Chapter 25

3385 Words
Samantha "Sige, pirma ka d'yan. Tapos mag-iwan ka ng ID mo. Makukuha mo 'yon kapag binalik mo na ang librong hiniram mo." Kaagad akong nagpirma at binigay sa kanya ang isang ID ko. Pagkatapos ko magpasalamat sa kanya, dali-dali akong naghanap ng bakanteng mesa. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko para tingnan kung sino ang nagmessage sa akin. Narinig ko kasing tumunog ang message alert tone ko kanina habang kinakausap ko ang school librarian namin. Dali-dali kong binasa ng makita kong si Wayne ang nagmessage sa akin. Hubby: What's your lunch today, baby :)" Nakangiting kaagad akong nagreply sa kanya. Ako: Beef Steak with rice and vegetables salad. Ikaw ba? Kumain ka na? Kakasend ko lang ng reply sa kanya ay kaagad din tumunog ang cellphone ko. Ang bilis ah. Hindi ba s'ya busy or sadyang ako lang talaga ang laging laman ng isip n'ya kahit nasa trabaho s'ya? Halos gusto kong kiligin sa aking naisip. Pagkatapos kasi ng nangyari no'ng gabing 'yon, nagiging clingy na s'ya sa akin. 'Yong bagay na dati ako ang gumagawa bilang asawa n'ya ay s'ya na ang gumagawa ngayon. Ang aga n'ya laging gumising. Nakikipag-unahan pa sa akin sa kusina para magluto ng breakfast naming dalawa. Wala naman na akong magawa pa dahil mapilit s'ya. Ayaw din magpatulong. Pinapaupo na lang ako sa upuan sa harap ng mesa. Ako naman parang timang na nakangiting pinapanood na lang s'ya. Nakakapanibago pero ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko. Napaka-especial ko. S'ya na ang nag-aasikaso sa akin imbes na ako ang umasikaso sa kanya. Araw-araw n'ya din akong hinahatid at sinusundo sa school. Siya pa nagluluto ng hapunan namin pagdating sa bahay. Minsan dinadala n'ya ako sa kung saan na mamahaling Restaurant para mag dinner. Hindi lang 'yon, araw-araw pa s'yang may pabulaklak sa akin. Halos mapuno na ang Unit n'ya sa bulaklak na binibigay n'ya sa akin. Iniisip ko nililigawan n'ya ako sa mga kilos n'yang pinapakita sa akin. Hindi n'ya man sinasabi ang tatlong magic words sa akin, still, his actions speak louder that maybe he loves me too. Although confusing ang action na walang words, mas okey pa rin 'yon kaysa sa puro salita na walang action. Paasa kung baga. Masakit ang ganun. Kaya mas bet ko pa rin ang action without words. Baka hindi lang s'ya vocal sa feelings n'ya sa akin. Nararamdaman ko naman na gusto n'ya ako at mahalaga ako sa kanya the way he make love to me. Sa pag-aalaga n'ya sa akin at suporta. Wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama s'ya habambuhay. 'Yon ang sigurado ako sa sarili ko. Hindi na mapagkit pa ang ngiti ko sa aking mga labi na kaagad binasa ang reply n'ya. Hubby: I just finished my lunch. Wish you're here. I want you as my dessert. I want you as my... desert? Eh..? Makailang ulit ko pang binasa ang huling sinabi n'ya sa kanyang mensahe. Sukat doon biglang namilipit ang loob ng tiyan ko. Pakiramdam ko nagrambulan na ang mga paruparo at kulisap sa loob. Pati buong mukha ko biglang uminit. Walanghiya talaga ang lalaking 'to. Tanghaling tapat naiisip pa ang mga gano'ng bagay. Pero inaamin ko gusto ko din s'yang gawing dessert ko. Napangiti ako lalo sa aking naisip. Ako: Wala ka bang trabaho at kung ano-ano ang pumapasok d'yan sa utak mo? Napabuntong-hininga ako matapos kong e-send sa kanya ang reply ko. Ang bilis na ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko nasa harapan ko lang s'ya nagsasalita. Nakakahiya man pero bigla akong nakaramdam ng init sa sinabi n'ya. Ngunit kailangan kong pigilan ang sarili ko at nasa school ako. Tanghaling tapat pa! Kaloka s'ya! Wala talagang pinipiling oras ang lalaking 'yon at liniligalig lagi ang baliw kong puso at utak. Iwan ko ba at hindi ko maintindihan pa ang sarili ko kung bakit ganun ako sa kanya. Siya lang ang bukod tanging lalaking nakakagawa sa akin ng ganun. Mabilis n'ya akong napapainit. Pinapatibok n'ya ang aking puso ng pagkabilis-bilis. Pati utak ko nawawala sa tuwing kasama ko s'ya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit maraming taong nababaliw sa pag-ibig. Iba kasi ang pakiramdam. Kapag hindi mo kayang hawakan ang nararamdaman ng puso mo baka malunod ka ng tuluyan. Kagaya ko. Nalulunod ako sa subrang pagmamahal ko sa asawa ko. Napaigtad pa ako ng tumunog ulit kaagad ang cellphone ko hudyat na nagreply s'ya. Wala talaga siguro s'yang ginagawa kaya nambubulabog na naman. Sabagay araw-araw n'ya naman ginagawa 'to sa'kin. Hindi lang talaga ako masanay-sanay. Napapailing na lang ako at kaagad binasa ang message n'ya. Hubby: I miss you. Napakunot-noo ako sa reply n'ya. Ngunit ang puso ko bumilis pa lalo ang pagtibok. Akala mo naman ngayon lang ako nasabihan ng I miss you. Tapos isa pa ang lalaking 'to akala mo hindi kami nagkikita at may pa I miss you pang nalalaman. Halos magkapalitan na nga kami ng mukha sa subrang dikit n'ya sa akin araw-araw. Parang sawa na laging nakapulupot ang mga braso sa akin. Kahit sa tuwing wala akong pasok at pinapasyal n'ya ako kung saang lupalop ay kay higpit ng hawak n'ya sa kamay ko. Hindi man lang nahihiya na ako ang kasama n'ya. Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao wala s'yang pakialam. Hinahalikan pa ako sa aking noo in broad daylight... with audience pa! Wala akong ginawa kundi ang pamulahan ng mukha at palihim na kurutin s'ya ng pino sa kanyang tagiliran na susuklian n'ya naman ng malakas na tawa. Huhulihin pa ang kamay kong nangugurot sa kanya saka daldalhin sa kanyang mga labi para halikan. Ang nakapagtataka lang sa tuwing namamasyal kami balot na balot s'ya. Nakasumbrero at dark shades of sunglasses pa s'ya. Animo'y may pinagtataguan na iwan. Pero hinayaan ko na lang. Hindi na ako nag-usisa pa't bagay naman sa kanya. Lalo pa tuloy nakakahatak ng pansin ng mga kababaihan. Though nakakaramdam ako ng selos minsan, kaagad ko rin sinasaway ang sarili ko lalo't sa akin lang din naman nakatuon ang buong atensyon n'ya. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng tumunog ang call ringtone ng cellphone ko. Hubby calling... Damn... tumatawag ang luko. Mabibilis ang mga kamay na kaagad kong binuhat ang dalawang librong hiniram ko at malalaking hakbang na lumabas. Halos lahat ng estudyanteng nasa loob ng library nakatingin na sa akin dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko. Pambihira talaga. Nakalimutan ko din kasi e-silent mode. Nagpalinga-linga ako pagkalabas ko ng library. Nang matanawan kong unti lang ang tambay na studyante sa garden kaagad akong lumiko at dumeritso doon. I pressed the answer button at kaagad itong tinapat sa aking tainga. "What took you so long to answer my call?" bungad n'ya sa akin. Napangisi ako ng mahimigan ko ang inis sa boses n'ya sa kabilang linya. "Nasa library po ako ng tumawag ka. Galit ka naman agad." Hindi ito umimik sa kabilang linya. Ilang minuto ang lumipas na wala akong marinig. Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko pero nasa kabilang linya pa rin naman s'ya. Napakunot-noo ako. Bakit kaya bigla hindi na s'ya nagsalita? Lagot... nagalit kaya s'ya? "Wayne..." "I miss you." mahina n'yang sabi sa kabilang linya. I giggled. "Araw-araw tayong magkasama miss mo pa rin ako?" He released a pissed groaned. "I miss you everyday. Wish you're here, I wanna cuddle you all day long... forever." Natahimik ako bigla sa sinabi n'ya. Totoo kaya? 'Di ko na napigilan pa ang sarili kong kiligin ng todo. 'Yong puso ko parang lumutang na sa alapaap sa subrang tuwa at sayang bigla kong naramdaman sa sinabi n'ya. "Baby..." he huskily whisper on the other line. "Hmmm." "I want you now." Goosebumps... Damn it. Kaagad akong natigilan sa sinabi n'ya. Pambihira talaga. Nakainom ba s'ya or what at iba na naman ang takbo ng utak n'ya? Nangingiti sa sariling napakamot na lang ako sa aking ulo sa aking naisip. "Tumigil ka. Ang dami mong nalalaman d'yan." Malakas itong napahalakhak sa kabilang linya sa sinabi ko. Bwesit talaga. Pinagluluko ako. Maya-maya nadala na din ako at sumabay na rin sa pagtawa n'ya. Ilang minuto pa kaming nag-usap bago s'ya nagpaalam dahil may meeting daw s'yang dadaluhan. Nakangiti pa ako habang nilalagay muna sa silent mode ang cellphone ko bago binalik sa bulsa ng bag ko at nilisan ang garden. Bumalik ako ng canteen ngunit wala na doon ang mga kaibigan ko. Hindi ko na sila naabutan pa. Nagpalinga-linga pa ako pero hindi ko sila makita. Nagkibit balikat na lang ako at kaagad ng umalis. Naglalakad na ako sa hallway papunta sa room namin ng mapansin kong pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyanteng nadaanan ko. Napakuno't noo ako ng makita ko 'yong iba nagbubulungan pa pero sa akin nakatingin. Duh..? Ano bang ginawa ko sa kanila? Napahigpit ang hawak ko sa aking mga librong bitbit. Pinipilit ko ang sarili kong 'wag sila pansinin pero 'di ko maiwasan pang mainis sa mga naririnig kong sinasabi nila sa akin. "Ay, siya ba? 'Di hamak na mas maganda sa kanya si Monique. Katawan lang naman ang lamang n'ya pero kulang s'ya sa height." narinig ko pang ani nila habang naglalakad ako sa gitna nila. Animo'y mga tsismosang nagkumpulan sa hallway. Nagtsitsismisan at nagbubulungan pero rinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. May nalalaman pang patakip-takip ng kamay sa bibig kung malakas naman ang mga boses. Malalim akong napabuntong hininga sa uri ng mga tingin nila sa akin. Pinapasadahan ako ng mapanuri nilang mga tingin mula ulo hanggang paa. Bakit ganun, ang bilis naman nila manghusga? Hindi man lang muna inalam kung may gusto ba ako or what sa Luigi na 'yon. Tsaka 'yong lalaking 'yon ang dumadayo at lumalapit sa akin para pestehin ako kahit makailang ulit ko ng pinagsabihan na lubayan ako. Hindi ba nila nakikitang pinagtatabuyan ko ang lalaking 'yon para pag-isipan nila ako ng masama? "Ambisyosa, kabago-bago naglalandi agad. 