala akong kinalaman d'on." galit n'yang sabi at kaagad na tumayo habang sapo ang kanyang noo.
Naglakad s'ya pabalik-balik sa harapan ko sa loob ng banyo.
Kung hindi s'ya sino? Malabong si Luigi dahil mismo s'ya at mga kaibigan n'ya ang nag-aabot sa akin ng mga bulaklak.
"Damn it. Kailangan na talaga kitang buntisin at ng matali ka na sa akin ng tuluyan. Baka maagaw ka pa sa akin ng iba." mahina n'yang sambit sa kanyang sarili pero rinig na rinig ko pa rin ang lahat ng sinabi n'ya. Animo'y nag-echo pa sa aking pandinig. Sukat doon nagsirko-sirko ang puso ko sa subrang tuwa. "Bakit ba kasi ang daming nagkakagusto sayo?" inis n'yang bulalas sa akin.
I smirked. "Bakit ka ba nagagalit sa akin e hindi naman ako nagpapakita ng motibo sa kanila? Malay ko ba kung bakit nila ako nagustuhan."
"Sh*t... malaman ko lang kung sino pa ang bagong nanliligaw sayo, masasakal ko... "
"Wayne.."
"What? Ipagtatanggol mo pa talaga. Baka gusto..."
"Isa pa at masasapak na talaga kita ng wala sa oras."
Kaagad s'yang natahimik sa sinabi ko at matagal akong tinitigan.
He heaved out a deep sighs. "Next time 'wag ka ng tatanggap ng kahit anong bulaklak 'pag may nag bigay sayo ha."
"Hmmm. Kahit galing sayo ang bulaklak hindi ko rin ba..."
"Samantha..."
Malakas akong napahagalpak ng tawa sa naging reaksyon n'ya sa sinabi ko. Umiiling na kaagad n'yang hinubad ang suot n'yang boxers at pumasok 'din sa loob ng bathtub. Umikot s'ya sa likuran ko at doon pumwesto. Mahigpit n'ya akong niyakap mula sa aking likuran and kissed my temple.
"I am very possessive of you, baby. Kung gusto mong ikaw lang, ganun din ako. Dapat ako lang, walang ibang lalaki."
"So what we have now, making a fence with our territory?"
"Of course, what else do you think?." sabi n'ya at hinigpitan pa lalo ang pagyakap sa akin habang mariin akong hinahalikan sa aking ulo.
Ang sarap sa pakiramdam. 'Yong akala mo maghihiwalay na kayo, pinagpalit ka na sa iba, tapos sa isang iglap malalaman mong mali ang lahat ng akala mo. Totoo nga ang kasabihan. Nakakamatay talaga ang maling akala. Dudurugin ka at paiiyakin ng bonggang-bongga pero sa huli malalaman mo na pawang mga mali ang lahat ng mga iniisip mo.
Pero masisisi n'ya ba ako kung bakit nagkaganun ako? Ang hirap ibalik ng tiwala kapag nalamatan na. Lalo't paulit-ulit pang ginawa. Sana lang 'wag n'ya ng ulitan pa dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pang muling patawarin s'ya.