Chapter 33

3300 Words
Samantha Haist... nakakahiya! Bakit ko ginawa 'yon? Kung ano-ano pang mga pinagsasabi ko sa kanya. Hindi talaga ako nag-iisip. Bwesit talaga... Kasalanan 'to lahat ng alak! Kasalukuyan akong nasa balcony. Nakasalampak ng upo sa sahig paharap sa sun lounger chair. Nagrereview para sa exam namin pero ang utak ko hindi makapag-concentrate kakaisip sa nangyari kagabi. Nagsuka ng nagsuka lang naman ako ng walang humpay sa harapan n'ya. At ang masaklap sa lapag pa! Napakabalahura ko talaga! Nakakahiya, s'ya pa ang naglinis. Tapos 'yong mga sinabi ko pa sa kanya... Haist..! Kaagad kong nasapo ng dalawa kong kamay ang ulo ko. Ano ba kasi ang pumasok sa utak ko at walang preno akong nagdadadaldal ng kung ano-ano sa kanya? Ganun ba talaga, kapag nakainom lumalakas ang loob? Pakiramdam ko kasi hindi ako ang nagsisisigaw at nagsususuntok sa kanya kagabi. "Babe, masakit pa rin ba ang ulo mo?" narinig kong nag-aalalang tanong sa akin ni Wayne mula sa aking likuran. Naestatwa ako sa aking kinauupuan. Pakiramdam ko nagliliyab ang buong katawan ko sa subrang hiya. Kung pwede lang sana bumuka ang lupa at lamunin na ako ng buo para 'di n'ya na ako makita. Hindi ko alam kung pa'no ko s'ya haharapin. Parang gusto kong tanggalin muna ang ulo ko sa leeg ko at itago sa cabinet sa subrang hiyang nararamdaman ko sa kanya. Mariin akong napapikit at nakangiwing dahan-dahan s'yang nilingon. "H-Hindi... hindi naman na masakit." sabi ko at kaagad nag-iwas ng tingin sa kanya. He smiled. "Pwede ba tayong..." "Ay! Oo nga pala... may nakalimutan akong labhan." nagmamadali akong kaagad na tumayo at niligpit ang mga gamit ko. "Punta muna ako sa laundry room ha." sabi ko sa kanya at kaagad siyang tinalikuran. Ano ba..! Bakit ba kasi naglaklak pa ako! Muntik pa akong madapa sa pagmamadali kong makalayo sa kanya. Para akong sinisilihan sa tuwing nakikita ko ang nagtatanong n'yang mga mata kahit nakangiti s'ya sa akin. Hindi ko alam kung pinagtatawanan n'ya ba ako or ano. Kahit saan ako magpunta lagi s'yang nakasunod. Bigla na lang susulpot. Malapit ko ng maikot ang buong Unit n'ya para lang makalayo sa kanya. Para akong tangang todo iwas sa kanya tapos ang bwesit na lalaking 'yon ayaw tumigil kakasunod at kulit sa akin. Gusto ko sanang makipagkita sa mga kaibigan ko para maiwasan s'ya kaso isa din ang mga babaeng 'yon. Kanina pa ako kinakalampag sa cellphone ko. Hindi na matapos-tapos ang tadtad na tanong nila sa akin. So I turned it off ng matahimik ako. Kaso kung gaano kakulit ng mga kaibigan ko, mas doble ang kulit ni Wayne. Kanina nasa kwarto ako ayaw lumabas. Inaasikaso n'ya ako. Binigyan n'ya akong mainit na sabaw at aspirin para matanggal ang hangover ko. Subrang sakit ng ulo ko at buong katawan paggising ko. Mapapamura ka talaga sa sakit. Parang binibiyak ang ulo ko. Ang sakit pa ng mga kamay at braso ko. Tapos parang umiikot pa ang bahay. Kaya nagtataka ako bakit marami pa rin na taong adik sa alak. Halos gawin ng tubig ang alak kung uminom pero hindi sila nagsasawa. Binabalik-balikan pa rin. Samantalang ako dalang-dala at halos isumpa ko na tumikim ako no'n. Paglabas ko ng banyo kanina matapos ko maligo nando'n pa rin s'ya. Inaantay ako habang nakaupo sa kama. Hindi ko matagalan ang uri ng titig n'ya sa akin. Nanghihina ako kaya binilisan ko ang aking pagbihis at kaagad lumabas ng kwarto. Dumeritso ako ng kusina para magluto. Ngunit nakasunod din s'ya at inaagaw sa akin ang ginagawa ko. Kaagad ko naman binigay sa kanya at lumabas ng kusina. Kinuha ko ang mga gamit ko sa eskwelahan at nagtungo sa labas ng balcony para magreview na lang ngunit hindi pa ako tumatagal doon nasa likuran ko na naman s'ya. Hindi ko alam kung bakit gusto n'ya akong makausap. Natatakot ako sa mga sasabihin n'ya. Hindi pa ako handang mawala s'ya sa akin. Siguradong iiyak lang ako sa harapan n'ya at magmamakaawa. Ayaw kong mangyari 'yon. Kailangan bago ako umalis matatag na ako. Makaya kong pakawalan s'ya ng buong puso. Pero sa ngayon hindi ko alam kung kailan pa ako tatatag, or kung darating pa ba ang araw na magiging matapang akong muli. Iwan ko ba, sadyang marupok talaga ako pagdating sa kanya. Nakakahiya man pero gusto kong sulitin ang mga araw na kasama ko s'ya. Umiiwas man ako sa kanya, still, sapat na sa akin ang makita s'ya, ang maamoy ang natural na bango ng katawan n'ya at ang makatabi s'ya sa pagtulog. Gusto ko pa muna s'yang makasama hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral ko. Kunting kembot ko na lang naman tapos na ako. Saka ko na iisipin kung anong susunod na hakbang ang gagawin ko dahil sa ngayon lutang ang utak ko at tanging s'ya ang laman. Hindi ako makapag-isip ng matino. Baka mapahamak lang ako kapag nagpadalos-dalos na naman ako ng desisyon. Ilang minuto na ang lumipas na nakatayo lang ako sa laundry room habang hawak-hawak ang notebook ko at nakatingin sa kawalan. Nakalimutan kong lahat ng damit namin nilabhan n'ya na pala. Pati 'yong damit kong may mga suka ko kagabi. Kaya wala naman na akong gagawin pa dito sa loob. Ang galing ko talaga mag palusot. Palpak... Malalim akong napabuntong-hininga. Napapitlag ako sa gulat ng may mga brasong biglang pumulupot sa aking baywang at mahigpit akong niyakap mula sa aking likuran. Pinatong n'ya ang kanyang baba sa balikat ko. "Bakit mo ako iniiwasan, hmmm?" mahina n'yang sabi sa akin. Mariin akong napapikit sa tanong n'ya. Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang s'yang mahigpit na nakayakap sa akin. Isa ito sa mga mami-miss ko sa kanya kung sakaling maghiwalay na ang landas naming dalawa. Masyado s'yang malambing at clingy kaya nahulog lalo ang loob ko sa kanya. Hinahanap-hanap ko ang amoy n'ya pati ang mga higpit n'yang mga yakap sa akin. Na-immune na ako ng tuluyan sa presensya n'ya at pag-aalaga n'ya sa akin. Sa paglipas ng mga araw na kasama ko s'ya kahit kailan hindi sumagi sa utak ko na maghihiwalay kami. Na mawawala s'ya sa akin. Kung hindi lang nagsipagsulputan ang mga babae n'ya hindi kami magkakagulo ng ganito. Nararamdaman ko naman na gusto n'ya ako e. Sa paraan ng pag-angkin n'ya sa akin, sa bawat halik at haplos na ginagawa n'ya, sa bawat kilos n'ya, nararamdaman ko naman na may feelings s'ya sa akin. Ang kaso hindi ko kayang may kahati akong iba sa kanya. Hindi ko kayang may ibang babaeng napapaugnay sa kanya. Gusto ko tanging ako lang. Selfish man ako pero hindi ko kayang ipamahagi o e-share ang lalaking mahal na mahal ko sa iba. Territorial na kung territorial. Possessive na kung possessive. Wala akong pakialam, basta akin lang s'ya. Ako lang mag-isa. Tanging ako lang walang iba, walang kahati. Ako at ako lang! Ang kaso naghahanap pa s'yang iba. Pinagtutuhog n'ya kaming lahat. 'Yon ang 'di ko kayang tanggapin at nagpapadurog ng pagkatao ko. Pakiramdam ko para ako 'yong pagkain na niluluto ng cooker. Pagkatapos tikman at maluto, iba ang kakain. Maya-maya naramdaman kong gumalaw ang isang kamay n'ya at marahan na hinahaplos paikot ang ibabaw ng tiyan ko. Kaagad akong nabalutan ng 'di maipaliwanang na init. Parang may kuryenteng nanulay deritso sa gitnang parte ng katawan ko ng mapagawi ang humahaplos n'yang kamay sa puson ko. Kaagad akong napadilat ng mag-iba ang pakiramdam ko. Parang nagsipagtalunan ang mga kuliglig sa loob ng bituka ko. Tumibok pa ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Gusto ko ang pakiramdam. Walang ibang lalaking nakakagawa nito sa akin kundi tanging s'ya lamang. "About sa mga sinabi mo kagabi..." Kaagad kong pinagkakalas ang mga braso n'ya ng muli s'yang magsalita. Gulat na gulat pa ang itsura n'ya ng harapin ko s'ya. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at yumuko. "M-May final exam kami bukas. Kailangan ko munang mag review." kaagad na putol ko sa kanyang dapat na sasabihin sa akin at nagmamadaling iniwan s'ya roon. **** Tahimik kami ni Kuya Damian sa byahe papunta ng eskwelahan. Dati an daldal ko sa kanya. Sabik akong magkaroon ng kuya kaya kaagad ko s'yang nakapalagayan ng loob dahil sa bukod sa mabait na, responsable pang asawa. Limang taong lang ang tanda n'ya kay Wayne at may dalawang anak. Maaga akong umalis ng bahay. Panay ang buntong-hininga ni Wayne habang magkaharap kaming kumakain kanina. Sa tuwing uungkatin n'ya ang nanyari noong nakaraang gabi kaagad akong umiiwas at nagmamadaling nagpaalam sa kanya. "May kabag ka ba, Sam?" tanong sa akin ni Kuya Damian. Kaagad ko s'yang nilingon at nakakuno't noong tinitigan. "Kabag?" Lumapad lalo ang ngiti n'ya sa akin. "Kanina ka pa kasi panay buntong-hininga d'yan. May problema ka ba?" ani n'ya at hininto ang kotse sa gilid ng eskwelahan. I sighed. "Hindi kasi ako nakapag-review kahapon. Finals namin ngayon, baka bumagsak ako." He chuckled. "Magsisinungaling ka pa talaga sa akin?" sabi n'ya habang umiiling. Yumuko s'ya at may inabot na kung ano sa katabing upuan. "Belated Happy Birthday Sam. Pasensya na, wala akong regalo. Hindi ko naman kasi alam." sabi n'ya habang inaabot sa akin ang isang tangkay ng pulang rosas na may kasamang ferrero chocolates. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa inaabot n'ya sa akin. Dahan-dahan ko itong inabot ng ngitian n'ya ako. "S-Salamat. Hindi ko naman kailangan ng regalo Kuya. Nag-abala ka pa." "Alam ko naman na si Sir Wayne ang gusto mong regalo..." Malakas itong napahagalpak ng tawa ng hampasin ko s'ya ng kamay ko sa balikat n'ya at tinitigan ng masama. Ngunit hindi s'ya natinag at halos umalog pa ang mga balikat sa pagtawa sa akin. "Sige na. Papasok na ako at baka mabatukan pa kita d'yan. Kaasar ka." sabi ko at kaagad ng bumaba. Lumakas pa lalo ang tawa n'ya sa akin. Sinarado ko ang pintuan ng kotse at iiling-iling na nakangiting naglakad na ako papasok ng Campus. Ilang hakbang pa lang ang nilakad ko ng may lalaking biglang humarang sa akin. Napahawak pa ako sa aking dibdib sa subrang gulat. Tiningnan ko ito ng masama. Nakangiting napapakamot pa sa batok na yumuko ito. "Pinapabigay lang po sayo Ms. Samantha." sabi nito. Nagpalipat-lipat ang mata ko sa isang tangkay na pulang rosas na inaabot n'ya at sa mukha nito. Napakunot-noo pa ako ng hindi ko makilala ang kanyang mukha. Hindi naman ito 'yong mga kagrupo ni Luigi na nagbibigay dati sa akin ng bulaklak. Kaagad nitong hinawakan ang kamay ko at nilagay doon ang pulang rosas sabay alis. Natitigilan na nasundan ko na lamang ng tingin ang papalayong lalaki. Teka... kanino na naman ba 'to galing? Nagtatakang pinagpatuloy ko ang paglalakad papasok ng Campus ng tatlong babae naman ang humarang sa akin at nakangiting inaabot ang tatlong tangkay ng pulang rosas. "Pinapabigay lang po sayo Ms. Samantha." sabay-sabay nilang sabi sa akin at kaagad akong tinalikuran matapos ko itong abutin. Matagal kong tinitigan ang mga bulaklak na nasa kamay ko. Nagtataka ako kung sino na naman bang lalaki ang nagpapabigay nito sa akin. Malalim akong napabuntong-hininga at nagkibit balikat na lang. Pagdating ko sa kanto, lumiko ako. Kaagad akong natigilan ng isang lalaki na naman ang humarang sa akin at tinuro ang mga kasama nito. Limang grupo ng mga kalalakihan ang nakita kong nakatayo sa gilid ng halamanan habang nakangiting nakatingin sa akin. Animo'y inaantay ang pagdaan ko. Lahat sila may hawak na tag-isang tangkay ng pulang rosas. Yung sa gitnang lalaki may hawak na gitara. Kaagad s'yang nagtipa ng gitara at kumanta habang nakatingin sa akin. I'm sorry my love If I've broken your heart last night I beg of you to forgive me Dearest one I'm sorry I promise my love I won't make that mistake again Oh won't you please forgive me And be my love again I was a fool To treat you mean and cruel I didn't know at all Now I've realized so I apologize I'll never, never hurt you again Ooh... Nakatulalang napatitig ako sa ganda ng boses ng lalaki habang kinakanta ang kantang "I'm Sorry My Love" Song by Victor Wood. Anong meron..? Bakit may ganito? "Pinapabigay lang po sayo Ms. Samantha. Kasama pati 'yong kanta." nakangiting sabi nila habang isa-isang inaabot ang pulang rosas sa akin pagkatapos kumanta no'ng lalaki sabay talikod. Kaagad kong pinigilan ang braso ng lalaking may hawak ng gitara na huling lumapit sa akin at nag-abot ng bulaklak. "S-Sino nag-utos sa inyo nito at anong Department kayo? Ngayon ko lang kayo nakita dito." Alanganin ako nitong nginitian habang hinihimas ng kaliwang kamay ang likod ng ulo nito. "Hindi po sinabi e. Basta napag-utusan lang kami. Sige, aalis na ako." sabi nito at kaagad akong tinalikuran. Naguguluhan na nasundan ko na lamang sila ng tingin. Hindi kaya... si Wayne ang may pakana ng lahat ng 'to? 'Yong lyrics kasi ng kanta parang... Hindi kaya humihingi s'ya ng sorry sa lahat ng kag*guhan na ginawa n'ya sa akin? Kaagad akong natigilan ng maalalang binigyan din ako ni Kuya Damian kanina ng isang tangkay ng rosas at ferrero chocolate. Sukat doon lumukso na naman ang umaasa kong puso at tumibok ng pagkabilis-bilis. Gusto kong matuwa at kiligin pero nagdadalawang isip ako at ayaw kong maniwala. Baka aasa lang naman ako sa wala. Bahala s'ya sa buhay n'ya. Nabubwesit akong kaagad nilisan ang lugar at pinagpatuloy ang paglalakad. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip bakit n'ya 'to ginagawa. Anong dahilan? Pero wala pa ring magandang idea na pumapasok sa utak ko kundi ang mga binuntis n'yang mga kabit n'ya. Kahit pagbalik-baliktarin man, legal wife n'ya pa rin ako at wala s'yang karapatan iputan ako sa ulo. Luluhod muna s'ya at luluha ng dugo sa harapan ko bago ko s'ya mapapatawad. Bwesit s'ya...! Hindi n'ya ako madadala sa pabula-bulaklak n'ya at halik-halik sa akin. Hindi ko man mapaglabanan ang pagkahumaling ng katawan ko sa kanya, ang nakasaksak na punyal sa utak at puso ko hindi n'ya matatanggal at mapaghihilom ang sugat ng ganun-ganun na lang. Manigas s'yang, babaero s'ya! Pag-ikot ko sa kabilang hallway ay malakas akong napasinghap ng may biglang humablot sa mga bulaklak na hawak ko. Kaagad kong nabitawan ang mga ito pati ang bitbit kong mga libro. Tumama ang mga tuhod ko sa semento matapos ako nitong itulak at malakas na bumagsak sa sahig. Aw! Napangiwi ako ng makita kong biglang dumugo ang aking mga tuhod. "Look at this cheap slut. Todo deny na walang namamagitan sa kanila ni Luigi pero tumatanggap pa rin ng bulaklak hanggang ngayon." ani ng maarteng boses sa akin. Nanlilisik ang mga matang kaagad ko itong nilingon habang nakaupo ako sa lapag at hawak-hawak ang gilid ng dumudugo kong tuhod. Nagdilim ang paningin ko ng makita ko si Monique at mga alipores nitong nakapalibot sa akin. Masama akong tinititigan at nakataas pa ang isang kilay habang nakakrus ang mga braso sa dibdib n'ya. "Ano na naman ba ang problema mo Monique? Kung naiinggit ka sa bulaklak 'di sayo na. Kailangan mo pa talaga akong itulak? At kahit kailan hindi nga kami nagkarelasyon ni Luigi. Bakit ba hindi maintindihan ng maitim mong utak 'yon? Sugod ka ng sugod hindi mo man lang muna inaalam kung ano ang katotohanan. Bakit hindi mo tanungin si Luigi ng mahimasmasan 'yang natutulog mong utak at tigilan na ako sa walang kwenta n'yong panunugod sa akin?" "Aba't lumalaban ka na ngayon na malandi ka! Nakita ko kayong magkayakap at nagtatawanan sa ilalim ng puno ng Molave tapos no'ng Birthday mo may pa surprise pa sayo. Sige nga ipaliwanag mo 'yon sa akin, aber." nanggigigil na sabi n'ya sa akin. I rolled my eyes. "Sino ka para pag-aksayahan ko ng laway? Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin. Wala akong pakialam. Nagpapaniwala ka kasi sa mga tsismis na nakakalap ng mga alipores mong pinaglihi sa pwet ng kaldero ang mga mukha at ugali." inis kong sabi habang tinitingnan isa-isa ang mga babaeng kasama nito na nakapalibot sa akin. Animo'y mga susugod ng gyera ang mga itsura. Wala naman akong ginagawang masama. Pinag-iisipan ako palagi ng kung ano-ano kay Luigi. Mga tsismosang walang magawa sa buhay kundi ang makialam sa buhay ng may buhay. Ang sarap putulan ng mga dila. Kung sa labas lang ng school nila ako tinambangan, naku, iwan ko na lang kung ano magawa ko sa kanila. Nananahimik ako ngunit sila lagi na lang akong pinipeste. Iwan ko kung pumapasok pa ang mga 'to sa room nila at palagi ko na lang nakikita dito sa Department namin. Parang mga kabute na bigla na lang susulpot sa harapan ko. "Aba't... matapang ka pang hitad ka!" nangangalaiting sigaw n'ya sabay sugod sa akin. Kaagad akong napapikit