'Di n'ya kilala ang binabangga n'ya." sabi pa no'ng isa. "Ang layo n'ya sa taste ni Luigi para magustuhan. I'm sure pinaglalaruan lang 'yan." sabad pa no'ng isa. Uminit lalo ang ulo ko sa naririnig kong mga pinagsasabi nila tungkol sa akin pero hindi ako umimik. Biglang nanikip ang dibdib ko sa galit. Ang hirap magtimpi pero kinaya ko. Nakakuyom ang mga kamaong binilisan ko na lang ang lakad para makalayo agad sa kanila. Hanggat maaari ayaw kong magkaroon ng kaaway. Sinisikap kong magbago at tuparin ang pangako ko kay Itay pero 'wag naman nila akong sagarin at mapipilipit ko talaga ng wala sa oras ang mga matatabil nilang dila. Malalim akong napabuntong hininga muli at pinaalalahanan ang aking sarili na mas mainam na ako na lang ang umiwas. Tutal alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang masama at mas lalong wala akong inaagaw sa Monique na 'yon. Papasok na ako ng classroom namin ng mapatigil din ako mismo sa hamba ng pintuan ng makita kong halos lahat ng tao doon ay nakatingin sa akin. Nakakunot-noo'ng tiningnan ko din silang lahat. Bakit puro sila... lalaki? Mga nakangisi pa sa akin. Teka... iginala ko ang aking paningin. Hindi ko sila kilala. Umatras pa ako para masiguro kung room ba namin ito at hindi ako nagkamali lang ng pinuntahan pero room talaga namin. Humakbang ako ng kunti papasok. Tiningnan ko ulit sila. Nangunot pa lalo ang aking noo ng mamukhaan ko si Ivan. Siya 'yong lalaking humarang sa amin noon ni Cait habang naglalakad kami palabas ng campus noong first day of school ko dito. Napasinghap pa ako ng malakas ng mapadako ang paningin ko kay Luigi na nakadekwatrong nakaupo sa upuan ko. Matiim na nakatitig sa akin. Animo'y inaabangan ang aking pagdating. Ano na naman ba ang ginagawa ng lalaking 'to dito? May isa pang tangkay na pulang rosas akong nakitang nakapatong sa armchair ng kinauupuan n'ya. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Bwesit talaga... ano na naman kaya ang balak ng lalaking 'to sakin? Wala ba silang pasok at maraming free time para guluhin ako? Dahan-dahan s'yang tumayo sabay dampot ng rosas at naglakad palapit sa akin. Hindi n'ya ako hinihiwalayan ng tingin. Halos hindi na s'ya kumukurap habang malapad na nakangiti at nakatitig sa akin. Damn it! Bigla akong kinilabutan sa uri ng titig n'ya sa akin. Kung hindi lang s'ya nakangiti iisipin kong parang gusto n'ya akong kainin na buo. 'Yong uri ng titig at ngisi n'ya sa akin nakakainit ng ulo. Kasapak-sapak. Parang nang-aasar na iwan, hindi ko mawari kung ano ang ibig iparating ng titig n'ya sa akin. Naaalibadbaran ako. Bigla kong naalala si Miguel. Talaga naman. Kaagad akong napahilot sa aking sentido. Kahit saan talaga ako pumunta may nagpapasakit ng ulo ko. Gusto kong kumaripas ng takbo palayo sa kanya ngunit parang ipinako naman ako sa kinatatayuan ko at hindi na makagalaw pa. Masamang tingin ang pinupukol ko sa kanya habang sinusundan ang bawat hakbang ng paglapit n'ya sa akin. Hindi man lang natinag ang kumag na 'to sa talim ng titig ko sa kanya. Lalo pa akong nginisian. Bwesit talaga! Wash day kami ngayon kaya naka-civilian s'ya. Nakasuot s'yang mint green na long sleeve at nakarolyo hanggang siko ang mga manggas. Nakabukas pa ang ilang butones. Tinernuhan ng puting fitted denim jeans and brown leather boots. Halos mamutok ang mga muscles n'ya sa kanyang mga braso at mga hita. No wonder, kaya pinagkakaguluhan s'ya ng mga babae at naging Campus Crush. Maliban sa matalino, mayaman, napakagaling mag basketball ay kamukha n'ya pa 'yong singer na kumanta ng No Promises na si Shane Ward. "A red rose to a beautiful lady." nakangiting wika n'ya sabay abot sa akin ng isang tangkay na pulang rosas paghinto n'ya sa tapat ko. I rolled my eyes. Ginaya pa 'yong asawa ko. Walang originality. Tiningnan ko lang ang bulaklak na inaabot n'ya sa akin at tiningala s'ya. "Ano na naman 'tong pakulo mo Luigi? 'Diba sinabi ko naman na sa'yong tigilan mo na ako? Wala kang mapapala sa akin." galit kong sabi sa kanya at kaagad ng tinalikuran s'ya. Ngunit kaagad din akong napabalik ng hatakin n'ya ang braso ko. Malakas na napasubsob ako sa dibdib n'ya. Nabitawan ko pa ang hawak kong Biology at Physics na librong hiniram ko sa library. Narinig ko pa ang pagsipol ng mga kabarkada n'yang nanonood sa amin. T'ngna talaga! Nakakanginig ng laman! Bakit ba ang tigas ng bungo ng lalaking 'to at ayaw akong tantanan? Simula kasi ng mag-away kami ni Wayne tungkol sa kanya ay umiwas na ako. Kaso masyadong makulit at pinepeste ako lagi. Basta na lang susulpot kung nasaan ako. Ang masaklap pa ang galing mag timing. 'Di ko kasama mga kaibigan ko na sina Caitlin at mga close friends n'ya na ipinakilala sa akin na kaibigan ko na rin ngayon na sina Sheeva, Criezel, Rose at Bea. Malugod nila akong tinanggap sa grupo nila. Tuwang-tuwa naman ako dahil nagkaroon ako agad ng mga kaibigan at pinagtatanggol pa ako. Akalain mo 'yon? Napakalaking blessings para sa akin ang makilala sila at maging parte sa buhay ko. Kaso iwan ko ba kung nasaan na sila ngayon. Iniwan ko sila kanina sa canteen ng magtungo ako ng library para manghiram ng libro. Pagbalik ko wala na sila. Akala ko nandito na sa classroom namin. "Seems like you're in a hurry, my lady." Kaagad akong napapikit ng mariin. Pakiramdam ko parang nag replay 'yong unang pagkikita namin ni Wayne. Kahit ginugulo ako ng lalaking 'to ang asawa ko pa rin ang pumapasok sa utak ko. Mabuti naman at tinantanan na ako ng tukso. Hindi ako magkakasala sa asawa ko. Napangiti ako sa aking naisip. Mabilis akong lumayo sa kanya at malakas kong piniksi ang kamay n'yang mahigpit na nakahawak sa kanang braso ko. Sinamaan ko s'ya lalo ng tingin. "I hope this gonna be the last time that I'm going to see you here, Luigi." Muling sumipol ang mga kaibigan n'ya na nasa loob ng classroom namin. Gaano ba sila kasikat sa eskwelahan na 'to at napasunod nila ang mga kaklase kong lumabas ng classroom namin? He chuckled. Humakbang s'ya palapit sa akin. "What's that a... threat?" ani n'ya sa akin at nakakaluko pa akong nginisian. Pinagpantay n'ya pa ang mga mukha namin. "Kung oo... kinikilabutan..." "Luigi..!" Kaagad akong napalingon sa aking likuran ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Cait. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang mga kaibigan ko. Malalaking hakbang na nilapitan nila ako. Nag-aalalang kaagad akong hinawakan sa braso ni Cait. "Are you okey, Sam?" I smiled at her. "You're just on time." She smiled back at me. Kaagad n'yang binalingan si Luigi. Pinamaywangan n'ya ito. "Nandito ka na naman? 'Di ba sinabi ko nang tantanan mo si Sam. Tsaka ba't nandito na naman kayo ng mga alipores mo, ha? Wala ba kayong pasok?" sabi n'ya rito at kaagad na nilampasan ito't dumeritso ng classroom namin. Nanlaki pa ang mga mata ko ng lapitan pa ako ni Luigi at kaagad kinuha ang kanang kamay ko. Nilagay doon ang rosas na pula na binibigay n'ya sa akin kanina at mabilis akong tinalikuran. Nagpalipat-lipat pa ang aking mata sa bulaklak at sa kanya na naglalakad palayo sa amin. " Hoy kayo, magsitayo kayo d'yan. Magsilayas kayo dito. Bilisan n'yo! Dali... Labas.. Labas.." kaagad napabaling ang tingin ko kay Cait ng marinig ko ang galit n'yang boses. Isa-isa naman nagsilabasan ang limang lalaking kasama ni Luigi sa classroom namin at hinabol ito. Pinagtutulak pa ang mga ito ni Cait pagdaan sa harapan n'ya palabas ng classroom namin. Nakangising nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko sa ginawa ni Cait. Animoy Nanay na pinapagalitan ang mga anak. Minsan napapaisip ako bakit parang mga bahag ang buntot ng mga lalaking 'yon kay Cait. Sumusunod sa sinasabi n'ya. Kahit si Luigi natatahimik din sa kanya kapag pinagsasabihan n'ya. Nagkikibit-balikat na lamang ang mga ito sa kanya at bubuntong-hininga saka tatalikuran kami. Ngunit pagkalipas ng ilang araw bigla na naman silang susulpot sa harapan ko. Ang dami pang paandar. Nakailang bigay na rin si Luigi sa akin ng red roses na pinamimigay ko naman sa iba. Halos magtitili pa sa tuwa ang binibigyan kong babaeng kaklase ko kapag sinabi kong galing kay Luigi ang bulaklak. "'Wag na kayong babalik dito ah!" pahabol n'ya pang sigaw ngunit pinagtawanan lamang s'ya ng mga ito. Napailing na lang ako sa aking sarili. Mukhang walang balak tigilan ako ng grupo ni Luigi. Kaagad kaming binalingan ni Cait. Tiningnan n'ya ang dalawang librong nabitawan ko kanina at kaagad na dinampot. Naglakad s'ya palapit sa akin at inabot ang mga ito. "Saan ka ba kasi nagpunta at 'di ka namin nakita do'n sa library kanina, Sam?" tanong sa akin ni Sheeva. Nagtatakang nilingon ko s'ya. Ngunit kaagad ko din naalala na baka nasa garden ako no'ng pumunta sila. Kinuha ko ang mga libro sa mga kamay ni Cait. "Baka nasa garden ako no'ng pumunta kayo ng library. May tumawag kasi sa akin kaya lumabas muna ako. Binalikan ko kayo sa canteen pero wala na din kayo doon kaya dumeritso na ako dito." "Kanina pa ba sila dito, Sam?" sabad naman ni Bea. "Hindi ako sigurado kasi pagdating ko dito, nandiyan na sila sa loob." ani ko. Kaagad kong binalingan si Rose at nilagay sa kamay n'ya ang bulaklak na bigay sa akin ni Luigi. "O...'yan sayo na lang. Nang magselos na naman ang babaero mong dyowa." Sabay-sabay kaming nagkatawanan. Kahit papa'no may pakinabang ang mga bulaklak na binibigay ni Luigi sa akin. Nagkakalabuan na kasi ang kaibigan kong si Rose at boyfriend n'yang si Justine. Ngunit ng makita nito ang bulaklak na binigay ko kay Rose na galing kay Luigi no'ng nakaraang araw, biglang sinuyo muli nito ang kaibigan ko. Akala siguro may pumuporma ng iba kay Rose. 'Diba? Hindi na masama. Kahit sumasakit ang ulo ko sa lalaking 'yon nagkabalikan naman ang kaibigan ko at ang longtime boyfriend n'yang si Justine na taga Medicine Department. "Thank you talaga, Sam. Biyaya ka ng langit sa akin." nakangiting sabi ni Rose sabay yakap ng mahigpit sa akin. "No... thanks to all of you. Kayo ang biyaya sa akin ng langit. Kung wala kayo iwan ko na lang kung kakayanin ko ang pinanggagawa nila sa akin." "Naku, nagdrama na naman ang lola n'yo. Tara na nga at nandiyan na ang nagmemenopouse nating Prof. Baka masabon pa tayo." sabad naman ni Criezel na ikinatawa pa namin lalo saka sabay-sabay ng naglakad papasok sa loob ng classroom namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD