WAYNE "Jelyn, what are you doing here?" nakakunot-noo'ng tanong ko sa kanya ng mabungaran ko s'yang nakatayo sa labas ng gate at ayaw papasukin ng guwardiya kong si Alex. Kaagad nagliwanag ang mukha n'ya pagkakita sa akin. "See, I told you kilala ako ni Wayne." sabi n'ya kay Alex saka nilampasan ito, nilapitan ako. Tiningnan naman ako ni Alex. I sighed and nodded at him saka naglakad papasok ng bahay. Sumunod naman sa akin si Jelyn. "Wayne..." "Hindi ka na dapat pumupunta pa dito sa bahay Jelyn, selosa ang asawa ko. Baka kung ano na naman ang isipin no'n kapag nakitang may ibang babae na naman na pumupunta dito sa bahay." matabang kong sabi sa kanya. "Alam ko naman 'yon. Ayaw mo naman kasi makipagkita sa akin kaya pumunta na ako dito. Gusto ko lang naman ng makausap. Gulong-gulo na