at inantay ang pagdantay ng kamay n'ya sa mukha ko. Ngunit ilang segundo na ang lumipas wala akong maramdaman na kahit anong tumama sa aking mukha. Kaagad akong dumilat. Nagulat pa ako ng may isang babaeng nakatayo sa harapan ko habang hawak-hawak ang kamay ni Monique na isasampal sana sa mukha ko. Nagsipagkulasan ang mga alipores nito at lumayo ng bahagya sa amin. Iniwan si Monique mag-isa. Takot at gulat naman ang nakikita ko sa mukha ni Monique habang nakatitig sa babaeng sumangga ng kamay n'ya. "Diba taga Tourism Department kayo? Anong ginagawa n'yo dito? Next time that I'm going to see your faces here, I won't tolerate this behaviours anymore. Stop bullying this poor girl or else you and your squad will kicked out in this school." sabi no'ng babae kay Monique at kaagad akong nilingon. Pareho pa kaming nagkagulatan ng makilala namin ang isa't-isa. "Hey... I know you. Samantha, right?" nakangiting sabi n'ya at binitawan ang kamay ni Monique. Kaagad n'ya akong nilapitan at tinulungan makatayo. Ang hapdi ng mga sugat at sakit ng tuhod ko. Pakiramdam ko nag-crack 'yong buto ko sa lakas ng bagsak ko kanina. Hindi ko inaasahan ang biglang pagtulak at pagsulpot sa likuran ko nina Monique kaya ganun ang nangyari. I smiled and nodded at her. Muling niligon ni Stacey sina Monique na ngayon ay namumutla na habang nakatingin sa kanya. "Kayo... magsibalik kayo sa room n'yo. Wala ba kayong mga pasok at nagliliwaliw kayo? Ere-report ko 'tong ginawa n'yo sa Principal ng ipatawag kayo at ang mga magulang n'yo." ani n'ya. Mabilis pa sa alas kuwatrong malalaking hakbang na umalis sa harapan namin sina Monique at ang mga alipores nito. Pati ang ibang mga estudyanteng nanonood sa paligid ay nagsipag-kulasan at nag kanya-kanyang alis. Animo'y takot na takot na iwan. Ang weird. Sino ba itong si Stacey para katakutan nila? Nagtatanong na mga matang tinitigan ko s'ya ng hinarap n'ya akong muli. She smiled at me. Tinulungan n'ya ako sa pagpulot ng mga nagkalat na rosas at mga gamit ko. "Bakit ka pala nandito sa school namin? You're not look like a student nor teacher to me." tanong ko sa kanya. "Uh... Anak ako ng isa sa shareholder dito sa school. May dadaluhan akong event kaso maaga pa naman kaya dumeritso muna ako dito. Tama lang din 'yong timing ko dahil nakita kita. 'Di ko akalain na dito ka pala nag-aaral. Hindi ko nakilala 'yong uniform na suot mo no'ng first encounter natin." sabi n'ya habang inaabot ang librong pinulot n'ya. Napatango-tango na lang ako sa mga sinabi n'ya. Biglang nanlaki ang mga mata n'ya ng mapadako ang tingin n'ya sa tuhod ko. "Dumudugo ang tuhod mo. Tara, samahan kita sa clinic." sabi n'ya sabay hatak ng kamay ko. Kaagad ko itong binawi. "'Wag na. Gasgas lang naman." Nagtatakang tinitigan n'ya ako. "Sure ka?" I nooded. "May First Aid Kit naman ako sa locker ko. Ako na lang maglilinis." She sighed. "If you say so." Nagkibit balikat s'ya habang nakangiwing nakatingin sa sugat ng tuhod ko. Animo'y siya ang nasasaktan. "Anyway, can I invite you for a dinner? Ay... No. You have to join me for a dinner. My treat. Aantayin kita mamayang hapon pag-uwian n'yo doon sa labas ha. Sige na at pupunta muna ako sa opisina." sabi n'ya at kaagad akong tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD